Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

reviewer in Filipino exam, Summaries of Advanced Education

Simple reviewer in Filipino exam

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 02/06/2024

margaux-bleige
margaux-bleige 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download reviewer in Filipino exam and more Summaries Advanced Education in PDF only on Docsity! REVIEWER IN Fed 322 Kabanata 6- Aralin1: Luzon KULTURA AT LIPUNAN NG ILANG PANGKAT AT LUGAR SA PILIPINAS Sa bahaging ito ay matutunghayan ang tungkol sa iba't ibang tribo sa ilang bahagi ng Pilipinas lalo na ang sa Mindanao. Karamihan sa impormasyon tungkol sa mga tribong mababasa ay mula sa pananaliksik ng mga estudyanteng Ph.D. ng awtor na kumukuha ng sabjek na Wika, Kultura, at Lipunan. Paalaala lamang na ang ilang impormasyon tungkol sa kanila ay maaaring hindi na makikita sa ngayon dahil sa pagbabago ng panahon ngunit sa pangkalahatan ay naglalarawan ng ilang kultura ng grupo. ARALIN 1: LUZON 1.1. ANG MGA ILOKANO - ni Teresita L. Abrea Ang pagiging kuripot ay yumayakap sa pagtitipid. Ang bawat sentimong kinikita ay may tamang paggagastusan. Masinop ang bawat segundo, minuto, oras at araw ng paggawa sa mga makabuluhang bagay na pagkakikitaan. Ang badyet sa isang taong konsumo ay para sa pagkain at sa iba pang pangangailangan. Karaniwang nagtatabi ng pera upang may magamit sa hindi inaasahang paggagastusan. Sa mga pagkakataong tinatayang kakapusin, hangga't maaga ay gagawa ng paraan upang maibsan o matugunan ang pangangailangan. Ito ang mga Ilokano. Sadyang masisipag ang mga Ilokano. Makikita ang karamihan sa kanila sa Ilocos. Sa mga nagnanais marating ang lugar na ito, napakasariwa ng simoy ng hangin. Luntian ang mga dahon ng sari-saring halaman. Naglalakihan ang mga punongkahoy at may malalawak na kapatagan. Matatagpuan sa iba't ibang lugar ang mga natural na atraksiyong dinadayo ng mga lokal at dayuhang bisita hanggang sa kasalukuyan. Pinakatanyag sa Ilocos Sur ang Vigan Spanish Town. Ang impluwensiya ng mga Kastila ay mababakas sa mga nagtatayugang gusaling batong itinayo sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang Vigan ang kapital ng Ilocos Sur. Mararating ito sa pamamagitan ng bus. Sa kalakhang Maynila ay maaaring sa iba't ibang terminal ng bus sumakay. Ang pinakamalapit sa airport ay ang Pasay City. Sampung oras ang biyahe mula Pasay hanggang Vigan. Kilala ang mga pagkain ng mga Ilokano tulad ng denendeng at pinakbet. Kilala rin sila sa sinuman, sinubong, at bibingka. Naniniwala ang mga Ilokano sa baribari, isang hindi nakikitang nilalang. Naniniwala rin sila sa multo, duwende, kapre, engkanto, at iba pang espiritu. Upang hindi magkasakit, kapag napadaan sa mga punso ay dapat magpaalam sa pamamagitan ng pagsambit ng "Tabi Apo." Kung may patay, karaniwang pinaglalamayan ng ilang araw. Nakadepende ang tagal ng lamay sa mga dahilan ng namatayan. Sa paglibing ng bangkay, ang uluhan ng kabaong ang dapat mauna sa paglabas sa bahay. Itinataas ang kabaong upang ang mga miyembro ng pamilya ay makadadaan sa ilalim. Ang mga dadaan sa ilalim ng kabaong ay batay sa edad. Ang pinakamatanda sa pamilya ang mauuna at susundan ng iba pang miyembro. 1.2. ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN - ni Lyd Fer. Gonzales Ang pook na kinalalagyan ng Kalahan ay nasa matataas na lugar ng Acacia, Kahel, at Kayapa, Nueva Vizcaya. Matataas ang pook na ito at buhat sa ituktok ng isang bundok ay buong paghangang namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na kapaligiran na iginuhit ni Bathala. Ang mga Kalahan ay isa sa mga grupong etniko na naninirahan sa kabundukan ng Nueva Vizcaya. Tuladng ibang mgagrupomay kakanyahan ang mga ito. Ang ilang mga paniniwalang inilahad dito'y hinati sa (1) pagpahayag ng kalikasan, (2) panggagamot, (3) paggawa, (4) pag-aasawa. Kung pananamit ang pag- uusapan masasabing ang mga kasuotan nila'y katulad din ng mga isinusuot ng mga katutubo sa Baguio bagama't ang iba'y gumagamit na rin ng mga kasuotang karaniwang nakikita sa kabayanan. Binigyan diin sa paglalahad na ito ang tungkol lamang sa ilan nilang paniniwala: Pagpapahayag ng Kalikasan a. Napag-alaman sa mga kinausap na may iba't ibang anyo ang mga ulap upang magpahayag ng kagandahan o kasamaan ng panahon, kung manipis at maputi ang ulap, maganda ang panahon; ngunit kung makapal at nangingitim, magiging masama ang panahon; ang takbo ng mga ulap ay nagpapahiwatig din ng kagandahan at kasamaan ng panahon. b. Ang langit, araw, at buwan ay nagpapahayag din ng kagandahan at kasamaan ng panahon. May mga pagkakataong nagtatago ang buwan, may maaliwalas na langit at may maulap na langit, may mapulang-mapulang araw na nagbabadya ng di kainamang mga pangyayaring darating tulad ng lindol. c. May mga pahiwatig din ang mga hayop tungkol sa kalagayan ng panahon. Kapag hindi mapakali (lalo kung gabi) ang mga hayop at nag-iingay maaaring may dumating na bagyo o lindol. Kaya ang mga kilos ng mga hayop ay minamatyagan nila sapagka't ito'y nagbibigay-babala ng maaaring maganap, sa gayo'y nakagagawa na sila ng kaukulang pag-iingat. Panggagamot Walang mga panggamot na damu-damo ang mga katutubo rito. May tinatawag silang tagapamagitan na siyang tumutuklas kung sino ang sanhi ng karamdaman at kung paano magagamot ang karamdamang iyon. Ang tagapamagitan ay gumagamit ng gadangkal na tambo na may maliit na buto ng anongya sa magkabilang butas. Tinatawag ito na dinagen. Ang panggagamot ay isinasagawa sa pamamagitan ng dinagen. Unang-una'y nagdarasal ang matandang gagamot (maaari ring bata pa kung mayroon itong dinagen) kina Kabigat at Bugan na kanilang mga Bathala upang patnubayan siya sa kanyang gagawin. Naniniwala kasi sila na may nais ang espiritu ng mga namatay nilangkamaganak kaya pinagkasakit ang isa sa kanila. Isa-isang bibigkasin ang pangalan ng mga mga kamag-anak ng maysakit. Sa bawat pagbigkas ng pangalan na pinaghihinalaan, dinadangkal ang dinagen o iyong tambo. Kapag sa pagdangkal ay lapat lamang sa dangkal ng tambo ang kasagutan ay oo; kapag lagpas o kulang, ang kasagutanay hindi. Pagkatapos malaman kung sino ang dahilan ng pagkakasakit ng ginagamot, isusunod namang itatanong kung ano ang kailangan. lisa-isahin din ang mga bagay na inaakalang kailangan ng namatay na kamag-anak. Gagamitan din ng dinagen. Pag natukoy na ang kailangan nito, ihahandog na nila sa espiritu upang gumaling ang maysakit. Naniniwala silang may mga espiritu ang mga bagay kaya pagkatapos ng pag-aalay ay maaari nilang gamitin ang inilagay dahil nakuha na ang espiritu noon. Halimbawa, kung ang hiniling ng kamag-anak na namatay ay kumot, iaalay nila ito sa espiritu na namatay. Pagkatapos ng seremonyas maaari na nilang gamitin ang kumot dahil ang ispiritu ng kumot ay kinuha na ang espiritu ng namatay. Paggawa Ang mga lalaki ang nagpapahinga sa bahay pagkatapos na sila'y makapagbakod, makapagbungkal, at makapag-araro na. Wala na silang iintindihin sa bukid pagkatapos ng gawaing iyon. Ang kababaihan ang magtatanim, mag-aalaga ng pananim, at magaani. Kahit na nga raw may sakit ang babae kailangang gampanan ang kanyang tungkulin habang ang asawa'y namamahinga na lamang. Pag-aasawa May tinatawag na tradisyunal na Kimbal na kasalan. Ito'y kung may makitang babae ang isang lalaki na ninanais na niyang maging asawa, humahanap siya ng taong siyang magsasabi ng intensiyon niya sa babae. Kapag pumayag ang babae sa kanyang iniluhog, magpapatay na sila ng baboy. Ang paraan ng pagkakasal ay simple lamang. Kukuha ng isang basong tubig na malamig ang matandang babaing magkakasal at sasabihing "sana'y maging malamig ang pagsasama ninyo." Pinaiinom ng babae ang ikinakasal at tapos na ang seremonya. Matandang babae o batang lalaki ang nagkakasal dahil may pakahulugan daw iyon. Matandang babae dahil babae ang nasa bahay at batang lalaki dahil lumalaki pa iyon na siyang nagsasaad naman ng paghaba ng pagsasamahan ng mag-asawa. Kapag nagsama naman ng hindi pa kasal kailangang magdasal muna bago pakasal sapagka't kung hindi'y magkakaroon ng bukol, ulser, o pigsa ang mag-asawa. Ang mga nabanggit ang ilang paniniwala ng mga Kalahan. Sila'y masisipag kaya ang pook nila y sagana sa pananim. Ang mga bata'y malulusog. Hindi rin nila suliranin ang tubig sapagkat masagana ang daloy nito mula sa kabundukan. Bilang pagbubuo, masasabing ang mga katutubong Kalahan ay may sariling pamamaraan ng pagtataya sa buti at sama ng panahon tulad ng iba pang tribo at ng ilang matatanda natin sa lalawigan. Kung pag-uusapan naman ang tungkol sa paggawa, malinaw na higit na marami ang gawaing bukid ng mga babae kaysa sa mga lalaki sapagkat pagkatapos na nilang maihanda ang kabukiran ang mga babae na ang arawaraw na nagtutungo sa bukid habang silang mga lalaki'y natutulog lamang sa bahay. Sa paraan ng kanilang panggagamot hindi sila herbularyo, wala silang gamut- gamot. Dasal ang ginagamit nila. Nananawagan sila kina Kabigat at Bugan upang tulungan sila sa pagtuklas ng sanhi ng karamdaman at kung paano ito magagamot. Sa larangan naman ng pag-aasawa lalong naiiba ang pamamaraan nilang Kimbal. Sa kabuuan, masasabing hindi maghihikahos ang mga Kalahan. Sagana sila sa kagandahan at kayamanan ng kalikasan. Marunong silang magpala sa ibinigay sa kanila ni Bathala. Masisipag at mababait sila. Handa silang makipagtulungan kung nalalaman nilang mabuti ang layunin para sa kanila. Wika Ang wika ng mga Kalahan ay Kallahan. May mga dayalekto ito na Tinoc o Kalangoya. 