Download Filipino - Reviewer (2023-2024) and more Study notes Law in PDF only on Docsity! FILIPINO Yunit #1 Metalinggwistika at Masusing Pagtalakay sa Wika I. Batayang Konsepto sa Wika Kahulugan ng Wika Henry Gleason Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang abitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura Nakapaloob ang ilan sa mga pangunahin at pandaigdaigang katangian ng wika Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas - May kaayusan o order - Bawat wika ay may aayusan o order ang istruktura - May dalawang maisistemang balangkas – tunog at kahulugan - Nagsisimula sa tunog, yunit ng salita, parirala, pangungusap o sugnay 2. Sinasalitang Tunog - Ang tunog ng isang wika ay hindi katulad ng mga orasan - Nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila labi, babagtingang tinig, ngalangala - Ang wika ay sinasalita samantalang ang pagsula ay representasyon ng wika na gumagamit ng simbolo o letra--- paraan lamang ng pagtatala ng mensaheng ibigipahayag - Hindi matatawag na alam niya ang isang wikasapagkat nasusulat o nababasa niya ito 3. Pinili at Isinasaayos sa Paraang Arbitraryo - Napagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito - Tunog na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng mga gumagamit 4. Ginagamit sa Komunikasyon - Galing sa salitang Latin na “communis” na ibig sabihin “to work publicly with” - o Nagbibigkis sa mga tao upang magkaisa - o Wika ang pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap - o Ipinapahayag ang pangangailangan, damdamin at iniisip sa pagkikipag- ugnayan sa lahat ng pagkakataon 5. Pantao - Naiiba ang wikang pantao sa tunog na nililikha ng mga insekto at hayop - Ginagamit ang wika sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura - Lahat ng tao sa mundo ay may kakayahan at potensyal na mapag-aralan ang wika sa daigdig - Ang wika ng mga hayop ay walang Sistema at kahulugan 6. Nakaugnay sa Kultura - Kultura ay paraan ng pamumuhay - Wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay - Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao - Ayon kay Lakoff— kapag ang isang bagay, kaisipan, pangayayari o phenomena ay mahalaga sa isang grupo, mas nagiging detalye sila sa pagpapangalan nito Katangian ng Wika na hindi batay kay Gleason 7. Natatangi - Bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, yunit panggramatika at Sistema ng palaugnayan - Ang bawat wika ay naiiba sa ibang wika 8. Nagbabago - Ang pamumuhay ng tao ay nagbabago dulot ng teknolohiya at agham - At dahil ang wika at kultura ay may ugnayan, pati wika ay nagbabago - Dinamiko ang wika 9. Malikhain - Taglay ng wika ang tuntunin na makabubuo ng salita, parirala, sugnay at pangungusap - May kakayahang lumikha ng mga bagong salita na maaring hindi pa nasasabi, naririnig o nababasa II. Kahalagahan ng Wika Ang kakayahang magkapagsalita o gumamit ng wika bilang kasangkapan sa pagpapahayag ay napakahalaga sa komplikadong lipunan Nagbibigay pagkakakilanlan at edukasyon na sumusukat at nagpapatibay sa ating kalinangan o kultura Ang katuturan o pagpapabuti ng isang tao ay sa pamamangitan ng pakikipag- ugnayan o Panlipunang nilalang (social being) Maipapakita ang galit, takot, pangamba, hinaing, kalungkutan, pag-ibig, kagalakan at pangarap J. Harold Janis (1977) - “Katunayan, maraming matatanda sa mundo ang mga mangmang o di makasulat at makabasa. Marami sa mga wika ng daigdaig ang walang sistema ng pagsulat. Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika 1. Teoryang Ding-dong - Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay sa paligid ay lumilikha ng sariling tunog. Ang mga tunog na ito ang binigyan ng kahulugan ng mga bagay, Ngunit marami sa kapaligiran ang mga bagay na walang tunog. 