Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

bachelor let Reviewer in Filipino, Summaries of Literature

ang dolkyumento na ito ay makatutulong upang mas mapadal ang inyung pagrereview

Typology: Summaries

2021/2022

Uploaded on 04/23/2022

Fran_CHARIAN
Fran_CHARIAN 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download bachelor let Reviewer in Filipino and more Summaries Literature in PDF only on Docsity! Panitikan ng Rehiyon *Ang literatura ng rehiyon ay bahagi ng Literaturang Pambansa o National Literature. Maraming panitikan ng rehiyon ang naisasalin sa wikang Filipino na nakapag-aambag sa paglago ng wikang pambansa at literaturang pambansa. Ayon kay Lucila V. Hosillos, isang Ilonggang kritiko at manunulat na nagsusulong ng Teoryang “Interactive Vernacular – National Literature” na interaktibo ang relasyon, may buhay na ugnayan at magkakarugtong ang mga bituka at hininga ang mga panitikan sa rehiyon at sa tinatawag na pambansang panitikan. Panitikan: Katuturan Jose A. Arrogante *Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan Rubin *Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at maging ang bukas ng isang bansa. Azarias -Pilosopia ng Literatura *Pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa, na nababalot ng pag- ibig, o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba. Zeus Salazar *Ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan. Paz Nicasio at Federico Sebastian *Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga Akdang Pampanitikan na may Malaking Impluwensya sa Mundo 1. Banal na Aklat - Batayan ng kristiyanismo 2. Koran (Qu’ran) Banal na aklat ng mga Muslim 3. Iliad at Odyssey - Homer ng Gresya 4. Mahabharata – (India) Pinakamahabang tula sa daigdig 5. Uncle Tom’s Cabin (Amerika - Harriet Beecher Stowe) Batayan ng demokrasya 6. Canterbury Tales (Chaucer - Inglatera) 7. Aklat ng mga Patay (Ehipto) 8. Awit ni Rolando (Pransya) 9. Aklat ng mga Araw (Confucio) 10. Divina Commedia (Dante - Italya) 11. Ang Sanlibo’t Isang Gabi (Arabia/Persia) 12. El Cid Campeador (Espanya) Panitikan Batay sa Anyo A. Patula *Masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na maaaring may sukat at tugma, ang blangko berso may sukat ngunit walang tugma at ang malayang taludturan na walang sukat at tugma. *Mga Uri ng Patulang Panitikan A. Tulang Liriko/Pandamdamin *Nagsasaad ng marubdob na karanasan, guniguni o damdamin ng may-akda 1. Awiting-bayan *Maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwang nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig. - karaniwang pinapaksa ang pag-ibig, kawalang pag-asa, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan tulad ng Leron-Leron Sinta. 2. Soneto *Tulang may 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa, tulad ng “Sonnet” ni Jose Garcia Villa, “Soneto” ni Fernando Monleon. 3. Elehiya *Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal. 4. Dalit *Isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. 5. Pastoral *Mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran. 6. Oda *Isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay o tao. 7. Tulang Padula o Dramatiko *Mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan, tulad ng “ La India y El Negreto Amante” ni F. Baltazar. 8. Kantahin o Awitin *Karaniwang mga tugma na nilalapatan ng himig at inaawit o mga taludtod na may sukat at tugma na inilalaan para awitin. B. Tulang Pasalaysay *Mga kuwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma, mga tulang may kuwento at mga tauhang gumagalaw. 1. Epiko *Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala tulad ng “Biag ni Lam-ang” at “Indarapata at Sulayman”. 