Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Module FILIPINO 10 QUARTER 1 MODULE 4, Study notes of English

Filipino 10 Q1 Modyul 4 (PDF)

Typology: Study notes

2022/2023

Uploaded on 10/16/2022

allyson-fernandez
allyson-fernandez 🇵🇭

5

(1)

1 document

Partial preview of the text

Download Module FILIPINO 10 QUARTER 1 MODULE 4 and more Study notes English in PDF only on Docsity! Filipino Unang Markahan – Modyul 4: Epiko ng Iraq / Sinaunang Mesopotamia (Panitikang Mediterranean) 10 CO_Q1_Filipino10_Module4 Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 4: Epiko mula sa Iraq / Sinaunang Mesopotamia Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Alvin D. Mangaoang, Florida P. Picatoste Editor: Luisito V. Libatique Tagasuri: Arabella May Z. Soniega, Virgilio C. Boado, Editha T. Giron, Gina A. Amoyen, Gemma M. Erfelo, Rowena R. Abad, Renato R. Santillan, Maria Teresita R. Gapate Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., Rodel R. Rimando Tagalapat: Alvin D. Mangaoang Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Arlene A. Niro, Gina A. Amoyen, Editha T. Giron, Atty. Donato D. Balderas Jr., German E. Flora, Virgilio C. Boado, Alejo R. De Sesto 1 CO_Q1_Filipino10_Module4 Alamin Binabati kita at natapos mo ang pag-aaral sa Modyul 3! Natitiyak kong marami kang natutuhan sa nakaraang aralin na magagamit mo sa Modyul na ito. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral. Sana kung gaano ka nasabik sa mga nakaraang aralin ay ganoon pa rin ang iyong kasabikan ngayon. Handa ka na ba? Kung oo, tara na’t magsimula na. Ang Modyul 4 ay tatalakay sa kauna-unahang dakilang likha ng panitikan – Ang Epiko ni Gilgamesh mula sa Sinaunang Sibilisasyon ng Mesopotamia (Iraq na sa kasalukuyan). Ang Mesopotamia na nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “sa pagitan ng dalawang ilog”, ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean. Matatagpuan sa hilagang-silangan nito ang Bundok ng Zagros at sa Timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia. Sa kasalukuyan, ang malaking bahagi nito’y nasa Iraq samantalang ang ilang bahagi nito’y nasa Iran, Syria at Turkey. Ang dalawang ilog na tinutukoy ng pangalan nito ay ang Ilog Tiris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J. H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent. Masasalamin sa kanilang panitikan ang sinaunang kultura. Makikilala rin sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali at iba pang mapagkakikilanlan ng kanilang lahi. Naglalaman ang araling ito ng “Epiko ni Gilgamesh”. Hihimayin ito upang mapatunayang ang pangunahing tauhan sa epiko ay may pambihirang kapangyarihan. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggan epiko. (F10PN-Ie-f-65) 2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan. (F10PB-Ie-f-65) 3. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa. (F10PB-Ie-f-66) 4. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda. (F10PT-Ie-f-65) 5. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan. (F10PD-Ie-f-64) 6. Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino; sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa; suring-basa ng nobelang nabasa o napanood. (F10PU-Ie-f-67) 7. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. (F10WG-Ie-f-60) Kaya halika na’t atin nang alamin ang mga ito. 2 CO_Q1_Filipino10_Module4 Subukin Bago natin talakayin ang nilalaman ng epiko, magkakaroon muna tayo ng paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang kasunod na gawain para mataya kung ano ang mga dapat mo pang malaman sa susunod na pag-aaral. PAUNANG PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Epikong “Biag ni Lam-ang” at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Biag ni Lam-ang Nagkaroon ng anak sina Don Juan at Namongan. Nilusob ng mga Igorot ang tribo ni Don Juan na naging sanhi ng pagkamatay ng kaniyang pangkat. Dahil dito ay dumayo si Don Juan sa kuta ng mga Igorot upang ipaghiganti ang kaniyang tribo. Gayonman, hindi na nakabalik pa sa kanilang lambak si Don Juan. Naisilang naman ang anak nilang si Lam-ang na mayroong pambihirang kakayahan. Nakapagsasalita na agad siya at mayroong kakaibang lakas. Nalaman ni Lam-ang nangyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya maipaghiganti ito. Tutol man ang kaniyang inang si Namongan ay hindi naman siya napigilan. Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at nakita ang amang nakapiit. Sinabihan siya ng mga Igorot na umuwi na lamang upang hindi matulad sa kaniyang ama. Ngunit sumigaw si Lam-ang at nayanig ang lupa. Pinaulanan siya ng sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya ang kaniyang sibat at dito ay nalupig ang puwersa ng mga Igorot. Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribo. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang. Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok. Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines. Hindi sila binigo nito at nagdala ng dalawang barkong puno ng ginto at naikasal ang dalawa. Nagyakapan sina Lam-ang at Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang at namuhay silang maligaya sa mahabang panahon. 3 CO_Q1_Filipino10_Module4 Batay sa nabasa, magbigay ng limang katangian ng isang epiko 1. ____________________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________________ 3. ____________________________________________________________________ 4. ____________________________________________________________________ 5. ____________________________________________________________________ Ano-anong mga katangian ang nahinuha sa pangunahing tauhan? 6. ____________________________________________________________________ 7. ____________________________________________________________________ 8. ____________________________________________________________________ 9. ____________________________________________________________________ 10. ____________________________________________________________________ Ano-anong kulturang Pilipino ang ipinakita sa binasang epiko? 11. ____________________________________________________________________ 12. ____________________________________________________________________ 13. ____________________________________________________________________ 14. Magbigay ng isang patunay na ang pangunahing tauhan ay may ugnayan sa puwersa ng kalikasan. ____________________________________________________________________ 15. Bakit mahalaga ang epiko sa isang bansa? ____________________________________________________________________ B. Panuto: Punan ng angkop na salitang hudyat ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang mga salitang hudyat sa loob ng kahon. Isulat sagot sa iyong sagutang papel. Bukod sa Kung Dahil Saka Sa madaling sabi (1) __________ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina. (2) __________ kaya lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3) __________ dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules. (4) __________ naging makata at manunulat naman si Emman at nahilig sa musikang rock ‘n roll si Jason. (5) ___________, nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Mahusay! Nabuo mo ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpupuno ng angkop na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Magpatuloy ka pa. 6 CO_Q1_Filipino10_Module4 paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng mga kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang kaniyang mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na kung sinoman ang mapunta roon ay hindi na makababalik pa”. 4) Sa bahay, kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luwad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon, sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo at naroon si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang reyna ng kalaliman at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagpadala sa iyo rito” Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot. 5) Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit at pinunasan ang luha ng kaniyang kaibigan. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino ang makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-panani-paniwalang mga pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan ay maaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” 6) Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya at ang kaniyang mga mata’y halos ‘di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. 7) Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala. Hango sa Department of Education. Filipino Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag- aaral. DepEd IMCS, Pasig. FirstEdition, 2015 7 CO_Q1_Filipino10_Module4 Kumusta mahal kong mag-aaral? Naunawaan mo ba ang iyong binasang epiko? Kung naunawaan mo, maaari ka nang magpatuloy sa sumusunod na gawain pero kung hindi pa ay maaari mong basahin muli ang epiko. Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Ipaliwanag ang mga nagamit na alegorya (nakatagong mensahe) sa epiko sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa mga diyalogo ng mga tauhan. Isulat sa sagutang papel ang mga ipinahihiwatig nito. 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” ___________________________________________________________________________ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?” ___________________________________________________________________________ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?” ___________________________________________________________________________ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.” ___________________________________________________________________________ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” ___________________________________________________________________________ Gawain 3: Pag-unawa sa binasang Epiko Panuto: Suriin ang mga alegoryang nagamit sa epiko sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng may-akda tungkol sa pakikipagkaibigan. ___________________________________________________________________________ 2. Bakit kaya kahiya-hiya para kay Enkido ang kaniyang kamatayan? ___________________________________________________________________________ 3. Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng Epiko? ___________________________________________________________________________ 4. Ano ang nakitang kababalaghan sa epiko? ___________________________________________________________________________ 5. Ano ang kinaharap na suliranin nina Gilgamesh at Enkido? Bigyan ito ng interpretasyon ___________________________________________________________________________ Gawain 4: Opinyon Ko, Mahalaga! Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel. 1. Kung ikaw si Gilgamesh, gusto mo bang maging isang pinuno gaya niya? Bakit? ___________________________________________________________________________ 2. Nanaisin mo rin bang makita ang hinaharap? Bakit? ___________________________________________________________________________ 8 CO_Q1_Filipino10_Module4 3. Ano ang kaya mong gawin para sa isang kaibigan? ___________________________________________________________________________ 4. Maituturing bang bayani si Gilgamesh? Pangatuwiranan. ___________________________________________________________________________ 5. Anong pambihirang mga katangian ang taglay ng pangunahing tauhan? Patunayan. ___________________________________________________________________________ Binabati kitang muli mahal kong mag-aaral sa lumalawak mong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin! Magpatuloy ka lang. Suriin Basahin at unawain ang kahulugan ng epiko para malaman mo kung paano nakatulong ang epiko sa pagpapahalaga sa katauhan ng isang tao. Alam mo bang… Epiko ang tawag sa tulang pasalaysay na naglalahad ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhang nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao? ➢ Ang karaniwang paksa nito ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma. ➢ Ang salitang epiko ay galing sa salitang Greek na “epos” na nangangahulugang “salawikain o awit” ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihang isinasalaysay. ➢ Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. ➢ Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. ➢ Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. ➢ Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit. Kasaysayan ng Epiko ➢ Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk. ➢ Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BCE. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odyssey. ➢ Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Imperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. ➢ Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din si Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. 11 CO_Q1_Filipino10_Module4 Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng “mahal na mahal ka sa akin”. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan “Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?” Ang naging tugon ng Sultan ay “Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kaniya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kaniya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kaniyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari. Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna. Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay tahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat. Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang- magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kaniyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa. Mula sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga- epiko-bidasari-epikong-mindanao_606.html 12 CO_Q1_Filipino10_Module4 Gawain 6: Unawain Mo! Panuto: Sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Sino si Bidasari batay sa epikong Mindanao? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ni Bidasari? Paano ito nasolusyonan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Ano-ano ang mga pangyayari sa epiko ang tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Gawain 7: Bakit Nga Ba? Panuto: Isulat ang iyong papanaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng Epiko ni Gilgamesh sa Epiko ni Bidasari at ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino. Gayahin ang grapikong presentasyon sa inyong sagutang papel. PAGKAKATULAD EPIKO NI GILGAMESH PAGKAKAIBA EPIKO NI BIDASARI Ano ang iyong damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa? 13 CO_Q1_Filipino10_Module4 Isaisip Gawain 8: Punan Mo! Panuto: Batay sa iyong natutuhan sa kabuoan ng aralin, punan mo ng sagot ang hinihingi ng bawat kahon. Magbigay lamang ng tig-iisang sagot sa iyong sagutang papel. EPIKO Isagawa Gawain 9: Iguhit Mo! Panuto: Iguhit ang iyong paboritong superhero sa inyong sagutang papel. Ibigay ang mga pambihirang katangiang hinahangaan mo sa kaniya. Ang Paborito Kong Superhero Kahulugan Kasaysayan Kahalagahan Elemento 16 CO_Q1_Filipino10_Module4 Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa 1. Sino si Amaya? Ano-ano ang kaniyang mga pambihirang katangian? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ano-anong mga ginamit na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Sa kabilang banda, naapektuhan ang pamumuhay nina Lamitan at Marikit kaya pinilit ni Lamitan si Marikit na maging sandal ni Rajah Mangubat para magkaroon muli siya ng kapangyarihan sa puod ngunit ito ay hindi sang-ayon sa mga kagustuhan ni Marikit. Naging dahilan ito kaya naging matamlay siya subalit pinilit ni Lamitan si Marikit na gumamit ng “chandu”. Dahil dito nasira na ang pag-iisip ni Marikit. Naawa si Amaya kay Marikit kaya pinagaling niya ito. Nakita ni Marikit ang tunay na katauhan ng kaniyang iloy. Kinuha ni Marikit si Mantal (ang kapatid ni Lamitan) at dinala sa ibang banwa. Si Mantal ang dating kasama ni Lamitan ngunit dahil sa pangyayaring ito, nakita niya ang tunay na ugali ng kaniyang kapatid. Sila ay nagplano ng rebelyon para maibalik ang puod kay Angaway sa mga kamay ni Bagani na karapat-dapat maging Rajah. Nagawa nilang patayin si Angaway ngunit ang buong puod ay hindi napasakanila. Ginamit ni Lamitan ang pagkakataong ito para isakatuparan ang kaniyang mga inaasam. Ginawa niyang pinuno ang kaniyang sarili sa buong puod dahil siya ang pumapangalawa sa kapangyarihan ni Angaway. Hindi talaga ito matanggap sa buong puod. Wala pang babaeng tinanggap bilang Rajah mula noong sinuhulan ni Lamitan ang kaniyang mga kawal at binalaan ang konseho na iproklama siya bilang isang ganap na pinuno. Subalit hindi pa rin siya binigyan ng titulo na maging ganap na Hara. Ang lahat ng banwa na nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan ay napatawan ng buwis. Sinindak ni Lamitan