Download Mastering AP & ESP: Success and more Summaries Physical education in PDF only on Docsity! UNANG MARKAHAN – ARALING PANLIPUNAN ARALIN 1-3 Introduksyon sa AP 10 [Kontemporaryong Isyu] • Kontemporaryong Isyu o Tawag sapangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa Kasalukuyang panahon. o Tumutukoy sa iba’t-ibang hamon o problema na hinaharap ngating lipunan at daigdig sa kasalukuyan. o Napapanahong paksa o usapin na nangangailangan ng paglilinaw, debate o klaripikasyon. o May pitong saklaw: ▪ Isyung Kapaligiran ▪ Isyung Pang Ekonomiya at Pang kabuhayan ▪ Isyung Politikal at Kapayapaan ▪ Isyung Karapatang Pantao ▪ Isyu tungkol sa Kasarian at sekswalidad ▪ Isyung Pangkalusugan ▪ Isyung Pangedukasyon • Charles Wrights Mills (August 28, 1916 – March 20, 1962) o Isang sosyolohista at professor sosyolohiya o Ayon sa kanya, ang buhay ng isang indibidwal ay lubos na nakatali sakanyang liounang ginagalawan, sakasaysayan nito at sa mga institusyong nakapaloob dito. (1959) o Mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng personal na karanasan ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Social Imagination. • Isyu o Paksa, tema, o suliraning nakaapekto sa lipunan o Napag-uusapan, nagiging batayan ng debate at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. o Maaring kaugnay sa mga temang tulad ng ▪ Lipunan ▪ Karapatang pantao ▪ Relihiyon ▪ Ekonomiya ▪ Politika ▪ Kapaligiran ▪ Edukasyon ▪ Pananagutang-pansibiko o May Dalawang Uri ▪ Isyung Personal - Nagaganap sa pagitan ng isang tao at iilang malalapit sa kanya. ▪ Isyung Panlipunan - Pampublikong bagay.Karaniwang kaugnay sa krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. • Kontemporaryo o Nanggaling sa salitang “Contemporarius”, kung saan ang ang “con” ay nangangahulugang kasama sa at “tempus o tempor” ay nangangahulugang panahon o Ginagamit sa iba’t ibang konteksto; Kontemporaryong Daigdig at Kontemporaryong Kasaysayan • Kontemporaryong Daigdig o Ito ay naglalarawan sa panahon mula ika 20 dantaon hanggang kasalukuyan • Kontemporaryong Kasaysayan o Ito ay tumutukoy sa panahon mula sa pagitan ng ika- 20 dantaon hanggang kasalukuyan • Pahayagan o Pangunahing pinagkukunan ng pinakabagong balita at impormasyon sa kapaligiran o bansa • Mga kasanayan sa Kontemporaryong Isyu o Mapanuri o Balanse o Makabuluhan • Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu o Nagiging mulat tayo sa mga kasalukuyang isyu o Naiuugnay ang sarili sa isyu o Makakaisip ng mga pamamaraan kung paano makaiiwas sa mga kalamidad. o Nahahasa ang iba’t-ibang kasanayan at pagpapahalaga Aralin 1: Suliraning Pangkapaligiran • Kahalagahan ng Likas na Yaman o Dito tayo kumukuha ng mga hilaw na materyales para maging produkto at pinagmumulan ng iba’t- ibang hanap-buhay Mga suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste, Pagsira ng mga Likas na Yaman, Climate Change • Solid Waste o Tumutukoy ito sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sector ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. o Ayon sa pag-aaral ni Olivera at mga kasama, ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. o Halos 25 % ng mga basura ng Pilipinas ay nangagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakakalikha ng 0.7 kilong basura araw araw. o Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay nagmula sa tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinamalaki naman sa uri ng itinatatapong basura ay tinatawag na Bio- degradable na may 52.31%. (National Solid Waste Management Status Report) UNANG MARKAHAN – ARALING PANLIPUNAN ARALIN 1-3 • Kawalan ng Disiplina sa Pagtatapon ng Basura o Dahilan kung bakit problema ang solid waste sa Pilipinas o Tinatayang 1,500 tonelada ng basura bang tinatapon sa ilog, estero, kalsada, bakanteng lote,at sa Manila bay o Epekto: ▪ Pagbaha ▪ Paglaganap ng iba’t ibang sakit ▪ Nakakadaragdag sa polusyon sa hangin ▪ Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector dahil kaylangan pa nila mag segregate ng mga basura bago ipunta sa dumpsite ▪ Nalalagay na sa panganib ang mga naninirahan dito sa Metro Manila dahil sa mga dumpsite dahil ang katas ng mga basura o leachate mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite ay napupunta sa Ilog Markina at Ilog Pasig tungo sa Manila Bay na nagtataglay ng lead o arsenic na nakakasama sa tao ▪ Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado din ang pag- aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. • Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) o Ipinatupad ng iba’t-ibang sektor para magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000) o Resulta ay pagpapatayo ng Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite. o Mula sa 2,438 MRFs noong 2008, naging 8,656 noong 2014 sa iba’t-ibang barangay • Mga Best Practices sa Pamamahala ng Basura o Sto. Tomas, Davao del Norte ▪ No segregation, no collection ▪ No orientation & implementation of Ecological Solid Waste Management (ESWM), no issuance