Download FILIPINO SA PILING LARANG REVIEWER ARALIN 6 and more Transcriptions Law in PDF only on Docsity!
ARALIN 6 PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY (SINING NG PAGLALAHAD)
Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipabasa at talakayin sa mga paaralan. Alam kong marami nang sanaysay ang nabasa mo simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang. Alin sa mga sanaysay ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Ibigay ang iyong kaalaman hinggil dito.
**1. Mga ilang sanaysay na ang iyong nabasa/natalakay?
- Alin sa mga ito ang pinakanagustuhan o natatandaan mo? (Ibigay ang pamagat)
- Anong uri ng sanaysay ito?
- Sino ang sumulat ng sanaysay?
- Tungkol saan ang sanaysay (Ibigay ang pinakabuod nito)
- Bakit natatak sa iyong isipan ang nasabing sanaysay? ____________________________________________**
ANG SINING NG PAGLALAHAD
•
Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010), ang
paglalahad ay isang
detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o ideya.
ANG SINING NG PAGLALAHAD
- (^) Ayon naman kay Jose Arrogante sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan, Kakayahan at Kasanayan sa Komunikasyon. “Sa Ingles, ang paglalahad ay
tinatawag na expository writing.
Madalas makita ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan nating binabasa sa araw-araw gaya ng mga aklat, mga editoryal sa diyaryo, ng mga artikulo sa mga magasin, at iba pa.
ANG SINING NG PAGLALAHAD
Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento. Ito ay hindi rin naglalarawan ng isang bagay. Ito ay hindi rin nagpapahayag ng isang paninindigan. Bagkus, ito ay nagpapaliwanag. Ito ay isang pagpapaliwanag na obhetibo, walang pagkampi, at may sapat na detalye na pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos na maunawaan ng may interes (2000:217).” Ilan sa malimit na paggamitan nito ay ang pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa panuto, pangulong-tudling, suring-basa, ulat, balita at sanaysay.
ANG SINING NG PAGLALAHAD
- (^) Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad , ayon sa aklat na Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran ng Filipino (TUP, Manila), ito ay dapat na magtaglay ng sumusunod na mga sangkap o elemento:
- Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay
- Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
- Malinaw at maayos na pagpapahayag
- Paggamit ng larawan, balangkas at iba pang pantulong upang madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag
- Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng tao
sanaysay
- ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkain.” Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michael de Montaigne (1533- 92). Bago pa man isilang si Kristo, ay nagsimula na rin ito sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at Lao Tzu na sumulat naman ng Tao Te Ching. Noon namang ika- na dantaon, nakilala si Rushida Kenko ng Hapon na may katha ng “Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa Katamaran.”
sanaysay
- (^) Ayon kay Francis Bacon , ang sanaysay ay kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay- bulay at komentaryo sa buhay.
sanaysay
- (^) Ayon naman kay Paquito Badayos sa kanyang aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag (2001:1111), naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay ng kaisipan. Naglalahad din ito ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. Sa madaling salita, ito ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o paksa.
sanaysay
- (^) Ayon kay Alejandro Abadilla , ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
sanaysay
- (^) Ito’y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling pananaw. Ipinahahayag niya ang sarili niyang pangmalas, kuro-kuro at damdamin.
sanaysay
- (^) Ang pagiging malinaw, mabisa at kawili- wiling paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan, kaugnayan at diin. Kailangan din nito ang pagpili ng angkop na pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may-akda.
sanaysay
- (^) Sa kaanyuan at kayarian nito, ang ideya o ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilahad nang mabisa at maayos upang makapagtalastas, makalibang, makapaglarawan ng isang bagay, o makakuha ng anumang pagbabago.
sanaysay
- (^) Sa kaanyuan at kayarian nito, ang ideya o ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilahad nang mabisa at maayos upang makapagtalastas, makalibang, makapaglarawan ng isang bagay, o makakuha ng anumang pagbabago.
dalawang uri sanaysay
1. Pormal – Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa’y tinatawag din itong impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon. 2. Impormal – Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. Karaniwan itong may himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay. Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang kuro- kuro o pala-palagay.
May labindalawang (12) natatanging
uri ng sanaysay:
- (^) 1) nagsasalaysay
- (^) 2) naglalarawan
- (^) 3) mapag-isip o di praktikal
- (^) 4) kritikal o mapanuri
- (^) 5) didaktiko o nangangaral
- (^) 6) nagpapaalala
- (^) 7) editoryal
- (^) 8) makasiyentipiko
- (^) 9) sosyo-politikal
- (^) 10) sanaysay na pangkalikasan
- (^) 11) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan, at
- (^) 12) mapagdili-dili o replektibo.
Karaniwang hinahati naman ang
kabuoan ng sanaysay sa tatlo:
- (^) panimula - tandaang ito dapat ay nakatatawag ng pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga mambabasa.
- (^) katawan - ang pinakanilalaman ng akda ay kinakailangang maging mayaman sa kaisipan. Kailangang ding nagtataglay ng kaisahan ang mga detalye nito.
- (^) wakas - karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o kongklusyon ng sumulat.
replektibong sanaysay
- (^) Ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ito ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
replektibong sanaysay
- (^) Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.
- (^) Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
replektibong sanaysay
- (^) Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
replektibong sanaysay
- (^) Ayon naman kay Kori Morgan , guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
replektibong sanaysay
- (^) Ayon naman kay Kori Morgan , guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
replektibong sanaysay
- (^) Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha. Madalas, ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
replektibong sanaysay
- (^) Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay: -librong katatapos lamang basahin -katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik -partikum tungkol sa isang kurso -paglalakbay sa isang tiyak na lugar -isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot -isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea -paglutas sa isang mabigat na suliranin -isang natatanging karanasan bilang mag-aaral -at marami pang iba
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
- (^) 1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay
- (^) 2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.