1.3. MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS - ni Maria Bondoc-Ocampo Isang tunay na pangarap para sa isang dalaga sa Ibaan, Batangas ang kasal. Maaaring sabihing lahat naman ng dalaga ay nangangarap makasal subalit higit siguro ang pananabik ng mga babae sa naturang lugar. Marahil, dulot ito ng kakaibang tradisyon na hanggang sa kasalukuyan ay sinusunod ng mamamayan lalo na ng mga tagabaryo. Sa babae, ito ay isang pangarap, ngunit sa lalaki, ito ay masasabing isang bangungot lalo't maiisip ang malaking halaga ng salaping kasangkot sa ganitong pagdiriwang. Gayunpaman, sapat nang pampalubag-loob ang kaalamang mula sa araw na iyon ay magkakatuwang na sila ng kanyang minamahal sa paghabi ng buhay na kanilang pagsasaluhan. Naisanan ang tawag sa kasalang namamanhik ang mga magulang ng kalalakihan sa mga magulang ng kababaihan. Ito ay katumbas sa pamanhikan sa Bulakan. Ito ay isang matandang kaugalian na nananatili at hindi naitaboy ng makinisasyon mula sa mga bakuran at bukirin ng Ibaan. Nanatili ito tulad ng mga pangaral ng kanilang nanay at patuloy na sumisibol sa punlaan ng mga tradisyon tulad ng pagsibol ng bagong henerasyon. Sa pamamaisan ay hindi lamang ang mga magulang ng mga ikakasal ang nakakompromiso. Lahat ng mga kamag-anak at kapatid ng mga lalaki ang inaasahang tutulong sa pagluluto at paglilinis. Ang mga batang lalaki ang inaasahang iigib, ang mga dalagita at dalaga ang namamahala sa paghahain at pag-iistima sa mga bisita. Ang mga may edad ang mga nasa pagluluto at ang iba ang maghuhugas ng mga pinggan. Hindi nila mahihiling tumulong kahit sinoman sa partido ng kadalagahan sapagkat sila ang nanunuyo. Kaya kadalasan, kung may baisanan, walang tao sa bahay ng mamamaisan sapagkat lahat sila ay buong sipag at pagpapakasakit na tumutulong sa ano mang gawain sa bahay ng binabaisan. Paghahanapbuhay ng mga Kankana-ey Nakaugalian ng mga Kankana-ey ang magbungkal sa lupa hanggang sa kasalukuyan. Ang kanilang malaking pagmamahal sa lupa ay mapapatunayan ng kanilang makakapal na talampakan at mga kamay dahil sa walang hintong paglilinang sa lupa umulan man o umaraw. Sila'y may magaganda ring pangarap na maiahon ang kanilang mga supling sa kahirapan. Naniniwala silang sa likod ng kanilang paghihirap ay may magandang kinabukasang sasapit sa kanilang mga anak. May kasabihan silang, "Sa kabila ng ulap ay may sisikat na araw." Nakikita ng mga anak ng masisipag na mga magsasakang ito ang kahirapang dinaranas ng kanilang mga magulang kaya naman walang humpay din ang kanilang pagsisikap upang makamit ang karunungang nais nilang makamit tulad ng pagiinhinyero, guro, abogado, nars, at iba pang karera. Ang Kasalan Isa sa nakawiwiling pag-ukulan ng pansin sa mga Kankana-ey ay ang kanilang kaugalian sa pag-aasawa. Bagama't sa kasalukuyan, umaalinsunod na rin ang iba sa makabagong paraan ng pakikipag-isang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Iba-iba ang estilo ng panliligaw ng mga Kankana-ey. Ayon sa salinsabi at sa ginawang obserbasyon ng sumulat, ang panliligaw ay maaaring iayos ng dalawang parte-ang mga magulang ng ikakasal. Mayroon ding, ang lahat ng mga anak na lalaki ng isang mag-asawang kaibigan ng mga magulang ng dalaga ang haharap sa nasabing dalaga at bahala na silang pumili ng kanyang gustong kasamahin sa buhay. Ganito ang nangyari sa biyenan ng sumulat. Sa ibaba naman, ang mga lalaki ang talagang lantarang nagpapahayag ng kanilang damdamin sa nililigawan. Sa pagdaraos ng kasal, may iba't iba ring seremonyas, may payak, may elegante. Ang kasal sa katutubong paraan ay may kanyao na dinaraos sa tahanan ng babae. Sa pamamagitan ng kanilang mga magulang, mga kamag-anak na nakatatanda sa kanila at kaharap ang isang tinatawag na pari, pari nila, ang kasal ay pinagtitibay. Kasama sa seremonya ang pagpaparte ng hayop na maaaring nuwang (kalabaw), baka o baboy. Iniihaw ang hayop na ito bago hahati-hatiin upang ilaga. Ang bilang ng hayop na lulutuin ay ayon sa kakayahan ng kanilang pamilya. Sa pagpaparte ng hayop o mga hayop ay maingat na inaalis at sinusuring mabuti kung ang pantog at apdo ay hindi sira o hindi nagpapahiwatig na ang hayop ay may sakit, dahil dito nasasalalay kung ano ang magiging kapalaran ng ikakasal kung lalago ang kabuhayanohindi. Kung ang seremonya naman ay gaganapin sa simbahang katoliko, opsyunal na ang pagpaparte ng hayop. Kaugaliang makabago na ang sinusunod kung kainan ang pag-uusapan. Noong araw, ang ligawan ay limitado sa kapwa katutubo lamang ngunit dahil sa masalimuot na ang takbo ng panahon, naimpluwensiyahan na rin sila ng makabagong kabihasnan. Tulad ng naganap sa sumulat nito na isang taga-Cebu na naakit ng klima ng Benguet at ng taga-Benguet. Nakarating na rin sa pook na ito ang tungkol sa tinatawag na pagpaplano ng pamilya. Wika Kankanaey rin ang tawag sa wika ng mga Kankana-ey. 1.5. ANG PAGKAKANYAO -ni Edgar Daniel May iba-ibang dahilan kung bakit nag papadit o nagkakanyao. Ang isa'y bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng kayamanan at ang isa'y bunga ng kahilingan ng isang patay na miyembro ng pamilya na naipababatid sa pamamagitan ng panaginip o kapag matagal na ang karamdaman ng isang miyembro ng pamilya at hindi mapagaling ng mga gamot, sa gayo y tumatawag na sila ng nakaaalam sa gawaing ito na kilala sa katawagang hi-bok o anop upang malaman kung magpapadit ang pamilya. Kapag sinabi ng taong ito na kailangang magpadit, agad sisimulan na ang paghahanda: tatlong baboy, isang kalabaw, at isang baka; mga dama o putek na alak buhat sa bigas na tinatawag na tapey; bumibili siya ng bagong damit para sa patay tulad ng lakba o tapis, bahag, panyolito o banda at kumot. Kapag handa na ang lahat, inaanyayahan ang lahat ng mga kaibigan, at kamag-anakan buhat sa iba't ibang pook. Kinaumagahan ng araw na iyon, ang pinakapari nila o ang mabaki ay nagdarasal at ibabaon ang isang itlog o ang isang maliit na bilog na bato sa ilalim ng hagdan. Tinatawag itong haday. Ang mga taong magpapadit ay magkukulong sa bahay ng buong araw na iyon. Kinahapunan din ng araw na iyon ay magdaratingan ang mga inanyayahang panauhin at kamag-anakan. Sa gayo'y kakatayin na ang isang baboy upang maipakain sa mga dumating na panauhin. Hindi magdarasal habang kinakatay ang baboy. Sa gayo'y maaari nang pasimulan ang pagsasayaw ng katutubong sayaw na ginagamitan ng gong. Sisimulan na rin ang sagutan sa katutubong awiting tinatawag na baklew. Kinabukasan kapag may bakod na ang kanilang bakuran, pinawawalan ang tatlong baboy at hinahayaang hulihin ng matatapang na lalaki. Kapag nahuli na ang baboy, uupuan ito ng nakahuli. Ang ilang lalaki naman ang lalapit upang talian ang baboy. Ilalagay ang nakataling mga baboy sa harap ng bahay o hagdan ng bahay na kinaroroonan ng mabaki. Nasa bilao na rin ang mga kumot, mga bagong damit, maliit na lalagyan ng tapey at trey na tinatawag na talaka na nilalagyan ng mga barya o lumang pera na tinatawag na tinapun. Pagkatapos magsisimula nang magdasal ang mabaki. Sa pagdarasal ng mabaki binabanggit na lahat ang mga pangalan ng mga namatay na kamag-anak. Habang nagdarasal ay tinatawag naman makaalung na bahagi ng pagsasayaw ng nagpapadit. Ginagamit ng mag-asawang nagpapadit ang kumot. Ang isang kumot ay nasa balikat ng lalaki at ang isa naman ay nakabalot sa babae at nagsasayaw sila sa saliw ng gong. Habang nagsasayaw sila, ang isa namang mabaki ay sisigaw habang itinuturo ang nagsasayaw. Tinatawag itong lastuan. Pagkatapos nito ang isa namang mabaki ay sasayaw habang tangan-tangan niya ang mga barya, ang bawat mananayaw ay kakatawan sa bawat binanggit na pangalan ng mga namatay. Pagkatapos ng pagdarasal sabay-sabay nilang kakatayin ang baboy sa pamamagitan ng pinatulis na kahoy. Gayon din ang gagawin sa baka at sa kalabaw. Pagkaraan, sisimulan na ang pagsasayaw ng lahat. Sa unang hatinggabi, ginagawa rin ng mabaki ang bagel. Nasa loob ng bahay ang nagpapadit na nasa harap ng kinalalagyan ng tapey. Ang mabaki nama'y magdarasal at ang iba nama'y nagpapatugtog