Download Quarter 3 Exams Reviewer material and more Exercises Philosophy in PDF only on Docsity! Page 1 of 6 REVIEWER FOR ESP 7 THIRD PRELIMINARY/QUARTERLY EXAMINATIONS ARALIN 1: Ang Birtud at Pagpapahalaga, Magkaugnay sa Pagpapaunlad ng Pagkatao BIRTUD Galing sa salitang Latin na virtus o vir na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas Ito ay nararapat lamang para sa tao . Ito ay hindi natin taglay noong tayo ay isinilang. Ang Birtud o Virtue ay ang paulit ulit na pagsasabuhay ng mabuting gawi. HABIT O GAWI Mula sa salitang Latin na habere na nangangahulugang to have o magkaroon o magtaglay DALAWANG URI NG BIRTUD Intelektwal na Birtud. Ang mga intelektwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman (habit of knowledge). Moral na Birtud. Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ang lahat ng mga moral na birtud ay may kaugnayan sa kilos-loob. MGA URI NG INTELEKTWAL NA BIRTUD Pag-unawa (Understanding). Sa pamamagitan nito ay naiintindihan ng tao ang kanyang mga natutunan Agham (Science). Sa pamamagitan nito ay nakakatuklas ang tao ng bagay na makakabuti sa kanya. Karunungan (Wisdom). Ito ang nagtutulak sa tao upang maunawaan ang bunga o kalalabasan (consequence) ng lahat ng pananalita at kilos bago ito sabihin at isagawa. Maingat na Paghuhusga (Prudence). Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay liwanag at gumagabay sa lahat ng ating mabuting asal o ugali. Sining (Art). Nakakagawa ang tao ng mga iba’t ibang paraan upang isakatuparan ang kanyang iniisip na maaring sa paraan ng pagkanta, pagpinta atbp. MGA URI NG MORAL NA BIRTUD Katarungan (Justice). Ang katarungan ay isang birtud na gumagamit ng kilos- loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa lipunan. Pagtitimpi (Temperance or Moderation). Ang pangunahing kailangan ay moderasyon. Nakikilala ng isang taong nagtataglay ng pagtitimpi ang bagay na makatuwiran at ang bagay na maituturing na luho lamang. Katatagan (Fortitude). Ito ay ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib. Maingat na Paghuhusga (Prudence). Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga. Ang birtud na ito ay parehong intelektuwal at moral na birtud. PAGPAPAHALAGA (VALUES) Nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Tumutukoy sa mga hindi materyal na bagay na binibigyang importansya ng isang tao, maaring ito ay ay isang paninindigan, pananaw, ugali, at iba pa. Page 2 of 6 URI NG PAGPAPAHALAGA Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values) Nagmumula sa labas ng tao . Ito ay ang mga mithiin na tumatagal at nananatili. Tinatawag ito na pangkalahatang katotohanan. Ibig sabihin, kahit saan ka man sa mundo o ano man ang mga kultura at tradisyon mo, ito ay bagay na sinasang-ayunan na lahat. Kaya naman, tinatawag ito na “Universal Truth”. Ito’y tinatanggap ng tao bilang isang kabutihan o mahalagang bagay at nagbibigay ng halaga ito sa buhay ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang pagbabawal sa pagpatay. Kahit saan ka sa mundo, masasabi natin na ang pagpatay ay isang masamang gawain. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values) Dito, ang mga pagpapahalaga ay nagsimula sa loob ng mga tao. Maaari ito maging pansariling pananaw. Pero, kadalasan ito ay isang kolektibong pag- iisip o paniniwala ng isang pangkat. Ang mga pagpapahalagang pangkultura ay isang serye ng mga prinsipyo at pagpapahalagang ipinasa sa bawat henerasyon ng ating mga ninuno. PAANO NAGKAKAUGNAY ANG BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA? Ang pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay na pagkatao, hindi ang anumang nais ng taong makamit sa kanyang sarili. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud. Ang pagpapahalaga ang siyang nagbibigay nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao at ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan. ARALIN 2: Pagpapahalaga bilang gabay sa Pag- unlad ng aking Pagkatao KATANGIAN NG MATAAS NA PAGPAPAHALAGA Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa mababang mga pagpapahalaga. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga kung napapanatili nito ang kalidad sa kabila ng pagpapasalin- salin nito sa napakaraming henerasyon (indivisibility). Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga. May likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa organismong nakararamdam nito. HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA (ayon kay Max Scheler) Mula sa mga nabanggit na mga prinsipyo, nabuo ni Scheler ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga. Tinawag niya ito na “ordo amoris” o “order of the heart” Ayon kay Scheler, ang ganitong hirarkiya ng pagpapahalaga ay hindi ganap na mauunawaan lamang ng isip. Naniniwala siyang ang “puso” ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi maunawaan ng isip. Mayroong apat na antas ang hirarkiya na ito: o Pandamdam na pagpapahalaga (Sensory Values) Page 5 of 6 magpakasipag at magpakatatag upang makamit ang aking pangarap. o R - Gusto kong maging doktor dahil nais kong makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong sa kanilang kalusugan. o T - Gusto kong makatapos ng medisina at makapasa sa board exam sa loob ng limang taon. Sa pamamagitan ng paggamit ng SMART-A, mas maaaring malinaw at matupad ang mga mithiin na itinakda ng isang tao upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang doktor sa medisina. ARALIN 4: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal-bokasyonal, Sining o Isports, Negosyo o Hanapbuhay Bago pa man tingnan ang mga trabahong magiging in-demand apat hanggang sampung taon mula sa pagtatapos sa haiskul, nararapat na napag-aralan at nasuri munang mabuti ang sariling mga talento o kakayahan, interés o hilig, pagpapahalaga at ang mga mithiin. Ang mga talento o kakayahan, interés o hilig, pagpapahalaga at ang mga mithiin ang siyang mga pansariling salik na maaring makaapekto sa isang mag-aaral na katulad mo sa pagpili ng kukuhaning kurso sa kolehiyo o maging negosyo o hanapbuhay na nais gawin. TALENTO O KAKAYAHAN Ang TALENTO ay isang pambihira at likas na kakayahan. Sa kabilang dako, ang KAKAYAHAN ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o kakayahan sa sining. Ang talento o kakayahan ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining o isports, negosyo o hanapbuhay ng isang mag- aaral. Halimbawa: Kung mayroon kang talento sa matematika at agham, maaari mong pag-aralan ang mga kursong may kinalaman sa agham o teknolohiya tulad ng engineering o information technology. Ngunit, mahalaga ring tandaan na hindi lamang talento ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso, kundi pati na rin ang interes, pangangailangan ng merkado, at ang mga plano ng kinabukasan. INTERES O HILIG Ang INTERES O HILIG ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Kapag mayroong interes at hilig ang isang mag-aaral sa isang partikular na larangan, mas malaki ang posibilidad na magiging masaya siya sa kanyang ginagawa at magiging mas epektibo siya sa pag-aaral ng mga kailangang kasanayan. Bukod pa rito, ang interes at hilig ay nagbibigay ng inspirasyon sa isang mag-aaral na magpatuloy sa pag- aaral kahit na may mga pagsubok na dumarating sa kanyang pag-aaral. Sa kabilang banda, kung pipiliin ng isang mag-aaral ang isang kursong na hindi niya hilig o interes, maaaring maging mas mahirap sa kanya ang pag-aaral dahil hindi niya ito gusto. Maaaring magdulot ito ng stress, kakulangan sa motivation at pagkabagot. Bukod pa rito, maaaring hindi niya magamit ang kanyang mga kasanayan at talento sa Page 6 of 6 kanyang trabaho kung hindi ito kaugnay sa kanyang hilig at interes. PAGPAPAHALAGA Ang pagpili ng tamang kurso o trabaho ay nagpapakita ng mga halaga ng isang indibidwal, kabilang ang kanyang mga pangarap, layunin, interes, at karanasan. Halimbawa: Kung ang isang mag-aaral ay may mataas na halaga sa akademiko, malamang na pipiliin niya ang kursong akademiko tulad ng engineering, medicine, o law, dahil ito ay magbibigay ng mataas na antas ng kaalaman at kasanayan sa isang partikular na larangan. Sa kabilang banda, kung ang isang mag-aaral ay may halaga sa pagpapakatotoo ng kanyang kreatibong potensyal, maaaring magpasya siyang pumasok sa larangan ng sining o isports. Sa pangkalahatan, ang pagpili ng kursong akademiko, teknikal- bokasyonal, sining, isports, negosyo, o hanapbuhay ay nakaapekto sa pagpapakatotoo ng mga halaga at layunin ng isang mag-aaral. Ang tamang pagpili ay makakatulong sa kanya upang makamit ang kanyang pangarap at maging isang produktibong mamamayan ng lipunan. MGA MITHIIN Ang mga MITHIIN ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pagpili ng kurso o propesyon ng isang mag-aaral. Ang mga ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon at direksyon sa mga indibidwal na nagpapasya kung ano ang kanilang gusto at kung ano ang mga layunin nila sa buhay. Ang mga mag-aaral na mayroong mithiin sa propesyon tulad ng pagiging doktor, inhinyero, abogado, guro, artista, atbp., ay mas malamang na pumili ng mga kurso na may kaugnayan sa kanilang mga pangarap na propesyon. Sa kabilang banda, kung ang isang mag-aaral ay may mithiin na magbukas ng negosyo o maging self-employed, mas malamang na pumili siya ng kurso o programa na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng negosyo tulad ng business administration, entrepreneurship, accounting, atbp.