Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Reviewer in Filipino 10 1st Qtr, Summaries of Ancient Greek

Summarized notes in Filipino 10 1st Qtr

Typology: Summaries

2023/2024

Uploaded on 09/25/2024

biyakfbajnca
biyakfbajnca 🇭🇰

1 document

Partial preview of the text

Download Reviewer in Filipino 10 1st Qtr and more Summaries Ancient Greek in PDF only on Docsity! MITOLOHIYA - mula sa Italy -agham o pag-aaral ng mga mito/ myth at alamat. MITO/MYTH -salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. -Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. -Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig-tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. -Sa Pilipinas, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, Diyos at Diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa pagkagunaw ng daigdig noon. GAMIT NG MITOLOHIYA - Ipaliwanag ang pagkalikha ng daigdig - Ipaliwanag ang pwersa ng kalikasan - Maikwento ang mga sinaunang gawaing panrelehiyon - Magturo ng mabuting aral - Maipaliwanag ang kasaysayan - Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan. ANG MITOLOHIYA NG TAGA- ROME -Kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa. -Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. -Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. CUPID AT PSYCHE -Isa sa mga Mitolohiya ng Rome. - Isinulat ito ni Lucius Apuleius Madaurensis noong ikadalawang siglo. Siya ay isang manunulat na Latino. -Ito ay bahagi lamang ng nobelang Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass (Donkey) -Ang kwentong ito ay tungkol sa pagsubok na pinagdaan nina Cupid at Psyche para sa pag-iibigan nila. Ang kwentong ito ay isinalin ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat MGA TAUHAN SA CUPID AT PYSCHE Cupid - Diyos ng Pag-big Psyche - Diyosa ng Kaluluwa - Asawa ni Cupid - Determinado sapagkat hindi siya sumuko sa mga pagsubok na binigay sa kanya ni Venus Venus - Diyosa ng kagandahan - Ina ni Cupid Apollo - Mensahero ng mga diyos - Nagplano ng masama laban kay Psyche Zephyr - naghatid kina Psyche at mga kapatid niya sa palasyo ni Cupid Persephone - Asawa ni Hades - Nagpaunlak sa hiling ni Venus GAMIT NG PANDIWA 1. Aksiyon • May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon o kilos • Mga panlapi: —um, mag—, ma_, mang—, mag—an • Maaaring tao o bagay ang aktor Halimbawa: Naglakbay si Bugani patungonsa tahanan ng mga diyos Aktor: Bugan Pandiwa: Lakbay Panlapi: Nag 2. Karanasan • Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin/emosyon. 3. Pangyayari • ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari. POKUS NG PANDIWA • tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap. Ito ay nagpapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa 1. Pokus Tagaganap/Aktor • Ang simuno o paksa ng pangungusap ang gumaganap o tagaganap ng kilos ng pandiwa • Sumasagot sa tanong na “sino?” • Ginagamitan ng mga panlaping: —um, ma— , mag—, nag—, mang— , maka—, makapag— • Ginagamitan ng mga panandang: si/sina, ako, ka, siya, kami, tayo, kayo, at sila 2. Pokus sa Layon • Ang paksa ang layon o binibigyan diin sa pangungusap • Sumasagot ito sa tanong na “ano?” • Ginagamitan ng mga panlaping: i—, —in/—hin, — an/han, ma, paki, ipa, atbp 3. Pokus sa Ganapan • Pokus ng pandiwa kung ang lugar o pinagganapan ng kilos ang paksa ng pangungusap • Sumasagot ito sa tanong na “saan?” • Ginagamitan ito ng mga panlaping: — an/han, pag—/an, mapag—an/han, paki—/an/—han, ma—/—an/han, pinag—/—an, o in— /—an PARABULA • Isang maiklimg kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya • Tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang maral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. • Galing sa salitang Griyegong parabole na nangangahulugang pagtabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. • Ang nilalaman ng parabula ay maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang aral • Gumagamit ito ng tayutay na simile at metapora o matatalinghagang mga pahayag upang bigyang-diin ang kahulugan. • Ang kakonyahan ng parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo ELEMENTO NG PARABULA • Tauhan • Tagpuan • Banghay • Aral o Mensahe ALEGORYA NG YUNGIB Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo mula sa sanaysay na isinulat ng Griyegong Pilosopo na si Plato, ang Allegory of the Cave Plato griyegong pilosopo, matematiko, manunulat, at tagapagtatag ng akademya sa Athens na tinatawag na Akademyang Platonika. Isa si Plato sa nagpapatunay nito: “A teacher affects eternity, you’ll never know when his Influence stops” Ang Alegoryo ng Yungib ay isa sa tanyag na gawa ni Plato, ANO ANG ALEGORYA? Ang akda ay isang istilo ng kuwento na gumagamit ng mga simbolo, mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal na kahulugan nito. Dapat binabasa sa dalawang pamamaraan; literal at simboliko o masagisag Nillkha upang magturo H mabuting asal o magbigay ng komento tungkol sa Labutihan o kasamaan, Ang Alegoria ay isang uri ng matalinghagang pagsalaysay na kabahagi ng Metapora. SANAYSAY: ALEGORYA NG YUNGIB