ng gong na nakapalibot sa mag-asawang nagpapadit. Ipinapadyak din ng mga magpapatugtog ang kanilang mga paa. Malakas naman ang pagdarasal ng mabaki upang pagkaraan ng pagdarasal ay simulan na ang pag-inom ng tapey. Ang iba nama'y nagsasayaw sa labas. Buong araw at gabing nagsasayawan, nagkakantahan ng baklew at nag- iinuman ng tapey. Ang lahat naman ng mga ulo ng pi?ata na hayop ay itatabi na at iyong mga dapat iluto ay iluluto na para makain kinabukasan. Ang ibang bahagi ng karne'y hinahati upang ang bawat nagpunta roo'y mabahaginan ng kinatay na hayop. Sa ikatlong araw pagkatapos na maisaayos ang ulo ng mga hayop, saka pa lamang pinapauwi ang mga inanyayahan. Sa pagpapadit may tinatawag na katlu, ikatlong araw kung saan kinakatay ang isang baboy, pagkatapos ay ang kawalu o ang ikawalong araw kung kailan nagkakatay naman ng dalawang baboy at pinatutugtog ang agong upang magsayawan naman ng gabi at isang araw habang nag-iinuman ng tapey. Pagkaraan nito mayroonpang kahawal o ikalabindalawang araw at ikalabinlimang araw, kung saan maliitnababoy nalamang ang kinakatay at wala na ring sayawan, kundi pagdarasal na lamang ng mga mabaki. Ang huling araw ng padit ay ang pagpatay ng mga manok. Ang babae at lalaki'y tutungo sa uma o kaingin. Dala-dala ng lalaki ang piko at may dala namang basket o kayabang na may ilang kamote ang babae at pag-uwi nila lulutuin ang manok. Pagkatapos magdasal ng mabaki maaari nang makapunta sa malayo ang mag-asawang nagpadit dahil sa panahon na pagpapadit ay hindi sila maaaring lumayo. 1.6. MGA ITA SA BUNDOK NG ZAMBALES -ni Ligaya T. Rubin Sabi ng propesor namin sa Linguistics 225, ang klase namin ay magkakaroon ng field trip sa mga baryo ng Naculcol at Naguisguis sa Zambales na ang pangunahing layunin namin ay pag-aralan ang ponolohiya, morpolohiya, at sintaktika ng wika ng mga Ita, na sa kasaysayan ng Pilipinas ay siyang itinuturing na kauna-unahang mga pangkat ng tao na naninirahan dito. Kung makukuha rin namin ang karungungan bayan nila tulad ng mga kwentong bayan, salawikain, mga epiko, mga pamahiin, mga dasal, at mga tulang pambata ay higit na mabuti. Ang mga Ita'y itinaboy ng sibilisasyon at kawalan ng kaalaman sa mga kabundukan; sila'y patuloy na nagpapalipat-lipat sang- ayon na kung saan sila mabubuhay; kaya't bago tuluyang mawala angkanilang panitikan at ang wika mismo ay dapat itong maitala at mapag-aralan. Limang oras na biyahe sa trak ang Botolan mula sa Siyudad ng Caloocan. Mula sa Botolan naman ay mga tatlong oras ang biyahe sa weapon carrier papuntang Naculcol. Ito'y nag-iisang sasakyan na pampasahero na sabi ng isang kaklase nami'y parang pinutukan ng bomba dahil ang pinakabubong at pinakadingding ay sinaplutan lamang ng telang lana kaya't bale wala ring proteksyon laban sa ulan. Sa Naculcol ay hindi masasabing puro Ita ang nakatigil. Ito'y nahahaluan na ng mga taga ibang lugar. Mula Naculcol naman ay walong kilometro ang kinailangang lakarin hanggang Naguisguis sapagkat walang sasakyang pumupunta roon. Ang dalawang baryong ito, Naculcol at Naguisguis ay dalawang baryo ng mga Ita na nasa kalagitnaan na ng mga bulubundukin ng Zambales. Ayon sa aming propesor, mga limang ilog lang ang aming tatawirin sa aming paglalakad mula Naculcol hanggang Naguisguis. Huli na nang aming matuklasang mga limampu na pala kung ibibilang namin ang mga batis, sapa, kanal, at saluysoy. Sabi pa nila, kailangan magdala kami ng lahat ng mga kailangan namin sa tatlong araw na tigil namin doon; mula gamot kontra sipon, malarya at pagkasira ng tiyan, hanggang pagkain lalo na ang ulam tulad ng tuyo, tinapa, sardinas, at itlog; ang mga Ita ay walang ulam-ulam kung kumakain, kanin lamang ang kinakain nila at kung minsan ay nilagang kamote lang. Magdala raw kami ng makapal na kumot; malamig na malamig raw doon sa gabi hindi lamang dahil sa malamig ang klima doon kundi dahil ang titigilan naming kubo ay hindi makapagbibigay sa amin ng proteksyon laban sa malamig na simoy ng hangin. Sa madaling sabi ay silang-silat ang sahig at may siwang ang mga dingding. At higit sa lahat ay magdala raw kami ng mga labis sa aming buhay na kaya naming dalhin at kayang ibigay sa mga Ita. Naranasan namin ang lahat; maglakbay ng limang oras hanggang Botolan, sumakay ng weapon carrier na kaisa-isang sasakyan papuntang Naculcol na buti na lang at hindi nasira pagtawid nito sa mga ilog, sapa, at batis, ng mga taas-babang burol, ng mga batuhan at kung minsan ay napakaalikabok na daan; nang maglakad kami ng walong kilometro nang wala kaming nakikitang bahay at tao kundi puro bundok na karamihan ay kalbong-kalbo na sa mga kamay ng mga nagkakaingin at namumutol ng kahoy; nang makaranas kaming pagpatung-patungin ang pranela't kumot sa pagtulog sa gabi; nang tiisin naming hindi maligo sa ilog dahilan sa lamig ng gabi at wala namang ibang paliguan kundi iyon; akala namin ay naranasan na namin ang lahat. Hanggang matuklasan naming ang kanilang palikuran ay malawak na lupain at ang likud-likod ng mga puno. Sa daan pa lamang ay inilalarawan na namin ang aming diwa at hitsura ng tipikal na Ita, kulot na kulot ang buhok, sunog na sunog ang balat, pandak na pandak, sarat na sarat ang ilong, at makapal na makapal ang labi. Nang makita namin sila ay nasabi naming halos ganoon na nga ang hitsura nila, maliban sa napakaganda pala ng sunog nilang kulay - mamula-mula at tila ginintuan na kumikinang sa tama ng sikat ng araw; ang kulot na buhok ay kakulay ng buhok ng mais; at ang mga may halong ibang dugo ay may matatangos na ilong. Hindi sila hubad-baro tulad ng aming hinala; sila'y nagsusuot din ng damit. Unang gabi namin sa Naguisguis at sa tanglaw ng dala naming flashlight at kukuti-kutitap na lampara ng mga Ita ay inihanda namin ang hapunan. Pagod na pagod sa lakad at gutom na gutom, handa na kaming sumubo nang biglang namagitan ang ama ng tahanan. Laking pagkapahiya namin sa kanyang sinabi: "Tayo po muna ay magpasalamat sa Bathala. Bathala, maraming salamat po sa maghapong nagdaan na kami'y binigyan mo ng kalakasan ng katawan at linaw ng pag-iisip upang magampanan namin ang lahat ng aming gawain. Salamat po sa pagpapalang iyong ibinigay sa aming mga panauhin at sila'y nakasapit nang ligtas at maluwalhati sa aming piling. Maraming salamat po sa pagkain na nasa harap namin na magbibigay sa amin ng panibagong lakas ng katawan at isip para sa maghapong paggawa bukas ng umaga." Gulat na gulat kami sa kanilang pagiging relihiyoso, at lalong laking gulat namin nang aming mapansing bukod sa kanilang kasanayan sa pagsasalita ng wikang Filipino ay nakapagsasalita rin sila ng bilingwal (Ingles-Tagalog). Nagsasalitan ng mga salitang Ingles ang kanilang mga pangungusap tulad ng, "Ihanda na ang mess hall," "By golly, ang sarap ng ulam," "kailangan pong i-hike ang pagpunta dito dahil wala pong vehicle ang pumupunta rito," at iba pa. Hanggang sa matuklasan naming may mga misyonaryong mga Amerikanong nagpupunta sa napakaliblib na lugar na ito. Ang Naguisguis ay binubuo ng humigit-kumulang sa apatnapung kubo ng mga Ita at isang eskwelahang nagtuturo hanggang grade four; lahat ng mga Ita'y nagtatrabaho sa lupa; ang tanging status symbol ng pagiging medyo maykaya ay ang pagiging sementado ng pinakapundasyon ng kubo. Ganito ang buhay doon, walang kuryente. Samakatuwid, wala ang mga bagay na kakambal ng kuryente tulad ng refrigerator, oven, stereo, at iba pa. Ang pinakapopular na kasangkapan ay ang aparador o baul na lalagyan ng damit, mesang kainan at bangkitong upuan. Ang kalanan ay dapog na ginagatungan ng kahoy, mga pinggang plastik at basong bote ng kape at ilang kaldero. Ang babaran ng maruruming pinggan ay ang sapa. Kasalamuha ng tao ang aso at lahat ng bahay ay may aso kaya't namantal ang binti namin sa kagat ng pulgas. Salat man sa mga materyal na bagay, ang mga Ita'y saganang-sagana naman sa kagandahang loob. Nang mabatid ng sambayanan na may mga panauhing galing UP ay may nagdala ng ginataang kamote, ng maaayos na banig, unan, at kumot. Sa pagitan ng mga nahihiyang ngiti at panay na paghingi ng paumanhin, kinausap nila kami at sa sigid ng lamig ng gabi'y isinasalaysay ng matatanda ang kanilang mga kwentong Ita. Nagpunta kami roon upang pag-aralan ang ponolohiya, morpolohiya, at sintaktika ng kanilang wika ngunit ang nadampot namin ay higit pa roon: ang kanilang kultura, mga kaugalian, at uri ng pamumuhay. Dalawang bagay ang naglalaro sa aming isipan habang pinagmamasdan namin ang kadahupang iyon ng mga Ita; dapat kaya silang pabayaan sa kanilang buhay na yon, simpleng pamumuhay na nagdudulot ng simpleng kaligayahan o hakutin kaya namin ang lahat na labis sa aming sibilisadong daigdig, ipuno sa kanilang mga pangangailangan at sa gayo'y maturuan sila ng kawalangkasiyahan sapagkat ang tao raw ay likas na habang nagkakaroon ay lalong naghahangad magkaroon pa ng higit sa nasa kanya? "Ang higit po naming kailangan ay gamot. Noong mga nakaraang buwan ay dumanas kami ng peste. At kulang na kulang po ang mga gamot na dala-dala ng mga misyonaryong Amerikano," ito ang sabi ng isang matanda. "Ang alam ko sa lupa ko'y akin ito. Ako ang nagbubungkal, ako ang nagpapala, ako ang naghihirap. May isang ibig kumamkam nito. Magkita raw kami sa husgado. Ang sabi ko'y hindi ko alam ang daan papunta sa husgado. Basta't bahala na ang pana ko, ngunit salamat na lamang at mula noon ay hindi na kami nagkita." Seryoso ang mukha ng lalaking Ita habang ipinapakita sa amin ang tagapagsanggalang na pana. "Naku siguradong maiinip kayo sa tatlong araw na tigil ninyo rito. Wala kayong maririnig kundi huni ng kuliglig. Wala kayong makikita kundi mga bundok. Ang kape rito y katas ng sinunog na bigas. Ang pagkain rito'y kamote. Kapag nakapagbayo'y kanin. Ngunit tinitiyak ko sa inyo, tahimik na tao kaming mga Ita, wala kaming gulo." "Dito'y walang magnanakaw. 