Download Reviewer in Filipino 10 and more Cheat Sheet History in PDF only on Docsity! Ano ang Panghalip Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang uri ng salita na inihahalip o pamalit sa isang pangngalan na nagamit na sa isang pangungusap o talata. Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang pangngalan. Mayroong pitong (7) uri ang panghalip. Uri ng Panghalip Ang pitong uri ng panhalip ay panghalip na panao, pananong, panaklaw, pamatlig, pamanggit, paari at panghalip na patulad. Panghalip na Panao Ang panghalip na panao o personal pronoun sa Ingles ay ginagamit na pamalit sa mga pangngalan na pangtao. Ito ay may tatlong anyo at tatlong panauhan. Ang tatlong panauhan ay ang mga sumusunod: Mga Panauhan sa Panghalip na Panao Ang mga panauhan sa panghalip na panao ay unang panauhan, ikalawang panauhan at ikatlong panauhan. Unang Panauhan Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita. Halimbawa nito ang mga salitang ako, ko, kita, tayo, natin, atin, kami, at namin . Ikalawang Panauhan Ang pangalawang panuhan naman ay tumutokoy sa taong kinakausap. Halimbawa nito ang mga salitang ikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo. Ikatlong Panauhan Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Halimbawa nito ang mga salitang niya, kanya, sila, nila at kanila. Kailanan ng Panghalip na Panao Mayroong tatlong kailanan ang panghalip na panao. Ito ay isahan, dalawahan at maramihan. Isahan Ito ay ginagamit kung ang pangngalang pangtao na binabanggit ay isa lang. Ang ako, ko, akin ay para sa unang panauhan. Ikaw, ka, mo, at iyo naman para sa pangalawang panauhan. Siya, niya, at kanya naman para sa pangatlong panauhan. Dalawahan Ito naman ay ginagamit kung ang binabanggit na pangngalan ay dalawang tao lamang. Ito ay ang kita at tayo para sa unang panauhan. Kayo at inyo para sa pangalawang panauhan. At sila at nila/kanila para sa pangatlong panauhan. Maramihan Ito naman ay ginagamit para sa maramihan o grupo ng tao. Tayo, kami, amin, atin, natin ay para sa unang panauhan. Kayo, inyo, ninyo naman para sa pangalawang panauhan. Sila, nila, kanila naman para sa pangatlong panauhan. Mga Halimbawa ng Panghalip na Panao Upang mas lalo mong maintindihan ang ating aralin, narito ang mga halimbawa ng panghalip na panao na ginagamit sa mga pangungusap. 1. Si Anna ay may kapatid na tatlong babae at dalawang lalaki. Siya ay may kapatid na tatlong babae at dalawang lalaki. 2. Si Christopher at Richard ay kabilang sa stage play sa kanilang paaralan. Sila ay kabilang sa stage play sa kanilang paaralan. 3. Para sa atin naman itong ginagawa natin kaya tapusin nalang natin ito. 4. Hindi ko naman siya pinabayaan habang siya ay lumalaki. 5. Sa akin nalang muna siya titira habang inaayos pa ang kanilang bahay. 6. Nakikita ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata. 7. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. 8. Huwag mo naman akong iwan dito. 9. Hindi niya inalintana ang init ng panahon. 10. Sa kanya pa rin daw siya uuwi kahit pagkatapos ng nangyari sa kanila noong isang linggo. May apat na uri ang panghalip na pamatlig. Ito ay pronominal, pahimaton, patulad at panlunan. Pronominal Ito ay pamalit laman sa mga pangngalan na ayaw nang ulit ulitin pa. Kabilang sa pronominal na panghalip na pamatlig ay ang ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon. Pahimaton Ito ay humahalili sa mga pangngalan na itinuturo o tinatawag ng pansin. Kabilang dito ay ang eto o heto, ayan o hayan, at ayun o hayun. Patulad Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakatulad. Kabilang dito ay ang mga salitang ganito, ganyan o ganiyan, at gayon o ganoon. Panlunan Ito naman ay panghalili sa pook na kinaroroonan. Kabilang dito ay ang mga salitang nandito o naritqo, nandiyan o nandyan, nariyan, naroon, at nandoon. Mga Halimbawa ng Panghalip na Pamatlig Narito ang mga halimbawa ng mga pangungusap na may panghalip na pamatlig: 1. Ang pagsusulit na ito ay para sa mga estudyante ng Filipino 4A. 2. Dito ninyo pwede kunin ang inyong marka para sa semester na ito. 3. Iyan na pala ang hinihintay mong mga kaklase. 