Download Filipino Reviewer and more Lecture notes Mathematics in PDF only on Docsity! Ang pantig ay kilala bilang tunog ng lalamunan na kasabay ng paggalaw ng bibig at pagsaltik ng dila na walang pagkaantala. Ang pagpapantig ay gumagamit ng simbolo o letrang K para sa katinig at letrang P para sa patinig. Ang mga halimbawa ng pantig ay ang mga sumusunod: P, KP, PK, KPK, KKP, PKK, KKPK, KPKK, at KKPKK. Ibig Sabihin at Iba pang Detalye ukol sa Pantig Ang pantig ay kilala bilang tunog ng lalamunan na kasabay ng paggalaw ng bibig at pagsaltik ng dila na walang pagkaantala. Maaaring pamilyar na sa iyo ang pantig dahil ito ay gumagamit ng simbolo o letrang K para sa katinig at letrang P para sa patinig. Dahil sa mga simbolong ito, mas nagiging madali na tandaan ang iba't ibang halimbawa o kayarian ng pantig. Ang mga halimbawa ng pantig o kayarian ng pantig ay ang mga sumusunod na kombinasyon: P, KP, PK, KPK, KKP, PKK, KKPK, KPKK, at KKPKK. Mga Halimbawa ng Pantig Kaugnay sa nabanggit sa itaas tungkol sa halimbawa o kayarian ng pantig, narito ang 9 na halimbawa ng pantig. Mga kayarian at halimbawa ng mga pantig: 1. P (patinig) - Halimbawa: a-kin 2. KP (katinig - patinig) - Halimbawa: ba-ba 3. PK (patinig - katinig) - Halimbawa: ak-lat 4. KPK (katinig - patinig- katinig) - Halimbawa: sak-to 5. KKP (katinig - katinig - patinig) - Halimbawa: blu-sa 6. PKK (patinig - katinig - katinig) - Halimbawa: eks-per-to 7. KKPK (katinig- katinig - patinig - katinig) - Halimbawa: trans-por-ta-syon 8. KPKK (katinig- patinig - katinig - katinig) - Halimbawa: nars 9. KKPKK (katinig - katinig - patinig - katinig - katinig) - Halimbawa: trans- por-ta-syon PAGHIHIRAM NG MGA SALITA