Download FILIPINO SA PILING LARANG REVIEWER and more Study notes English in PDF only on Docsity!
MERANO, GWYNETTE LOURISSE F. 12 STEM – ARISTOTLE
FPL - REVIEWER
MAKRONG KASANAYAN
PAGBASA
PAGSASALITA
PANONOOD
PAKIKINIG
PAGSUSULAT
Ayon kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009), ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin , et al., sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Sa mga mag-aaral , ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag- aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya, guro at iba pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan.
MALAKING TULONG ANG
PASUSULAT
NAGSULAT
MGA MAMBABASA
LIPUNAN
Layunin at Kahalagahan ng
Pagsulat
1. Nabibigyang-kahulugan ang
Pagsulat : Ang pagsusulat ay isang
kasanayan sa pagpapahayag ng mga
kaisipan at damdamin gamit ang wika.
Ayon kay Cecilia Austera, ang
pagsusulat ay isang paraan upang
maipahayag ang mga ideya at
damdami gamit ang wika.
Samantalang ayon kay Edwin Mabilin,
ito ay isang pisikal at mental na
aktibidad na naglalayong ilipat ang
kaalaman sa isang nakasulat na anyo.
2. Naiisa-isa ang mga Layunin at
Kahalagahan ng Pagsulat :
- Personal o Ekspresibo: Ang layunin
ng pagsulat na ito ay nakabatay sa
pansariling karanasan, opinyon, at
damdamin ng manunulat. Halimbawa
nito ay ang mga sanaysay, tula, at
maikling kuwento.
- Panlipunan o Sosyal: Ang layunin ng
pagsulat na ito ay makipag-ugnayan
sa ibang tao o lipunan. Halimbawa
nito ay ang pagsulat ng liham, balita,
at tesis. Kahalagahan ng Pagsulat
1. Pagbuo ng Organisadong
Kaisipan : Ang pagsulat ay
nakakatulong sa pag-organisa ng mga
ideya at pagpapahayag ng mga ito sa
isang obhetibong paraan.
2. Paglilinang ng Kasanayan sa
Pagsusuri : Sa pagsusulat, natututo
ang mga mag-aaral na magsuri ng
mga datos at impormasyon na
mahalaga sa kanilang pananaliksik.
3. Paghubog ng Mapanuring
Pagbasa: Mahalaga ang pagsusulat
sa pagpapalawak ng kakayahan ng
mga mag-aaral sa mapanuring
pagbasa at pagbuo ng mga
makabuluhang ideya.
4. Pagpapalawak ng Kakayahan sa
Paggamit ng Aklatan : Ang
pagsusulat ay nagbibigay-daan sa
mas matalinong paggamit ng aklatan
sa paghahanap ng mahahalagang
materyales.
5. Pagdadala ng Kasiyahan at Pag-
aambag sa Lipunan : Ang pagsusulat
ay nagbibigay kasiyahan sa pagtuklas
ng bagong kaalaman at pag-aambag
sa lipunan.
6. Pagpapahalaga sa Gawa at Akda :
Ang pagsusulat ay nagtuturo sa
pagpapahalaga sa mga gawa at akda
ng iba.
7. Pangangalap ng Impormasyon :
Nakakatulong ang pagsusulat sa
pangangalap ng impormasyon mula
sa iba't ibang batis ng kaalaman.
Mga Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
1. Wika: Nagbibigay-daan sa
pagpapahayag ng mga ideya at
damdamin.
2. Paksa: Tiyak na tema na magiging
sentro ng pagsusulat.
3. Layunin: Giya sa pagkakagawa ng
sulatin.
4. Pamamaraan ng Pagsulat:
Impormatibo
Ekspresibo
Naratibo
Deskriptibo
Argumentatibo
- Kasanayan sa Pag-iisip: Kakayahang mag-analisa at mag-isip nang lohikal.
- Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat: Paggamit ng wika sa wastong paraan.
- Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin: Pag-aayos ng mga ideya mula sa simula hanggang wakas. Mga Uri ng Pagsulat
- Malikhaing Pagsulat: Layuning maghatid ng aliw at makapukaw ng damdamin at imahinasyon.
- Teknikal na Pagsulat: Nakatuon sa mga teknikal na pag-aaral o proyekto.
- Propesyunal na Pagsulat: Kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa propesyon.
- Dyornalistik na Pagsulat: Pagsusulat na may kinalaman sa pamamahayag.
- Referensiyal na Pagsulat: Tumutukoy sa pagkilala sa mga pinagkunan ng impormasyon.
- Akademikong Pagsulat: Nakatuon sa intelektuwal na aspeto at pagsunod sa partikular na kumbensiyon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
Akademikong Pagsulat
- Obhetibo: Dapat nakabatay sa datos at hindi sa personal na opinyon.
- Pormal: Gumagamit ng pormal na wika at tono.
- Maliwanag at Organisado: Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
- May Paninindigan: Dapat mapanindigan ang paksa at layunin.
- May Pananagutan: Pagkilala sa mga pinagkunang sanggunian at paggalang sa mga ito.
