Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Filipino sa Piling Larangang Akademiko, Lecture notes of English

These are lecture notes about FSPLA for Grade 12 in the first semester.

Typology: Lecture notes

2019/2020

Uploaded on 11/14/2020

meg-mont
meg-mont 🇵🇭

4

(3)

1 document

Partial preview of the text

Download Filipino sa Piling Larangang Akademiko and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! 4Q - FilA UNIVERSITY ofthe ASSUMPTION . Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando 2000, Pampanga, Philippines SENIOR HIGH SCHOOL - GRADE 12 — Page 1 of 4 Academic Track - Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand FILIPINO SA PILING LARANGAN (FilA) (Second Semester, Fourth Quarter Reviewer) TALUMPATI ¢ Pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig. ¢ Uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning magbigay impormasyon o manghikayat kaugnay ng 1 partikular na paksa o isyu. DALAWANG (2) ELEMENTO NG TALUMPATI 1. PAGTATANGHAL - Tindig, galaw, pagbigkas, at kaugnayan sa madla. 2. TEKSTO - Pumili ng paksa, karanasan, at interes. TATLONG (3) BAHAGI NG TALUMPATI 1. Panimula 2. Katawan 3. Katapusan DALAWANG (2) URI NG TALUMPATI 1. IMPORMATIBONG TALUMPATI Paglimita sa paksang tinatalakay upang magkaroon ng pokus. « Magbigay ng karanasan malapit sa tagapakinig. ¢ Halimbawa ay SONA. 2. MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI ¢ Malalimang pagsuri sa isyu. ¢ Pagkuwestyon sa katotohanan. TATLONG (3) PAGDULOG SA MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI 1. Pagkuwestyon sa 1 katotohanan 2. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga 3. Pagkuwestyon sa polisiya DALAWANG (2) PARAAN NG PAGTATALUMPATI 1. IMPROMPTU ¢ Hindi pinaghandaan at tiyak na masusukat ang lawak ng kaalaman. 2. EKSTEMPORANYO ¢ Maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at ineensayo bago isagawa. ¢ Pinagpaplanuhan. LIMANG (5) GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI 1. Piliin lamang ang pinakamahalagang ideya 2. Magsulat kung paano ka nagsasalita 3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa 4, Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati, tiyak na bilang hindi personal na haka-haka 5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati REPLEKTIBONG SANAYSAY ¢ Tala ng kaalaman at kamalayan. ¢ Naglalaman ng reaksyon, damdamin, at pagsusuri ng karanasan. ¢ Hindi dayari o dyornal dahil higit itong pormal na wika ang gagamitin. ¢ Ginagamit ang unang panauhan. ¢ Itala ang sanggunian sa katapusan. « Nag-aanyaya ng self-reflection o pagmuni-muni. TATONG (3) BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. Mga iniisip at reaksyon - Huwag lang umasa sa sariling pang-unawa marapat na ibatay din ito sa materyal na iyong paksa 2. Buod - Malayang daloy ng mga ideya at iniisip 3. Organisasyon Introduksyon - Paglalarawan ng iyong inaasahan Katawan - Katawang malinaw at lohikal na paglalahad ng naiisip at nadarama Kongklusyon - Pagbubuod ng natamong mula sa binasa 0 karanasan TATLONG (3) PROSESO NG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG PAPEL 1. Unang talata - Maaaring ilan sa kaswal na obserbasyon sa paksa na wala pang emosyon 2. Sumusunod na talata - Dalhin ang mambabasa sa isang emosyonal na paglalakbay - Katulad ng isang panaginip Created by: Jopar Jose C. Ramos | STEM 12 - Our Lady of Fatima Professor: Ma’am Jessa D. Dantes 4Q - FilA UNIVERSITY of the ASSUMPTION Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando 2000, Pampanga, Philippines SENIOR HIGH SCHOOL - GRADE 12 — Page 2 of 4 Academic Track - Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand 3. Katapusan - Tapusin sa masining na paglalahad na nagaanyaya ng karagdagang introspeksyon. LIMANG (5) GABAY SA REPLEKSYONG PAPEL 1. 1-2 ang pahina at ang pang 4 ay kalabisan na 2. Huwag maging maligoy 3. Isipin na ito ay gagraduhan para sa talas ng inyong pagmumuni-muni 4, Simpleng wika o magaan ang tono, ngunit seryoso 5. Wastong gamit ng balarila, baybay, at pagbabantas POSISYONG PAPEL « Sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa 1 usapin. ¢ Detelyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmumungkahi, o nagmamatuwid. APAT (4) NA KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL 1. Depinadong isyu - Kailangan maipaliwanag nang malinaw ng nanunulat ang isyu 2. Klarong posisyon - Mailahad nang malinaw ng awtor ang kanyang posisyon at hindi maaaring malabo ang posisyon 3. Mapangumbinsing argumento - Magbigay ng matalinong pangangatwiran at solidong ebidensya at pagsasaalang-alang ng mga kontra-argumento A. Matalinong katwiran - Iwasan ang pangmamaliit sa oposisyon ng iba - Isa-isip na layunin matumbok ang katotohanan B. Solidong ebidensya TATLONG (3) URI NG EBIDENSYA A. Anekdota, ilarawan ang argumento B. Testimonya ng mga awtoridad C. Estadistika, ilahad kasama ng sanggunian C. Kontra-argumento - Salungatan ang pananaw na maaari niyang pabulaanan o iakomodeyt. - Kinaklasipay ang kanyang sariling pananaw. 4, Angkop na tono - May ilang awtor na gumagamit ng impormal at kolokyal na tono sa pagtatangkang makidaupan sa kanila ang mambabasa. - Nakabatay ang tono sa bigat ng isyu LIMANG (5) HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL 1. Pumili ng paksa - Pumili ng paksang malapit sa iyo, nang maisapuso mo ang pagsulat - Maaaring ang paksa ay simple o komplikado at mahalagang ito’y matibay, malinaw, at lohikal 2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik - Magsaliksik upang malaman kung may mga ebidensyang sumusuporta sa iyong posisyon 3. Hamunin ang sariling paksa - Kailangan alamin hindi lamang ang sariling posisyon, pati ang mga salungat dito - Kailangan salunggatan ang kontra-argumento 4, Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya - Sa pamamagitan ng mga opinyon ng mga eksperto, personal na karanasan, aklat, babasahin, at sayt 5. Gumawa ng balangkas PORMAT SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL A. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kaligirang impormasyon. B. Maglista ng ilang posibleng pagtutol sa oposisyon C. Kilalanin ang ilang salungat na argumento D. Lagumin ang iyong argumento at ilahad muli ang iyong posisyon E. Ipaliwanag kung bakit ang iyong oposisyon ang siya pa ring pinakamainam sa kabila ng lakas ng kontra-argumento 6. Isulat ang posisyong papel - Kailangang maipahayag ang iyong opinion nang may awtoridad ngunit huwag magtonong mayabang LAKBAY-SANAYSAY ¢ Paglalakbay ay isang porma ng pagpapahinga. ¢ Sa pamamagitan ng paglalakbay, nagkakaroon ka ng ideya at pagdanas sa kultura, pagpapahalaga, at pamamaraan ng pamumuhay ng ibang lahi. Batay sa siyentipikong pag-aaral, nakakabuti sa kalusugan ang paglalakbay . ¢ Paraan ng pagkilala ng sarili. Created by: Jopar Jose C. Ramos | STEM 12 - Our Lady of Fatima Professor: Ma’am Jessa D. Dantes