Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

FILIPINO GRADE 10 REVIEWER, Study notes of History

FILIPINO GRADE 10 REVIEWERFILIPINO GRADE 10 REVIEWER

Typology: Study notes

2023/2024

Uploaded on 09/24/2024

anotherfaye
anotherfaye 🇵🇭

2 documents

Partial preview of the text

Download FILIPINO GRADE 10 REVIEWER and more Study notes History in PDF only on Docsity! FILIPINO REVIEWER Mitolohiya ● Ang salitang "mitolohiya" ay nangangahulugang "agham o pag-aaral ng mga mito" ● Ang mga mito ay mga kuwentong naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan at nilalang na sinasamba ng mga sinaunang tao ● Ang mga mito ay mula sa salitang Latin na "mythos" at Greek na "muthos", na nangangahulugang "kuwento" ● Ang mga mito ay nagpapahayag ng mga marubdob na pangarap, takot, at pag-asa ng mga sinaunang tao ● Ang mga mito ay nagpapaliwanag sa misteryo ng pagkakalikha ng mundo, tao, at iba pang nilalang ● Ang mga mito ay may kaugnayan sa teolohiya at ritwal Mga Halimbawa ng Mitolohiya sa Pilipinas ● Ang mga Ifugao ay may kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig, kung saan ang magkapatid na sina Bugan at Wigan ang nakaligtas Gamit ng Mitolohiya 1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig 2. Paliwanag ang puwersa ng kalikasan 3. Maikuwento ang mga sinaunang pangyayari 4. Magturo ng mabuting aral 5. Maipaliwanag ang kabayanihan 6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan Mga Tauhan sa Mitolohiya ● Zeus/Jupiter - Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon, tagapagparusa sa mga sinungaling ● Hera/Juno - Reyna ng mga diyos, tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa ● Poseidon/Neptune - Hari ng karagatan, diyos ng lindol ● Hades/Pluto - Panginoon ng impiyerno ● Ares/Mars - Diyos ng digmaan ● Apollo - Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at panulaan ● Athena/Minerva - Diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan ● Artemis/Diana - Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan ● Hephaestus/Vulcan - Diyos ng apoy, bantay ng mga diyos ● Hermes/Mercury - Mensahero ng mga diyos, diyos ng paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, at panlilinlang ● Aphrodite/Venus - Diyosa ng kagandahan at pag-ibig ● Hestia/Vesta - Diyosa ng apoy mula sa pugon Tulang Liriko ● Ang tulang liriko ay puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, at tagumpay ● Maikli at payak ang uri ng tulang liriko Uri ng Tulang Liriko ● Pastoral - Tungkol sa simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa ● Elehiya - Tula ng pamamanglaw dahil sa kalungkutan, kamatayan, at iba pa ● Soneto - Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan, at pananaw sa buhay Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon ● Ang kultura ng France ay naimpluwensiyahan ng Celtic, Gallo-Roman, at Franks (German tribe) ● Ang France ay dating tinatawag na Rhinoland, at sa panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag na Gaul ● Kahit may malawak na pagkakaiba sa mga lungsod at pangunahing lungsod, ang France ay nagkaroon ng magkaisang lakas dahil sa mga digmaang nangyari sa nakalipas na 200 taon Mga Wika sa France ● Ang pangunahing wika ay French, na sinasalita ng 88% ng populasyon bilang unang wika Iba pang mga wika na ginagamit sa France: ● German (3% ng populasyon) ● Flemish (maliit na pangkat sa Hilagang-Silangan) ● Arabic (ikatlong pinakamalaking wika) ● Italian (ikalawang wika sa mga nakatira sa hangganan ng Italy) ● Basque (ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border) ● Catalan, Breton, Occitan dialects, at mga wika mula sa dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole Relihiyon ng France ● Ang pangunahing relihiyon ay Katoliko (80% ng populasyon) (Relihiyon ng France) Iba pang pangunahing relihiyon: ● Islam (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan mula sa hilagang Africa) ● Protestante ● Judaism Pagpapahalaga ng mga taga-France ● Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan, at karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa kanila ● Ang pag-uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng mga Amerikano na kawalang-galang ● Ang ekspresiyong "chauvinism" ay nagmula sa France ● Marami pa rin ang naniniwalang ang France ay male-dominated culture kahit na ang kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo ● Niyayakap ng mga taga-France ang estilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila ● Ang mga taga-France ay naniniwala sa "egalite" na nangangahulugang pagkakapantay-pantay, at ito'y bahagi ng motto ng kanilang bansa: "Liberte, Egalite, Fraternite" Lutuin ● Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming mga pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan ● Palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty baguettes na iniuuwi sa bahay ● Ang keso ay mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French ● Bagaman marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin ang nag-uugnay sa kanilang lutuin sa malapot na sarsa at komplikadong paghahanda Ilang halimbawa ng matataas na uri ng pagkain: ● Boeuf bourguignon - nilagang baka na kinulob sa red wine, beef broth at nilagyan ng bawang, sibuyas at kabute ● Coq au vin - ulam na may manok, alak na Burgundy, Jardons (maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms, sibuyas at maaari ring lagyan ng bawang Pananamit ● Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit ● Karamihan sa kanila ay sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi sobra sa dekorasyon (overly fussy) ● Ang karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot na sombrero Sining ● Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France-lalo na sa Paris at iba pang pangunahing lungsod ● Ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic ay makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali ● Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement ● Ang Louvre Museum sa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang tahanan ng maraming kilalang gawa ng sining, kasama na angMona Lisa at Venus de Milo Mga Piyesta at Pagdiriwang ● Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga Kristiyano tulad ng Pasko atMahal na Araw ● Inaalaala din nila angMay Day, kilala rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ● Ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France