Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Module sa Filipino 9 - Ikaapat na Markahan taong 2021-2022, Transcriptions of English

Module sa Filipino 9 - Ikaapat na Markahan taong 2021-2022

Typology: Transcriptions

2020/2021

Uploaded on 05/24/2022

arianne-jenotan
arianne-jenotan 🇵🇭

4

(1)

4 documents

Partial preview of the text

Download Module sa Filipino 9 - Ikaapat na Markahan taong 2021-2022 and more Transcriptions English in PDF only on Docsity!

FILIPINO – 9

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________ Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: 4 Linggo: Ikaapat

MELC(s): 1. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring

naganap sa buhay ng tauhan. F9PN-IVd-

  1. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan. F9PB-IVd-
  2. Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo tungkol sa isang piling tauhan. F9PU-IVc-

 Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan :Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal

 Kabanata: XXXVI Pahina: 170 Paksa: _Ang Unang Suliranin

 Layunin: 1. Nailalahad ang sariling damdamin at pananaw tungkol sa mga

pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan

  1. Nakasusulat ng isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo tungkol sa isang piling tauhan Balik-sulyap sa nakaraang kabanata Nagtipon tipon ang ilan sa mga kilalang tao sa bayan ng San Diego, kabilang ang magkasintahang Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Dumating sa pagtitipon si Padre Damaso at itinuloy nito ang sermon na pawang patutsada kay Ibarra. Sinubukang sumingit ng alkalde upang mailihis ang usapan ngunit lalong nag-umalpas ang dila ng pari at inungkat ang nangyari sa ama ng binata kung kaya’t dinaluhong nito ang pari at muntik nang mapatay kung hindi lamang siya inawat ni Maria Clara. Mabilis na kumalat sa bayan ang pangyayari na umani ng iba’t ibang reaksiyon. May mga nagsasabing mali ang ginawa ni Ibarra at dapat na hinabaan na lamang niya ang kanyang pasensya dahil sa mata ng karamihan ay laging tama ang mga prayle. May iba namang sumang-ayon sa ginawa ni Ibarra dahil walang sinuman ang may karapatang humamak sa alaala ng namayapang ama. Inaalala naman ng karamihan ang magiging parusa at kahihinatnan ng binata.

KABANATA XXXVI- Ang Unang Suliranin

Dahil sa pangyayaring naganap sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra ay pinatawan ang binata ng parusang ekskomulgado. Napagdesisyonan din ng mga prayle na paghiwalayin si Ibarra at Maria Clara. Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nina Kapitan Tiago kaya’t naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat para sa kanilang pinakamahalagang panauhin. Sinamantala ng lahat ang nalalabing oras ng Kapitan Heneral upang makadaupang- palad ito liban na lamang kay Maria Clara na patuloy sa pagtatangis

Tuklasin Natin

dahil sa pagbabawal ng kanyang ama na makipag-usap sa binata hanggat hindi ito naaalis sa pagiging ekskomulgado. Naging walang silbi ang pag-aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa dalaga kaya’t naisipan ng tiyahin na maaari silang sumulat sa Papa at magbigay ng malaking limos nang sa gayon ay mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Nagpresenta naman si Andeng na gumawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Dumating si Kapitan Tiago galing sa kumbento at sinabi nito kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pag- iisang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla naman ay nag-utos na huwag tanggapin ang binata sa kanilang tahanan maging ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran dahil kung hindi, kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Lalong naghinagpis si Maria Clara sa narinig mula sa ama kung kaya’t pinakalma siya nito at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso na isang binatang kamag- anak mula Europa. Nagalit si Tiya Isabel sa sinabing ito ng kapitan at sinabing “Hindi parang pagpapalit ng damit ang pagpapalit ng katipan”. Iminungkahi niya na sulatan ng kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat lamang siya nito dahil hindi rin naman sila pakikinggan sapagkat ang desisyon lamang ng mga pari ang masusunod. Napuno ang bahay ni Kapitan Tiago dahil sa kanyang naging panauhin ay ang Kapitan Heneral. Labis na nagdamdam si Maria Clara dahil sa nalaman kung kaya’t maghapon siyang nagkulong sa kwarto at nag-iiyak at nagtanong sa Diyos kung bakit niya nararanasan ang ganoong kasawian. Sinundo siya ng tiyahin upang harapin ang Kapitan Heneral dahil ipinapatawag siya nito. Sumunod naman ang dalaga. Gawain 1: Panuto: Ibahagi ang iyong sariling damdamin tungkol sa mga pangyayaring naganap sa kabanata. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

  1. Kung ikaw si Tiya Isabel, ano ang maipapayo mo kay Maria Clara upang maibsan ang pighati na kanyang nararamdaman?
  2. Masasabi mo bang malaki ang problemang kinahaharap ng magkasintahang Crisostomo Ibarra at Maria Clara dahil sa nangyari?Bakit?
  3. Paano ipinakita sa kabanatang ito na talagang makapangyarihan ang mga pari noong panahong iyon?