of municipal permits o Valenzuela ▪ May balik sa plastic • Mga NGOs na tumutulong sa paglutas ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas o Mother Earth Foundation ▪ Tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay o Clean and Green Foundation ▪ Kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines (Kimpo, 2008). o Bantay Kalikasan ▪ Paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project. o Greenpeace ▪ Naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan Mga suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste, Pagsira ng mga Likas na Yaman, Climate Change • Pagkasira ng mga Likas na Yaman o Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na biniyayaan ng napakaraming likas na yaman o Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2000 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman. • Dahilan ng Patuloy na Pagkasira at Pagkaubos ng Ating Likas na Yaman o Mapang abusong paggamit nito. o Pagtaas ng demand ng lumalaking populasyon o Hindi epektibong pagpapatupad ng batas at mga Programa o Natural Kalamidad • Department of Energy and Natural Resources (DENR) o Pangunahing sangay ng pamahalaan na ngangalaga sa mga likas na yaman ng Pilipinas Ang pangangalaga sa likas na yaman ay magdudulot ng pag- unlad ng bansa at kasaganaan ng mga mamamayan Mga Likas na Yaman ng Pilipinas • Yamang Gubat o Mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6.43 ektarya noong 2003. o Tahanan ng iba’t-ibang nilalang o Napagkukunan ng iba’t-ibang produkto tulad ng tubig, damit, gamot, at iba pang pangangailangang tao at hanap buhay ng tao • Yamang Tubig o Isa sa problema nito ay ang pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo. o Maaaring magamit ng paulit-ulit ngunit dapat itong pahalagahan at gamitin n tama UNANG MARKAHAN – ARALING PANLIPUNAN ARALIN 1-3 • Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework o Philippine Disaster Risk Redution and Management Acto 2010 ay nakabatay sa dalawang layunin ▪ Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad ▪ Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng kalamidad at hazard o Sinusulong ang kaisipang pati ang mga mamamayan at iba’t ibang sektor ang kasama sa paglutas ng hamong pangkapaligiran hindi lamang ang pamahalaan o Pinakamahalagang layunin ay pagbuo ng disaster- resilient na mga pamayanan • Community-Based Disaster and Risk Management Approach o Pamamaraan aktibong bakikilahok ang pamayanang may banta ng hazard at kalamidad sa pagtukoy, pagsuri,pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan na isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawaang pinsala sa buhay at ari-arian o Mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan o Ayon kina Shah at Kenji (2004), ang Community- Based Disaster and Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. o Binigyan nito ang tao ng kapangyarihan na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. o Epekto ng Aktibong Pakikilahok ng Lahat ng Sektor ng Pamayanan: ▪ Mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad ▪ maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan ▪ ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sector ng pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag nakararanas ng kalamidad. o Nakaayon sa konseptio ng Bottom-Up Approach na taliwas sa Top-Down Approach - Lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran. - Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach. • Top-Down Approach o Disaster management plan ay tumutukoy sa sitwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. o Ang sistemang ito ng disaster management ay nakatanggap ng mga kritisismo. Binigyang-diin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan ng top- down approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. • Bottom-Up Approach o Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag- aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan o Ginagamit din ng mga bansang: ▪ Laos ▪ East Timor ▪ Indonesia ▪ India ▪ Pilipinas o Katangian ▪ Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad. ▪ Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga NGO’s, nanatiling pangunahing kailangan para sa grossroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan ▪ Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga Gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na bottom- up strategy. ▪ Ang responsableng paggamit ng mga tulong pinansiyal ay kailangan ▪ Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay ang pagkilala sa mga pamayanan na may maaayos na pagpapatupad nito. ▪ Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan. ▪ Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar. UNANG MARKAHAN – ARALING PANLIPUNAN ARALIN 1-3 • National Disaster Coordinating Council (NDCC) o Kilala ngayon bilang National Disaster Risk Reduction Management Council) o Kasapi ng proyektong “Partnerships for Disaster Reduction – Southeast Asia (PDR-SEA) Phase 