Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Reviewer for Filipino 9 4th quarter, Lecture notes of English

This is all about noli me tangere

Typology: Lecture notes

2023/2024

Uploaded on 05/13/2024

nicole-angela-alcuran
nicole-angela-alcuran 🇵🇭

Partial preview of the text

Download Reviewer for Filipino 9 4th quarter and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! REBYUWER SA FILIPINO 9 TALUMPATI Pagtatalumpati - ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla. Mga Uri ng Talumpati Biglaang Talumpati - walang paghahanda Maluwag na talumpati - Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan, may balangkas. Manuskrito - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Isinaulong Talumpati - Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Mga Ekspresyon bilang pagsisimula ng Paglalahad 1. Sa palagay ko… 2. Para sa akin… 3. Sa tingin ko… 4. Maganda ang iyong pahayag subalit… 5. Ikinalulungkot ko, hindi… 6. Ipagpaumanhin mo subalit… 7. Sumasang-ayon ako sa iyong sinabi na… 8. Pinatototohanan ko ang… 9. Iminumungkahi ko na… 10. Sa palagay mo ba…? Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinakakongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. MASINING NA PAGSASALAYSAY Ang pagsasalaysay ay dapat maging kawili-wili upang patuloy itong pakinggan o basahin, at magiging kawili-wili lamang ito kung magiging masining ito. Tunggalian - isa ring mahalagang sangkap ng isang masining na kuwento ang pagkakaroon nito. Ang tunggalian ay maaaring maganap sa  pangunahing tauhan laban sa ibang tauhan ng kuwento (tao laban sa tao),  sa lupit at kapangyarihan ng kalikasan (tao laban sa kalikasan),  sa mga pangyayari sa lipunan (tao laban sa lipunan),  sa mga pangyayaring susukat sa kaniyang pananampalataya (tao laban sa Diyos),  maging sa kaniyang sariling mga pagpapahalaga at paniniwala (tao laban sa sarili). MGA PAHAYAG SA PAGSISIMULA, PAGPAPADALOY AT PAGTATAPOS NG ISANG KWENTO - Para mas maipakita ang tamang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento o ang ugnayan ng mga ito, makatutulong ang paggamit nito. Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunud-sunod ayon sa panahon. Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng pagkakasunud-sunod ng mga pangayayari sa kwento ay:  una, pangalawa  sumunod  pagkatapos  nang malaunan  nagsimula  unang-una  sa wakas  ang pinakahuli  pinakamahalaga Sa pagsisimula: Una, Sa umpisa, Noong una, Unang-una Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumusunod, pagkatapos, saka Sa wakas: Sa dakong huli, sa huli, wakas Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay isang paraan ng pagbubuod. Ang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari sa kwento ay ibinabatay sa:  Kalagayan - dito nagsisimula ang kwento. Maaring simulan ito sa pangangailangan ng pangunahing tauhan sa isang bagay o pagkakakita ng suliranin o problema. Tinatawag din itong saglit na kasiglahan.