Download Komunikasyon quarter 1 module 3 Filipino 11 and more Cheat Sheet Legal English in PDF only on Docsity! a DepED DEPARTMENT Mf OF EDUCATION, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan - Modyul 3: Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan — Modyul 3: Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin 0 ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Pena Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr. Leilanie E. Vizarra Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral Job S. Zape Jr. Eugenio S. Adrao Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Elias A. Alicaya, Jr. Ivan Brian L. Inductivo Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Josephine M. Monzaga Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education — Region IV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-491 4/8647-7487 E-mail Address:
[email protected] Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konseptong Pangwika: Homogenous at Heterogenous! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. : ) Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling LY pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Pagyamanin Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. & Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Alamin Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago ng panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago din dala ng makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang umaadap ng mga wikang banyaga na nakakaimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin. Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika. Tulad na lamang ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. May mga pagkakataon na maunawaan natin ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit ang wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon rin. Sinadya ng mga may-akda na palaliimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika. Kung ang mga merito ng aklat na ito ay mamamaksimays, sa tulong ng matatalino at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may- akda na matatamo ang mga sumusunod : Kasanayang Pagkatuto : Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon ( Hal. Tonight with Arnold Clavio , State of the Nation , Mareng Winnie , Word of the Lourd ) . 1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika, 2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan, 3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa, at 4. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa. Samakatuwid ang mga pangangailangan ng mga estudyante ay mas mapalalim pa ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa maging ang konsepto ng wika. Inaaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa pag-unlad ng wikang Filipino. 12.Uri ng komunikasyon na ang mensahe ay nagpapadala sa tanong na pidbak a. Komunikasyong intrapersonal b. Komunikasyong interpersonal c. Komunikasyong pampubliko d. Komunikasyong pangmasa 13.Ito ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao a. Pakikipagkomunikasyon b. Pakikipagmabutihan c. Pakikipagkalakalan d. Pakikipagtuos 14.Ito ay maaaring magsimula sa sarili a. Pakikipagmabutihan b. Pakikipagtalastasan c. Pakikipagunawaan d. Pakikipagsapalaran 15.Ito ay isang proseso ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon sa kaalaman ng isang tao sa pormal o impormal na paraan a. Komunikasyon b. Komunikatibo c. Kolaborasyon d. Kultura Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang "genos" na ang ibig sabihin ay uri 0 yari. Ang homogenous na wika ay ang pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon. Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ang wika ay nahahati sa dalawa ang homogeneous na kalikasan nito at ang heterogenous na kalikasan nito. HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA 1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik. 2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga salik. 3. Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong. 4.Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang permanente at pansamantala. Barayting Permanente a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao. b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Barayting Pansamantala a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika. b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat. Mga halimbawa ng heterogeneous na katangian ng wika 1. Dayalektong heograpikal ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon. Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito Dayalektong Temporal Halimbawa: Ang Probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga manunulat nito ay magkaiba at ang barayti ng wika nito ay magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon. Dayalektong Sosyal Halimbawa Uri: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya ng utol,ermats,dedma, epal Edad: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay antipara samantalang ang tawag sa mga kabataan ngayon shades. Kasarian: Hanggang ngayong patuloy pa rin paggamit ng salitang jowa (karelasyon) jubis (Mataba), gander (maganda) at iba pang salita sa Gayspeak. IDYOLEK Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan. Register Ang register sa kalusugan ay iba sa palakasan Estilo Kapag iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maari mong batiin sa pahayag na "Hoy" kamusta ka na? Kapag bumisita ka sa iyong lolo at lola ay binabati natin sila ng kumusta po kayo? Midyum Ang mga terminong gaya ng dalumat, dalisay at kaatiran ay mababasa sa mga disertasyon at ibat ibang akademikong materyal na nakasulat, ngunit bihirang ginagamit ang mga ito pang araw-araw na pasalitang pakikipag- usap. HOMOGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad. 2. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan. Arbitraryo Halimbawa: Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang kahulugan, kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang Tagalog na "kamay" ay "ima" sa wikang Ilokano, "kamot" naman sa Bikolano, at "gamat" naman sa Kapampangan. Dinamiko Halimbawa : Nanghihiram din tayo ng mga salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga kaibigan." Balikan Tukuyin kung FACT o BLUFF ang bawat pahayag. geBeonr Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wika ay binubuo ng ponema, morpema, sintaks at semantika Ang wika ay hindi arbitraryo Lahat ng tao ay may kakayahang makapagsalita Ang wika ay naaayon sa preperensya ng grupo ng tao na gagamit nito q A Mga Tala para sa Guro Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito. A Tuklasin Kahulugan ng Komunikasyon Napabibilis at napababagal ang daloy ng komunikasyon depende sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. May iba’t ibang sangkap at proseso ang komunikasyon sang-ayon sa nilalayon nito. Nakasalalay sa bawat sangkap at proseso ng komunikasyon ang pagtatagumpay at pagkabigo ng paghahatid ng mensahe. May mga sitwasyon na ang iniisip ng tagapaghatid ng mensahe ay may ibang kahulugan sa tagatanggap nito na siyang nagiging dahilan nang hindi pagkakaunawaan. Pagsilang ng bata at umuha ay nagsimula na siyang makipag-ugnayan sa mundo. Kapag narinig ito ng ina ay siguradong tutugunan dahil nauunawaan niyang kailangan siya ng anak. Ito ang komunikasyon. Nagaganap ito sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. Ang komunikasyon ay pagpapahayag , paghahatid , o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan . Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan . Ito rin ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Ayon sa pag-aaral ng tagapangulo ng De La Salle University na si Josepina Mangahis, et al. ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok gamit ang mga makrong kasanayan — pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at panonood. ( Ayon kay Sikhay, et.al. at sa kanilang aklat noong 2003 ) Komunikasyon o pakikipagtalastasan ang pundasyon ng personal na relasyon ng isang tao sa kanyang kapwa( E. L. Pena, et al. at sa kanilang aklat na Kanlungan ). Isang proseso ito ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman ng isang tao sa pormal o impormal na paraan. Mga Simulain ng Komunikasyon o Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili o Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyong pangnilalaman at relasyonal Ang komunikasyon ay komplikado Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan Ang komunikasyon ay isang proseso ° 0000 10 Mga Modelo ng Komunikasyon 1. Komunikasyon bilang aksyon — ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (receiver) . Komunikasyon bilang interaksyon — nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang tao . Komunikasyon bilang transaksyon — pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o higit pang tao Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon 1. 2. Oratorical o frozen style — ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood. Deliberative style — ang estilong ginagamit sa tiyak na bilang ng manoood na kadalasang ginagawa sa loob ng klasrum o mga forum . Consultative style — tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailangan ng pormal na pananalita sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang gagamitin. Kadalasang makikita sa opisina at mga pulong. Casual style — karaniwang makikita sa usapan ng makakapamilya o magkaibigan. Intimate style — nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapamilya o karelasyon. Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto ° Komunikasyong intrapersonal. Ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang na makikita sa ekspresyon na nagsasalita Komunikasyong interpersonal. Ginagamit ang mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng dalawang tao sa isang situwasyon. Komunikasyong pampubliko. Ang simpleng pinagmulan ng mensahe ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap na maaaring sagot-tanong na pidbak. Komunikasyong pangmasa. Ang paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa isang namamagitan na sistema sa pagitan ng tagapagpa- dala patungo sa malaking bilang ng mga di nakikitang tagatanggap. Halimbawa ang telebisyon. Komunikasyong computer mediated. Ang komunikasyong pantao at impormasyong ibinabahagi ng communication networks 11 Panuto: Iugnay ang konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon. Itiman ang bilog ng tamang sagot. 1. Anong konseptong pangwika ang pinakamalapit na maasahang makikita sa programang PEP Talk? oB. bilingguwalismo © A. barayti ng wika OD. multilingguwalismo O C. wikang panturo 2. Anong komunikasyon ang kalimitang ginamit sa paghahatid ng mensahe sa mga palabas sa telebisyon? OB. komunikasyong pampubliko © A. computer mediated oD. komunikasyong interpersonal o C. komunikasyong pangmasa 3. Ano ang sitwasyong pamamaraan upang mailahad ang mensahe at matukoy ang konseptong pangwika? O A. debate O B. panayam OC. drama OD. musikal 4. Ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay isinasahimpapawid sa ABS CBN. Kung iuugnay ito sa konseptong pangwika, ilang konsepto ang posibleng makita sa dramang pantelebisyon? OA. tatlo O B. lima OC. pito O D. lahat 5. Anong daluyan ng sitwasyong pangkomunikasyon ang maiuugnay sa palabas? OA. telebisyon O B. radyo OC. internet OD. sinema 14 ‘@) oO 1G } Isagawa i Sagutan ang mga sumusunod sa inyong sagutan papel. 1. Ano-ano ang kategorya at kaantasan ng wika? Alin sa mga ito ang madalas mong gamitin sa pakikipag-ugnayan? Paano mo gagamitin ang iyong natutuhang gamit ng wika sa lipunan sa pakikipag-ugnayan sa mga taong makakasalamuha mo araw-araw? Tayahin Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel 1. lisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang linggwistikong komunidad. a. Heterogenous b. Homogenous c. Sosyolek d. Idyolek Magkakaiba ang anyo ng wika na ginagamit sa isang linggwistikong komunidad. a. Multilinggwalismo b. Bilinggwalismo c. Heterogenous d. Homogenous . Mas marami ang nagsasalita ng Ingles o gumagamit ng code switching, kolokyalismo, o balbal na pananalita sa isang linggwistikong komunidad. a. Multilinngwalismo b. Bilinggwalismo c. Heterogenous d. Homogenous Salik na nakakaapekto sa lingguwistikong komunidad . a. Hanapbuhay at edukasyon b. Pakikipag-ugnayan c. Pakikitungo d. Rasyonal 15 . Ito ay maaaring magsimula sa sarili. a. Pakikipagmabutihan b. Pakikipagtalastasan c. Pakikipagunawaan d. Pakikiagsapalaran . Ito ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao a. Pakikipagkomunikasyon b. Pakikipagmabutihan c. Pakikipagkalakalan d. Pakikipagtuos . Isang salik sa pagkakaiba ng anyo ng wika na tumutukoy sa pandarayuhan na nangangahulugang pagpapalipat-lipat ng lugar sa loob ng isang bansa a. Hanapbuhay b. Edukasyon c. Migrasyon d. Edad . Modelo ng komunikasyon na pinagmumulan ng mensahe a. Tagapagdala b. Tagatanggap c. Reaksyon d. Tsanel . Uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. a. Ikalawang Wika b. Unang Wika c. Dayalek d. Idyolek 10. Karaniwang makikita sa usapan ng magkakapamilya o magkakaibigan a. Deliberation style b. Oratorical style c. Intimate style d. Casual style 11.Ito ay nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapamilya o karelasyon a. Deliberation style b. Intimate style c. Frozen style d. Casual style 16 Sanggunian 1. Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino nina Cecilia S. Austrero , Lourdes S. Bascuna 2. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina Rolando A. Bernales at Glecy C. Atienza 3. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina Orlando T. Valverde at Zenaida C. Yero Internet / Google 1. Brainly.ph - https://brainly.ph/question/668798#readmore 2. Brainly.ph - https://brainly ph/question/679230#readmore 19 Para sa mga katanungan o puna, sumulat 0 tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address:
[email protected] * bir.Irp>
[email protected]