Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Module sa Filipino 9 - Ikaapat na Markahan taong 2021-2022, Transcriptions of English

Modyul sa Filipino 9 - Ikaapat na Markahan taong 2021-2022

Typology: Transcriptions

2020/2021

Uploaded on 05/24/2022

arianne-jenotan
arianne-jenotan 🇵🇭

4

(1)

4 documents

Partial preview of the text

Download Module sa Filipino 9 - Ikaapat na Markahan taong 2021-2022 and more Transcriptions English in PDF only on Docsity!

FILIPINO – 9

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________ Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________ Markahan: 4 Linggo:Ikalawa MELC(s): 1. Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad/pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood na telenobela. ( F9PD-Iva-b-55)

  1. Nailalahad ang sariling pananaw, konklusyon at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. ( F9PS-Iva-b-58)Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan :Noli Me Tangere  Kabanata: 49 Pahina: ___ Paksa: Kabanata 49-Tinig ng mga Pinag-uusig Layunin: 1. Naibibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng binasang akda sa napanood na telenobela.
  2. Naitatala ang mga pananaw ng mga tauhan sa buod ng kabanata at teleserye Ikaw ba ay may nabasa ng akda na tungkol sa pang-aapi? O napanood na teleserye na ang pangunaging tauhan ay inaapi? Marahil, marami na. Sa bahaging ito ay iyong mababasa ang bahagi ng isang nobela at buod ng isang teleserye na may kinalaman sa mga taong inaapi at ang kanilang mga hinaing. Basahin ang bahagi ng kabanata 49 ng Noli Me Tangere at buod ng teleseryeng Mara Clara (2010) Kabanata 49- Tinig ng mga Pinag-uusig Sumakay si Crisostomo Ibarra sa bangka ni Elias. Agad siyang humingi ng paumanhin dahil alam niyang nagambala niya ang binata. Hindi nag-aksaya ng panahon si Elias at sinabi ang pakay niya. Siya raw ang sugong tagadala ng mensahe ng mga sawimpalad. Isinalaysay niya ang napagkasunduan nila ni Kapitan Pablo, ang puno ng mga tulisan. Sila raw ay nagnanais ng pagbabago ukol sa militarya, pari, pagbibigay katarungan, pagtangkilik sa pamahalaan, paggalang sa karangalan ng tao para sa kapayapaan at pagbabawas ng lakas militar na siyang nagdudulot ng kaguluhan. Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang kayamanan at impluwensiya mula sa mga kaibigan sa Madrid ngunit batid nitong hindi ito sasapat

Tuklasin Natin

para sa pagbabagong hinihingi. Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa kapangyarihan ng tao. Dapat din daw ay ang gamutin ang mismong sakit at hindi lamang ang mga sintomas. Mahihinuha na hindi nahimok ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Mara Clara Buod Ipinanganak sina Mara at Clara sa isang ospital kung saan sila ay ipinagpalit ng nars. Nakilala si Mara bilang Mara David at namuhay na mahirap. Ang kanyang kinikilalang magulang ay sina Susan at Gary David. Sa kabila ng malamig na pakikitungo ng kanyang amain, si Mara ay lumaking masayahin, mabait at matalinong bata. Pinupunan naman ng kanyang ina ang lahat ng pagkukulang ng kanyang ama. Samantala, Si Clara naman ay namuhay sa piling ng kanyang mayamang kinikilalang magulang na sina Amante at Alvira del Valle at nakilala siya bilang Clara del Valle. Sa kabila ng karangyaan, mabait ang mag-asawang del Valle kaya kinuha nilang kasambahay si Mara. Tutol si Clara dito at ikinagalit ito sa pag-aakalang kinukuha ni Mara ang atensiyon ng mga del Valle mula sa kanya. Dito nagsimulang apihin ni Clara si Mara. Inaalipusta niya si Mara sa tuwing hindi nito nasusunod ang kanyang utos. Inapakan ni Clara ang pagkatao ni Mara dahil siya ay mahirap lang at walang karapatang mangarap. Sa kabila nito, pinatunayan ni Mara na ang mga katulad niya ay may kakayahang maabot ang pangrap. Pinag-igihan ni Mara ang pag-aaral at ipinakita ang kanyang kakayanan. Nanguna si Mara sa kanilang seksyon na lalong ikanagalit ni Clara. Nang lumaon, nalaman ng mag-asawa kung sino talaga ang kanilang anak at nabigyan ng kaparusahan ang maysala sa nangyaring pagpapalitan ng sanggol. Kumusta ka kaibigan? Naantig ba ang iyong damdamin sa binasa? Gamit ang grapikong pantulong sa ibaba, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bahagi ng nobela at buod ng teleserye na iyong binasa.  ___________  ___________

Subukin Natin

 _______________  ________________

PAGKAKATULAD

 ____________  ___________

Kahulugan ng mga termino.

  1. Sariling pananaw- ito ay tumutukoy sa iyong pinaniniwalaan. Maaring ito ay positibo o negatibo.
  2. Bisa sa sarili- tumutukoy ito sa epekto ng isang akda sa iyong buhay o pananaw.
  3. Konklusyon-tumutukoy ito sa kabuoang resulta o kinalabasan. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag mula sa akda kung ito ay sariling pananaw, bisa sa sarili o konklusyon. Isulat sa nakalaang kahon ang bawat pahayag sa mga pagpipiliang sagot. MGA PAGPIPILIANG SAGOT
  4. Mahihinuha na si Ibarra ay hindi sang-ayon sa mga nais na pagbabago ng mga sawimpalad.
  5. Hindi sumang-ayon si Ibarra sa nais ni Elias samakatuwid tuluyan ng aanib si Elias sa mga sawimpalad.
  6. Pinatunayan sa kabanatang ito na walang mang-aapi kung walang magpapa- api. sariling pananaw bisa sa sarili konklusyon

Isagawa Natin

Panuto: Magtala ng tig-isang pananaw mula kay Ibarra at Mara at iugnay ito sa iyong buhay. Mamarkahan ang iyong sagot sa batay sa rubrik na ito. 5 4 3 2 1 NILALAMAN  Angkop na pananaw at mensahe WASTONG GAMIT NG MGA SALITA  Maayos ang baybay at bantas  Nagpapahiwatig ng may wastong pagkasunod-sunod 5- Pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan 4- Mahusay 2- maari pang paghusayan pang ayusin Project EASE, LRMDS DepEd Pananaw ni Ibarra Pananaw ni Mara

Ilapat Natin

Sanggunian

SSLM Development Team Writer: Cristy Rose R. Esmejarda Evaluator: Ma. Nila D. Fuentebella Neirene Rosemae A. Castillon Illustrator: Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez Education Program Supervisor: Lelita A. Laguda Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D. Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

Rubrik