'Pag pumutol ka ng buwig ng saging at iniwan mo sa sapa para mawala ang langgam, walang gagalaw niyan. Pag naputol na ang buwig ng saging at ito'y nakababad sa sapa ang ibig sabihin ay mayroon nang may-ari niyan. Pag nakaiwan ka ng kahit na anong bagay, matitiyak mong isang linggo o isang buwan o kung gaano man katagal na panahong iwan mo yan ay walang magkakainteres. “Kahit nakikita ninyong kami'y dahop, kami'y matapat" may pagmamalaki sa tinig ni Minggay, ang mabait naming kaibigang Ita. "Pag mayroong may sakit dito ay may doktor kami. Hindi nga lang katulad ng doktor ninyo. Siya'y nag-aanito, nagsasayaw habang nagdarasal, kumakanta at nananaghoy." "Pinapalabas niya ang masasamang espiritu sa katawan ng maysakit at siguradong ang inaanituhan ay gumagaling, maliban na lamang kung talagang ayaw umalis ng masamang espiritu sa kanyang katawan,"sabi ng ama ni Minggay. Sinubukan naming ipaanito ang isa naming kaeskwelang lalaki at nasaksihan namin ang pagsasayaw, pagdarasal, pagkanyao, at pananaghoy ng doktor nilang ito upang pagkatapos ay sabihan lamang kami na walang sakit ang aming ipinaanito. Anong masasabi namin, e, talaga namang wala nga siyang sakit. "Marami kaming mga esto-estorya ngunit ang matatandang Ita na lamang ang nakakaalam ng mga iyan. Maski sinong matatandang Ita ang pagkwentuhin ninyo ay makapagkukwento ng marami." "May dasal din kami para sa mga Anito at ito'y sinasabayan ng tugtog ng gitara, kantahan, sigawan. Ngunit kami'y labis na nagtataka kung bakit interesado kayo sa mga ito," ang sabi ng isang kapatid ni Minggay. Napakasarap nilang kausap. Ngunit ang pakikipag-usap sa kanila'y sa gabi lamang sapagkat sa araw sila'y nagtatrabaho. Kaya't sa araw, upang hindi kami makaabala sa kanila, kami'y dinala nila sa kanilang bukid, doon sa malayo sa pollution, overpopulation, traffic jam, at inflation. Napakaganda ng tanawin, para bang bukod silang pinagpala na sa tuwi-tuwina'y wala silang kapiling kundi ang makapigilhiningang kagandahan ng kalikasan Akala nami'y magkakaroon kami ng problema sa pakikipagtalastasan sa kanila. Iyon pala'y marunong sila ng wikang pambansa, at hindi lamang basta Pamahiin Ang isla ng Siquijor hanggang ngayon ay patuloy na nakagapos sa mga pamahiin na may malaking papel na ginagampanan sa kanilang buhay. Nagbigay si Candida Paculba ng ilang mga pamahiin: 1. Pag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil may mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng tatlong araw bago umalis. 2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti. 3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal para maayos ang kanilang buhay mag-asawa. 4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang may magnanakaw na papasok sa bahay. 5. Sa pagpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at tamang petsa. Lagyan ng agnos ang bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng bahay. Mga Paniniwala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay Ayon kay Generosa Balos, may mga paniniwala sila at seremonya na kadalasang isinasagawa sa pagtatanim at pag-aani. Ang pagsunod nila dito ay nagbubunga ng masaganang saging, mais, at kamote. Narito ang kanyang mga pahayag: 1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng malaki, magpakabusog, kumain ng marami at huwag tumingala para magkabunga ng malaki at hindi matayog ang bunga nito. 2. Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang ani ay matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa puso upang hindi magalit ang mga diwata at para mabigyan ng masaganang ani. 3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng tabako, tuba, at tubig dahil may pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para gawing pintos. Magpintos ka ng dalawa. Manalangin, pagkatapos ay ilagay sa baul ang mga pintos. 4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay. Gumapang habang nagtatanim at sabayan ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga nito. Mga Paniniwala sa Aswang at Mahika Ang Siquijor ay kilala rin sa anting-anting, aswang, lumay, at mahika. Narito ang mga ibinahagi ni Maximo Supol kaugnay sa mga aswang at mahika. Mahika Ayon sa McMillan Encyclopedia, (1993: 759), ang mahika ay sistema ng mga paniniwala at kaugalian na naniniwalang nakokontrol ng tao ang likas at supernatural na puwersang nakaaapekto sa kanyang buhay. Ayon naman sa Grolier Dictionary, isa itong sining na pinaniniwalaang nakakokontrol at nakakamanipula ng mga lihim na pwersa ng kalikasan sa pamamagitan ng mga ritwal at mahiwagang paraan. “Pagputol nitong lubid, pareho pa rin ang haba nito. Sa paraang ito ay magdarasal ako ng Latin. Sa aking pagsasalita ng Latin, gagalaw itong mga anino na nasa likod ng tela dahil sa aking mga kamay.” Aswang Ang mga nakakatakot at di-pangkaraniwang nilalang ay nakaugat sa ating paniniwala. Mula pa sa mga lolo't lola, ama't ina, at tiyo't tiya, ang paniniwalang ito ay may malaking epekto sa ating pananaw sa buhay. Hindi man natin sila nakikita, naniniwala pa rin ang mga tao na may ganitong uri ng mga nilalang. Naniniwala ang mga albularyo sa mga sumusunod kaugnay sa aswang: 1. Ang aswang ay tao lamang ngunit may kapangyarihan. 2. Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo. Espiritu o Anito Isang malaking impak sa tao ang espiritwalismo, isang teorya na binigyan- diin sa direk na interbensyon ng espiritwal at supernatural na lakas sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao. Ang termino ay bumabalot sa penomenang dimagkaugnay tulad ng extrasensory perception, telekinesis, atiba'tibangkondisyong kaanib ng religious ecstasy. .Narito ang ilang halimbawa na nagpapaliwanag sa paniniwala ng mga albularyo kaugnay samga espiritu o anito: 1. Kung may malapit nang mamatay, lalo na kung naghihingalo, diyan magsisilabasan ang masasamang espiritu. 2. Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito. Lumay (Gayuma) Ayon kay Sopio Sumalpong, ang mga kasunod ay paniniwala ng mga Siquijodnon sa panggagayuma sa panliligaw: 1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din ang babae sa lalaki. 2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae, ang mga pinaghalong sangkap nito ay iba't ibang uri ng bulaklak, ugat ng kahoy, lalo na ang matitinik. Ang mga mababango ang siyang kinahihiligan ng mga babae. 3. Ang mga lumay ay kinukuha sa punongkahoy na kakikitaan ng alitaptap. Dahil may nagmamay-aring espiritu, ito'y espesyal kaya kaunti lamang ang kinukuhang bahagi ng puno. 4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin. Ipalo ito ng tatlong beses sa lalaki na hindi niya namamalayan para madaling mapaibig 5. Ang pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat. Negosyo at Lumay Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumami ang iyong suki, ilagay ang lumay sa iyong pitaka. Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay Naniniwala ang mga Siquijodnon na kung kukuha ng eksam, ilagay lang sa panyo o bulsa ang lumay para hindi makalimutan ang pinag-aralan. Kapangyarihan (Gahum)/Anting-anting Ang pagkakaroon ng sariling kapangyarihan ay nasa iyong paniniwala. Tinatawag nilang anting-anting o amulet sa Ingles at galing sa mga albularyo. Isa ang sinasabi nilang "mutya" na pinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. Kasama na riyan ang librito na nakasulat sa wikang Latin at naglalaman ng mga orasyon na nakakadagdag sa kanilang kapangyarihan. Narito ang kanilang mga ibinahaging kaalaman: 1. Ang gahum(power) ay mutya galing kay San Antonio at lagi itong hinuhugasan. 