Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Hi it's me hi o hello hi there
Typology: Essays (high school)
1 / 8
Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon I San Fernando City La Union
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU – IIIb – 89) Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto. (F11WG – IIIc – 90)
SHS Guro II Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan
Nagkaroon ka na ba ng karanasan kung saan hinikayat mo ang iyong mga kaibigan kung saang restawran mas mabuting kumain? Naranasan mo na rin bang kumbinsihin ang mga magulang mo na payagan kang sumama sa isang byahe kasama ang mga kabarkada? O kaya ay nagwagi ka na ba sa isang diskusyon sa grupo kung anong paksa ang gagamitin ninyo sa isang presentasyon? Ang mga pamamaraang ginagamit mo bilang panghihikayat sa mga impormal na kumbersasyon tulad ng mga nabanggit ay maaaring maging batayan din sa pagbuo sa tekstong persuweysib. Ang konsepto ng panghihikayat sa mga kaswal na kumbersasyong ito ay gaya lang din ng panghihikayat ng isang manunulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na paniwalaan ang kanyang mga sinasabi sa isang partikular na paksa. Ang TEKSTONG PERSUWEYSIB ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t-ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang manunulat ng mga magpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. Mas matibay na batayan ito upang maniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat. Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teskto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. Ang ganitong uri ng teskto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos – Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito. Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas gayong hindi pa siya nakapupunta rito ay maaaring maging kaduda-duda. Gayunman, may iba pang paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad. Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teskto upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang
mapatunayan sa mga mambabasa na ang mga datos at impormasyon ay wasto at napapanahon.
2. Pathos – Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong paraan upang makumbinsi sila. Halimbawa ang pagsasalaysay ng isang kuwentong nakaaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat. 3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos ng kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan. Gayunman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng mga manunulat ang pagggamit ng ad hominem fallacy , kung saan ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito. Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o anong uri ng mga mambabasa. Halimbawa, kung ang babasa ng teksto ay mga taong may hawak na mataas na posisyon o mga negosyante, makabubuting gumamit ng may kredibilidad at mga wastong impormasyon at datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga mambabasa na nahihikayat kung gagamitin ng apela sa emsoyon. Maaari ding gamitin ang lahat ng paraan o kung mayroon pang naiisip na ibang paraan na magiging epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa. ** Pangalan: Petsa: _____________ Baitang/Seksyon: Iskor:
sa iba’t ibang tekstong binasa. (F11PB – IIIa – 98) Panuto/Direksiyon: Basahin ang sumusunod na seleksiyon at sagutin ang mga kaugnay na tanong. I. Lagyan ng (/) Tsek ang mga pahayag na naglalarawan ng tekstong persuweysib. Ekis (X) naman ang ilagay kung hindi. _____________1. Layunin ng teksto ang manghikayat o makumbinsi ang mambabasa. _____________2. Nais nitong mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may akda. _____________3. Karaniwang obhetibo ang tono ng tekstong persuweysib. _____________4. Naglalarawan ito ng katangian at kalikasan ng paksa. _____________5. Isinasaalang-alang nito ang uri ng mambabasa upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
_____________6. Naglalahad ito ng mga pananaw at personal na opinyon ng may- akda. _____________7. Binibigyan ng may-akda ang mga mambabasa ng pagkakataon upang pumanig sa kaniyang opinyon. _____________8. Malayang nakakapag-isip ang mga mambabasa sa mga argumentong inilatag ng manunulat. _____________9. Nagbibigay ng makakatotohanang pahayag ang manunulat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kathang-isip na paliwanag. _____________10. Nakapaglalatag ng konkretong ebidesya ang manunulat para mahimok ang mambabasa na sumang-ayon sa kaniyang panig. Pangalan: Petsa: _____________ Baitang/Seksyon: Iskor:
sa iba’t ibang tekstong binasa. (F11PB – IIIa – 98) Panuto/Direksiyon: Basahin ang bawat pahayag na bahagi ng isang tekstong persuweysib. Tukuyin kung anong paraan ng panghihikayat ang ginamit. Isulat kung ito ay ethos, pathos o logos. Pagkatapos, isulat ang iyong paliwanag kung bakit ito ang paraang iyong pinili. .
Paliwanag:____________________________________________________________
Paliwanag:____________________________________________________________
Paliwanag:____________________________________________________________
Pangalan: Petsa: _____________ Baitang/Seksyon: Iskor:
iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU– IIIb– 89) Panuto/Direksiyon: Sumulat ng maikling talumpati na hihikayat sa mga botantenng Pilipinong ikaw ang karapat-dapat at hindi ang ibang kandidato. Gamitan ito ng paraan ng panghihikayat. Premis: “Ikaw ay tatakbo sa pagiging Mayor ng inyong bayan o lungsod. Sa iyong Miting De Avance , nais mong hikayatin ang iyong mga kababayang ibigay sa iyo ang kanilang boto. Naihayag mo na sa kanila ang iyong plataporma. Ngayon, paano mo sila makukumbinsing ikaw ang ihahalal sa darating na eleksyon.”
Puntos Pamantayan 15 Ang isinulat na talumpati ay naglalayong makapagpabago ng isipan ng mga botante. Malinaw ito at hindi maligoy. Siguradong makahihikayat ito dahil ginamitan ng lahat ng paraan ng panghihikayat. 10 Ang isinulat na talumpati ay naglalayong makapagpabago ng isipan ng mga botante. Makahikayat ito dahil ginamitan ng ilang paraan ng panghihikayat. 5 Ang isinulat na talumpati, bagama’t naglalayong makapagpabago ng isipan ng mga botante ay maligoy at hindi gaanong malinaw. Maaaring makahikayat ito dahil ginagamitan ng isang paraan ng panghihikayat. 3 Hindi malinaw ang layunin ng isinulat na talumpati. Maligoy at hindi gumagamit ng paraan ng panghihikayat. Sanggunian: Dayag, Alma M, Del Rosario, Mary Grace G. ( 2017 ). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House