ang mga tao sa paggamit ng engkantasyon mula sa mga babaylan para maging sunod-sunuran sa kaniya sa pamamagitan ng panlilinlang na siya ay may direktang komunikasyon sa diyos. Sa kabilang dako, dahil sa mga kamangha-manghang nagawa ni Amaya, siya ay tinawag na pinakamakapangyarihang tao sa kanilang panahon. Maraming mga pagbabago ang nangyari sa puod, kagaya ng pagbibigay ng karapatan sa mga alila na maging timawa o malayang tao pagkatapos nilang mabayaran ang kanilang utang at ang pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon at negosyo. Sa kabila ng magagandang pangyayaring ito, si Amaya at Bagani ay kinailangan ng kanilang mga tao kaya ang kanilang pagmamahalan ay muling nahinto. Si Rajah Bagani ay naging mas wais na pinuno at mandirigma. Si Amaya naman ay pilit na lumayo kay Bagani sa maraming taon para pagtuonan ang kaniyang pamamahala gayondin ang ginawa ni Bagani. Si Amaya ay isa sa mga pinakaunang babaeng namuno ng tunay sa isang puod, isang totoong Hara. Nang ang nakababatang kapatid ni Bagani na si Banuk ay lumaki, nakiusap si Banuk na gawin siyang isang Rajah sa pag-aakalang sobra- sobra na ang isinakripisyo ni Bagani at sa tingin niya ay oras na rin para muling magkasama sila ng kaniyang irog. Pumunta si Bagani sa banwa ni Amaya at sa kaniyang pagkagulat ay nalaman niyang mayroon pala siyang anak kay Amaya na nagngangalang Bugna. Sa wakas, sila ay naging isang buong pamilya. Magkasabay na namatay sina Amaya at Bagani at magkahawak ang kamay. Mula sa https://danielledecastro129.wordpress.com/2015/03/11/amaya/ 17 CO_Q1_Filipino10_Module4 3. Ano ang paksa ng epikseryeng binasa? Ikumpara ito sa Epiko ni Gilgamesh at Epiko ni Bidasari. Amaya Epiko ni Gilgamesh Epiko ni Bidasari Suriin Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga katanungan. Sa bahaging ito, inaasahang masasagot ang pokus na tanong na – paano nakatutulong ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay? Alam mo bang… Panandang Pandiskurso ang tawag sa mga salita o lipon ng mga salitang nag- uugnay sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. Ito ay nagbibigay-linaw at nag- uugnay ng mga kaisipang inilahad sa isang teksto o diskurso. Ito ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay, panghalip at iba pang bahagi ng pananalita. Uri ng Panandang Pandiskurso 1. Mga Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari Mga Halimbawa: a. Sa pagsisimula – Una, sa umpisa, noong una, unang-una b. Sa gitna – ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos c. Sa pagwawakas – sa dakong huli, sa huli, sa wakas 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso Mga Halimbawa: a. Pagbabagong-lahad – sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag, kung iisipin • Sa kabilang dako, pinatay nila si Humbaba, pinatag nila ang kagubatan pati ang pagtangkang siraan ang diyosang si Ishtar ay kanilang ginawa. b. Pagtitiyak o Pagpapasidhi – siyang tunay, tulad ng, sumusunod, sa kanila, walang duda • Walang dudang naging matalik na magkaibigan sina Gilgamesh at Enkido. c. Paghahalimbawa – halimbawa, nailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito ay, gaya ng, tulad ng • Iba’t ibang pakikipagsapalaran ang ginawa nina Gilgamesh at Enkido gaya ng pagpatag sa kagubatan, pagpaslang sa halimaw at paggapi sa toro ng diyosa. 18 CO_Q1_Filipino10_Module4 d. Paglalahat – bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa kabuoan, sa lahat ng mga ito • Sa kabuoan, lubos na naghinagpis si Gilgamesh sa sinapit ng buhay ni Enkido kaya naman ipinagluksa niya ito nang husto. e. Pagbibigay-pokus – bigyang-pansin ang, pansinin ang, tungkol sa • Hindi sana siya maparurusahan kung hindi niya inako ang tungkol sa kasalanang hindi naman niya ginawa. f. Pagpupuno o Pagdaragdag – muli, kasunod, din/rin, at, saka, pati • Sina Gilgamesh at Enkido ay magkaibigan. g. Pagbubukod o Paghihiwalay – maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa • Lahat na yata ng katangian ay taglay ni Gilgamesh maliban sa pagiging abusado sa kapangyarihan. h. Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan – tuloy, bunga nito, kaya naman, kung kaya, kaya nga • Hindi kasi siya nag-ingat, tuloy nahuli siya. i. Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali - kapag, sakali, kung • Sasang-ayon ako sa pakiusap niya kapag napatunayan kong tapat siya. Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga panandang pandiskursong ginamit sa pangungusap at tukuyin kung anong uri ito. (A) Mga Panandang Naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari o (B) Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso. Gayahin ang tsart sa ibaba. 1. Una si Jules, may liberal na pag-iisip. 2. Sumunod si Gani na maagang nag-asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. 3. Bunga nito, si Gani ay nanirahan na sa abroad kapiling ang bagong pamilya. 4. Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, na ang kakulangan niya bilang estudyante ay matagumpay na napagtatakpan ng katangian niya bilang anak. 5. Pagkatapos, ang bunsong si Bingo na namulat sa mundong walang katiyakan, ngayo’y magtatapos na sa kolehiyo. 6. Makikinig ako sa kaniyang sasabihin kung tatahimik siya. 7. Siyang tunay, katiwa-tiwala talaga siyang alagad ng batas. 8. Naging magkaaway muna sina Enkido at Gilgamesh saka naging matalik na magkaibigan. 9. Bukod sa pagliligtas ni Enkido kay Gilgamesh sa kalupitan ni Ishtar, inako niya ang kaparusahan. 10. Bigyang-pansin sana ng pamahalaan ang mga naghihirap ngayong mamayan sa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Panandang Pandiskurso Uri ng Panandang Pandiskurso 1. 2. 3. 4. 5. 21 CO_Q1_Filipino10_Module4 Isaisip Gawain 7: Sagutin Natin Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang panandang pandiskurso? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Ano-anong mga bahagi ng pananalita ang ginagamit sa panandang pandiskurso? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Paano makatutulong ang mga panandang pandiskurso sa pagsusulat ng isang akda? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isagawa Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw tungkol sa epiko at mga panandang pandiskurso, isagawa ang paglalapat sa hiwalay na sagutang papel. Gawain 8: GRASPS Goal Sumulat ng talata tungkol sa paksang “Bayani ng Buhay Ko”. Gumamit ng iba’t ibang mga panandang pandiskuro sa pagsulat. Role Ikaw ay magiging manunulat. Audience Guro, mga kapwa mag-aaral. Situation Ipagpalagay na ikaw ay isang manunulat ng isang pahayagan at ikaw ay magsasalaysay ng kuwento sa isang taong katangi-tangi sa iyo. Product Salaysay tungkol sa bayani ng iyong buhay. Standards A. Malinaw na nilalaman…………………….……………….… 35 puntos B. Estruktura ng pagkakasulat……...……………….……......35 puntos C. Paglalapat ng panandang pandiskurso….…………………20 puntos D. Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 10 puntos Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos 22 CO_Q1_Filipino10_Module4 Tayahin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at piliin sa kahon ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. A. Gilgamesh B. Enkido C. Anu D. Humbaba E. Irkalla F. Ereshkigal _____ 1. Reyna ng kadiliman. _____ 2. Demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar _____ 3. Hari ng Uruk at ang bayani ng Epiko. _____ 4. Reyna ng kalaliman _____ 5. Lalaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. B. Panuto: Isulat ang Tsek (✓) sa sagutang papel kung ang ipinahahayag ay Tama at Ekis (X) naman kung ito’y Mali. _____ 1. Si Gilgamesh ay kalahating tao at kalahating diyos. _____ 2. Pinakinggan ng mga diyos ang hiling ng mga tao na makalaya na sila. _____ 3. Para kay Enkido, lubos na kahiya-hiya ang mamatay sa karamdaman kaysa sa mamatay sa isang digmaan. _____ 4. Nanaginip si Gilgamesh sa isang lugar na maaaring puntahan ng mga namayapa na. _____ 5. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan. C. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Nagsimula ang kasaysayan ng Gilgamesh sa ________ tulang Sumerian. A. 2 B. 5 C. 7 D. 9 _____ 2. Ang pinakamatandang epiko sa buong mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. A. Beuwulf C. Gilgamesh B. Ibalon D. Iliad at Odyssey 23 CO_Q1_Filipino10_Module4 _____ 3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang epiko? A. Nababasa sa isang upuan lamang B. Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan C. Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan. D. Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao. _____ 4. Galing sa salitang Greek na ________ ang epiko na nanganaghulugang salawikain o awit. A. Epis C. Epix B. Episo D. Epos _____ 5. _______________________ ang estilo ng pagsulat ng epiko. A. Dactylic Hexameter C. Dactylic Pentameter B. Dactylic Centimeter D. Dactylic Gigameter D. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. _____ 1. Sa maagang pag-aasawa ni Gani, mabilis din silang nagkahiwalay ng kaniyang asawa, Bunga nito siya’y nanirahan na sa abroad. Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa pangungusap? A. Bunga nito C. Sa abroad B. Mabilis din D. Sa maagang _____ 2. Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam. Ang nasalungguhitan ay nagsasaad ng ______________. A. Kinalabasan C. Pagdaragdag B. Pagbubukod D. Pasubali _____ 3. Maliban sa pagiging ina sa limang anak na pulos lalaki si Amanda ay isa ring tipikal na maybahay. Ang nasalungguhitan ay nagsasaad ng ____________. A. Kinalabasan C. Pagdaragdag B. Pagbubukod D. Pasubali _____ 4. Ang mga panandang tuloy, bunga nito, kaya ay nagsasaad ng ________. A. Kinalabasan C. Pagdaragdag B. Pagbubukod D. Pasubali _____ 5. Nagsasaad ng kondisyon o pasubali ang sumusunod MALIBAN sa _______________. A. Kapag C. Saka B. Kung D. Sakali E. Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga nabanggit na panandang pandiskurso sa iba’t ibang sitwasyon. 1. Uri ng Panandang Pandiskurso: Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan Sitwasyon: Pagtalima sa Quarantine Protocols. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 26 CO_Q1_Filipino10_Module4 ARALIN 1.2 (Wika at Gramatika: Mga Panandang Pandiskurso bilang Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari) BALIKAN Gawain 1: Ibuod Mo! TUKLASIN Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa SURIIN Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Panandang Pandiskurso Uri ng Panandang Pandiskurso 1.Una A 2.Sumunod A 3.Bunga nito B 4.Ikatlo B 5.Pagkatapos B 6.Kung B 7.Siyang tunay B 8.Saka B 9.Bukod sa B 10.Bigyang-pansin B Gawain 4: Punan Mo! 1.Una 2.Sumunod 3.Noong 4.Gayon din 5.at 6.kaya naman 7.kabilang din 8.tulad ng 9.kung kaya 10.maliban 11.sa kabilang dako 12.sa madaling sabi 13.samantala 14.huli 15.sa dakong huli PAGYAMANIN Gawain 5: Ihambing Mo! Gawain 6: Panoorin Mo! ISAISIP Gawain 7: Sagutin Natin ISAGAWA Gawain 8: GRASPS A. 1.E 2.D 3.A 4.F 5.B B. 1.X 2.√ 3.√ 4.X 5.√ C. 1.B 2.C 3.A 4.D 5.A D. 1.A 2.C 3.B 4.A 5.C E.Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. Iba-iba ang sagot. PANGWAKAS NA PAGTATAYA 27 CO_Q1_Filipino10_Module4 Sanggunian Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral – Epiko ni Gilgamesh. Pasig City: Vibal Group, Inc. pa. 100-113. Kasaysayan ng Epiko. Nahango noong Mayo 17, 2020 mula sa https://www.facebook.com/notes/ernel-galang-jr/baitang-10-modyul-17- kasaysayan-ng-epiko-epiko-ni-gilgamesh/10153169289401026/. Elemento ng Epiko. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa https://sigmafourblog.wordpress.com/2016/05/03/epic-blog/amp/. Panandang Pandiskurso. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa https://szhayne.wordpress.com/wika/modyul-3-7-panandang-pandiskurso/. Epiko ni Gilgamesh. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=sWppk7-Mti4. Amaya: Unang Pagsubok (GMA 7). Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=vITaAaGLRic&t=21s Biag ni Lam-ang (Buod). Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa https://www.panitikan.com.ph/biag-ni-lam-ang-buod/ Bidasari (Epikong Mindanao). Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko- bidasari-epikong-mindanao_606.html Bidasari Epiko. Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=9zRDLJGT0W0 “Amaya”. Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa https://danielledecastro129.wordpress.com/2015/03/11/amaya/ Amaya (Full Episodes). Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=oHqCvBi9oX0&list=PLGRhcC_vtOragNyYUbl3 ujCX8p4DNkZwL Rimando, Rodel R. (2020). Larawan ni Gilgamesh. Nahango mula sa https://www.deviantart.com/guiler-717/art/Gilgamesh-35580702 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]