2. Librong maliit ang gahum na nakasulat sa Latin. Maliit ito at kahit mga bata ay hindi makababasa kundi ang albularyo lamang at maliwanag ito. 3. Ang kapangyarihan ay sa paraang tawal(ritwal) na Latin at sa orasyon. 2.2. SULYAP SA KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG CEBU - ni Evelyn Valencia Gabansos Ang Republika ng Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang sa 7,000 pulo na nahahati sa tatlong malalaking bahagi-Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa Kabisayaan matatagpuan ang Cebu na ang umiral na wika ay Sebwano na kahawig ng wikang ginagamit ng mga karatig-pook nito tulad ng Bohol, Negros, Siquijor, atbp. Ang mga Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Sa kanila nakita ang unang lakas na pagtatanggol ng kanilang karapatan laban sa panlulupig ng mga dayuhan. Kilala ang bantog na bayaning Cebuano na si Lapu-lapu sa kanyang matagumpay na pakikihamok sa mga Kastila. Sa kanyang dugo'y nananalaytay ang dugo ng unang kayumangging sagisag ng katapangan. Sa dalampasigan din ng Cebu noong 1521, ika-14 ng Abril unang naganap ang pagdaraos ng unang misa ng mga Kristiyano na naging tampok ang pagkabinyag kay Raha Humabon kasama ang kanyang mga sakop at mandirigma. Matapos ang misa'y isang kurus ang itinirik bilang sagisag ng pagyakap na ito sa Kristiyanismo ng 800 Pilipino. Ang mga Pilipinong ito na kinabibilangan ng mga Cebuano ang siyang kauna-unahang matatawag na Kristiyano sa kapuluan ng Pilipinas. Samakatwid, si Raha Humabon at ang kanyang asawa ay ang kauna-unahang Pilipinong hari't reyna na nataguriang Kristiyano. Ayon kay Howard Lee Nostrand sa "Describing and Teaching the Socio-Cultural Content of a Foreign Language and Literature" ... matapos na magkaroon ng hapunan ay bininyagan ang reyna sa isang pananampalatayang Katoliko at ipinakita sa kanya ang imahen ng Birheng Maria na kupkop nito ang sanggol na si Hesus at isang krus. Sa pagkakataong ito, nabakas sa kanyang mga mata ang luhang nagpapatunay ng kanyang bukal sa pusong pagtanggap sa Kristiyanismo. Tinawag siyang Juana bilang alaala sa ina ng Emparador ng Europa. Ipinagpatuloy ng mga Kastila ang kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo hanggang sa noong taong 1565, sa pamumuno ng anak ni Humabon na si Tupaz ay natagpuan nila ang pook na karapat-dapat na maging pinakamalakas na kuta ng mga Kastila at katatagpuan ng maraming pagkain sa dalampasigan ng Cebu. Sa pook na ito, sa pamumuno rin ni Legaspi ay itinayo ang kauna-unahang simbahan na pinangalanang Ciudad Del Santisimo Nombre de Jesus sa karangalan ng banal na pangalan ni Hesus. Ito ang ginawang patron ng Lunsod ng Cebu sa pamamalakad ng mga paring Agustino. Sa pagkakatuklas nito noong 1565, ang Siyudad ng Cebu ay itinuturing na pinakamatandang siyudad ng Pilipinas. Mga Kaugalian na Sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa 1. Ang Monogamya: Ikinararangal ng mga Cebuano ang kanilang pagiging binyagan. Minamahalaga nila ang pagkakaroon ng banal na krus na itinirik sa lupain ng Cebu noong ika-14 ng Abril, 1521 na magpahanggang ngayon ay nananatiling buhay na sagisag ng unang Kristiyanismo sa kapuluan. Dahilan sa pagyakap na ito sa Kristiyanismo kung kaya maging sa kanilang pag-uugali at kultura'y umusbong at umiral ang monogamy. Sa mga tunay na Kristiyano, mahalaga at lubos nilang iginagalang ang Sagradong Bagong Testamento ng Banal na Aklat na mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng maraming asawa samantalangbuhay ang unang asawa. 2. Ang ligal na paghihiwalay: para sa mga Cebuano'y dalisay at mahalaga ang kasabihan sa Banal na Aklat na ang isang babae't isang lalaking pinagisampuso sa harap ng Panginoon ay hindi maaaring maghiwalay sa ano mang kadahilanan maliban sa kamatayan. Ang kasal ay itinuturing na isang walang hangganang pagkakaugnay ng dalawang kaluluwang pinag-isa sa harap ng Diyos. Ang pag-iisampusong ito ay ginagawa ng isang pari sa simbahan upang mabasbasan ng biyaya at awa ng Ispiritu Santo. Ang pagpapakasal ay mahigpit na nagbabawal sa paghihiwalay. 3. Ang tinatawag na Bugay: ito ay katumbas sa tinatawag na dowry. Ang mga sumusunod ay siyang kalimitang hinihingi ng mga magulang ng nobya sa magulang ng nobyo: isang mesang espesyal na nauukol sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno na malaon nang pumanaw; isang buo o kumpletong kagamitan at damit pangkasal; gastos sa handa at kasal; kung minsan naman ay halaga ng salapi na hihilingin ng magulang ng lalaki upang ipabaon o bilang isang alaala sa araw ng kanilang kasal, halimbawa'y isang bahay o lupa na magiging kahilingan ng dalawang ikakasal sa kanilang mga magulang lalo na kung ito'y galing sa angkang nakakariwasa sa buhay. 4. Ang pagbibigay-handog: ang mga alaala o pagbibigay-handog sa bagong kasal ay naging kagawian na ng mga kamag-anak, bisita, at kaibigan na dumadalo sa araw ng kasal. Ang mga regalong ibinibigay ay tanda ng kanilang paghahangad ng isang mahusay na pamumuhay at maligayang pagsasama ng mga bagong kasal. Ang mga dalaga't binata sa pook na ito ay nararapat na dumaan muna sa mga sumusunod bago magpakasal: 1.Ang pag-ila-ila - ang pagkikilala nila. 2. Ang pangulitawo - ang panliligaw ng binata sa dalaga lalo na ang pagakyat ng ligaw. 3. Ang panagtrato - ang pagkakasundo ng dalaga't binata na mag-ibigan. 4.Ang pamalaye - paghingi ng kamay ng babae mula sa kanyang mga magulang 5. Ang pagrehistro - ang paghahanda ng mga papeles at paglalathala ng mga pangalan ng ikakasal sa munisipyo. 6. Ang kasal - ang pag-iisampuso ng magnobyo sa harap ng isang pari sa simbahan. Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal 1. Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis habang ang araw ng kasal ay hinihintay. 2. Hindi pwedeng isukat o isuot ng nobya ang kanyang damit pangkasal hanggang hindi pa sumasapit ang takdang oras ng kasal. 3. Pagkatapos ng kasal at habang papaalis na sa simbahan ang ikinasal, kailangang tiyakin ng bawat isa na siya ang unang makayakap sa unang baytang ng hagdan at unang makahakbang paalis sa altar, kailangang mauna ang isa sa kanila. Ang mga Cebuano'y may paniniwala na ang unang makakahakbang ang siyang dominante o masusunod sa lahat ng bagay sa kanilang tahanan at sa kanilang pamumuhay. 4. Ang bigas, asin, at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na mauna sa kanilang bahay bago dumating ang ikinasal. 5. Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kailangang painumin ng isang basong tubig sa iisang baso ang bagong kasal upang sila'y laging magkakaunawaan; sa hirap man o sa ginhawa sila ay laging magkakapiling. 6. Ang suklay ay kailangang isuklay sa buhok ng bagong kasal nang makailangulit upang ito'y magkaroon din ng mahusay na pagsusunuran at maayos na pamumuhay. 7. Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahan upang maging masagana at maligaya ang kanilang pagsasama habang buhay. 8. Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa kasal ay nagtataboy ng kamalasan sa buhay mag-asawa. 9. Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kailangang hindi muna umalis ng bahay nang sa gayon ay maging maligaya ang kanilang pagsasama at hindi na sila maghihiwalay kailan man. 2.3. ANG BAROTAC NUEVO SA ILOILO -ni Emilina Nepomoceno Ang Lungsod ng Iloilo ay kilala dahil sa malambing na intonasyon ng pagsasalita ng mga Ilonggo at sa kanilang pagiging mabait at masayahin. Ipinagmamalaki ng Iloilo si Graciano Lopez Jaena bilang isang bayani at si Estevan Javellana dahilansakanyang sinulat na Without Seeing the Dawn na tumanggap ng karangalang pandaigdig. Ang Barotac Nuevo ay isang bayan sa Iloilo na may tatlumpu't apat na kilometro ang layo sa lungsod. Dito ay may bundok na tinatawag na "Balabag" na nauugnay sa paniniwala ng mga matatanda na ang isang tubong-bayan na makapangasawa ng isa pang tubong-bayan ay hindi maaaring yumaman dahil sa ito ay hinaharangan ng bundok. Ito'y sa dahilang kahit saang anggulo tingnan ang bundok na ito ay mukha pa ring nakaharang. Ang Barotac Nuevo ay dating nayon ng Dumangas. Noong panahon ng mga Kastila, ang lugar na ito ay may layong siyam na kilometro sa Dumangas at pinamahalaan ng isang malupit na pari na nagpaparusa sa sinumang tumangging tumulong sa pagtatayo ng simbahan. Ibig ng mga tao na ang kanilang nayon ay ihiwalay sa Dumangas ngunit ayaw ng pari. Isang araw, may dumating sa Dumangas na galing sa Maynila. Siya ay tauhan ng gobernador ng Maynila na naghahanap ng kabayong kamukhang-kamukha ng kabayo ng gobernador. Sa Barotac Nuevo ay natagpuan niya ang isang kabayo ni Don Simon Protacio na nang tawaran nila ay ibinibigay lang sa kanila sa kondisyong ang kanilang bayan ay ihiwalay sa bayan ng Dumangas. Sa madaling sabi, tumanggap ng sulat ang pari ng Barotac Nuevo mula sa gobernador na ang bayang ito na napakaputik kung umuulan