Download Filipino 9 Quarter 4 reviewer and more Cheat Sheet Biology in PDF only on Docsity! FILIPINO 9 QUARTER 4 REVIEWER Talambuhay ni Jose Rizal ▪ Pangalan: Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda ▪ Sagisag sa Panunulat: Dimasalang, Laong Laan, P. Jacinto, Pepe ▪ Kapanganakan: Hunyo 19, 1861; Calamba, Laguna ▪ Kamatayan: Disyembre 30, 1896; Bagumbayan, Manila (Rizal Park) Kahulugan ng Buong Pangalan ▪ Dr. - Nagtapos sa kursong Medisina sa Unibersidad ng Central sa Madrid, Spain. ▪ Jose - Pinili ng kanyang in ana deboto ni Saith Joseph (San Jose) ▪ Protacio - Galing sa isang Kristiyanong kalendaryo ▪ Mercado - ibig sabihin ay market o pamilihan ▪ Rizal - Mula sa “ricial” na ibig sabihin ay luntiang bukirin ▪ Alonzo - Dating apelyido ng kanyang ina ▪ Realonda - Apelyido ni Donya Teodora na mula sa kanyang Lola. Pamilya ▪ Ama: Don Francisco Mercado Rizal ▪ Ina: Doña Teodora Alonzo y Quintos Realonda ▪ Mga Kapatid: • Saturnina – Paciano – Narcisa – Olimpia – Lucia – Maria – Jose – Concepcion – Josefa – Trinidad – Soledad Pag-ibig ▪ Segunda Katigbak – Unang nagpatibok sa puso ni Rizal ▪ Leonor Rivera – Naging kasintahan mula 1880 – 1891 ▪ O-Sei San – Isang Haponesa ▪ Nelli Bousted – Mula sa France; hindi nagkatuluyan dahil sa relihiyon at pagtutol ng kanyang ina ▪ Josephine Bracken – Mestisang Ingles at Irish; kataling-puso ni Rizal Pag-aaral ▪ Elementarya: Biñan, Laguna ▪ Sekondarya: Ateneo de Manila ▪ Kolehiyo: Ateneo Municipal de Manila (Bachiller en Artes / Agham ng Pagsasaka) : Pamantasan ng Sto. Tomas : Universidad Central de Madrid (Medisina) Mga Paglalakbay Madrid ▪ Nag-aral at nakapagtapos ng Medisina Heidelberg ▪ Siya ay dumalo ng mga seminar / panayam upang mapalawak ang karanasan bilang manggagamot Berlin ▪ Dito tinapos ang pagsusulat ng nobelang Noli me Tangere ▪ Napalawak ang kaalaman sa optalmohiya at nakasalamuha ang mga iskolar at siyentipikong Aleman Macau at Hongkong ▪ Nalaman niyang may mga taong itinalaga ang pamahalaang Kastila upang siya’y manmanan. Yokojama, Japan ▪ Pinatuloy siya sa tirahang opisyal ng legasyon matapos anyayahan ng kalihim ng Legasyong Espanya ▪ Pinaunlakan niya ang anyaya dahil wala naman siyang itinatagong lihim o anumang laban sa Pamahalaang Kastila. Brussels ▪ Dito niya ibinuhos ang panahon sa pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo at La Solidaridad at mga liham sa kaibigan. France ▪ Nakilala at naging kasintahan niya si Nellie Bousted ▪ Tinutulan siya ng ina dalaga sapagkat ayaw ni Rizal maging Protestante kaya hindi sila nagkatuluyan. Resulta ng Buhay ni Rizal ▪ Ipiniit si Dr. Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. ▪ Nang iharap siya sa hukumang Militar at litisin, ay hinatulan siya ng kamatayan. ▪ Isinulat ni Dr. Rizal ang “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam) bago siya barilin ▪ Siya ay binaril sa Bagumbayan (Rizal Park o Luneta ngayon) noong Disyemebre 30, 1896 ▪ Naging araw ng pangilin ang ika- 30 ng Disyembre ng bawat taon, dakilang araw ng paggunita ng mga Pilipino sa pinakadakilang bayani ng Pilipinas, si DR. JOSE RIZAL. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli me Tangere ▪ Magdadalawampu’t apat na gulang ng sinimulang isulat ni Rizal ang Noli me Tangere. ▪ Unang Kalahati sa Madrid ▪ Ang ibang bahagi ay sa Paris ▪ Ang natitirang bahagi ay natapos sa Alemanya ▪ Nagpahiram ng pera si Maximo Viola para mailimbag ni Rizal ang Noli me Tangere ▪ Ang Noli me Tangere ay naimprenta sa Berlin Layunin ng Noli me Tangere ▪ Ilarawan ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay, mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan at mga pagdadalamhati ▪ Pagtambad sa balatkayong relihiyon (ginagamit ang Banal na Kasulatan upang magkasalapi at magpalaganap ng mga maling paniniwala.) ▪ Pag-angat ng tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan. ▪ Ipakita sa kababayan kung ano-ano ang mga kapintasan, mga bisyo, pagwawalang bahala sa mga pagdaralita at pagpapakilala ng karuwagan. Dahilan kung bakit nais ni Rizal bumalik sa Pilipinas ▪ Gustong operahan ang kanyang Ina ▪ Mabatid kung bakit hindi tumugon si Leonor Rivera sa kanyang mga sulat ▪ Malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan Bilang hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kanyang mga kaaway. Pinayuhan si Rizal ng Gobernador na umalis na muli sa Pilipinas alang-alang sa kanyang pamilya at bayan.