Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Filipino Lesson Plan Grade 4., Slides of English Literature

I made this document for may education purpose.

Typology: Slides

2021/2022

Uploaded on 03/27/2022

karen-bien-balinado
karen-bien-balinado 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Filipino Lesson Plan Grade 4. and more Slides English Literature in PDF only on Docsity!

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang: a) Nalalaman ang kahulugan ng panitikan. b) Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng akdang pampanitikan. c) Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng panitikan. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Kahulugan ng Panitikan at Aspekto ng Akdang Pampaninitikan Sanggunian: http://panitikankarunungangbayan.blogspot.com/2015/04/ano-ang-panitikan-ang- panitikan-ay.html https://www.facebook.com/MajobeNiJordan/posts/mga-akdang-pampanitikanmga-akdang- tuluyan-ay-yaong-mga-nasusulat-sa-karaniwang-t/2559109217671160/ Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation, visual aid, GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL I. PANIMULANG GAWAIN a. Panalangin -

Ang lahat ay magsitayo at simulan natin ang

ating araw sa pananalangin. ________ maari

mo bang pangunahan ang pagdarasa.

Ama namin sumasalangit ka,

Sambahin ang pangalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo.

Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang

sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin

sa araw araw;

At patawarin mo kami sa aming mga sala,

Para nang pagpapatawad namin sa

nagkakasalaan sa amin;

At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,

At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Amen.

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation b. Pagbati Magandang umaga mga bata. Kumusta naman kayong lahat? c. Pagtatala ng liban sa klase May liban ba para sa araw na ito?

Mabuti naman mga bata. Nagagalak

akong malaman na kompleto kayo sa

araw na ito.

Magandang umaga din po teacher. Mabuti po ma’am. Wala po teacher! a. PANLINANG NA GAWAIN a. Tukoy alam Hanap Salita (mag papaskil ang guro ng dalawang visual aids ng hanap salita at kailangang mahanap ng mga mag aaral ang mga tamang salita sa mga gulong letra sa loob ng kahon) b. Pangkatang Gawain: (Ang mga mag aaral ay hahatiin sa apat upang maisagawa ang aktibiti. Bawat grupo ay maghahanda ng papel at ballpen/pentel pen na kung saan ay duon isusulat ang mga nahanap na salita sa mga gulong letra. Bago sumagot ay bibilang ng tatlo ang guro, saka lamang maaring magsagot ang bawat grupo. Ang unang pangkat na makapagtataas ng kanilang sagot at syang panalo at pupunta sa una upang bilugan ang salitang nahanap. Ang pinakamaraming puntos ay siyang panalo.) Panuto : Hanapin ang mga salitang kaugnay sa ating talakayin tungkol sa panitikan. Maaring bilugan o guhitan ang sagot.

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation b. Paglalahad

  • Ano ang napansin ninyo sa mga salitang inyong nahanap?
  • Tama!
  • Mag bigay ng mga pangyayari na maaring magparadam nito satin.
  • Maraming Salamat sa inyong pagsagot mga bata.
  • Ngayon ay may babasahin may tayong kwento. Ito ay ang “Ang mga nawawalang sapatos ni Kulas”
  • Inaasahan kong babasahin niyo ito ng tahimik at may pang unawa. P A G I B I G R G A Y K A A C F V G B H N S T A G P G T F C X G N A O L H A A K F L E X J G O U I N N I A V E U Y A P N H G M A S S U N B P A G I A R U I N U L A X K K G M S I N D A K M E G U A B Q T A M A A L V A T N A K L I F E A F A P A T S D R T B H J U K M N I K A L I G A Y A H A N - Ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon po. - Kaligayahan po ma’am kapag po mataas sa test. - Pag asa po kapag pinansin ni crush. - Kalungkutan. Napagalitan ni nanay. - Pangamba. Mababa ang nakuhang marka sa exam (ang mga bata ay tahimik na nagbabasa) “Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas” Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz. Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas P A G I B I G R G A Y K A A C F V G B H N S T A G P G T F C X G N A O L H A A K F L E X J G O U I N N I A V E U Y A P N H G M A S S U N B P A G I A R U I N U L A X K K G M S I N D A K M E G U A B Q T A M A A L V A T N A K L I F E A F A P A T S D R T B H J U K M N I K A L I G A Y A H A N