ay ihiwalay sa Dumangas. Ang pangalang Barotac ay hango sa katutubong salitang ang ibig sabihin ay maputik at dinugtungan ng Nuevo upang mapaiba sa isa pang bayang ang pangalan naman ay Barotac Viejo. Karamihan sa mga naninirahan sa Barotac Nuevo ay Katoliko. Ang magandang simbahang Katoliko nito ay nagpapatunay ng kapangyarihan ng Kastila at ng kanilang impluwensiya sa mga katutubo. May panlalawigang paaralan sa pangingisda bukod pa sa pribadong paaralan na pinamumunuan ng mga madre, pagpapatunay sa mga hilig ng mga Barotaknon sa pagpapaaral ng mga anak. Gayunman, sa kabila ng pamamayani ng edukasyon, marami pa ring makalumang bagay ang umiiral lalo na sa mga matatanda at sa mga naninirahan sa liblib na pook. Halimbawa, may naniniwala pa rin sa aswang o manananggal na nangangain ng tao, lalo na ng mga buntis at bagong silang na sanggol. Namamayani pa rin ang paniniwala sa pamahiin tulad ng hindi pagwawalis sa gabi dahil tumatapon ang biyaya, hindi paliligo ng mga kasapi ng pamilya pag may nakaburol na patay, ang paniniwalang ang pusang itim ay nagdudulot ng kamalasan, at ang nabitiwang baso o pinggan ay palatandaan ng masamang balitang darating. Karamihan sa mga Barotaknon ay nabubuhay sa pagbubukid o pagtatrabaho sa mga pataniman ng tubo sapagkat ang bayan ay may isang sental ng asukal. Gayunman aymaraminaring mga propesyunal sa bayang ito. Halos lahat ng apelyido ng mga katutubo sa bayang ito ay nagsisimula sa titik B gaya ng Barrido, Bayoneta, Baylosis, Bayo-ang, at Batilo. Ang kapistahan ng bayang ito ay tuwing ikalabing-13 ng Hunyo sa karangalan ng patrong si San Antonio de Padua. Tatlong araw ang pagdiriwang at ang mga naninirahan sa malayong lugar na tubong-Barotak ay umuuwi upang makipagdiwang. Nagkakaroon ng parada, palaro, sayawan, at pagpuputong ng isang dilag na siyang reyna ng kapistahan ng taon. Ang paligid ng bayan ay halos pawang natataniman ng palay at mga tubo. Ang kaisa-isang bundok ng bayan ay nagbibigay ng magandang tanawin sa buong paligid. Ito ay may yungib na maaaring gawing pang-akit sa mga turista. Ang dalampasigang "Lamintao Beach" naman ay talagang dinarayo ng mga tao tuwing linggo dahilan sa ito ay malinis, maganda, at libre. Mura ang mga isdang dagat, hipon, alamang, at alimasag. May malawak na niyugan ang Barotac Nuevo. Marami ring puno ng mangga, saging, kaimito, at iba pang puno na tumutubo sa lahat ng sulok ng bayan. Sa gitna ng plasa ay makikita ang bantayog ni Don Simon Raymundo Protacio at ang kanyang alagang kabayong si Tamasok na nagsisilbing alaala sa mga tao na ang "don" na ito ay may matalinong pagpapasya na nakatulong sa mga tao upang makamit nila ang hinahangad nilang kasarinlan ng bayan. Ilan Pang Tala Tungkol Sa Iloilo Ang Lalawigan ng Iloilo ayon kay Campos (1990) ay may hatid na ligaya sa mga turista. Marami ang mga pook na pang-akit, magandang tanawin, matatandang simbahanatmgabahay, makasaysayang pook, namumukod na sining, makukulay na kaugalian, at masisiglang pista. Higit sa lahat, ang Iloilo ay pinanahanan ng masisigla at magigiliwing mga tao. Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon na may iba-iba ring varayti. Ang lalawigan ay may kaluwagang laan sa mga turista at manlalakbay. Sa kasalukuyan ay isang makabagong paliparan ang ipinagmamalaki ng mga Ilonggo. May mga hotel na hindi rin magpapahuli sa ibang siyudad sa Pilipinas. Wika kawayan na siyang pinag-iipunan ng katas ng niyog. Kapag maraming bula sa ibabaw ng tuba, ito ay pagbabadya ng masamang panahon. Karaniwan, kaunting mga bula lamang ang nabubuo sa itaas ng sisidlang kawayan. 2. Kapag ang isang ibong tinatawag na kanuyos ang makitang napunta sa hilaga, nangangahulugang may bagyo sa timog; kung ito ay patimog, ang bagyo ay nasa hilaga. 3. Kapag nakita ang ilang mga bituing tila wari'y patungo sa buwan, ang ibig sabihin ay may bagyong darating. Tungkol sa Hayop, Insekto 1. May paniniwala na kapag ang isang pusa ay tumawid sa iyong daan ay aabutin ka ng kapahamakan o kamalasan. Ang mga taong may ganitong pananalig ay lubhang nag-iingat na makasalubong ang isang itim na pusa. Kung mangyari ito ay minamabuti na lamang ang magbalik at mamalagi sa bahay sa halip na ipagpatuloy ang lakad. Sa iba naman, ang ahas o pusang itim na humalang o tumawid sa daanan ay nagbabadya pa rin ng kamatayan. 2. Kapag kumukulog, sinuman ay di hinahayaang makipaglaro sa mga pusa sapagkat ang mga ito ay itinuturing na pinagkukunan o konduktor ng kidlat. Kapag ang isang bata ay di-tumalima sa paalaalang ito, malaki ang panganib na siya ay tamaan ng kidlat. 3. Ang tsonggo ay inaakalang isang dating taong pinalo ng sandok sa pagsuway sa magulang. Pagtatanim 2. Pinaniniwalaang sa unang pagpupunla ng bigas o sa pagtatanim ng anumang uri ng pananim, ang suklay, nganga at lumang habihan ay itinatapon kasama ng bigas sa punlaan. Nilalayon ng suklay ang pagkakaroon ng kaayusan ng mga halaman; ang bunga ay para sa masaganang ani, at ang habihan ay para sa magandang uri ng butil. 3. Sa pagtatanim ng bigas, ang tanglad (mabangong damong inilalagay sa sabaw ng manok o karne, dinuguan, atbp.) muna ang itinatanim sa unang punlaan at ito ay sinusundan ng mga murang halaman. Tungkol sa Anting-Anting at mga Di-pangkaraniwang Kapangyarihan 1. Sa hatinggabi ng Biyernes Santo, ang mga tao ay gumagawa ng lahat ng paraan upang makakuha ng bahagi ng damit, buhok o anumang kagamitan ng Santo Intiero. Ito ay inihahalo nila sa ibang mga sangkap at pinauusukan ang mga lambat. 2. Ang mga taong naninirahan sa may baybay ay karaniwang mapapaniwalain sa mga anting-anting. 3. Para sa mga babaylan at albularyo, ang Biyernes Santo ay pinakaabalang araw dahil nagpupunta sila sa mga yungib at bundok upang manguha ng mga damong-gamot at balat ng mga kahoy. Pinaniniwalaang magiging mabisa ang mga ito. Tungkol sa Sugal, Sabong 1. Kapag naglalakad sa daan at nakakita ng bakal ng sapatos ng kabayo ito ay nangangahulugan ng suwerte. Kaya kung magsusugal ay tiyak na mananalo. 2. Anumang bagay na kambal ay kailangan ilagay sa bulsa upang manalo sa sugal. 3. Kapag nakatayo at may butiking lumukso sa bulsa, ipinalalagay na hudyat ito ng magandang kapalaran sa sugal. Tungkol sa Pagpapatayo at Paglipat ng Bahay 1. Sa pagtatayo ng unang poste na tinatawag na pasag-ang ang posisyon ng sinasabing bakunawa ay isinasangguni sa isang aklat na pinamagatang "Astrologo." Ang poste ay makikita malapit sa sentro ng ulunan ng bakunawa. Sa pag-alinsunod dito, ang itatayong bahay ay magiging ligtas sa anumang sakuna. 2. Sa pagpupuno ng anumang butas ng unang poste, ang isang suklay, at mga sasampuing sentimo ang inilalagay sa kailaliman ng butas. Ang mga bagay na ito ay sinasabing makapagbibigay ng kapayapaan at tagumpay sa pamilya sa anumang bagay na kanilang kakaharapin. 3. Ang hagdanan ay dapat na papaharap sa silangan o sa sinisikatan ng araw. Sa ganitong posisyon ng hagdanan, ang pamilyang maninirahan ay magiging masaya at maginhawa sa lahat ng araw. 4. Sa paglipat naman sa panibagong bahay, ang hugis ng buwan ay isinasaalangalang. Lumilipat sa bagong tirahan mga tatlong araw kapag kabilugan ng buwan o walong araw pagkaraan ng bagong buwan. Tungkol sa Iba't Ibang Okasyon 1. Bagong-Taon - Kinakailangangkumpletoanglahatng bagay o pangangailangan upang sa loob ng buong taon ay hindi kulang-kulang sa anumang bagay. Ang pambinhe ay siyang unang paraan sa pagtatanim. Iniipun-ipon ang iba't ibang uri ng buto o binhi at inilalagay sa isang platong natatakpang mabuti ng bao o anuman. Tinatandaang mabuti ang lugar ng bawat binhi. Sa susunod na araw, huling araw ng taon at bisperas ng Bagong Taon, ang unang gagawin ay tignan kung may butong nag- iba ng lugar. Pinaniniwalaang ang mga binhi ay kumikilos: Ang mga butong lumipat ng puwesto ay magiging salat o kapos sa susunod na taon. Kaya maaaring makapaghanda nang husto para sa ganitong kakulangan. Maghanda rin ng maraming pagkain upang magkaroon ng masaganang pagkain sa loob ng isang taon. 2. Sa Dumangas, sa ika-12 ng hatinggabi, kinakalansing ng mga tao ang 12 perang barya. Bawat barya ay kumakatawan sa bawat buwan. Ang 12 barya ay itinatago sa loob ng isang taon upang maghatid ng kasaganaan sa may-ari. 3. Sa Guimbal naman, sa hatinggabi ng Bagong Taon, kinakailangang gumising at makinig na mabuti sa unang ingay na gagawin ng mga hayop na pambukid. Kapag ang narinig ay isang aso, ito ay masamang pangitain. Kapag kalabaw o baka, ito ay nagbabadya ng mabuting ani. Tungkol sa Araw ng mga Patay 1. Sa araw na ito, pinaniniwalaan ng mga tao na ang kaluluwang mgapatayay nagbabalik sa lupa. 2. Pinaghahandaan nila ang mga ito ng mga pagkain gaya ng bayebaye, suman, at marami pang iba upang paglubagin ang loob ng mga kaluluwa. 