Download Komunikasyon quarter 1 module 3 Filipino 11 and more Cheat Sheet Legal English in PDF only on Docsity! a DepED DEPARTMENT Mf OF EDUCATION, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan - Modyul 4: Konseptong Pangwika (Rehistro/Barayti ng Wika, Lingguwistikong Komunidad) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan — Modyul 4: Konseptong Pangwika (Rehistro/Barayti ng Wika, Lingguwistikong Komunidad) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin 0 ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Pena Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr. Leilanie E. Vizarra Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral Job S. Zape Jr. Eugenio S. Adrao Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Elias A. Alicaya, Jr. Ivan Brian L. Inductivo Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Josephine M. Monzaga Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education — Region IV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-491 4/8647-7487 E-mail Address:
[email protected] Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konseptong Pangwika: Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. /a. j; Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. : ) Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling LY pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Pagyamanin Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. & Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Alamin Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago ng panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago din dala ng makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang umaadap ng mga wikang banyaga na nakakaimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin. Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika. Tulad na lamang ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. May mga pagkakataon na maunawaan natin ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit ang wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon rin. Sinadya ng mga may-akda na palalimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika. Kung ang mga merito ng aklat na ito ay mamamaksimays, sa tulong ng matatalino at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may- akda na matatamo ang mga sumusunod . Kasanayang Pagkatuto : Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. Layunin : 1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika, 2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan, 3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa, at 4. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa. Samakatuwid ang mga pangangailangan ng mga estudyante ay mas mapalalim pa ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa maging ang konsepto ng wika. Inaaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa pag-unlad ng wikang Filipino. 14.Ang banas naman dito sa lugar ninyo Mare, samantalang sa amin ay napakaaliwalas! a. Dayalek b. Idyolek c. Rehistro d. Sosyolek 15.Tumutukoy ito sa punto o paraan ng pagsasalita ng isang tao a. Barayti b. Idyolek c. Register d. Sosyolek Panuto: Basahin at unawain ang dayalogo. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot ___1. “Sir, na-encode ko na po yung report at ise-send ko na lang sa fb.” Anong domeyn ang makikita sa rehistro ng wikang ipinahayag? A. agrikultural B. edukasyon C. computer D. pang-agham ____2. Saan madalas marinig ang ganitong usapan? “Tingnan mo sa faculty, baka naandoon si Ma’am “ A. paaralan B. opisina C. bangko D. kongreso 3. “Tigang na ang lupa kailangang kalkalin ito at sakahin.” A. barbero B. magsasaka C. pulis D. empleyado 4. “Tsip, magsasampa po ako ng reklamo, pang-e-estapa.” A. eskuwela B. tailoring C. restawran D. presinto 5. “Normal naman, Dok, ang vital signs nya. Okay naman ang heart beat.” A. bahay B. ospital C. presinto D. bangko Dayuhan Ni Ana Marie Josue Madaling nakasakay si Lani sa pampasaherong bus na dumaan sa tapat ng kanilang trangkahan. Nakaupo siya sa bandang gitna ng