2. Teoryang Yum-yum - Ayon sa teoryang ito, ang bawat kilos ng tao o anumang bagay na tumutugon sa kumpas o galaw ng kamay ng tao ay may kahulugan. Ang bahagi ng pagtugon na ito ay ginagawa o ginagaya ng bibig o dila na naging sanhi ng paglikha ng tunog at di nagtagal naging salita. Ito ang naging sanhi ng pagbabawas ng galaw ng iba't ibang bahagi ng katawan. 3. Teoryang Pooh-pooh - Ayon sa teoryang ito, ang mga tao ay natutong magsalita dahil sa silakbo ng damdamin. Bigla silang napapabulalas dahil sa damdaming nararamdaman gaya ng takot, tuwa, sakit, galak, lungkot, pagkabigla, pag-iyak, pagtawa, sarap at iba pa. 4. Teoryang Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, ang tao ay nanggagaya sa tunog ng kalikasan. 5. Teoryang Yo-He-Ho - Ayon sa teoryang ito, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng puwersang pangkatawan gaya ng tunog na nabibigkas sa paglalaro ng karate, boksing, suntukan nalilikhang tunog na nalilikha kung nagbubuhat ng mabigat gaya ng yaa! pak, bog, oh, hey! yak at iba pa. 6. Teoryang La-la - Ito ay mula sa isang Linggwistang taga-Denmark na si Otto Jespersen (1860- 1943) kung saan sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay ang mga pwersang may kinalaman sa romansa tulad ng pag-ibig na makikita sa lenggwahe ng mga tula at awitin. 7. Teoryang Tarara-boom-de-ay - Ito ay mula sa isang Linggwistang taga-Denmark na si Otto Jespersen (1860- 1943) kung saan sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay ang mga pwersang may kinalaman sa romansa tulad ng pag-ibig na makikita sa lenggwahe ng mga tula at awitin. 8. Teoryang Ta-ta - Ayon dito ang wika ay nagsimula sa paggaya sa mga galaw ng katawan na humahantong sa koordinasyon ng bibig at dila. Ang Ta-ta ay nagmula sa salitang Pranses na nangngahulugang paalam. Tinatawag din itong muestra. V. Mga Barayti ng Wika Barayti ng Wika - Ang speech variety, tinatawag ding barayti ng wika, ay tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito. - Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa mga kaibahan o pagbabagong nagaganap sa iisang angkan ng wika. Uri ng Barayti ng Wika Mula sa ibat ibang wika sa bansa, maiuuri ang mga iyon ayon sa mga sumusunod: 1. Idyolek - Ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. - May mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita nang malakas o di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang salitang nakasanayan nang banggitin nang pauli-ulit sa bawat linya ng kanilang pangungusap. Halimbawa: “Siguro nga ammm…dapat tayong magkaisa ok….Ito ay ammm.. Susi sa pagkakaroon ng katahimikan sa bansa,ok? Kung hindi ngayon, ammm… kalian pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok? 2. Dayalekto - Ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. - Tinatawag ding itong panrehiyunal o wikain. Halimbawa: Bikol: Dios maray na banggi Ibanag: Dios ta gaviyyao Hiligaynon: Maayong gab-I Tagalog: Magandang gabi. 3. Sosyolek - Ayon kay Rubrico (2009). ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kaniyang katayuan sa lipunan at sa mga grupona kanilang kinabibilangan. - Ang sosyolek ay wikang ginagamit ayon sa lipunang ginagalawan ng tao. Halimbawa ng PORMAL: Halimbawa ng DI-PORMAL: Takdang Aralin • Chaka Asignatura • Gora Ama • Pre Politiko • Ermat • Parak Sa panahon ngayon, kung saan ang mga makabagong henerasyon tulad ng milenyal at edgers ay lumilikha ng kanikanilang tatak muling na salita ay inaasahan pansamantalang madagdagan o mabago ang mga nakasanayan na natin na salita o linggwahe. 