4. Kinukuha na nito ang kaniyang anak mula sa paaralan. 5. Ikaw ba ang kumuha niyan? 6. Diyan niya kinuha ang halaman para sa kanyang hardin. 7. Iyon ang nararapat gawin para sa kanila. 8. Pupunta kami roon sa makalawa. 9. Doon nalang tayo umupo para walang disturbo. 10. Eto na naman yung lalaki sa kanto. 11. Ayan ka na naman sa iyong mga dahilan. 12. Ayun yung tao na kumuha ng mangga sa kanilang bakuran. 13. Ganito katahimik kung walang batang naglalaro sa labas. 14. Ganyan talaga kapag mayroon kang problema. 15. Ganoon lamang kanyang pagkadismaya noong nalaman nya ang nangyari sa kaniyang pamilya. 16. Nandito na ang mga bagahe ngunit wala pa rin ang aking pinsan. 17. Nandyan na ang eroplano na kanyang sinakyan galing Manila. 18. Nariyan na ang tao na iyong hinihintay. 19. Naroon lamang siya noong may pera pa sila. 20. Nandoon lang pala ang gulay na kanyang hinahanap. Panghalip na Pamanggit Mula sa salitang ‘banggit’, ang panghalip na pamanggit ay ginagamit na tagapag- ugnay ng dalawang pananalita o kaisipan. Ito ay tinatawag na relative pronoun sa wikang Ingles. Ang mga sumusunod ay ang mga panghalip na pamanggit: umano o diumano, ani, daw, at raw. Mga Halimbawa ng Panghalip na Pamanggit Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangungusap na may panghalip na pamanggit. 1. Ang sabi niya umano sa kaniyang mga kasama ay pwede silang magdaldalan habang nasa trabaho. 2. Diumano’y nakuha na nila ang kanilang bonus. 3. Ani niya’y nakuha laman siya dahil may tumulong sa kaniya. 4. Sabi daw ni Aurora na siya ay matutulog muna. 5. Siya na raw ang bahala sa lahat ng kanilang bayarin sa bahay. Panghalip na Paari Ang panghalip na paari ay nagsasaad ng pag-aari at inihahalili sa pangngalan ng nagmamay-ari ng bagay. Ito ay tinatawag na possessive pronoun sa wikang Ingles. Sa panghalip na ito, may mga bagay na dapat mong tandaan. Una, wala dapat itong ‘sa’ sa unahan. Halimbawa, huwag mong sabihin na “Ang pluma na ito ay sa , kanya.” Sa halip ay sabihin mong, “Ang pluma na ito ay kanya.” Pangalawa, hindi dapat ito sinusundan ng pangngalan. At pangatlo, dapat lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang ‘ay’ at sa unahan ng pangungusap kugv ng walang ‘ay’. Uri ng Panghalip na Paari May dalawang uri ang panghalip na paari. Una ay ang isahan. Ito ay kinabibilangan mga salitang iyo, akin, at kanya. At ang pangalawa ay ang maramihan. Ito naman ay kinabibilangan ng mga salitang amin, atin, inyo, at kanila. Halimbawa ng Panghalip na Paari Ang sumusunod na mga pangungusap ay may halimbawa ng panghalip na paari. 1. Iyo na ang papel na iyan. 2. Akin na ang libro na hindi mo na ginamit dahil kailanganin ko. 3. Sa kanya sila kumukuha ng lakas para sa kanilang araw-araw na gawain. 4. Sa amin sila nagsasabi ng kanilang mga hinanakit sa buhay. 5. Ang puno ng mangga na nasa lupain na iyan ay atin. 6. Nasa inyo na ang desisyon kung kukuha kayo o hindi. 7. Sinabi ko na sa kanila ang mga bagay na gusto kong sabihin. Panghalip na Patulad Ang panghalip na patulad ay ginagamit sa paghahambing, pagkukumpara, at pagtukoy ng mga salita, gawain, bagay, o kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ganoon, ganito, at ganyan. Mga Halimbawa ng Panghalip na Patulad Basahin ang mga halimbawa ng mga pangungusap na may panghalip na patulad. 1. Ganoon lamang ang kanyang pagkalungkot noong sinabihan siya sa tunay na nangyari. 2. Ganito dapit ang ginawa niya at hindi sana siya nasama sa gulo. 3. Ganyan din ang ginawa ko noong ako’y estudyante pa lang. Mga Natutunan Natin Tungkol sa Panghalip Sa pagkakataong ito, alam mo na ang mga iba’t-ibang uri ng panghalip, paano at kailan ito gagamitin. Natutunan mo rin ang mga halimbawa nito. Sabay-sabay nating alalahanin ang ating mga natutunan tungkol sa paksa. Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos dahil ito ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag at nakatatayo na itong mag- isa. Halimbawa: Nabuhay si Mary. Sina Elpie at Jhen ay ikinasal. Lumilindol! Natuwa ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso. Kumakain sa plasa ang mga kabataan. Ang magkakapatid ay nagdarasal ng sabay-sabay. Binura ni Magda ang nakasulat sa pader. Si Alona ay aawit sa Tawag ng Tanghalan. Nagkukwentuhan ang mag-asawa sa loob ng bahay. Inaantok si Lea. Mga Aspekto ng Pandiwa Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy ang kilos. May limang (5) aspekto ito; ang Naganap o Perpektibo, Pangkasalukuyan o Imperpektibo, Naganap na o Kontemplatibo, Tahasan, at Balintiyak. 1. Naganap o Perpektibo Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang panlaping “nag” ay karaniwang idinirugtong sa unahan ng pandiwang ginagamit sa pangungusap. Halimbawa: Nagpaalam si Itay bago siya umalis. Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto. Nagpirito ng manok si Pam. Kahapon kinasal si Aljon at Ana. Nagluto si Hana ng umagahan bago pumasok sa paaralan. Nagtanong ang guro kung sinong may lapis. Dumating kahapon ang balikbayang si Eunice. Nagtanim ng palay ang mga magsasaka. Naghugas ng kamay si Rosa bago kumain. Naglinis ng bahay ang kasambahay ni Perla. 2. Pangkasalukuyan o Imperpektibo Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang “habang”, “kasalukuyan”, at “ngayon” o kaya naman ay dinurugtungan ng panlaping “nag” ang unahan ng pandiwang ginamit sa pangungusap. Halimbawa: Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan. Naglalaba si Inday. Habang si Mama ay nagluluto, ako naman ay naghahanda na sa hapag. Naglilinis ng kuko si Nita. Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay. Ngayon ang kuhanan ng aming kard. Nagbabasa ng libro si Marie nang biglang dumating si Joshua. Araw-araw ay pumupunta ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa. Nagmimisa ang pari ngunit ang ilan ay inaantok pa. Kasalukuyan akong nakikinig sa radyo. 3. Naganap na o Kontemplatibo Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari. Plano pa lamang itong gawin o aspektong magaganap pa lamang. Ilan sa mga halimbawa ng salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa susunod”, “sa makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon” at marami pang iba. Halimbawa: Balang araw, uunlad din ako. Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon. Bukas ko na kakainin ang prutas na bigay mo. Pagdating ng panahon ay pakakasal ako sa’yo. Plano kong manirahan sa Amerika kung mabibigyan lamang ng pagkakataon. Sa makalawa na yata ang dating niya. Bukas luluhod ang mga tala. Sa susunod na araw ay simula na ng pasukan. Ayoko namang umalis bukas nang hindi ka kasama. Pupunta ako sa inyo kung hindi uulan. 4. Tahasan Sa aspektong ito ang pandiwa ang gumaganap na simuno sa isang pangungusap. Halimbawa: Sinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere. Nagluto si Badet ng kanilang tanghalian. Umawit si Sarah Geronimo kanina sa ASAP. Pumili si Nene ng damit para sa paligsahan. Pumunta si Inday sa palengke para bumili ng gulay. Namitas ng bulaklak si Amanda sa bakuran. Tumakbo ang bata ngunit hindi naman maabutan. Sumayaw ang kanilang grupo sa pyesta. Tumugtog siya ng gitara. Kumain sila sa karinderya. 5. Balintiyak Ang aspektong ito ng pandiwa ay kasalungat ng sa tahasang aspekto. Ang simuno ay hindi gumaganap ng kilos o galaw bagkus ang taga-ganap ng kilos ay ang nasa hulihan ng pandiwa. Halimbawa: Ang magandang balita sa telebisyon ay iniulat ni Mike Enriquez. Mabilis kong natapos ang trabaho ko. Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ni Mayor. Masarap ang nilutong ulam ni Linda. Ibinato ni Baldo ang bola kay Jimbo. Sa bahay ni Kristel nag-praktis sumayaw si Elsa. Mahal ka ni Juan maging sino kaman. Walang problema sa akin maging si Jen man mananalo sa patimpalak. Ako ba o siya ang pipiliin mong makapares sa kanta? Ni kurot ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak. Pananhi Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pananhi ay dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na pananhi na ginagamit sa pangungusap. Nagkagulo sa bahay nila Juan at perdo dahil sa ag-aaway ng kanilang ama at ina. Sanhi sa mainit na panahon kaya siya ay sinisipon. Umapaw ang ilog sa dam sapagkat walang tigil ang ulan. Nahilo si maria mangyari siya ay ikot ng ikot. Panapos Ang pangatnig na panapos ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panapos ay sa lahat ng ito, sa wakas, sa di-kawasa, upang at sa bagay na ito. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangatnig na panapos na ginagamit sa pangungusap. Sa lahat na ito, ang mabuting gawin ay maghanda. Sa wakas, uuwi na rin si mama. Sa di-kawasa, ang seminar ay tapos na. Sa bagay na ito, hayaan nating ang mga guro ang mag pasya. Kailangan naming tulungan si ate upang madaling matapos ang paglilinis ng bahay. Panimbang Ang pangatnig na panimbang ay ginagamit sa paghahayahag ng karagdagang impormasyon at kaisipan. Ang mga halimbawa ng panagatnig na panimbang ay at, saka, pati, kaya o anupa’t. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na panimbang na ginagamit sa pangunugusap. Si Juan at Pedro ay nagtungo sa paaralan. Kumain siya ng manga at bagoong. Pati ang pusa ay kanyang tinulungan. Sigarilyas at saka mani ang aking paboritong gulay. Anupa’t sa lakas ng ulan ay rumagasa ang malakas na baha. Umamin na si Ben kaya ang kaso ay tapos na. Pamanggit Ang pangatnig na pamanggit ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit ay daw, raw, sa ganang akin/iyo, at di umano. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na pamanggit na ginagamit sa pangungusap. Magagaling daw kumanta ang mga taga Cebu. Siya raw ay mahusay maglaro ng chess. Sa ganang akin, ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Ako raw ang yayaman. Ikaw daw ang dahilan kaya siya ay biglang nagbago. Si Ben di umano ang pinaka magaling sa kanilang klasi. Di umano, mahuhay sa mang-aawit si Charice. Panulad Ang pangatnig na panulad ay tumutulad sa mga pangyayari, kilos at gawa. Ang mga halimbawa ng pangatnig na panulad ay kung sino..siyang, kung ano..siya rin, kung gaano..siya rin. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangatnig na panulad na ginagamit sa pangungusap. Kung sino ang nag-umpisa ay siya rin ang tatapos. Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin. Kung gaano kalaki ang kinuha siya rin ang dapat babayaran. Pantulong Ang pangatnig na pantulong ay nag-uugnay ng nakapag-iisa at hindi nakapag iisang mga salita, parirala o sugnay. Ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong ay ang mga salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat o dahil sa. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng pangatnig na pantulong na ginagamit sa pangungusap. Makakakain lang ako kapag tapos na akong nagluto. Kumain ng gulay upang ang buhay ay maging makulay. Nag-aaral siyang mabuti upang makakakuha ng mataas na marka. Maglakad araw-araw para malayo sa sakit. Ako ay ay nakapagtapos ng pag-aaral sapagkat ako’y nag-aaral ng mabuti. Pangkat ng Pangatnig Ang pangatnig ay nahahati sa dalawang pangkat. Ito ay ang mga pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit at ang mga pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit. Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit Ito ay pangkat na nagbubuklod ng kaisipang pinag-uugnay. Ito ay ginagamitan ng mga salitang o, ni, maging, at, ‘t, at kundi. Ang pangkat na ito ay maaari rin pasalungat. Sinasalungat ng pangalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna. Mga Halimbawa sa Pangungusap Bumili ako ng ube at kamote. Maging ang bahay na iyan ay sa aming angkan. Ano ang makakatalo sa bato, gunting o papel? Matalino sana si Alden ngunit tamad mag-aral. Maliligo sana kami bukas sa dagat subalit hindi ako pinayagan ni tatay. Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit It ay pangkat ng pangatnig na nagpapakila ng sanhi o dahilan gaya ng mga salitang dahil sa, sapagkat, o palibhasa. Maaari rin itong gamitan ng mga salitang kung, kapag, pag, at mga pangatnig na panlinaw gaya ng kaya, kung gayon, o sana.