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina. Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito. “Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata. Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali- daling tumakbo palabas ng bahay. “Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya palabas. Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos. “Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya. Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila. Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag- aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila. “Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio. Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak. “Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina sa anak. Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas. Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation iyon na binili para sa kanya ngayong taon. “Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata. “Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak. Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan nila ito. Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling. c. Pagtatalakay at Pagpapahalaga

  • Sino ang pinakatauhan sa kwento?
  • Bakit nag-away ang mga magulang ni Kulas?
  • Anong dahilan bakit luma ang gamit na saptos ni Kulas sa pagpasok?
  • Anong aral ang nakuha ninyo sa binasang kwento?
  • Mahusay mga bata!
    • Si Kulas!
    • Dahil luma padin ang ginagamit na sapatos ni Kulas sa pagpasok.
    • Binigay po ni Kulas sa kanyang kaibigan sa labas ng paaralan.
    • Matutong magpahalaga sa regalong bigay ng magulang.
    • Huwag magsinungaling kahit na mabuti ang iyong ginawa/intensyon.

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation

  • Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating aralin tungkol sa Kahulugan ng Panitikan at Aspekto ng akdang pampanitikan. Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang " pang-titik-an " na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
  • Noong 1983, para kay Arrogante, isang

talaan ng buhay ang panitikan kung saan

nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na

kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay

at buhay sa kanyang daigdig na

kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa

pamamagitan ng malikhain pamamaraan.

  • Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang

panitikan bilang isang lakas na

nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa

niyang isa itong kasangkapang

makapangyarihan na maaaring magpalaya sa

isang ideyang nagpupumiglas upang

makawala. Para sa kanya, isa rin itong

kakaibang karanasang pantaong natatangi sa

sangkatauhan.

  • Ang panitikan ay nagsasalaysay din sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, (Ang mga mag aaral ay tahimik na nakikinig sa talakayan)

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Uri ng Panitikan

  1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata. 2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong. Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan

ay yaong mga nasusulat sa karaniwang

takbo ng pangungusap.

1. Alamat - ito'y mga salaysaying hubad

sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan

ng bagay ang karaniwang paksa rito.

2. Anekdota - ito ay isang mahabang

salaysaying nahahati sa mga

kabanata.Hango sa tunay na buhay ng

tao ang mga pangyayari at sumasakop

sa mahabang panahon.Ginagalawan

ito ng maraming tauhan.

3. Nobela - Ang nobela o kathambuhay

ay isang mahabang kuwentong piksyon

na binubuo ng iba't ibang kabanata.

4. Pabula - Ang pabula ay isang uri ng

kathang-isip na panitikan kung saan

mga hayop o kaya mga bagay na

walang-buhay ang gumaganap na mga

tauhan.

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation

5. Parabula - isang maikling kuwentong

may aral na kalimitang hinahango mula

sa Bibliya.

6. Maikling kwento - ito'y salaysaying

may isa o ilang tauhan,may isang

pangyayari sa kakintalan.

7. Dula - ito'y itinatanghal sa ibabaw ng

entablado o tanghalan.Nahahati ito sa

ilang yugto,at bawat yugto ay

maraming tagpo.

8. Sanaysay - isang maiksing

komposisyon na kalimitang naglalaman

ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan

na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay

ng isang tao hango sa mga tunay na

tala, pangyayari o impormasyon.

10. Talumpati - isang buod ng kaisipan o

opinyon ng isang tao na pinababatid sa

pamamagitan ng pagsalita sa

entablado.

11. Balita - ay ang komunikasyon ng mga

kasalukuyang kaganapan sa labas at/o

loob ng isang bansa na nakatutulong sa

pagbibigay-alam sa mga mamamayan.

12. Kwentong bayan - ay mga salaysay

hinggil sa mga likhang-isip na mga

tauhan na kumakatawan sa mga uri ng

mamamayan, katulad ng matandang

hari, isang marunong na lalaki, o kaya

sa isang hangal na babae.

