Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Filipino Modules 1 - 5 Quarter 2, Lecture notes of English

Filipino Modules 1 - 5 Defed copies SY 2019-2020 Quarter 2

Typology: Lecture notes

2018/2019

Uploaded on 11/26/2021

john-lonel-cuachin
john-lonel-cuachin 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Filipino Modules 1 - 5 Quarter 2 and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! FILIPINO Wika at Panitikan DM Kagawaran ng Edukasyon - Republika ng Pilipinas SS "4 = eee Filipino — Baitang 7 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan — Modyul 1: Mga Mahahalagang Detalye, Mensahe at Kaisipang Nais Iparating ng Napakinggang Awiting-bayan, Bulong, Bahagi ng Akda, Teksto Tungkol sa Epiko ng Kabisayaan Unang Edisyon, 2020 lsinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya 0 tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon 10 Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V Development Team of the Module Author/s: Ariel A. Camingao Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT-III Gideon J. Pascubillo, HT-III Wilgermina D. Juhaili, HT-I Mary Cecille D. Luzano, HT Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron Management Team Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Regional Director Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V Asst. Regional Director Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI Schools Division Superintendent Myra P. Mebato,PhD, CESE Assistant Schools Division Superintendent Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS. Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM Samuel C. Silacan, EdD, CID Lorena R. Simbajon, EPS - Fi Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS - LRMS. Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal Ill/District In-charge Agnes P. Gonzales, PDO II Vilma M. Inso, Librarian II Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon 10 Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City Contact Number: (088) 880 7072 E-mail Address: [email protected] G) Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong L sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. é) Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o ae masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. (®e.) Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong WL’ panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. @) Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa WV’ lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro 0 tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aaliniangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Talaan ng Nilalaman Alamin Subukin Aralin 1 Balikan Tuklasin Suriin Pagyamanin lsaisip lsagawa Tayahin Karagdagang Gawain Susi sa Pagwawasto Sanggunian 11 16 20 21 22 28 29 30 Ang modyul na ito ay kinapalolooban ng mga gawaing pangkwarter 2 para sa mag-aaral sa ikapitong baitang. Dito matutunghayan mo ang mga piling akda mula sa kabisayaan tulad ng awiting-bayan, bulong, alamat, bahagi ng akda at epiko. Sa panahon ng ating mga ninuno, kung saan hindi pa uso ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, kompyuter, jpad at iba pa ang pagpapalaganap ng iba’t ibang akdang pampanitikan ay nagsimula sa__ pasalindila na kung saan ang panitikang ito ay nagpalipat-lipat sa iba’t ibang henerasyon upang makabuo ng mga bugtong, awiting-bayan, alamat, bulong at epiko na nagsisilbing yaman ng Kabisayaan. Layunin: 1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng napakinggang awiting-bayan, bulong, bahagi ng akda, teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan. F7PN-la-b-7 a.1 Nasusuri ang mahahalagang detalye sa akdang pampanitikan na binasa a.2 Napahahalagahan ang kaisipang natutuhan hinggil sa binasang akda 10. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng awitin: a. ang tauhan ay nagtitinda ng tuba b. ang tauhan ay namimili ng tuba c. ang tauhan ay nagbinta ng isda d. ang tauhan ay nagnegosyante sa palengke Ano ang natanaw ng matanda sa gitna ng laot? a. maliit na bangka c. maliit na isda b. maliit na isla d. maliit na lamabat Ano ang naramdaman ng ama nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng mga anak? a. nanlulumo c. nanghihinayang b. nanghihina d. natutuwa Batay sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan,” paano nagkahiwalay ang magkakapatid? a. nabangga ang sinasakyan ng malaking bangka b. nabangga ang sinasakyan ng malaking barko c. sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan d. sumadsad sa mga malalaking bato Ano ang tawag sa munting isla na lumitaw sa gitna ng laot? a. Islang Pitong Makasalanan b. Lupain ng Pitong Makasalanan c. Pugad ng Pitong Makasalanan d. Kuta ng Pitong Makasalanan Anong pangunahing kaisipan ang nangingibabaw sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan?” a. mapagkunwaring anak b. pagiging matiisin ng magulang c. pagiging suwail na anak d. pagmamahal ng isang ama Gawain B Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mahahalagang kaisipan mula sa epikong “Labaw Donggon” at ipaliwanag ito ayon sa iyong pagkakaintindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk. 1. Huwag maghangad nang sobra-sobra Paliwanag: Ang pagmamahal ng pamilya ay walang 2. kapantay. Paliwang: Pagtutulungan sa panahon ng 3. pangagailangan Paliwang: Mga Mahahalagang Detalye, OTe Mensahe at Kaisipang Nais Iparating ng Napakinggang Awiting-bayan, Bulong, Bahagi i ng Akda, Teksto Tungkol sa Epiko ng Kabisayaan Sa araling ito mahahasa ang iyong kakayahan sa pagtukoy sa mahahalagang detalye, mensahe, at kaisipang mula sa mga tanyag na awiting-bayan, bulong, alamat, bahagi ng akda, at epiko ng Kabisayaang sumasalamin sa kani-kanilang tradisyon. Balikan Bago natin simulan ang ating talakayan, ay may inihanda muna akong maikling gawain. lbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel o notbuk A. ay pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patuluyan na nag-uugnay sa isang tao. B. mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. C. ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas D. isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig E. ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao labansa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ngayon naman, ang pagtutuunan mo ng pansin ay ang mga bulong na iyong binasa para sukatin kung talagang na intindihan mo ang mga ito ay may inihanda naman akong tanong para sa iyo. Gawain Panuto: Tukuyin ang kaisipang nais iparating sa bulong. Piliin ang titik ng tamang sagot at ipaliwanag ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk. 1. “Tabi-tabi po, baka po kayo mabunggo” Isanasaad ng mga linyang ito na... a. tumabi para hindi masagasaan b. tumabi para hindi mabunggo Ito ang kaisipang napili ko dahil Suriin Dito ay lalo pang hahasain ang iyong karunungan sa panibagong akdang pampanitikan na alamat na “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan” mula sa Bisaya. Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin. Ang kagadahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana, kung makahahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay. Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin nila ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka. Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang nagsipayag. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga anak na sumama sa mga binata. Isang araw, habang nasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang mapangahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay. “Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan. Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak. Buong pait lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang 10 katapusang pagsigaw at pagmamakaawa na ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari'y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng nagdilim na himpapawid. Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya't walang nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Wari’'y sinasabayan din ng malakas na patak ng ulan sa bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang matanda. Labis-labis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang kanila pa ring kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa paglalakbay. Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maiiliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw. Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang mabilis na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng 11 Labaw Donggon. Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon. Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag- uusap-usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang Abyang Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ang mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman _ pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang napakagandang si Abyang Durunuun. Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng mapapangasawa sapagkat paglipas ng ilang panahon nabalitaan na naman niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa dalawang asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa. Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na Bangka at naglayag sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad nito Dahil asawa na niya ang diwata. Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya ng binayo subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting- anting ni Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon. 14 Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan. Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama. Sa _ kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng Bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang amang mahilig sa magagandang babae. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’'t hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan.Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya't hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboy ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang baboy-ramong kinatataguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng taglay nilang anting-anting ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay ng baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan. Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon 15 subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon. Gawain Panuto: Suriin ang mahahalagang kaisipan, detalye 0 mensahing nais ipahiwatig sa mga larawang nasa ibaba at ipaliwanag ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel/notbuk. Sanggunian:htt://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=12154 1848183 Paliwanag: 16 1 EF g ee Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa ka nang gamitin ang iyong kaalaman para sa iba’t ibang pagsubok. Ipinapakita sa epikong “Hinilawod” ang pagdadamayan sa pamilya. Kahit nagpakita ng kahinaan at nakagawa ng pagkakamali si Labaw Donggon ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mga kapamilya sa oras ng pangangailangan. Ikaw, ano naman ang kaya mong gawin sa iyong mga kapamilya para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta kahit pa tulad ni Labaw Donggon ay may mga pagkukulang o pagkakamali rin sila? Punan lang ang patlang depende sa kasapi ng sarili mong pamilya. Kung kulang ay maaari kang magdagdag ng patlang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o nutbok. 1. Para sa iyong ama 2. Para sa iyong ina 3. Para sa inyong kapatid o mga kapatid 4. Para sa iba pang kapamilya tulad ng lolo o lola 19 Gawain A Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat akda. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungang nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik at ang paliwanag sa iyong sagutang papel o notbuk. 1. Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.” a. b. c. d kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad . kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad . kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad 2. Ano bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda bilang paghingi ng paumanhin? a. b. c. d Tabi,tabi po, nuno sa punso.” . “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.” “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.” . “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit. 3. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng awitin: a. Ang persona ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siya uminom ng tuba Ang persona ay namimili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay Ang persona ay mahilig uminom ng tuba dahil ipinambili nito ang pinagbilhan ng huli Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili ang huli nito 4. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito? 20 “Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan” e2oo p Dahil Malawak ang karagatan sa Kabisayaan Dahil maraming isdang tambasakan sa kabisayaan Dahil pangingisda ang libangan ng mga Taga-Bisaya Dahil pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga Taga- Bisaya 5. Ang mga sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayan na “Si Pilemon” Maliban sa isa. a. Si Pilemon ay mangindisda b. Ang kangyang kinita ay pinambili niya ng tuba c. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke d. Saisang munting palengke niya ipinagbili ang kanyang huli (Bilang 6-10: Mga tanong mula sa “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”) 6. Ano ang nagpabantog sa pitong dalaga? a. b. c. d. Kabaitan kaya dinadagsa ito ng mga tao Kagandahan kaya dinarayo ang kanilang tahanan Kakinisan kaya maraming dalaga ana humuhingi ng payo Katalinuhan kaya maramin kabataan ang nagpapaturo 7. Ano ang ikinatatakot ng ama para sa kanyang pitong dalaga? a. b. magutom ito sa katatampisaw sa dalampasigan makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. c. matangay ito ng mga binatang may masamang balak sa kanila d. kaiinggitan ito ng mga dalaga sa kanilang bayan 21 Susi sa Pagwawasto :Beuemijededbeg qd oagamaomct oc vy uremed upingng “OL ran OY KH CGN OD x OL / 6 x 8 x LZ x 9 / ‘G / v / € x 7? / a ujueweAbeg Wea “SL ewe! ‘pl WEA EL ewe; ‘Zi ewe; ‘Lh eB "OL 9 6 9 8 q LZ q 9 3 G p v 9 € 9 z e 1 uryeAey 24 Sanggunian Aklat Ailene G. Baisa at Alma M. Dayag, Pluma. Wika at Panitikan.Phoenix Publishing House, Inc. Leonora Dela Cruz-Oracion, Gantimpala. Pinagsanib na Wika at Panitikan, Innovative Education Materials, INC. Internet https://www.dreamstine.com/colorful-scene-half-body-couple-students-talking- dialog-boxes-cororful-scene-half-body-couple-students-talking-dialog- image127641509 htt://m.facebook.com/govph/photo/?tab=aloum&album_id=121 541848183574 6 25 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon 10 Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang Cagayan de Oro City, 9000 Telefax: (088) 880 7072 E-mail Address: [email protected]