ARALIN 2 LAGOM: ISANG
PANGKALAHATANG GABAY
Lagom ay isang pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda na naglalayong iparating ang kabuoang kaisipan ng orihinal na teksto. Mahalagang maunawaan ng mambabasa ang pangunahing ideya ng teksto sa isang malinaw, organisado, at wasto na paraan. Ang kasanayang ito ay kapaki- pakinabang hindi lamang sa mga mag- aaral, kundi pati na rin sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Iba't Ibang Uri ng Lagom
- Sinopsis/Buod Ang sinopsis o buod ay ginagamit upang bigyan ng mabilisang pag-unawa ang mga mambabasa sa pangunahing nilalaman ng isang akda tulad ng kuwento, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Mga Hakbang sa Pagsulat: Basahin nang Buo: Basahin at unawain ang buong seleksiyon o akda upang makuha ang kabuoang kaisipan.
- Pagtukoy sa Kaisipan: Suriin at hanapin ang pangunahin at di-pangunahin kaisipan. Makatutulong ang pagtatanong ng Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? upang makuha ang mahahalagang detalye. Pagsulat sa Sariling Salita: Isulat ang buod gamit ang sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro- kuro. Sikaping ipakita ang sentro o diwa ng akda.
- Pagpapanatili ng Tono: Isulat ang buod batay sa tono ng orihinal na sipi. Kung malungkot ang damdaming naghahari sa
akda, dapat na maramdaman din ito sa buod.
- Paggamit ng Pang-Ugnay: Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay upang magkaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa kwento. Wastong Gramatika: Tiyakin ang wastong gramatika, pagbabaybay, at bantas na ginamit sa pagsulat. Pagwawasto at Pagsusuri: Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi nababawasan ang kaisipan, lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.
2. Bionote
Pangkalahatang Layunin: Ang bionote ay isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Ito ay kadalasang makikita sa mga journal, aklat, abstrak, web sites, resume, o bio-data upang ipakilala ang sarili sa propesyonal na layunin. Mga Hakbang sa Pagsulat:
- Maikling Pagsulat: Sikaping maisulat ito nang maikli, karaniwang 200 salita para sa resume o 5-6 na pangungusap para sa networking site.
- Personal na Impormasyon: Magsimula sa pagbanggit ng personal na impormasyon, interes, at mga tagumpay. Pumili lamang ng 2 o 3 pinakamahalagang tagumpay.
- Paggamit ng Ikatlong Panauhan: Gumamit ng ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat.
- Simplicity: Gawing simple at diretso ang pagkakasulat gamit ang mga payak na salita.
- Pagwawasto: Basahin muli ang sinulat, at maaari itong ipabasa sa iba bago gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan.
3. Abstrak
Pangkalahatang Layunin: Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, ulat, at siyentipikong papel. Naglalaman ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko. Mga Hakbang sa Pagsulat:
- Pagsusuri ng Papel: Basahin at pag- aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. •Pagkilala sa Pangunahing Kaisipan: Hanapin at isulat ang pangunahing kaisipan ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. •Pagsulat ng Talata: Buoin ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin at isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahagi.
- Iwasan ang Illustrations: Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung kinakailangan.
ARALIN 3 : PAGSULAT NG
ADYENDA AT KATITIKAN NG
PULONG
1. Mga Uri ng Pagpupulong Ang mga pagpupulong ay maaaring maganap sa iba't ibang anyo: Pulong sa Opisina: Karaniwang ginagawa para sa pang-araw-araw na operasyon ng isang kompanya o institusyon.
Board Meeting: Para sa pamamahala ng kompanya o organisasyon. Seminar at Kumperensya: Pormal na pagtitipon para sa edukasyon o propesyonal na pag-unlad. Teleconference, Video Conference, Online Meeting: Mga pagpupulong na gumagamit ng teknolohiya para sa remote na pagdalo
2. Paghahanda Bago ang Pulong Upang maging maayos ang isang pulong, kinakailangang:
- Magpadala ng Memo: Naglalaman ng impormasyon tungkol sa pulong, layunin, oras, at lugar. Maghanda ng Adyenda: Listahan ng mga paksang tatalakayin sa pulong. 3. Pagsulat ng Adyenda Ang adyenda ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong at tumutulong sa pagpaplano. Mahalaga ito upang: Tiyakin ang lahat ng paksa ay tatalakayin. Magbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na maghanda. Panatilihin ang pokus ng pulong. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda: Magpadala ng paunang memo. Kolektahin ang mga paksa mula sa mga kalahok. Gumawa ng balangkas ng mga paksa. Ipadala ang adyenda bago ang pulong. Sundin ang adyenda sa pulong. 4. Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Ang katitikan ng pulong ay opisyal na tala ng mga tinalakay at napagkasunduan sa pulong. Dapat itong: Bago ang Pulong: Magpasya sa paraan ng pagtatala, at ihanda ang adyenda bilang gabay. Habang Isinasagawa ang Pulong: Itala ang oras ng pagsimula at pagtatapos, mahahalagang punto, mga mosyon, at mga boto. Pagkatapos ng Pulong: Agad na gawin ang katitikan habang sariwa pa ang mga detalye. Isama ang pangalan ng organisasyon, uri ng pulong, at layunin. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan: Gumamit ng maayos na kagamitan sa pagtatala. Tiyakin ang pagkakakilanlan ng mga nagsasalita. Itala ang lahat ng mahahalagang detalye at mga desisyon. Ang maayos na pagsulat ng adyenda at katitikan ng pulong ay mahalaga upang mapanatiling organisado at epektibo ang isang pulong.