Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

El filibusterismo 10, Summaries of Electronics

Reviewer for Filipino 10 el fili

Typology: Summaries

2023/2024

Uploaded on 10/24/2023

zora-mikasa
zora-mikasa 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download El filibusterismo 10 and more Summaries Electronics in PDF only on Docsity!

Ang Noche

Buena ng Isang

Kutsero

KABANATA 5

Mga Tauhan Basilio- ang bidang karakter sa kabanatang ito na nagbalik sa bayan ng San Diego sang-ayon sa utos ng kanyang ama-amahang si Kapitan Tiyago. Habang nasa daan ay marami siyang nakitang mga hindi kanais-nais ngunit pilit niyang nilalabanan ang damdamin. Sinong- ang kutsero ng sinasakyang karitela ni Basilio na nabugbog ng mga sibil matapos na maiwan nito ang kanyang sedula (lisensya) at kawalan ng spat na liwanag ng parol ng kanyang karitela. Kapitan Basilio- ang may-ari ng tahanan na napuna ni Basilio na tanging masaya sa araw ng Noche Buena. Nakita ni Basilio na siya ay dinalaw ng alperes at ng mag-aalahas na si Simoun. Simoun- ang panauhin ni Kapitan Basilio na tutungo sa Tiani kasama ni Kapitan Basilio upang bentahan ito ng mga alahas sapagkat nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes at isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. Alperes- ang kasamang panauhin ni Simoun sa tahanan ni Kapitan Basilio na nais bumili ng relo kay Simoun. Guwardiya Sibil- ang mga bumugbog at nagparusa kay Sinong matapos na maiwan nito ang kanyang sedula (lisensya) at makalimutang palitan ang parol na tanglaw ng kanyang karitela. Kapitan Tiyago- ang may-ari ng tahanan na tutuluyan ni Basilio sa San Diego at nag-utos ditto na bisitahin ang kanyang tahanan bilang paghahanda sa napipintong pagbabalik ni Maria Clara mula

Talasalitaan Ipipiit- ikukulong Karumata- kalesa Kinulata- hinampas; pinukpok ng baril Kutsero- taong nagpapatakbo ng kalesa Natubigan- natigilan Pitagan- paggalang Sambalilo- sumbrero Takba- tampipi

BUOD

Sa isang gabi, umuwi si Basilio sa San Diego, upang ipagdiriwang ang Noche

Buena sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sumakay siya sa isang karwahe na ang

pangalan sa kutsero ay si Sinong. Kung kailan na may pista dun pa sila

naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at dahil dun

binugbog siya ng Guwardiyang Sibil.Nakita nila ang mga prusisyon na imahe

ng Matusalem, tatlong haring mago, San Jose at ang huli ay ang Mahal na

Birhen at may mga bata na kasama ang ibang imahe.

Nabugbog na naman ang kutsero sa kadahilanan na walang ilaw ang kanyang

parol. Kaya naglakad na lamang si Basilio kasi ayaw nya nang gulo. At nakita

nya na ang bahay ni Kapitan Basilio na bukod tanging masaya at nakita nya

na nag-uusap doon si Alperes, Simuon, ang kura at si Kapitan Basilio.

Pagkadating ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago ay iginagalang siya kaagad sa

isang katiwala. At binalita ng katiwala ang mga lahat ng pangyayari nang itoy

nasa ibang lugar pa. At nagkwento rin ang katiwala sa nangyari kay

Kabesang Tales. Dahil roon natigil sa pagkain si Basilio at walang ganang

kumain.

KAISIPAN Ipinakita na malulupit ang mga Kastila noon at lagging naparurusahan ang tao kahit kaunti lang ang pagkakasala.

Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas sa mga Pilipino na maniwalang darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at madilim na landas. ARAL