13. Salawikain - ay mga maiiksing

pangungusap na lubhang makahulugan

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation

at naglalayong magbigay patnubay sa

ating pang-araw-araw na pamumuhay.

14. Kasabihan - kawikaang nagsasaad ng

ating karanasan.

Mga tulang pasalaysay

pinapaksa nito ang mahahalagang mga

tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at

kabayanihan ng tauhan.

1. Awit at Korido - isang uri ng tulang

nakuha natin sa impluwensya ng mga

Espanyol. Ito ay may sukat na walong

pantig bawat linya at may apat na linya

sa isang saknong.

2. Epiko - tumatalakay sa mga

kabayanihan at pakikipagtunggali ng

isang tao o mga tao laban sa mga

kaaway na halos hindi mapaniwalaan

dahil may mga tagpuang

makababalaghan at di-kapani-

paniwala.

3. Balada - isang uri o tema ng isang

tugtugin.

4. Sawikain - ay maaaring tumukoy sa:

A. idyoma , isang pagpapahayag na ang

kahulugan ay hindi komposisyunal.

B. moto , parirala na nagpapahiwatig ng

sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

C. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

5. Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o

patuuran ay isang pangungusap o

tanong na may doble o nakatagong

kahulugan na nilulutas bilang isang

palaisipan (tinatawag ding palaisipan

ang bugtong).

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation

6. Kantahin - ay musika na magandang

pakinggan. Kadalasang itong maganda

kung gusto rin ito ng makikinig.

7. Tanaga - isang maikling katutubong

Pilipinong tula na naglalaman ng pang-

aral at payak na pilosopiyang

ginagamit ng matatanda sa

pagpapagunita sa mga kabataan.

8. Tula - Pinagyayaman ito sa

pamamagitan ng paggamit ng tayutay.

Ang mga likhang panulaan ay

tinatawag na tula.

  • Batid kung naintindihan na ninyo ang

kahulugan ng panitikan at aspekto nito.

  • May tanong ba kayo mga bata? Wala na po teacher! d. Paglalahat
  • Saan nagmula ang salitan panitikan?
  • Mag bigay ng ilang halimbawa ng akdang tuluyun.
  • Mag bigay ng ilang halimbawa ng akdang patula.
  • Bakit kailangan nating aralin ang Panitikan Pilipino?
    • Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang-titik-an na kung saan ang unlaping pang ay ginamit at hulaping an.
    • Alamat, Talambuhay, Maikling Kwento, Salawikain, Nobela. Epiko, Bugtong, tula, kantahin
    • Mapaunlad po natin ang karunungan sa pagsusulat upang tayo ay mas mapabuti at mapaunlad.
    • Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.
    • Para mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto

Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C aptivating knowledge T hrough E ducation e. Paglalapat

  • Ngayon mga bata maghanda ng isang malinis na papel at sumulat ng iyong Talambuhay na bumubuo ng tatlong talata. Sa unang talata ay ang mga personal na impormasyon tungkol sa inyo, sa pangalawang talata ay tungkol sa mga paboritong Gawain o libangan at para sa pangatlo naman ay ang inyong pangarap sa inyong paglaki at bakit ito ang iyong napili. Bibigyan ko kayo ng 15 minutos upang matapos niyo ang inyong Gawain.
  • Maari na kayong magsimula (Ang mga bata ay tahimik na gumawa ng aktibidad) III.PAGTATAYA: Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at gamit ang mga salitang nasa kahon, tukuyin kung anong salita ang hinahanap sa bawat tanong. Isulat sa patlang ang inyong sagot. ____________1. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. ____________2. Ang mga kwento na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop ____________ 3. Nagpapahayag ito ng kaisipan. Ito rin ay isinusulat ng patalata. ____________4. Isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas. ____________5. ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto.

Susi sa Pagwawasto:

  1. Maikling kwento
  2. Pabula
  3. Tuluyan
  4. Nobela
  5. Dula IV.TAKDANG ARALIN: Panuto: Magsaliksik ng limang halimbawa ng isang maikling kwento. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno. Inihanda ni: BALINADO, KAREN B.

PABULA MAIKLING KWENTO DULA

NOBELA TULUYAN