4 (2008) na layunin ay maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng CBDRM plan ▪ Mahalaga ang proyekto na ito sapagkat binibigyan nito ng sapat na kaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa plano at programa ng ng lokal na pamahalaan. ▪ Bukod dito, mas masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay nakabatay sa pangangailangan at kakayahan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang hazard o kalamidad na maaari nilang maranasan. ▪ Mahalaga ang proyekto na ito sapagkat binibigyan nito ng sapat na kaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa plano at programa ng ng lokal na pamahalaan. ▪ Bukod dito, mas masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay nakabatay sa pangangailangan at kakayahan ng pamayanan na harapin ang iba’t ibang hazard o kalamidad na maaari nilang maranasan. Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation • Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. • Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. • Hazard Assessment o Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. o Pisikal na Katangian ng Hazard ▪ Pagkakakilanlan - Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar ▪ Katangian - Pag-alam sa uri ng hazard ▪ Intensity - Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard. ▪ Lawak - Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard. ▪ Saklaw - Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan ng hazard. ▪ Predictability - Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard. ▪ Manageability - Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala. o Temporal na Katangian ng Hazard ▪ Frequency - Dalas ng pagdanas ng hazard. ▪ Duration - Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. ▪ Speed of Onset - Bilis ng pagtama ng isang hazard. ▪ Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad. ▪ Force - Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, etc. • Hazard Mapping o Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard. • Historical Profiling / Timeline of Events o Upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala. • Vulnerability at Capacity Assessment o Masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. o Vulnerability Assessment ▪ Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. o Capacity Assessment ▪ Tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. o Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability at Capacity: ▪ Pisikal / Materyal - Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. ▪ Panlipunan - Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa isang lipunan. ▪ Pag-uugali tungkol sa Hazard - May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. o Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. o Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: 1. ▪ Elements at Risk - Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali. UNANG MARKAHAN – ARALING PANLIPUNAN ARALIN 1-3 ▪ People at Risk - Tinutukoy ang mga grupo ng tao namaaaring higit na maapektuhan ng kalamidad. ▪ Location of People at Risk - Tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable. • Risk Assessment o Tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan. • Dalawang Uri ng Mitigation o Structural Mitigation - Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. o Non-structural Mitigation - Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. • Ayon kina Ondiz at Rodito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment: o Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin. o Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. • Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. o Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard. o Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk. Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness Disaster • Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. • Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad. • Tatlong Pangunahing Layunin o To inform - Magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad. o To advise - Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard. o To instruct - Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin. • Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda sila sa mga posibleng epekto nito. Ikatlong Yugto: Disaster Response • Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. • Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad. • Tatlong Uri ng Pagtataya o Needs Assessment - Ayon kina Abarquez at Murshed (2004), ang needs ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. o Damage Assessment - Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. o Loss Assessment - Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon. • Sa ikatlong yugto ng DRRM binigyang-diin ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Mahalaga ito dahil magsisilbi itong batayan para sa ikaapat at huling yugto ng DRRM plan, ang Disaster Rehabilitation and Recovery.