Pagsasanay 1.

Panuto: Dugtungan ng sariling damdamin o pananaw ang mga pangyayaring

inilahad sa pangungusap.

1. Si Ibarra ay itiniwalag sa simbahan dahil sa ________________________.

2. Umiyak nang labis si Maria Clara dahil ____________________________.

Subukin Natin

3. Nagpresenta si Andeng na gumawa ng paraan upang ________________.

4. Dahil sa ginawa ni Ibarra kay Padre Damaso siya ay naging ___________.

5. Ipinag- utos ni Padre Sibyla na __________________________________.

PAGSASANAY 1:

Panuto: Ilahad ang iyong damdamin at pananaw ukol sa sumusunod na katanungan

mula sa binasang buod ng kabanata. (3 puntos bawat bilang)

  1. Ano ang masasabi mo sa desisyon ni Padre Damaso na paghiwalayin sina Maria Clara at Ibarra? _____________________________________________________.
  2. Makatuwiran ba na itiwalag ng simbahan si Ibarra dahil sa panununtok nito kay Padre Damaso?__________________________________________________
  3. Ano ang ibig sabihin ni Tiya Isabel sa kanyang sinabi kay Kapitan Tiago na “ hindi parang pagpapalit ng damit ang pagpapalit ng katipan”. ______________________ __________________________________________________________________.

PAGSASANAY 2: Panuto: Ibigay ang iyong sariling pananaw ukol sa mga pangyayari sa

binasang kabanata. Isulat sa speech bubble ang iyong sagot. (5 puntos bawat sagot) Panuto: Binabati kita at matagumpay mong naisagawa ang mga Gawain! Ngayon naman ay gagawa ka ng isang Monologo. Ang monologo ay isang halimbawa ng komunikasyon na binibigkas ng isang karakter sa dula, pelikula, palabas at iba pa upang makamit ang layuning pansarili o kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang makinig. Halimbawa ng monologo: Monologo ni Tiya Isabel

Isagawa Natin

Ilapat Natin

A. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Maria Clara, paano mo maipapakita ang iyong pagmahahal sa iyong ama bilang isang anak at kay Ibarra bilang isang kasintahan? B. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Kapitan Tiago, bilang isang ama, susundin mo ba ang utos ng mga prayle na paghiwalayin sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra? Bilang anak Bilang kasintahan

“Mahal kong Maria Clara, nandirito lang ako ang iyong pangalawang ina na iyong masasandalan sa tuwina.Sige mahal,umiyak ka! Umiyak ka lang sa aking balikat upang sakit at pighating nararamdamdaman mo ngayo’y maibsan man lang. Basta’t ipangako mo sa aki’y pagkatapos bumuhos ng luha’y ngiti sa labi muli’y aming masisilayan Kaawa awa kong pamangkin, pag-ibig ay hindi man lang maipaglaban.”

Markahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.

RUBRIK SA PAGSULAT NG MONOLOGO

Mga Pamantayan Laang puntos Aking puntos

Nilalaman

 Ang iskrip ay makatotohanan at angkop sa karakter

na ginawan ng monologo.

Organisasyon  Ang iskrip ay nailahad ng malinaw, masining at organisado.

Gamit ng Wika

 Malinaw at wasto ang gamit ng wika

5- pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan

4- mahusay 2- maari pang paghusayan pang ayusin

Project EASE, LRMDS DepEd Philippines

Rubrik

Sanggunian

SSLM Development Team Writer: Presajane Mariz. E. Amoroto Evaluator: Ma. Nila D. Fuentebella Neirene Rosemae A. Castillon Illustrator: Ihryn L. Jaranilla Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez Education Program Supervisor: Lelita A. Laguda Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D. Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

_______________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________