3. SA PROPESYON - Ang tagumpay ng isang tao sa kaniyang larangan ay nakasalalay sa maayos na pakikipag-ugnayan niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. - Sa isang guro, mahalaga ito dahil ito ang daan upang mamulat ang isipan ng kniyang mga mag-aaral. - Sa isang manunulat, ang mga pinaghirapang akda o artikulo ay maituturing na paraan niya ng pakikipagtalastasan sa kaniyang mga mambabasa. - Gayundin sa larangan ng medisina, ang isang karamdaman ay hindi malalapatan ng lunas kung hindi maipaliliwanag nang maayos ng mga manggagamot ang kondisyon ng kanilang pasyente sa mga kapamilya nito. - Sa madaling sabi, anumang gawain ay hindi matagumpay na maisasakatuparan kung hindi kasasangkutan ng komunikasyon. - Narito ang ilang mga katawagang ginagamit sa iba’t ibang larangan o propesyon. 4. ARKITEKTURA - Ang sining at agham ng pagdibuho ng mga gusali. Sa isang malawak na kahulugan, mula sa mataas na antas ng pagpaplano ng bayan, dibuhong urban, at arkitekturang tanawin hanggang sa mababang antas ng pagdibuho ng kasangkapan o produkto at arkitekturang Destinasyon ang kabilang sa sakop ng pagdibuho ng kabuuang gawang kapaligiran. 5. EDUKASYON - Proseso ng disiplina may kaugnayan sa sining o agham ng paggamit ng siyentipikong kaalaman sa mga praktikal na suliranin 6. MEDISINA - Ito ay mula sa salitang Latin na ars medisina na ang ibig sabihin ay sining ng panggagamot 7. SIKOLOHIYA - Siyentipikong pag-aaral sa pag-uugali ng mga nilalang. KASAYSAYAN NG KOMUNIKASYON - Ayon nga sa Genesis, nilikha ng Diyos si Adan at naisip Niya na kailangan nito ng makakasama, kaya't hinugot ng Panginoon ang isang bahagi ng tadyang ni Adan at dito nilikha si Eba. 3500 BC-2900 BC - Na debelop ng mga Phoenician ang alpabeto. Samantala, ang mga Sumerian naman ay ang euneiform o mas kilalang pietograph na nakasulat sa mga clay at ang hieroglyphic ay ang paraan ng pagsulat ng mga taga ehipto. 1775 BC - Sinimulang gamiting ng mga griyego ang alpabetong ponetiko na isinusulat mula sa kaliwa pakanan at noong taong 530BC sila ay nakapagtayo ng kauna-unahang silid aklatan sa Tsina. 1400 BC - Natagpuan ang pinakamatandang sulat, na buto ang ginamit panulat. 1270 BC - Naisulat ang kauna-unahang ensiklopedya sa Syria 200 BC - 100 BC - Sa Ehipto at Tsina, ang tao ang siyang mensahero. Sila ang naghahatid ng mga mensahe sa mga istasyong itinayo para rito. Karaniwan silang naglalakad lamang kung maghahatid mensahe. Kung minsan naman sa halip na mga mensahero gagamit na lamang sila ng apoy tanda na may mensaheng ipinaabot patungo sa bawat istasyon hanggang sa ng ay makarating ito sa dapat patunguhan. 37 BC - Ginamit ni Emperor Tiberius ang heliograph. - Heliograph - ang paggamit ng salamin sa paghatid ng mensahe. Taong 305 - Naimbento ang kauna-unahang imprenta sa tsina kung saan nakaukit sa kahoy ang mga simbolo. Kasunod nito ang paglabas ng pahayagan sa Europa taong 1450. Taong 1455 - Sa pangunguna ni Johanees Gutenberg, ang kahoy na ginamit sa unang pag- iimprenta ay napalitan ng printing press gamit ang metal o bakal. Taong 1821 - Nalikha ni Charles Wheatstone ang kaunaunahang mikropono na sinunda ng iba’t bang imbesyon sa larangan ding ito. Taong 1831 - Ipinakilala ni Joseph Henry ang elektronikong telegrapo. Taong 1835 - Ipinakilala ni Samuel Morse ang Morse Code. Taong 1843 - Ang linya ng elektronikong telegrapo na ginagamit sa komunikasyong nakaaabot sa malalayong lugar. Kasabay nito ang paglabas ng fax machine ni Alexander Bain. Taong 1861 - Ang Pony Express na isang paraan sa paghahatid ng koreo ay pinangunahan ng Estados Unidos. Taong 1876 - Nilikha ni Alexander Garambell ang telepono. Taong 1894 - Ang wireless telegraphy ay nakilala sa pangunguna ni Guglielmo Marconi. Sumunod na natuklasan at ginamit ang pelikula noong 1895; Taong 1895 - Sumunod na natuklasan at ginamit ang pelikula. Taong 1921 - Nagkaroon ng radyo. Taong 1925 - Nilikha ang telebisyon. Taong 1942 - Natuklasan at ginamit ang transistor. Taong 1963 - Nagkaroon ng satelayt.