2. Awit at Korido *Mga patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay. -Kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas na karahasan ng katotohanan. -Karaniwang kinapapalooban din ng di kapani-paniwala tulad ng mahika, kababalaghan at mga kapangyarihang supernatural. Awit - may 12 pantig sa mga taludtod, “ Florante at Laura” ni Balagtas. Korido – may 8 pantig, “Ibong Adarna” ni Jose de la Cruz. C. Tulang Pandulaan *Mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag at sarswela, komedya o moro-moro at iba pa. Halimbawa: Romeo and Juliet D. Tulang Patnigan *Mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan o mga tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo at balagtasan. - karaniwan itong nangangatuwiran, nanghihikayat at nagbibigay-linaw tungkol sa isang paksa. “BUKANEGAN” sa Ilokano, hinango sa pangalan ni PEDRO BUKANEG sa siyang “Ama ng Panitikang Ilokano”. “CRISSOTAN” sa Kapampangan, sinunod sa pangalang Jose Crisostomo Sotto na kinilalang “ Ama ng Panitikang Kapampangan”. B. Tuluyan *Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Ayon kay Coleridge, ang tuluyan ay mga salita sa kanilang pinakamabuting kaayusan. Nabibilang dito ang anekdota, maikling kuwento, alamat, mito, pabula, talambuhay, nobela, sanaysay, balita, talumpati, dula, parabula atbp. 1. Alamat - mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. 2. Anekdota - maikling salaysaying nauukol sa karaniwang paglalarawan ng panlahat na katotohanan o panuntunan o kaya nakatawag-pansing katangian ng tao. Ito’y maikli at ang mga pangyayari ay maaaring tunay o parang tunay. 3. Salaysayin - mga kuwentong pang-aliw tulad ng kakuwanan ni Juan, kilala sa tawag na Juan Tamad sa mga Tagalog, Juan Osong o Juan Pusong , Juan Sadot at iba pa, sa Mindanaw kilala siya bilang Pilandok. 4. Parabula -kuwentong hinango sa Banal na Kasulatan, may layuning mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa lahat. 5. Pabula -salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y mga tunay na tao. Vicente Sotto : “Ama ng Panitikang Sebwano”. Eriberto Gumban :Siya naman ang tinagurian “Ama ng Panitikan Bisaya”. Norberto Romualdez: Naging mahistrado siya sa Korte Suprema at kinikilala namang manunulat ng dula at sanaysay na sosyo- pulitiko ng lalawigan ng Tacloban. Magdalena Jalandoni : Nagpauso ng tulang nasa malayang taludturan sa wikang Hiligaynon. Pinaka-popular siya na manunulat sa kanyang panahon. Apat sa mga kinikilalang nagpatibay sa pundasyon ng wika at panulaan ng mga Ilokano. *Pedro Bucaneg – Tinaguriang “Ama ng Panitikang Ilokano,” siya ay isang bulag na natagpuan sa baybayin ng Vigan noong 1592. Pinaniniwalaang isang Itneg si Bucaneg dahil na rin sa pangalang ibinigay sa kaniya ng paring Agustinong kumupkop sa kaniya. Hindi naging hadlang ang kapansan ni Bucaneg upang makalikha ng mga tula. Siya ang itinuturing na pangunahing tagasalin sa panulat ng epikong Ilokano, ang Biag ni Lam-ang [Buhay ni Lam- ang] noong 1640. *Leona Florentino (1849–1884) – Kinikilala bilang “Ina ng Panitikan para sa Kababaihan,” si Florentino ay nakapagsusulat na ng mga tula sa wikang Iloko at Spanish sa gulang na sampu. Nakapag-aral ng primarya ngunit hindi naipagpatuloy ang pag-aaral sa unibersidad dahil siya ay isang babae. Dahil nagmula sa mayamang angkan, pinaturuan siya sa mga pribadong guro. Ang kaniyang mga akda ay hindi lamang kinikilala sa Pilipinas, pati na rin sa Spain, France, at United States. Siya ang ina ni Isabelo de los Reyes. Isabelo de los Reyes – Isinilang sa Vigan, Ilocos Sur noong 1864, kilala si de los Reyes sa kaniyang mga sanaysay at pamamahayag. Siya ay kilalang mamamahayag at nagtatag ng El Ilokano (1889), pinaniniwalaang kauna-unahang panrehiyong pahayagan sa Pilipinas. Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas, Inc. (GUMIL Filipinas) – Ang GUMIL ay isang aktibong samahang pangwika na nagtataguyod ng Iloko mula pa noong 1968. May mga aktibo itong sangay sa iba’t ibang lalawigan ng Rehiyon I at mga kalapit na bayan. May sangay rin ito sa Hawaii, California, Guam, at Greece. Isa sa mga layunin ng samahan ay ang makapaglathala sa Iloko ng mga aklat ng tula, maikling kuwento, sanaysay, at nobela. Ang politiko at manunulat na si Arturo M. Padua ang unang pangulo ng GUMIL. Panitikan ng Rehiyon ( Kabisayaan ) Epiko: Labaw Donggon, Hinilawod, Maragtas Haraya Hari sa Bukid Tula: Binalaybay Babaylan - Luwa - *Isang nakakatawang tula na may apat na linya at binibigkas ng talunan Hal: Palayo, palayo Kay tam-an sa imo kabaho Kalapit sang suba Indi ka kabalo maligo Composo *Isang madamdaming awit tungkol sa buhay ng isang katutubong bayani o isang mahalagang pangyayari sa komunidad. Flores de Mayo *Awit /Dasal para kay Maria Pasyon *Paggunita sa pagkamatay at pagkabuhay ni Hesus. Gozos *Paggunita sa buhay ni Hesus at Maria Gitnang Visayas Cebu –Queen City of the South Balitaw *Nagmula sa kultura ng mga Cebuano. Ito ay isang masining na paraan ng pagdedebate. Gayunpaman, higit na kilala ang balitaw bilang debate ng pag-ibig na itinatanghal nang paawit at pasayaw ng magkapares na babae at lalaki. Malimit itong itanghal sa iba’t ibang pagdiriwang tulad ng pista. Tradisyonal na itinatanghal ito sa saliw ng subing, isang uri ng plawta, ngunit sa kasalukuyan ay gitara na ang ginagamit Mga Manunulat Vicente de Veyra Julio Curter Eduardo Makabenta Pablo Rebadulla Tomas Gomez Jr Selebrasyon Ati-atihan, Sinulog, Dinagyang - Patron ( Santo Nino) Panitikan ng Mindanao 1. Baleleng: *Ang Baleleng ay mula sa salitang leleng na nangangahulugang "sinta". Ito ay isang awitin ng pag-ibig mula sa Samal, Sulu 2. Daman *Ang Daman ay isang payo o talumpating patula ng mga Tausug. Ito ay kadalasang ginagamit sa panliligaw o ritwal sa kasal. 3. Darangen *Ang Darangen ay isang salitang Maranao at pangkalahatang tawag sa kanilang pag-awit. Ito din ay naging isang pamagat sa epikong-bayan ng Maranao. 4. Gindaya *Isang tulang inaawit sa ginem/gin-em/ginum, ang pinakadakila sa mga seremonya ng mga Bagobo. Ang mga Bagobo ay isang pangkat-etniko sa timog Mindanao, at naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Davao hanggang sa Bundok Apo. 5. Guman *Tawag ng mga Suban-on ng bulubundukin ng Zamboanga sa kanilang epikong-bayan. Ito rin ang pamagat ng epikong-bayan na naitalâ ni Esterlinda Mendoza-Malagar noong 1971 at inawit ni Pilar Talpis. Hábang kinakanta ang Gúman ng Dumalinao, nakatakip ang mukha ni Talpis at nakasara ang mga bintana ng bah. 6. Human-human *Tumutukoy sa mga kuwentong-bayan ng mga Mansaka ang human-human. Kadalasan, isinasalaysay ang mga human-human kapag may pagdiriwang at pagtitipon ng taumbayan, gaya ng kasal, lamay sa patay, at panahon ng anihan. Minsan, isinasalaysay rin ang mga human-human kung nagkakatipon-tipon ang mag-anak para magsalo-salo ng pagkain. Gumagamit ang mga Mansaka ng linda, isang uri ng estilo upang mas madaling matandaan ng mga nagbahahagi ng human-human. 7. Kata-kata *Isang uri ng mahabàng awit na pasalaysay ng mga Sáma Diláut. Itinuturing itong mahiwaga’t relihiyosong awit sa panggagamot ng maraming Sáma Dilaut. Gayunman, may mga Sáma na nakatahan sa lupa na itinuturing lámang itong karaniwang bahagi ng kanilang panitikang-bayan. 8. Kissa *Maikling salaysay na inaawit ng mga Muslim kapag may espesyal na okasyon. Maaaring kuwento itong kinuha sa Koran, gaya ng pag-aalay ni Abraham sa kaniyang anak upang maitayô ang templo ng Panginoon. Maaari namang kuwento ito ng búhat at pag-ibig ng mga datu at bantog na tao. Ang matatandang kissa ay ginagamit ng mga Tausug upang bakasín ang kanilang ninuno at angkan. 9. Sindil *Sagutan sa pamamagitan ng awit. (Tausug) 10. Liyangkit *Isang awit na solo, karaniwang ginagampanan ng pangunahing mang-aawit at malimit na isinusunod bilang pangwakas sa sindil. Sinasaliwan ang liyangkit ng tugtog sa gabbang (kawayang silopono), suling (katutubong plawta), at biyula (katutubong biyolin). 11. Nahana *Isang tradisyonal na awit ng mga Yakan. Karaniwan itong nagpapahayag ng kasaysayan ng isang angkan, kayâ itinuturing na mahalagang imbakan ng karanasan at pinagmulan ng mga Yakan. Habang nagpapahinga sa bahay, karaniwang inaawit ng mga Yakan ang nahana upang maaliw. May mga patimpalak naman na nagtatagisan ang mga Yakan sa pag-awit ng nahana. 