Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Doc about reviewer in Filipino, Summaries of Political studies

Grade 10 topics for third quarter examination.

Typology: Summaries

2023/2024

Uploaded on 06/05/2024

esther-macariola
esther-macariola 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Doc about reviewer in Filipino and more Summaries Political studies in PDF only on Docsity! FILIPINO REVIEWER By: Esther Macariola PAGSASALING WIKA - Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Mga Katangiang dapat Taglayin ng isang Tagapagsalin 1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin. 2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. 4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Upang siya ay higit na nakakaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob ditto. 5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin 5 KONSEPTO NG MITOLOHIYA  Mitolohiya – Isang agham o pag-aaral ng mga mito at alamat. Ito ay mga kuwentong naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos- diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.  Mito – Isang uri ng kuwento o salaysay na hinggi sa pinagmulan ng sansinukuban, kuwento ng tao, ang mahiwagang nilikha at ang kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.  Pilologo – Isang uri ng pag-aaral ng linggawahe at kasaysayan.  Komprehensibong pag-aaral ni David A. Leeming (5 uri ng mitolohiya) 5 Konsepto ng Mitolohiya 1.) Ex Nihilo Creation – Tumutukoy sa Diyos na lumilikha ng lahat mula sa wala. O maaaring paglikha ng isang diyos ng isang sansinukob dulot ng kainipan. 2.) Creation from chaos – Ito ay tumutukoy sa pagbuo ng diyos ng isang sansinukob at mga nilalaman nito gawa sa mga materyal na madalas na nauugnay sa mga “chaos” o kaguluhan. Kadalasan ay ito ang mga clay, putik, o iba pang dumi na hinuhulma ng mga diyos bago likhain. 3.) World Parent Creation – Ang isang sansinukob/mundo ay ginawa bilang isang anak ng dalawa o mas maraming diyos na nagtatayong parang magulang nito. 4.) Emergence Creation – Nililikha at hinahayaang magkaroon ng sariling isip at desisyon ang mga tao. 5.) Earth-diver Creation – Ito ay ang pag-utos ng isang diyos sa isang nialalang na pumunta sa iba’t ibang parte ng mundo/sansinukob upang mapag-aralan kung ano ang mga nilikha at kung ano ang kailangan pang ilikha. AHRIMAN  Tauhan: - Ahura Mazda - Ahriman - Gayomard - Khashathra – Diyos ng Katwiran - Haurvatat – Diyos ng kapayapaan at Kaganapan - Spenta Armaiti – Diyos ng Pamamanata at tanod ng sandaigdigan - Ameretat – Tagapangalaga ng halaman - Vohu Manah – Diyos ng Mabuting Kaisipan - Asha Vahishta – Diyos ng Katarungan - Mashya at Mashyana  Tagpuan: Mundo, Walang Hanggang Liwanag  Banghay  Nagpasiya si Ahura Mazda na lumalang ng iba’t ibang bagay sa sansinukob. Nilikha aniya ang kalangitan mula sa bakal, tapos tupig, patag at bilog na daigdig na wala ni anumang bundok o lambak, mga halamang wala ni anumang tinik o balakbak, mga maliliit at malalaking hayop, ang kauna- unahang tao na si Gayomard, at ang pinakahuli niyang nilikha ay ang apoy na kaniyang ikinalat sa buong sansinukob.  Nang makita ni Ahriman ang mga gawa ni Ahura ay manghang-mangha siya rito ngunit hindi niya ipinakita. Nang makita siya ni Ahura Mazda ay binati siya nito, at sinabing gagantimpalaan niya raw si Ahriman at gagawin isang imortal. Ngunit dala ng kayabangan ay nagalit dito si Ahriman at binantaan ang karibal na diyos na papatayin niya si Ahura Mazda pati ang nilikha niya. Pagkatapos ay nang pagbalik ni Ahriman sa kanyang kaharian ay lumikha rin siya ng mga mababalasik na alagad na may intensiyon na salakayin ang kaharian ng Walang Hanggang Liwanag.  Batid ni Ahura Mazda ang mga pinaggagawa ni Ahriman. Kung kaya humulma siya ng anim na Espiritu upang bantayan ang kaniyang mga nilikha mula sa mga kampon ni Ahriman.  Nagalit ng bahagya si Ahriman nang malaman niyang lumikha ng mga Banal na Imortal si Ahura. Mula roon, Nagsubok na silang sirain ang sangkatubigan, subalit nasukol sila ni Haurvatat kaya pumait lang ang lasa ng tubig. Sinubukan nilang wakwakin ang sandaigdigan, subalit nasalag sila ni Spenta Armaiti at nangatinding lang ang mga lambak at bundok. Sinubukan din nilang was akin ang mga halaman, subalit napigil sila ni Ameretat kaya tinubuan lang ng mga tinik at balakbak ang mga halaman.  Patuloy na nagkalat ng lagim at delubyo ang Espiritu ng Kasamaan, sampu ng mga katuwang niyang demonyo, halimaw, at mangkukulam. Sinalakay nila ang unang tao na si Gayomard at ginawan ito ng sakit at kamatayan.  Buong akala ni Ahriman ay nagtagumpay siya laban kay Ahura Mazda. Nang mamatay si Gayomard, umusbong mula sa kaniyang mga buto ang isang halamang rhubarb. Pagkaraan ng apatnapung taon ay bumuka ang halamang rhubarb at isinilang mula rita ang lalaki at isang babae na sina Mashya at Mashyana. Nagkaroon ng labinlimang kambal ang dalawa at bawat isa ay nanirahan sa iba’t ibang panig ng mundo at nagsimula ng kani-kanilang mga lahi, at upang maikalat ang mga mabubuting gawi sa ibang panig ng mundo, ngunit mayroong iba na nawala sa landas at naging mga kampon ni Ahriman. ANEKDOTA  Isang maikling tala o kuwento tungkol sa isang indibidwal o pangyayari na karaniwang kawili-wili o nakatutuwa. - Sinasabing karanasan nila at hindi mga pasalin-dila - Maaaring naririnig/pinag-uusapan at Makita sa pang araw-araw - Laging may kabutihang asal MORAL VS ETIKA  Moralistiko – Ito ay nagmumula sa mga halaga, kultura, at paniniwala ng isang tao o isang lipunan. Inilalahad nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa tama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Ang moralidad ay naglalabas ng mga patakaran sa pag-uugali, pag-aasal, at mga desisyon na may kaugnayan sa etika. Ang moral ay isang pangunahing salik sa paghubog n gating pagkatao, ito ay nagbibigay-daan sa atin na makilala ang tama at mali, at kung paano tayo magkakaroon ng maayos na relasyon sa iba’t-ibang tao.  Etika – Ang etika ay nagpapakita kung paano tayo dapat kumilos at magdesisyon batay sa mga moral na prinsipyong iniugnay sa ating kultura, relihiyon, at paniniwala.  Parehong nauugnay sa “tama” at “maling” paggawi. Ngunit ang Moral ay tumutukoy sa sariling pagkilala sa kung ano ang tama at mali, kung saan ang Etika naman ay tumutukoy sa pamantayan na kadalasan binubuo sa isang lugar, grupo ng tao, o sa