Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Araling Panlipunan Reviewer, Lecture notes of Global studies

Ito ay tungkol sa ekonomiya ng PILIPINAS.

Typology: Lecture notes

2021/2022

Available from 11/06/2023

vince-michael-de-leon
vince-michael-de-leon 🇵🇭

3 documents

Partial preview of the text

Download Araling Panlipunan Reviewer and more Lecture notes Global studies in PDF only on Docsity!

➢ Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Ang bangko Sentral o Bank of England ay itinuturing at kinikilala na unang bangko sentral at naging modelo ng iba pang bangko sentral.

  • Naunang naitatag ang Riksbank ng Sweden noong 1656, Ang pinakamatandang bangko sentral sa daigdig
  • Ang ating bansa ay nagtatag din nito at ito ay kilala sa tawag na Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Ang batas Republika blg. 265 ang nagtatag ng Central bank noong Enero 3 1949 Ayon sa pagsasaliksik ni Miguel Cuaderno, ang unang gobyerno ng Bangko Sentral ng Guatemala at Paraguay yna ang ekonomiya ay kahalintulad ng ating ekonomiya noong panahong iyon.
  • Ang Central bank ay nalugi aty nagkaroon ng pagbabago, hanggang naitatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas
  • Ang batas Republika Blg. 7653, na kilala sa tawag na New Central Bank Act na pinagtibay ni dating pangulo Fidel Ramos noong Hunyo 14, 1993 ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng Central Monetary Authority (CMA) na tinawag na Bangko Central ng Pilipinas (BSP). Ang BSP ay may kapital na PhP 50 Bilyon. ➢ Mga Layunin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
  1. Makatulong sa pamahalaan upang mapag-aralan ang pinansyal na kalagayan ng bansa
  2. Maitaguyod ang pagtataas ng antas ng produksyon at tunay na kita ng mga mamamayan
  3. Mapangalagaan ang internasyonal na halaga ng piso at ang palitan nito sa dayuhang salapi
  4. Mapanatili ang katatagan ng pananalapi ng bansa at presyo na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya. ➢ Mga Gawain ng BSP 1. Cleaning House ng mga bangko Ang Salaping iniimpok ng mga tao ay hindi tinatanggap ng Bangko Sentral. Ito ay nagsisilbing Cleaning House ng mga bangko kung saan ang mga tsekeng idineposito at binayaran ng mga bangko ay sinusuri ng bangko sentral. Kapag may problema sa pera ang bangko tulad ng sitwasyon ng Bankruptcy, ang BSP din ang huling takbuhan ng mga bangko. 2. Pamamahala sa mga Bangko Iniiwasan ng BSP na magkaroon ng bank run, kaya ito ay nagpapautang sa mga bangko. Ang bank run ay ang sabay-sabay na pagbawi sa impok ng mga tao dahil nawalan sila ng tiwala sa bangko. Ito rin ang dahilan kung bakit nagtatakda ang BSP ng reserve requirement upang may magamit ang bangko sa panahon ng kagipitan. Ang pagme- merger ng mga bangko ay alam ng BSP. Ang merger ay ang pagsasama sama ng mga kapital at ari-arian ng dalawang bangko para sa kanilang kabutihan. 3. Tagapamahala sa reserbang dayuhang salapi,Ginto at ang pagbabayad sa utang panlabas at panloob Itinakda ng BSP ang foreign Exchange rate o ang halaga ng palitan ng piso sa ibang dayuhang salapi, tulad ng dolyar. Ang foreign Exchange rate ay pabago-bago depende sa

REVIEWER IN AP

galaw ng ekonomiya ng bansa. Ang BSP ay nagsisilbing safekeeper ng mga reserbang salapi at mahahalagang metal, tulad ng ginto. British Pound, Japanese Yen, EEC Euro,US dollar, british pound, HK dollar, Autralian at Canadian Dollars at saudi riyal ang mga salapi na tinatanggap sa foreign exchange.

4. Chief Banker at Pinansyal na tagapayo ng Pamahalaan Isa sa layunin ng BSP ay mapanatiling matatag ang pananalapi ng bansa. Ipinatutupad ang easy at tight money policy. Kapag nais na palawakin o dagdagan ang salaping nasa sirkulasyon ay binababaan ng BSP ang interest rates ng mga pautang upang maganyak ang mga negosyante na mangutang sa mga bangko. Ito ay paraan ng easy money policy. Ang tight money policy at isinasagawa kapag nais ng BSP na mabawasan ang salaping nasa sirkulasyon lalo na kapag mataas ang antas ng implasyon. - Ipinatupad din ng BSP sa lahat ng bangko sa bansa ang anti money laundering law upang maiwasan na masangkot ang mga bangko sa pagkakamal ng mga salapi ng ilang mga tao o institusyon. 5. Nag iisyu at Nag-iimprenta ng Salapi Ang lahat ng salapi na ginagamit sa ekonomiya ay naiimprenta at ginagarantiyahan ng BSP ito lamang ang may kapangyarihan na mag supply ng salapi sa sirkulasyon ➢ Paggawa ng Salapi