12. Parang Sabil Tawag sa mga patulang salaysay ng mga Tausug ng arkipelago ng Sulu. Ang parang sabil din ay katumbas ng epikong-bayan sa wikang Filipino. Mula ito sa dalawang salitang Tausug: ang perang na nangangahulugang digmaan o kayâ’y espada at sabil na nagmula sa sabil-ullah, ibig sabihin ay “sa pamamaraan ni Allah.” Kung kayâ masasabing ang kahulugan ng parang sabil ay “lumaban gamit ang espada ayon sa kagustuhan ni Allah” o kayâ “pakikidigma ayon sa kagustuhan ni Allah”. 13. Saliada *Isang uri ng awiting-bayan ng mga Mansaka, isa sa mga pangkating etniko ng mga Mandaya, na matatagpuan sa lambak ng Maragusan sa Mindanao. Binansagan itong “balada ng Mansaka” ng pokloristang si Antonio S. Magaña sapagkat ginagamit din umano ang estratehiya ng pag-uulit na makikita sa isang balada. Isa ito sa dalawang anyo ng awiting-bayan ng mga Mansaka, bukod sa bayok na awit naman ng pag-ibig at pakikibaka. 14. Sindil *Isang paawit na sagutan ng dalawa o tatlong mang-aawit sa saliw ng gabbang(kawayang silopono), suling (katutubong plawta), at biyula (katutubong biyolin). 15. Tarasul *Isang uri ng tulang pabigkas ng mga Tausug at iba pang mga Muslim. Ito ay kabílang sa tradisyon ng panulaang pabigkas ngunit may mangilan-ngilan na isinusulat din ang mga ito. Ilan sa mga paksa na tinatalakay ng mga tarasul ay ang kalikasan, pagluluto o pag-ibig ngunit isa sa pinakamahalagang paksa na tinatalakay nitó ay ang iba’t ibang aspekto ng Islam. 16. Tenes-tenes *Isang uri ng awit na popular sa mga Sáma Diláut at inaawit ng mga musmos, ng mga kabataan, at ng mga tigulang. Nag-iiba ang himig at paksa ng awit alinsunod sa layunin at sa edad ng umaawit. Ang mga ténes-ténes na pasalaysay at tungkol sa mga totoong pangyayari sa Tawi-Tawi ay malimit na kinakanta ng mga mala- propesyonal na mang-aawit. Lumilibot silá sa mga pulô at naiimbita upang magdulot ng aliw sa mga kasalan at mga pagtitipon. May mga kuwentong umaabot sa isa hanggang dalawang oras ang pag-awit. Alamat Ang Alamat ng Mindanao Alamat ng Sari-manok Alamat ng Durian PABULA Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti (Pabula ng Maranao batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale) Ang Pagong at ang Ahas Ang Palaka at ang Daga Epiko a. Bidasari – Moro b. Indarapatra at Sulayman c. Tuwaang Maikling Kuwento 1. Pagislam 2. Reynang Matapat AKIVOT (Kataasang Bagobo) Muling isinalaysay buhat sa Upland Manobo Narratives ni Arsenio Mauel DULA ISMAIL AT ISABEL Ni: Rodolfo C. Vera, Pirata Maikling Buod ng Dula: Panitikan ng Luzon Salitang Tagalog - Taga-ilog Manunulat: 1. Severino Reyes – Ama ng Sarsuwela ( Lola Basyang ) Walang Sugat 2. Aurelio Tolentino – “Ama ng Dulang Kapampangan” 3. Juan Crisostomo Sotto – “Ama ng Panitikang Kapampangan” 4. Lope K. Santos ( Sagisag- Panulat- Sekretang- Gala), Kilala sa tawag na Mang Openg”. Nabibilang sa tatlong Panahon ng panitikang Filipino- panahon ng Amerikano, ng mga Hapon, at Bagong Panahon. Sinasabing “ Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa”. Ipinalalagay na ngayong pinaka “Apo” ng lahat ng mga mananagalog. Ang mga piling tula sa unang bahagi ng mga Amerikano ay tinitipon sa tatlong tomo ng mga aklat na pinamagatang “Puso’t Diwa”, “ Banaag at Sikat”- pinakaobra-maestra. 5. Julian Cruz Balmaceda- inuri sa tatlong mga makatang Tagalog at sumulat ng “ Bunganga ng Patinig”. . Jose Corazon de Jesus ( Huseng Batute )- Tinaguriang Makata ng Puso, at Hari ng Balagtasan. Obra-maestra ( Punongkahoy ). 6. Florentino Collantes ( Kuntil-Butil ) Unang makatang Tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampulitika) Obra-maestra ( Lumang Simbahan) 7. Amado V. Hernandez- tinaguriang “ Makata ng Manggagawa”. Marami siyang naisulat sa panitikan tulad ng “ Isang Dipang Langit”, “ Mga Ibong Mandaragit”, “ Luha ng Buwaya”, “ Bayan ng Malaya”, “ Ang Panday”. 8. Valeriano Hernandez Peña, ( Kintin Kulirat), kilala sa tawag na Mang Anong. Obra-maestra ( Nene at Neneng) 9. Iñigo Ed. Regalado- tanyag na kuwentista, nobelista at peryodista, ang kalipunan ng kanyang mga tula na pinamagatang “ Damdamin”. 10.Cecilio Apostol- sumusulat ng mga tulang hango sa mga bayani. Ipinapalagay na ang kanyang tulang handog kay Rizal ang pinakamainam na na tulang papuri.