bus, kahit maaga pa ay halos mapupuno na rin ang bus. Nasa bandang Bacoor na ang sasakyan nang may sumakay na Amerikano na kasama ang isang Pilipino. Sa kabutihang palad, dahil walang katabi sa upuan si Lani at puno na ang mga upuan, sa tabi niya naupo ang Amerikano. Hindi naman ito pansin ni Lani. Maya-maya’y kinausap siya ng Amerikano. “Hil, saan ba ang uniporme na yan?” itinuro ang uniporme ni Lani. Medyo nagulat si Lani. Matatas ang pagsasalita ng Filipino ng Amerikano. Walang bahid ng pagka-slang. Bawat tanong ng Amerikano sinasagot ni Lani. Puro tanong na nasa wikang Filipino. Pagdating sa Baclaran, tatayo na ang lalaki para bumaba. Nagtanong si Lani, “ilan taon na po kayo sa Pilipinas?” Sumagot ang Amerikano, “dalawang taon na.” Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa laang patlang. 1. Ano ang wikang ginamit sa pag-uusap ng Amerikano at Pilipino? 2. Ano ang maaring dahilan nang pagiging matatas ng Amerikano sa wikang Filipino ? 3. Ano ang kakaibang karanasan mo na may kaugnayan sa konsepto ng wika? Konseptong Pangwika (Register /Barayti ng Wika, | Lingguwistikong Komunidad PeeWee ey Marami na tayong tinalakay mula sa simula pa lang tungkol sa konseptong pangwika. Madali nating makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit. Sa wikang ginagamit masasalamin ang kultura ng tao dahil ang wika ay kabuhol ng kultura. May kanya-kanyang wikang ginagamit ang tao. Sa rehistro at barayti ng wika makikilala rin ang tao tulad ng dayalek, ang wikang ginagamit sa particular na rehiyon; ang estilo ng paggamit ng wika ay tinatawag na idyolek; sama na lang ang sosyolek ay isang okupasyunal na rehistrong pangwika; at ang wikang ginagamit sa bahay ay ekolek samantalang ang etnolek ay pang-etnolingguwistikong grupo. Malaki ang gampanin ng wika sa buhay ng tao. Nang dahil dito, nagkakaroon siya ng pakikipag-ugnayan sa kapwa na nagiging dahilan upang magtamo ng mga karanasang dadalhin sa araw-araw ng buhay. Ang mga nagiging karanasan sa pakikipagtalastasan ang nakapag-iisip sa tao upang magkaroon ng _ sariling pananaw. Ang kanyang paniniwala kaugnay ng wika ay batay sa mga naririnig, nababatid, at napag-aaralan. Register at Barayti ng Wika Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cellphone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito. Halimbawa : Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't-ibang kahulugan sa iba't-ibang larangan o disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang “puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang “punong lungsod"o "kabisera" sa larangan ng heograpiya. Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer at iba pa. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang Balikan Tukuyin at isulat sa inyong sagutang papel kung TAMA o MALI ang pahayag. 1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili . . Ang hanapbuhay ay isang salik na tumutukoy sa saang lugar, pook, o bayan na ginagamit ang wika. 3. Ang homogenous at heterogenous na wika ay iisa. 4. Komunikasyon ang pundasyon ng personal na relasyon ng isang tao sa kanyang kapwa. 5. Ang komunikasyon ay hindi nangangailangan ng proseso. q A Mga Tala para sa Guro Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito. A Tuklasin Panuto: Ilahad mo ang iyong sariling pinaniniwalaan, opinyon, at karanasan hinggil sa konseptong pangwika. 1. Ano, para sa iyo ang Gaylingo o Bekimon . 2. Ibigay ang iyong kaalaman sa sumusunod na barayti ng wika . a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek 3. Magbigay ka ng mga naging karanasan mo kaugnay ng barayti ng wika . 10 Suriin Panuto: Tukuyin kung anong uri ng barayti ng wika ang isinasaad ng mga pangungusap. Piliin sa kahon ang letrang tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Pupunta ako sa bank upang i-check ang aking akawnt. 2. Kuya, pakigawa mo naman ako ng salipawpaw. 3. I will go sa bank na to check my akawnt . 4. Sir, nakita mo ba ang aking USB at mouse ? 