3. Ang mga pagkain ay inilalagay nila sa mesa o sa loob ng isang lihim na silid upang ang mga ito ay makain ng mga kaluluwa. Tungkol sa Samut-saring Paniniwala 1. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay nagpapahiwatig ng mga gumagalang masamang ispiritu. Ang pagsagot sa mga kakatwang tawag ng mga ito sa gabi ay nangangahulugan ng kamatayan sa sumagot. 2. Tungkol sa damit, isang paniniwala at naging kaugalian na ang bagong damit ay isinusuot muna sa simbahan bago sa ibang pagkakataon upang ito ay magtagal. 3. Kapag ang Biyernes ay tumama sa ika-13 araw ng buwan maraming mga aksidente ang maaaring mangyari. Kapistahan at Kasayahan Tulad ng ibang mga katutubo ng bayan, ang mga llonggo ay magiliw sa mga kasiyahan at pagdiriwang na tulad ng mga sumusunod: Pasungay - tuwing ikalawang Sabado ng Enero idinaraos ang pasungay (bullfight) sa lugar ng San Joaquin, Iloilo. Ito ang siyang pagsisimula sa masiglang panahon ng mga kasayahan sa Kanlurang Bisaya. Ang Pasungay ay bahagi ng kapistahan ng bayan ng San Joaquin. Ang mga maglalabang toro mula sa mga kabayanan at kalapit na lugar ay pinipili. Sa isang arena sa burol ay naghahamok ang mga toro hanggang sa ang isa ay mapagod o di kaya ay tumakbo. Ang kasayahang ito ay nagdaragdag ng kulay sa kapistahan ng bayan. Ang iba pang atraksiyon ng Pasungay ay ang paglalaban ng mga kabayo at kalabaw. 2. Dinagyang - Idinaraos ito tuwing huling linggong Enero.Pumapaikotang kasayahan sa pagbibigay-parangal sa milagrosang Imahen ng Santo Ni?o. Ang Dinagyang ay katawagang Ilonggo sa kasayahan. Ang iba't ibang tribu ay nagsusuot ng mga makukulay na kasuotang nagpapakita ng pagkamasining at kahusayan ng mga katutubo. Ang pagdiriwang ay namumukod sa choreography, pagtatanghal, at kulay. Isang palabas na may kasamang pagpapadyak-padyak ng paa at tugtog ng mga dram. Ipinagdiriwang ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo. 3. Kapistahan ng Nuestra Señora de la Candelaria sa Jaro. Idinaraos ito tuwing Pebrero 2. Ito ang pinakamarangya at pinakamalaking pagdiriwang na panrelihiyon sa Kanlurang Bisaya. Mula pa man noong una, ang mga tao mula sa iba't ibang lugar ng bansa ay dumadayo sa Jaro para sa okasyong ito. Kinoronahan noong 1981 ng Santo Papa Juan Pablo II, ang Mahal na Birhen ng Kandila at pormal na ipinahayag na Patrona ng Kanlurang Bisaya. Ang pagbabasbas ng mga kandila nga may iba't ibang laki, anyo at kulay at ang taunang pagpruprusisyon sa Patrona na sinusundan ng reyna ng pista at ng kanyang korte ay nagbibigay-tampok sa pagdiriwang. Ang pista ng Jaro ay okasyon na rin ng pagtatanghal ng mga agroindustrial exhibits, garden shows, koronasyon ng reyna ng karnabal, at ng Grand Cock Derbies. 4. Paraw Regatta - Sa tuwing ikatlong linggo ng Pebrero ito ginaganap. Isa itong paligsahan sa karera ng mga Bangka na idinaraos sa pagitan ng kipot ng Iloilo at ng Guimaras. Ito ay pinasimulan noong 1973. Nagpapagunita sa libangan ng mga Ilonggo noon pa mang ika-16 na siglo. Tinatawag na "paraw" sa bernakular, ang mga sasakyang-dagat na ito ay mga replica ng mga sinakyan ng mga unang nandarayuhang Bornay sa pagpunta sa pulo ng Panay. 5. Ang Pagtaltal sa Guimaras - Tuwing Biyernes Santo Isang pangkuwaresmang pagtatanghal sa Jordan, Guimaras na hinango sa bantog na dula ni Oberammergau sa Timog Bavaria, Alemanya. Ang karanasan ay paglalakip ng pananampalataya at kulturang poklorika. 6. Ang Parada at Karera ng Kalabaw - Ginaganap ito tuwing Mayo 3. Ang parada at paligsahan ng karera ng kalabaw ay siyang tampok ng kapistahan sa Pavia, Iloilo. Mga nagagayakang karosang hila ng kalabaw at sinasakyan ng mga musa ang umiikot sa bayan. Pagkatapos ng parada, ang mga musa ay nananaog sa karosa samantalang inihahanda na ang karera 2.4. ANG SINING AT KULTURA NG AKLAN -ni Florida Villanueva Ang Ati-Atihan ay isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga Aklanon bilang bahagi ng kanilang kultura. Ito ay ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Enero sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Batan, Makatao, at Altayas. Ang pinakamasaya sa lahat ng pagdiriwang ay ang ginaganap sa Kalibo tuwing ikalawang linggo pagkatapos ng pista ng tatlong hari. Dalawang linggo pa lang bago sumapit ang pistaay marami na sa mga Ati-Ati ang nagsisimulang maglibot sa kalye sa pamamagitan ng tugtog at kalabog ng mga walang lamang lata, kaldero, botelya, tambol, at iba pang instrumento. Sila ay masayang umiindak at pasayaw-sayaw habang sila ay sumisigaw ng "Viva kay Senyor Santo Niño," o kaya ay: "Hala bira, puwera pasma". Ang salitang Ati-Ati ay nangangahulugan na "gaya ng mga ati," ang maiitim na mga unang tao ng Panay, kaya't ang lumalahok sa pagdiriwang na ito ay karaniwang nagpapahid ng maitim na uling. Malaya ang bawat isa sa pagpili niya ng maging gustong kaayusan o kasuotan at mula bata hanggang matanda, mayaman at mahirap, may pinag-aralan at wala, lahat ay makikitang nakikipagsaya sa gitna ng kalye. Sa tuwing nagkakasalubong ang bawat pangkat, sila ay sumisigaw ng "Viva kay Senyor Santo Niño," habang ang iba naman ay sumasagot ng "Viva." Ang pagdiriwang ay nagiging kompleto lamang kapag ang nagsisipagdiwang ay nakapasok na sa simbahan at makahalik sa imahen ng Santo Niño sa altar at mahaplos ito. Ang pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang prusisyon na karaniwang nagsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon sa huling araw ng pagdiriwang. Ang karamihan ay nagdadala ng sulo mula sa simbahan hanggang malibot nila ang bayan. Pagkatapos sila ay babalik sa simbahan kung saan humahalik muna sila sa Santo Nino bago umuwi sa kani-kanilang bahay na masaya ang kalooban at parang hindi nararamdaman ang pagod sa mahabang araw ng pakikipagsaya sa kakaibang pagdiriwang na ito. Kailan Nagsimula ang Ati-Atihan? Maraming bersyon ang pinagmulang kasasaysayan ng pagdiriwang ng Ati- atihan. Ang mga ito ay mababasa sa ulat na sinulat ni Roman de la Cruz, 1963 sa (The Aklan Report). Ang isa sa mga bersyon ay nagsasaad na bago dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay mayroong iba't ibang tribo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan. Sila ay nagsawa na rin sa wakas sa kanilang matagal nang pagkakaroon ng alitan at patayan sa magkabilang panig, kaya't nagkasundo silang mamuhay na nang matahimik. Upang ipagdiwang ang kanilang pagkakasundo, nagkaroon sila ng pagdiriwang at kasayahan. Sa himig ng tambol sila ay nagsipagsayaw at labis na katuwaan ang sumapuso sa bawat isa. Mula noon, ipinagdiriwang na nila taun-taon ang pagkakasundong ito at nitong huli, upang gayahin ang mga tunay na Ati, ay nagpapahid pa rin ng itim ang mga nais makipagdiwang. Sa hindi sinasadyang pangyayari, nang dumating ang mga Kastila, ang pagdiriwang ay nataon sa pista ng Santo Ni?o kaya't ito ay nagkaroon ng banal na kahulugan, galing sa salitang Ati, ang maiitim na unang tao, at Malay o Maray na ang ibig sabihin ay Malaynon. Ngayon, ang karaniwang tawag na lamang sa pagdiriwang na ito ay Ati-Atihan. Ang isa pang bersyon ay nagsasabi tungkol sa kampana ng Madianos na natanggap ng kura paroko galing sa isang napakagandang babae sa tabing dagat. Ang kampana ay puting-puti at napakalaki kaya't dalawampung lalaki ang kinakailangan upang mabuhat iyon papuntang bayan. Isang batong simbahan ang itinayo upang paglagyan nito. Ang mga nais magnakaw nito ay nilalabanan ng mga mamamayan subali't marami ring napapatay sa kanila at dinadala pa ang mga ibang kababaihan nila, kaya't sila'y lubhang nalungkot. Sa isang di inaasahang pangyayari, isang milagro ang naganap kung saan isang magandang babaing dala-dala ang Sto. Niño ang nagpakita sa mga mamamayan. Pinayuhan silang magpahid ng itim na uling sa kanilang mukha at katawan, sumampalataya sa Poong Nazareno at ipagtanggol nila ang kampana kahit ano pa man ang mangyari at huwag itong ipagbibili o itatapon sadagat sapagkatmay darating na kamalasan sa bayan at sa mga mamamayan ng Aklan kung mawawala sa kanila ang kampanang ito. Sinunod ng mga tao ang sinabi sa kanila. Nagpahid sila ng mga uling at nang dumating ang mga kaaway, hindi sila inano at hindi na nagsibalik ang mga ito. Subalit nang sumunod na mga taon, isang datung nainggit sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga pari ang nagpasyang kunin ang kampana at itapon ito sa ilog. Ito nga ay nagawa nila isang gabi sa pamamagitan ng karahasan. Naging totoo nga ang hula. Mula noon ang ilog ng Aklan ay palaging bumabaha at maraming nasisirang mga pananim. Marami rin ang nasawi. Upang mabawasan ang galit ng kampana, ang mamamayan at pari ng Aklan ay nagpasyang magkaroon ng taun-taong isang banal na seremonya. Ito ay tinatawag nating Sto. Niño o Ati-Atihan. Ang isa pang bersyon na pinagmulan ng Ati-Atihan ay