  • Isa sa mahalagang gawain ng BSP ay ang paglikha o pagmoneda ng salapi. Tanging ang BSP lamaang ang may pahintulot at kapangyarihan na mag imprenta ng salaping gagamitin sa bansa. Lahat ng salapi na inisyu ng BSP ay maaaring gamitin sa lahat ng transaksyon at ito ay ginagarantiyahan ng Republika ng Pilipinas
  • Ang pagmoneda (coinage) ng mga salaping barya at papel ay nasa kamay ng pamahalaan
  • Ang BSP ang tanging nag momolenda ng salapi sa ating bansa. Ito ay para maiwasan ang panggagaya aty pamemeke ng salapi (counterfeiting).
  1. Flat Money Autorithy Ito ang kapangyarihan ng bangko Sentral na mag imprenta ng salapi na ginagarantiyahan ang panggamit nito. Kailangang tanggapin ang salapi sa anumang transaksyon. 2. Reserve Requirement Ang mga bangko ay obligado na magdeposito sa BSP ng ilang porsiyento ng perang idineposito sa kanila. Ang pagtatakda ng reserve equipement ay isang paraan ng pagkontrol ng supply ng salapi. Ito ay ginagawa upang sa anumang pagkakataon ay siguradong may ma wiwithdraw ang mga deposito mula sa bangko. 3. Open Market Operation Ang BSP ang nagbibili ng mga bonds ng pamahalaan upang kontrolin ang salaping nasa bills (T-bills) ay bonds ng pamahalaan, ito ay tanda ng pagkakautang ng pamahalaan. Ang T-bills ay babayaran ng may interes upang marami ang mahikayat na bumili nito na makatutulong upang makalikom ng pondo ang pamahalaan. 4. Rediscount Rate

Ang BSP ay nagpapautang sa mga bangko na may problemang pinansyal. Naniningil ng interes ang bangko sentral sa mga pautang sa bangko. Ito ay tinatawag na Rediscounting. Ang ipinakikita lamang ng mga bangko sa pangungutang sa bangko sentral ay isang promissory note na galing sa nangungutang na bangko

5. Moral Suasion Ang pagkontrol ng dami ng salapi sa sirkulasyon ay maaaring gawin ng lahat ng bangko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tight money policy. Ang BSP ay patuloy na hinihikayat ang mga bangko na gawin ito

Ang Pagkilala sa salapi

Ang lahat ng bagay na ginagamit ng tao ay kanyang kinikilala at binibigyan ng pansin, isa na rito ang salapi.

Kahulugan ng Salapi

Ang salapi ay instrumento o midyum ng palitan na tinatanggap ng tao. Ang mga produkto at serbisyo ay naitatakda ang presyo gamit ang salapi. Ito ang ginagamit ng tao upang makabili ng mga produkto at serbisyo na makakatugon sa kanilang pangangailangan. Ang ibat ibang salapi saating Bansa

Penniform Gold Barter Ring – Unang barya sa bansa

Spanish Barilla – Unang barya na ginawa sa bansa

Quasi Bimentalism Mexican Peso

Mickey Mouse Money – Taguri sa salapi na ginamit noong panahon ng hapon

Bagong Lipunan – Ang nakasulat na salapi noong panahon ni dating pangulong Ferdinand

Emmanuel Edralin Marcos.

Mga nakalagay sa salapi ng Pilipinas

1000 peso

Harap - Larawan nina Jose Abad santos , Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda/ Medal of

Honor/Centenial of Philippine Independence

Likod – Tubbtaha Reef Natural Park, South Sea Pearl

500 Pesos

Harap – Larawan nila Benigno S. Aquino Jr. at Corazon C. Aquino at ang monument of EDSA

people power

Likod – Puerto Pirncesa Subterranean River National Park/ Blue Naped Parot

200 Pesos

Harap – Larawan ni Diosdado Macapagal at Barasoain Church

Likod – Bohol Chocolate Hills / Tarsier

100 Pesos

Harap – Larawan ni Manuel Roxas at Central bank of the Philippines at Inauguration of the Third

Republic.

Likod – Mayon volcano at Butanding or Whale shark

50 Pesos

Harap – Larawan ni Sergio Osmena Sr./ Leyte Landing

Likod – Taal lake at Maliputo Fish

20 Pesos

Harap – Larawan ni Manuel Quezon / Malacanan palace / Filipino as the chosen language

Likod – Banawe Rice terraces/ Asian Palm Civet