5. Makisalo ka sa aking bugong mamayang tanghalian . Pagpipilian : Register Dayalek Taglish . Engalog Puristik Tagalog Sosyolek 99 op Pagyamanin Panuto: Iugnay ang konseptong pangwikang ayon sa iyong kaalaman, pananaw, at mga karanasan. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Ang rehistro ng wika na maaaring okupasyunal na madalas na nakakaunawa ay isang partikular na pangkat. a. sosyolek b. idyolek c, ekolek d. etnolek 11 Tayahin Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa komersyal ng Bear Brand Adult Plus, ipinakita ang mga kagamitan ng mga kawani tulad ng laptop, autocad, T-square, blueprint at miniature. Sa anong larangan nabibilang ito? Accountancy Engineer Arkitektura Medisina a2oTp 2. “Handa na ba kayo? “Ito ay pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at naririnig ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito dahil sa sarili niyang estilo sa pagbigkas. a. Sosyolek b. Dayalek c. Etnolek d. Idyolek 3. Uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. a. Dayalekto b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek 4. Ala! Ang kanin eh malate eh! Malata eh! a. Sosyolek b. Rehistro c. Idyolek d. Dayalek 5. Wikang espesyalisadong nagagamit sa isang particular na domeyn. a. Sosyolek b. Register c. Etnolek d. Pidgin 6. Isang guro sa Filipino II si Bb. Bayot at mula sa iba’t ibang lugar nagmula ang kanyang mga mag-aaral. Sa oras ng klase sa araling rehistro ng wika, pinabigkas niya ang salitang ganda na may damdamin sa apat na mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang lugar. Cavite : Aba, ang ganda ! Batangas : Aba, ang ganda ah ! Bataan : Kaganda ah ! Rizal : Ka ganda hane ! Anong paraan ng pagsasalita ang ginamit? 14 a. Sosyolek b. Dayalek c. Etnolek d. Idyolek 7. Nagpunta sa David Salon si Coleen matapos makatanggap ng kanyang unang suweldo sa pabrikang kanyang pinagtatrabahuhan. Marami sa mga tao sa loob ang gumagamit ng wika ng mga bakla o beki. Pamilyar na siya sa ganitong salita dahil ito’y gamitin na saan mang panig ng bansa. Anong barayti ng wika ang kanyang narinig? a. Sosyolek b. Dayalek c. Etnolek d. Idyolek 8. Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang sa barayti ng wikang jargon ang mga termino tulad ng account, balance, diagnosis at test paper? a. Sapagkat ito ay may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan b. Sapagkat ito ay mula sa isang particular na komunidad c. Sapagkat ito ay mula sa mga etnolinggwistikong grupo d. Sapagkat ito ay wikang di pag-aari ninuman 9. kanilang barangay. Nabanggit ng isa ang ganito... “Wow Pare, ang tindi ng tama ko.... heaven” Anong barayti ng wika ang kanyang narinig? a. Sosyolek b. Dayalek c. Idyolek d. Etnolek 10.Wika na kadalasan ay nagmula o sinasalita sa loob ng tahanan. a. Dayalek b. Etnolek c. Idyolek d. Ekolek 11.Barayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad a. Idyolek b. Etnolek c. Dayalek d. Sosyolek 12.Ito ay pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang pakikipag-komunikasyon a. Rehistro b. Jejemon c. Homogenous d. Heterogenous 13.Ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino sa programang “The Buzz “ay nakilala natin at naging marka ito ng kanyang pagkakakilanlan sa larangan ng Telebisyon. Anong barayti ng wika ito? 15 a. Etnolek b. Taglish c. Idyolek d. Dayalek 14.lisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang lingguwistikong Komunidad. a. Homogenous b. Bilingguwal c. Heterogenous d. Monolingguwal 15.Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming kasalong wika, nananatili pa rin ang barayti at baryasyon nito kahit pa sabihing mayroong Pambansang wika. a. Multilingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Heterogenous d. Homogenous . o Karagdagang Gawain Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Paano nakatutulong sa iyo bilang mag-aaral na malaman, maunawaan, at magkaroon ng pagkakaunawaan sa iba’t ibang sitwasyon, komunidad, at larangan sa tulong ng iba’t ibang rehistro at barayti ng wika? 2. Bilang isang HUMSS/ABM/STEM na mag-aaral, paano mo magagamit sa iyong strand ang iyong kaalaman ukol sa Register at Barayti ng wika . 16