Download FILIPINO 10 QUARTER 4 NOTES and more Study notes English in PDF only on Docsity! Narito ang mga tuntunin sa panghihiram ng salita ayon sa 2001 Revision ng Alpabeto ng wikang Filipino. 1. Sundin ang sumusunod ng mga lapit sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita. A. gamitin ang kasalukuyang leksyon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga. Halimbawa: Hiram na salita sa Filipino 1. Expert Dalubhasa 2. Ability - Kakayahan B. Kumuha ng mga salita mula sa iba't ibang katutubong wika sa bansa. Halimbawa: Hiram na salita sa Filipino 1. Imagery. Hiraya (Tagalog) 3. Muslim Priest-Imam (Tausug) 2. Husband bana Cebuano) C. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa kastila,Ingles at iba pang wikang banyaga at saka baybayin sa pilipino. Halimbawa: Hiram na salita sa pilipino 1. Pollution- polusyon 2. Invention Imbensyon 2.) Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X. F, J, V, Z Kapag ang salita ay hiniram nag buo ayon sa sumusunod na mga kondisyon Pantanging ngalan Halimbawa: Quezon Mendoza, El Niño, victory liner Salitang katutubo mula sa lbang wika sa Pilipinas. Halimbawa: Ifun (Ibanag) pinakamaliit na banak. Salitang hindi konsistent ang Ispelling o malayo ang Ispelling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa alphabetong filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito. Halimbawa: bouquet,rendezvous, champagne, monsieur Salitang pang-agham at teknikal Halimbawa: air pollutants, carbon monoxide Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit. Hamilbawa: taxi, exit TEORYA NG AKDANG PAMPANITIKAN MORALISTIKO - tumatalakay sa pagpapahalagang moralidad at disiplina. SOSYOLOHIKAL- nahihinuha ang kalagayang panlipunan sa panahon na isinulat ang akda. SIKOLOHIKAL - masasalamin ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan at tumatakbo sa isipan ng may katha. PORMALISMO - pinagtutuonan ng pansin ang mga istruktura at pagbuo ng kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. IMAHISMO - nag-iiwan ng isang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. HUMANISMO - tao ang sentro ng daigdig, binibigyang pansin ang kakayahan at katangian ng tao. MARXISMO - ipinakikita ang tunggalian at paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa: malakas at mahina, mahirap at mayaman, may kapangyarihan, at naapi. ARKETIPO-gumagamit ng modelo o huwaran at binibigyang diin ang mga simbolismong ginagamit sa akda FEMINISMO - layunin nitong labanan ang sistemang patriarkal na namamayani sa lipunan. EKSISTENSYALISMO - nakapokus sa malayang pagpapasya ng tao para sa kanyang sarili. KLASISMO - pinahahalagahan ang pagsusuri sa layon ng katotohanan, kabutihan at kagandahan, marangal, tiyak at obhektibo. ROMANTISISMO - tumatakas mula sa realidad o katotohanang nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kapwa at bayan. REALISMO - katotohanan ang binibigyang diin at inilalahad ang tunay na buhay. Ang Filibusterismo sa simpleng salita, “Filibustero”, aygaling sa Espanyol na nangangahulugang “Roman Catholic”. pirata (pirate), isangtaong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isangtáong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayanpara suportahan ang isang pag- aaklas (freebooter) Ibang pamagat ng el filibusterismo: THE REIGN OF GREED, THE SUBVERSIVE, ANG PAGHAHARI NG KASAKIMAN, ANG SUBERSIBO 1892-Nagkaroon ng Pag-aalsa sa Cavite 1887-Sinimulan ang pagsulat ng El Fili sa Calamba Mayo 5, 1888- Binago ang balangkas ng ilang kabanata ng El Fili 1889- Nilisan ni Rizal ang London at tumungo sa Paris. Agosto 1890- Dumating si Rizal sa Madrid at tinapos ang ilang karagdagang kabanata ng El Fili. Marso 21, 1891- Umalis siya sa Madrid at nagtungo Biarritz at tinapos doon ang manuskrito ng El Fili Hulyo 5, 1891- Lumipat si Rizal sa Belgium at naghanap ng murang palimbagan at natunton niya ang F. Meyer-Van Loo Press Agosto 6, 1891- Itinigil ang pagpapalimbag at kalahati lamang ng aklat ang natapos dahil sa kakulangan ng pundo. Sept. 18, 1891-Nailabas na sa imprentahan ang El Filibusterismo Oct. 1891-Isinerye ng El Nuevo Regimen, isang pahayagan sa Madrid, ang El Fili sa mga isyu nito sinimulan niyang isulat sakaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887. 1888, nirebisani Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela.