Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Filipino notes, quarter 1 to quarter 4, Essays (high school) of Art

Notes for you to do advance reading on Filipino

Typology: Essays (high school)

2022/2023

Uploaded on 10/31/2023

joyde-ramos
joyde-ramos 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Filipino notes, quarter 1 to quarter 4 and more Essays (high school) Art in PDF only on Docsity! Aesthetic Notes NOTE! IF THEY WANT THIS NOTES, KINDLY REFER THEM TO MY PAGE. NAME: @ACADEMICEASE ON INSTAGRAM RESELLING MY NOTES IS NOT ALLOWED!! Aralin 1: Sistematikong Pananaliksik at Pandiwa Made by: @academicease on Instagram Pananaliksik at Pandiwa Ang Mitolohiyang Griyego ay koleksyon ng mga kwentong tinatampukan ng mga Diyos at Dyosa na karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng iba't ibang kapangyarihan ng mga nasabing nilalang. Ang "Pagsasagawa ng Sistematikong Pananaliksik" ay maaaring sa silid-aklatan o kunin sa internet. Aralin 1 Yunit 1: Open Web- Ang tawag sa impormasyong lumalabas agad-agad at nakukuha mula sa mga search engine tulad ng Google, Yahoo, at iba pa. Gated Web- Tawag sa impormasyong makukuha mo lamang kapag ikaw ay miyembro kaya't nangangailangan ng log-in at password bago makapasok. Hidden Web/Deep Web/Invisible Web- Nagtataglay ng mga hindi naka-HTML na dokumento tulad ng naka-PDF, makikita rin ito sa mga gated site. Tatlong Lugar sa Internet 1. 2. 3. Pinangungunahan ng mga katagang "Ng," "Ng mga," "Sa," "Sa mga," "Kay," o "Kina". Hindi ganap o buo. Halimbawa: "Umulan ng malakas!" Uring Pandiwa: Palipat Naghahanap ng mali. Naghahanap ng kulang. Nagbibigay-agad ng hatol sa hindi niya maunawaan. Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig. Negatibo. Malabo at malawak. Seryoso at hindi marunong magpatawa. Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda. Criticism Aralin 3: Criticism, Critique, Pang-halip, Roundtable Discussion, at Maikling Kwento Aralin 3 Kuwento Isang pagtitipon, pagpupulong, o kumperensiya kaugnay ng isang paksa kung saan maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong tagapakinig o kalahok. Nagbibigay ng impormasyon. Ang impormasyon ay ibinibigay ng mga eksperto. Ina-update ang kaalaman ng mga tao. Simposyum Bakit mahalaga ang Simposyum? Naghahanap ng estruktura. Naghahanap kung ano ang maaaring gawin. Nagtatanong para maliwanagan. Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig. Positibo. Kongkreto at tiyak. Nagpapatawa. Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina. Critique Made by: @academicease on Instagram May aral. Kakaunti ang tagpuan at tauhang gumaganap. Mabilis ang daloy ng kwento. Ang mga elemento ng maikling kuwento ay tauhan, tagpuan, punto de vista, banghay, tema, hidwaan. Mabilis ang wakas. Maikling Kuwento Isang mabisang paraan ng paghahatid ng impormasyon dahil mas kakaunti ang kalahok at hindi gaanong pormal ang pamamaraan kumpara sa workshop o panel presentation. Nagbibigay ito ng mas maraming pagkakataon sa mga kalahok upang aktibong makibahagi sa usapan at makasama sa mas malalimang pagtalakay sa paksa. Roundtable Discussion Panuunan ng Paningin a. Unang Panauhan- Ang nagsasalaysay ay kasama sa kuwento o madalas ang mismong protagonista ng kuwento. Gumagamit ito ng panghalip na "Ako". b. Ikalawang Panauhan- Ang nagsasalaysay ay hindi kasama sa kuwento subalit tila kausap niya ang pangunahing tauhan o iba pang tauhan. Bihira itong gamitin sapagkat ang panghalip na ginagamit dito ay "Ikaw" o "Kayo". Karaniwang ginagamit ito sa mga sanaysay o talumpati. c. Ikatlong Panauhan- Ang nagsasalaysay ay "Omniscient" o tila nasa isang mataas na lugar na nakamasid sa mga nangyayari sa kuwento at hindi kasama sa mga tauhan. Ang panghalip na ginagamit sa panauhang ito ay "Siya o Sila". Mahalagang bahagi ng kuwento, dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha. Ito rin ang nagbibigay daan sa madudulang tagpuan upang mas maging kawili-wili ang daloy ng kuwento. Ang pangunahing tauhan ay maaring magtagumpay o kaya naman ay mabigo. Madalas itong nagaganap kapag malapit nang matapos ang kuwento. Naghahatid ng mensahe ng may-akda Bahaging Maikling Kuwento Simula Tunggalian Kasukdulan Wakas Made by: @academicease on Instagram Aralin 1: Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo Aralin 1 Made by: @academicease on Instagram Uri ng Dula Yunit 2: Dula- Ang dula ay isang anyo ng literatura na naglalayong ipahayag ng may-akda ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng salita, pagkilos, at galaw. Komedya- Naglalayong magpatawa, tumatalakay sa mga magaan at kasiya-siyang paksa, at nagtatapos sa tagumpay ng mga tauhan. Trahedya- Ang mga paksa nito ay malalalim at nakalulunos, nakapagpapaiyak, at nagdudulot ng kawalan ng pag-asa. Melodrama- Nagpapadama ng malalim na emosyon at luha sa mga manonood, na para bang ang buhay ay puro problema at kalungkutan. Tragikomedya- Pinagsasama ang mga elemento ng trahedya at komedya. Saynete- Isang uri ng dula na ginagamit bilang libangan noong mga huling taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Parse- Isang dula na puro katuwaan at walang malalim na kuwento. Parodiya- Isang dula na gumagaya ng kakaibang estilo, kilos, salita, at pag-uugali ng tao bilang isang paraan ng pagpapahayag ng komento o pamumuna. Proberbyo- Mga dula na ang pamagat ay hango sa mga sikat na salawikain o kasabihang pinag-uusapan. Uri ng dula Pagtutulad (Simile)- Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang mga pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa. Pagwawangis (Metaphor)- Naghahambing rin ito tulad ng pagtutulad, ngunit ito'y tiyak na paghahambing at hindi gumagamit ng mga pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa. Pagmamalabis (Hyperbole)- Malalabis na pinalalaki o pinakukulang ang kalagayan ng isang tao, bagay, o pangyayari. Pagbibigay-katauhan (Personification)- Pagbibigay ng katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay. Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)- Pagsasabi sa pamamagitan ng pagsasama ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Pagtawag (Apostrophe)- Pakikipag-usap sa isang karaniwang bagay na malayo o hindi tao. Pag-uyam (Irony)- Isang uri ng pagtuya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tila purihin ngunit may kabaligtaran na kahulugan. Maraming uri ng tayutay: Aralin 4: Pagsulat ng Maikling Kuwento Aralin 4 Maikling Kuwento Sa bahaging ito, kukunan mo ng mga ideya para sa iyong susunod na kuwento. Batay sa napiling paksa, bubuo ka sa iyong isipan ng mga tauhang maglalarawan sa iyong akda. Ang tagpuan ay hindi lamang ang lugar kung saan magaganap ang kuwento, kundi kasama rin ang oras, panahon, at kalagayan ng lugar. Sa bahaging ito, ipapahayag mo kung mula sa anong perspektiba o pananaw isasalaysay ang mga pangyayari sa kuwento. Ang banghay ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod o daloy ng mga pangyayari sa buhay ng iyong tauhan o mga tauhan. 1.Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kuwento 2.Makatotohanang mga tauhan para sa kuwento 3.Angkop na tagpuan para sa kuwento mo 4.Uri ng pananaw o perspektiba na gagamitin sa kuwento 5.Epektibong banghay ng iyong kuwento Made by: @academicease on Instagram Ipinahahalaga ang disiplina, moralidad, at tamang kaayusan na nararapat at inaasahan ng lipunan. Nahuhulaan ang kalagayan ng lipunan noong panahong isinulat ang akda. Nauunawaan ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Pagsusuri sa kaisahan ng mga bahagi at kabuuan ng akda. Pagpapahayag ng malinaw gamit ang tiyak na larawan sa isipan. Pagbibigyang pansin ang kakayahan at katangian ng tao. Nakabatay sa teorya ni Karl Marx, tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at magkasalungat na puwersa. Gumagamit ng huwaran upang suriin ang mga elemento. Ipinapakita ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay nito sa kalalakihan. Ang tao ay malayang magpasya para sa kaniyang sarili. Mga Pandulog o Pananaw: 1.Moralistiko 2.Sosyolohikal 3.Sikolohikal 4.Formalismo 5.Imahismo 6.Humanismo 7.Marxismo 8.Arketipo 9.Feminismo 10.Ektensyalismo Layuning ipahayag ang katotohanan, kabutihan, at kagandahan. Binibigyang halaga ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, at mas nagbibigay-diin sa damdamin kaysa kaisipan. Nagpapakita ng katotohanan, naglalayong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay. Ginagamit din sa pagsusuri ng panitikan ang tatlong malalaking kilusang pansining at pampanitikan tulad ng sumusunod: 1.Klasisismo 2.Romantisismo 3.Realismo Aralin 5: Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan Aralin 5 Pampanitikan Made by: @academicease on Instagram Aralin 6 Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng mensahe o kaisipan hinggil sa isang mahalagang o napapanahong paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng tamang, epektibo, at emosyonal na pagpapahayag. Layunin nitong magbigay ng mga bagong impormasyon o kaalaman na magdaragdag sa kasalukuyang kaalaman ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay maaaring magturo o magpaliwanag ng bagong pamamaraan o paniniwala kaugnay ng isang ideya o kaisipan. Makatutulong ito sa mga tagapakinig na makakita ng iba't ibang perspektiba at mapalawak ang kanilang kaalaman sa isinasaad na paksa. Ang isang mabisang talumpati ay maaaring makapanghikayat sa mga tagapakinig. Maaaring baguhin nito ang pananaw ng isang tagapakinig at hikayatin itong sumang-ayon o tanggapin ang pinagtatalunang bagay o kalagayan. Madalas ito'y ginagamit ng mga pulitiko sa kanilang pangangampanya. Ang isang talumpati ay maaaring maglahad ng isang adhikain, proyekto, batas, o regulasyon na kailangang mapalaganap o maisakatuparan sa karamihan. Ito'y magtutulak sa mga tagapakinig na isagawa o ipatupad ang nasabing kaisipan. Ang talumpati, upang maging epektibo, ay dapat na makapagbibigay ng kasiyahan at maglibang ang mga tagapakinig. Ang anumang layunin ng talumpati ay magiging matagumpay lamang kung ito'y lubos na pinakikinggan at kinagigiliwan ng mga tagapakinig. Ang isang talumpati ay may iba't ibang layunin tulad ng sumusunod: 1.Makapagbigay ng Kabatiran o Kaalaman 2.Makapagturo at Makapagpaliwanag 3.Makapanghikayat 4.Makapagpaganap o Makapagpatupad 5.Magbigay ng Kaligayahan o Libangan Kilala rin bilang impromptu speech o hindi pinaghandaan. Ito ay talumpating biglaan o spur-of-the-moment. Ito ay talumpati na isinusulat at binabasa ng nagtatalumpati. Ipinagkakalooban ito ng sapat na oras upang maayos na ihanda ang pagtatalumpati. Ito ay talumpating isinusulat o tinatandaan mula sa simula hanggang sa wakas. Sa bahaging ito, gumagawa ng kumpletong talumpati ang nagsasalita. Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda 1.Talumpating Walang Paghahanda 2.Talumpating Binasa 3.Talumpating Sinulat o Minemorya Talumpati Aralin 6: Pagbuo ng Talumpati Made by: @academicease on Instagram Aralin 2: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika Aralin 2 Pagsasaling-wika Pagpapanatili ng orihinal na kahulugan: Isang magandang pagsasalin ay dapat na maaaring maipahayag ang kahulugan ng orihinal na teksto ng wasto at tumpak. Importante na lubos na maunawaan ang kahulugan ng mga salita, parirala, at konteksto ng orihinal na wika upang maisalin ito nang tama at hindi mawala ang mensahe. Paggamit ng katanggap-tanggap na wika at estilo: Ang pagsasalin ay dapat gumamit ng wika at istilong katanggap-tanggap sa target na wika o kultura. Ang mga salita, parirala, at estruktura ng pangungusap ay dapat tugma sa wika na ginagamit upang mas madaling maunawaan at magkaroon ng tunay na epekto sa mga mambabasa. Pagsasaayos sa anyo at estruktura: Ang pagsasalin ay dapat magkaroon ng tamang pag-aayos sa anyo at estruktura ng wika ng target. Ito ay tumutukoy sa tamang paggamit ng mga salita, bantas, panapos, at iba pang bahagi ng wika upang maisalin ang teksto nang malinaw at maayos. Pag-iingat sa kultura at konteksto: Ang isang mahusay na pagsasalin ay dapat mag-ingat sa mga aspeto ng kultura at konteksto ng orihinal na wika. Ang mga salitang may kahulugan o pagpapahayag na hindi pamilyar o hindi katanggap-tanggap sa target na wika o kultura ay dapat baguhin o ipaliwanag upang maiwasan ang mga pagkakamali o maling pagkaunawa. Pagsasaalang-alang sa tono at layunin: Ang pagsasaling-wika ay dapat magpapanatili ng tamang tono at layunin ng orihinal na teksto. Ito ay tumutukoy sa pagpapanatili ng emosyon, istilo, o layunin ng teksto sa pamamagitan ng pagsasalin. Ang mga pagkakamali sa pagpapanatili ng tono at layunin ay maaaring magresulta sa hindi malinaw na mensahe o maling emosyon sa target na wika. Ang pagsasaling-wika ay isang mahalagang aktibidad na layuning ipahayag ang isang teksto mula sa isang wika tungo sa ibang wika. Upang masiguro ang kahusayan ng pagsasalin, may mga pamantayan o gabay na dapat sundin. 1. 2. 3. 4. 5. Made by: @academicease on Instagram Aralin 3: Ang Anekdota Aralin 3 Anekdota Alamin ang layunin o paksa ng personal na anekdota na iyong gagamitin. Isipin nang mabuti ang mga detalye sa pangyayaring isusulat bilang personal na anekdota. Sa pagsasalaysay, huwag agad sabihin ang kaganapan upang mapanatili ang interes ng mambabasa o tagapakinig sa kabuuan ng kuwento. Iwasan ang paggamit ng mabibigat na salita na hindi agad mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig. Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagsasalita, mahalagang mag-ensayo upang maipahayag ito nang mahusay. Bilang pagwawakas, ibigay ang dahilan kung bakit mo ibinahagi ang anekdotang ito. Isang maikling salaysay ng isang kahanga-hangang o nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na karaniwang kilala o tanyag. Karaniwang maikli ang salaysay at ang mga pangyayari ay maaaring totoong nangyari sa buhay ng taong iyon o maaaring likhang-isip lamang subalit halos kahawig ng katotohanan. Ang anekdota ay maaari ring personal o pangyayari sa buhay ng manunulat o tagapagsalita. Sa pamamagitan nito, ipinapakita nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring magbigay ng aral. Paalala sa pagsulat ng Anekdota Aralin 4: Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo Aralin 4 Komunikatibo Gramatika- Epektibo sa pag-uusap gamit ang angkop na mga tuntunin sa gramatika Sosyo-linggwistik- Nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na magamit ang salitang angkop sa sitwasyon at sa sosyal na konteksto ng lugar kung saan ginagamit ang wika Diskors- Komponente na nagbibigay-kakayahan sa paggamit ng binibigkas at sinulat na wika nang may kahulugan upang maipahayag ang mensahe at maunawaan ang tinatanggap na mensahe Estratehiya- Nagbibigay-kakayahan sa paggamit ng berbal at di-berbal na mga senyales upang mas malinaw na maipahayag ang mensahe at maiwasan o mabawasan ang mga hindi pagkakaintindihan sa komunikasyon Apat na komponente ng kasanayang Komunikatibo 1. 2. 3. 4. Made by: @academicease on Instagram Aralin 5: Mga Uri ng Tula Aralin 5 Tula Epiko- Pinakamataas at pinakamahalagang uri ng tulang pasalaysay Metrikal na Romance- Uri ng tulang kumalat sa Europa mula ika-11 hanggang ika-14 na siglo Metrikal na Kuwento- Kapag ang tula ay naging simple Balad- Awit na isinasayaw subalit nang maglaon, naging isang kasaysayang tulang nakasulat na may walong o anim na pantig na taludtod Dramatikong Monologo- Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa dulo ng dula Liriko-Dramatikong Dula- Nagbibigay-tuon sa pagpapahayag ng damdamin na kasama sa mga pangyayari Komedya ng Dula- Isinulat nang kasiya-siyang paraan at may temang nakakatawa, mayroong maligayang wakas Tragedya ng Dula- Tunggalian at pagkapighati ng pangunahing tauhan Melodramatikong Tula- Mga pangyayari na higit sa pangkaraniwang karanasan ng isang normal na tao Tragi-komedya sa Tula- Kahawig ng nakakatawang at malungkot na pangyayari Farce sa Tula- Mga pangyayari na labis na nakakatawa, mas katawa-tawa kaysa makatwiran Awit- Binubuo ito ng apat na taludtod bawat saknong, at bawat taludtod ay may labindalawang pantig, at ang tradisyonal na huling tugma ay isahan. Karaniwan itong may malungkot na paksa - pag-ibig, pag-aalala, at pagmamahal. Pastoral- Layunin nito na maglarawan ng tunay na buhay sa kanayunan. Oda- Karaniwang isang lirikong tula na may mataas na antas at marangal na estilo. Walang tiyak na bilang ng pantig o bilang ng mga taludtod sa isang taludtod. Dalit- maikling awit na nagpupuri sa Diyos Soneto- Isang tula na karaniwang may 14 na taludtod. Elehiya- Tula na may kinalaman sa mga saloobin tungkol sa kamatayan. Karagatan- Paligsahan ng tula na karaniwang isinasagawa sa kasalanang paligid ng patay Duplo- Pagtatalo na gumagamit ng tula, nagsisimula sa pag-awit ng "Ama Namin", isang "Aba Ginoong Maria" at isang Rekyemeternum Balagtasan- uri ng pagtatalo ng dalawang magkakaibang panig tungkol sa isang paksa Batutian- Nakakatawa. Layunin nito ang magbigay aliw sa mga tagapakinig o mambabasa. Tulang Pasalaysay Tulang Dula Tulang Liriko Tulang Patnigan Made by: @academicease on Instagram Aralin 1: Buod ng El Filibusterismo na Isulat ni Dr. Jose Rizal Aralin 1 El Filibusterismo Yunit 4: Pangalan: Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda Lugar ng Kapanganakan: Calamba, Laguna Kapanganakan: Hunyo 19, 1861 Kamatayan: Disyembre 30, 1896 sa Rizal Park, Manila Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal Jose Alejandro Jose Maria Basa Valentin Ventura- Siya ang tumulong kay Rizal upang ituloy ang natigil na pagpapalimbag ng El Fili. Mga Taong Nakasalamuha ni Rizal Buod ng El Filibusterismo Ang isang Bapor Tabo ay naglalakbay sa ilog Pasig. Ito ay nag-udyok sa maraming tao na pumunta sa Laguna. Sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari ay nasa bapor. Nang makarating si Basilio sa San Diego, una niyang pinuntahan ang puntod ng kaniyang ina. Sa puntong iyon, nakita niya si Simoun na nag-aalahas. Nakilala niya si Juan Crisostomo Ibarra nang alisin ang salamin. Si Basilio ay tinangka ni Simoun na patayin upang hindi lumabas ang lihim nito. Gayunpaman, naisip niya na pareho silang magkakaroon ng parehong mga resulta, kaya hinimok na lang niya si Basilio na lumahok sa planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila. Gayunpaman, tinanggihan ito ni Basilio. Naghain ang mga mag-aaral ng Pilipino ng kahilingan sa Kapitan Heneral na magtatag ng isang institusyong pang-edukasyon sa wikang Kastila. Gayunpaman, dahil ang mga pari ang namamahala dito, hindi ito pinagtibay. Si Basilio ay muling kinumbinsi ni Simoun na umanib ang binata sa paghihigmasik nang muli siyang manalo. Ang Source ay na sa bandang dulo pagkatapos ng kwento. Made by: @academicease on Instagram PUpang agawin si Maria Clara, balak ni Simoun na hikayatin ang maraming tao na pumasok sa kumbento. Sa kasamaang palad, hindi ito nangyari dahil ang dalaga ay namatay din sa panahon ng hapunan. Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral ay nagtitipon sa Panciteria, na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga, dahil sa pagkabigo ng kanilang kahilingan para sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila. Bilang karagdagan, natuklasan ng mga pari ang direktang pagtuligsa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob ng Panciteria. Ang mga paskin na naglalaman ng mga paghihimagsik ay makikita sa pinto ng pamantasan kinaumagahan. Pinagbintangan ang mga mag-aaral na lumahok sa kapisanan at dinakip sila kasama si Basilio. Si Huli, ang kasintahan ni Basilio, ay may labis na pagdaramdam. Hinimok ni Hermana Bali si Huli na makipag-ugnayan kay Padre Camorra upang humiling ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang lahat ng mag-aaral maliban kay Basilio. Hinimok ni Padre Camorra si Huli na tumalon sa bintana at namatay kaagad. Sa kabilang banda, si Simoun ay patuloy na nagtatrabaho sa kanyang diskarte sa paghihiganti. Sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez, na ama ni Juanito, upang maisagawa iyon. Ipinagkasundo niya na si Paulita ay pakasalan si Juanito. Inanyayahan niya ang mga pinuno ng gobyerno sa piging. Lumipas ang dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun, at tuluyan na siyang naging bahagi ng paghihimagsik na plano ni Simoun. Upang magsagawa ng paghihimagsik, ginamit ni Simoun ang mangyayaring piging. Nagbigay siya ng magandang lampara sa ikakasal. Hindi nila alam na ang labis na iyon ay naglalaman lamang ng nitrogliserina. Sa oras na itaas ang mitsa, magkakaroon ito ng malakas na pagsabog. Si Basilio ay naglalakad sa labas habang ang lahat ay masaya. Dahil alam niya na magkakaroon ng pagsabog, hindi siya mapakali. Dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara, nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay. Bilang karagdagan, nang makita niya si Isagani, sinabi niya sa kanya na umalis na sa bahay na iyon. Ang ilaw ng lampara ay lumilitaw nang unti-unti. Ang mitsa ni Padre Irene ay iniutos ng Kapitan Heneral na itaas, ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog. Ang plano ni Simoun ay hindi gumana, kaya tumakas siya at pumunta sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si Simoun ng lason upang hindi siya mahuli ng mga sibil na buhay. Siya ay nagkwento kay Padre Florentino tungkol sa kanyang buhay at ang planong paghihiganti. Si Simoun ay namatay din noong panahong iyon. Tinapon ni Padre Florentino ang lahat ng pera ni Simoun sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat. Source: https://noypi.com.ph/wp-content/uploads/2019/12/noypi-el-filibusterismo-buod-ng-buong-kwento.pdf Made by: @academicease on Instagram