nanggaling naman sa isang paring matagal nang kura- paruko ng Ibajay. Ayon sa kanya, ang pinanggalingan daw ng Santo Nino Ati-Atihan ay sa Ibajay, Aklan, sa pamamagitan ng isang milagro. Isang mangingisda raw ang laging pumapalaot upang manghuli ng isda. Nang inilagay niya sa tubig ang kanyang lambat, sa halip na isda ang kanyang nahuli ay isang kahoy na may tatlong talampakan ang haba. Inisip niyang walang kwenta ang kahoy na ito, kaya't itinapon niya muli ito sa tubig. Nang iladlad niya muli ang kanyang lambat, wala na naman siyang nahuling isda maliban sa kahoy na namang iyon. Sa ikatlong pagkakataon nahuli niya ang kahoy. Naisip niya na marahil ay mahalaga rin iyon kaya inilagay niya iyon sa kanyang basket. Pagkatapos noon, siya'y nakahuli na ng maraming isda. Pagdating niya sa bahay ng gabing iyon, itinapon niya ang naturang kahoy sa ilalim ng kanilang kalan at saka natulog. Hindi pa natatagalang sila'y natutulog nang makarinig sila ng tumutuktok subalit wala silang makita. Bumalik sila uli sa kanilang higaan at natulog muli nang may narinig na naman silang tumutuktok. Sa pagkakataong ito ay hinanap na nilang mabuti ang pinanggagalingan ng ingay na iyon at natunton nga nilang sa kahoy palang itinapon na nasa ilalim ng kalan. Tiningnan nilang mabuti ang kahoy at nakita nilang may nakaukit pala ditong mukha ni Sto. Niño. Ang mga pangyayari ay kaagad nalaman ng mga taganayon kaya't napagpasiyahan nilang ipagtayo nila ng kapilya ang imahen ng Sto. Nino. Mula noon, marami nang dumarayo sa milagrosong imahen kaya't inilipat nila ito sa simbahan ng bayan. Sa pagtataka ng lahat, nawala ang imahen at sa kanilang paghahanap nakita nila ito sa kapilyang pinagkunan sa kanya. Ibinalik nila itong muli sa bayan, subalit maraming beses na bumalik din ito sa Kapilyang Casia. Sa huling pagkakataon, ibinalik nila itong muli sa bayan subalit sila'y namanata, na taun-taon ay magkakaroon sila ng pagdiriwang kung saan magpapahid sila ng uling sa kanilang mukha at katawan. Inilalabas nila ang imahen upang iprusisyon sa pagkakataong ito at ang lahat ay buong kabanalang sumasampalataya sa pinagpalang imaheng ito. Sila ay may kayumangging balat, payat na pangangatawan, at maiitim at mahahabang buhok. Noon, kapuwa lalake at babae ang may mahabang buhok, at pinapaitim ang kulay ng kanilang mga ngipin. Kultura Gumagawa sila ng sari-saring ornaments tulad ng ear plugs, suklay at pulseras. Dagdag pa, ang mga babae ay gumagawa ng mga kuwintas, at angklet na gawa sa brass at copper. Isa sa mga kilalang tradisyon ng Tagbanua ay ang paggawa ng basket na may iba't ibang disenyo at ginagamit nila sa pag-aani. Maliban dito, mayroon din silang mga hayop na nilililok sa kahoy. Ang mga hayop na ito ay may seremonyal na gamitnagsisilbing kontak sa mga espiritu sa iba't ibang ritwal. Mahilig din sa musika ang mga Tagbanua. Mayroon silang iba't ibang instrumentong sila lamang ang may gawa at ginagamit nila sa pagsamba at sosyal na pagtitipon. Ang mga ito ay ang arudin, babarak, tipanu, tibuldu, kudlung, gimbal, tiring, at babandil. Mayroon din silang iba't ibang sayaw na madalas nakapaloob sa mga ritwal. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: a. Aballardo. Isa itong tradisyunal na sayaw na isinasagawa ng mga lalake. b. Andardi. Isang festival na sayaw ito tuwing Pagdiwata. c. Bugas-Bugasan. Sinasayaw ito ng lahat ng dumadalo sa ritwal ng Pagdiwata. d. Kalindapan. Sinasayaw ito ng mga babaeng babaylan. e. Runsay. Isang tradisyunal na sayaw ito ng mga naninirahan sa baybayin. Isinasagawa ito ng isang beses kada taon sa ikaapat na araw pagkatapos ng kabilugan ng buwan at ng healing dance na isinasagawa ng Babaylan. Social Class May tatlong social class ang komunidad ng Tagbanua. Ang una ay ang nasa upper class. Dito galing ang mga lider at ito ay namamana. Ang pangalawa ay ang middle class na kinabibilangan ng mga ordinaryong mamamayan. Pinipili mula rito ang mga lokal na lider. At ang pangatlo ay binubuo ng mga taong may utang na hindi na nila kayang bayaran. Mahalaga para sa kanila ang pag-aasawa. Madalas ay inaayos ng mga magulang ang kasal. Pagkatapos makasal ay bubukod sila sa kanilang mga pamilya. Pinahihintulutan nila ang polygamy subalit iilan lamang ang may ganitong kaso. Mayroon ding diborsyo subalit ipinagbabawal lalong-lalo na kapag may mga anak na sila. Ang mga Tagbanua ay may sariling mitolohiya at naniniwala sila sa diyos at diyosa. Isa na rito si Mangindusa, ang nakalalamang na diyos na siyang namamahala sa pagpaparusa sa mga nagkasala; si Polo, ang diyos ng karagatan at siyang tinatawag kapag may nagkakasakit; Sedumanodoc, ang diyos ng mundo at siyang sinasamba upang magkaroon ng masaganang ani; at si Tablacoud- ang diyos sa ilalim ng mundo. Bukod sa kanila, naniniwala rin sila sa mga diwata na siyang nagkokontrol sa ulan, katulad ng asawa ni Mangindusa. KABANATA 8: ARALIN 3: ANG MGA LUMAD SA MINDANAO 3.1. ANG MGA B'LAAN -ni Nelia Orpiano-Du Ang mga B'laan ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian na dumating at nanirahan sa Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan. Sila ang unang gumamit ng bangka bilang paraan ng kanilang transportasyon patungong Pilipinas. Maraming mga antropolohista ang makapagpapatunay na ang pangkat na ito ay nagmula sa Indonesia dahil sa pagkakatulad sa sistema ng ponemang patinig ng mga B'laan at ng mga Javanese sa Java. Pareho silang may pitong ponemang patinig. Mas gugustuhin ng mga B'laan na tawagin silang B'laan kaysa Bi-la-an dahil para sa kanila ang pagbigkas na Bi-la-an ay nangangahulugan ng kawalang galang at kabastusan. Ayon sa isang interbyu sa grupong ito, ang pagbigkas nito na Bi-la-an ay nangangahulugang "malandi" o "kalandian." Ang terminong B'laan ay tumutukoy sa mga miyembro ng etnikong grupo na noon ay tinatawag na Bira-an, Bara-an, Blaan o Bi-la-an. Ang "Bila" ay nangangahulugang kaibigan. Ang mga B'laan ay mga tao sa bundok. Karaniwan silang nakatira sa matataas na bahagi sa mga bulubundukin sa North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands. May ilan ding nakatira sa palibot ng Lake Buluan at ang ilan naman ay naninirahan malapit sa mga dalampasigan ng Davao. Bago dumating ang mga Kristiyano, ang politikal na teritoryo ng B'laan ay nahahati sa maliit na baryo. Ang pamayanan ng B'laan ay pinangungunahan ng datu o village chief na tinatawag na fulong (wise). Ang fulong ang pinakamatanda at pinakamaalam sa baryo na itinuturing na maykaya sa buhay dahil sa pagkakaroon ng ginto, alipin, at iba pang kultural na kagamitan. Ang fulong ay hindi dumadaan sa pormal na pagpili. Hindi rin siya humihingi ng mga bagay-bagay bilang pagkilala sa kanya ngunit maaaring magbigay ang mga tao tanda ng kanilang paggalang sa kanya. Ang may kayang fulung ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa hanggang kaya niyang suportahan. Itinuturing siyang pinuno, tagapagsanggalang, tagapamagitan, at tagapagbigay ng solusyon sa mga suliranin. Sa tradisyonal na sistema, ang kapangyarihan ng fulong ay ekstensibo. Siya ang itinuturing na pinuno sa isang lugar, awtoridad sa pagpapatupad ng batas at hustisya, at tagapag-ugnay sa iba pang fulong. Sa kasalukuyan, ang fulong ay hindi na nagpapataw ng parusa sa kanyang kapwa B'laan maliban na lamang sa miyembro ng kanyang pamilya. Sa kasalukuyan, sumusunod na ang mga B'laan sa batas na ipinapatupad sa Pilipinas. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga na B'laan paliwanag ay pagkakaingin, tungkol sa relasyon o inigo sasa kanilang wika. May dalawang magkasalungat lupa ng mga B'laan. Ang Una, ang kaingin ay resulta ng paraan ng pamumuhay ng B'laan na palipat-lipat ng lugar dahil iniisip nilang hindi kailangan ng permanenteng lupa para sa kabuhayan. At, ikalawa naman ay dahil sa kalikasan ng kaingin kaya napipilitang lumipat ng lokasyon ang mga B'laan at bumabalik sila kung maayos na ang lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon. Palay at mais ang unang itinatanim pagkatapos ay kamote at iba pang pananim. Ang pagdating ng mga Kristiyano ay nagbunsod sa pag-iwan ng mga B'laan sa kanilang minanang lupa. Ang lupa ay inangkin na ng mga nandarayuhang pamilya. Ang pagkakaingin ay itinigil na ng karamihan sa mga B'laan. Karamihan ay naging tenant o nangungupahan na lamang at ang iba naman ay naging katulong ng mga Kristiyano. Ang mga B'laan ay naniniwala sa pagkakaroon ng pinakadakila sa lahat na kinikilala nilang D'wata (God). Siya ang itinuturing na Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana (earth) at lahat ng bagay sa daigdig. May tinagurian din silang L'nilong (fairies) na mas mababa sa D'wata. Para sa mga B'laan, ang kalikasan ay ipinagkatiwala sa kanila upang pangalagaan. Ang L'nilong ay hindi manlilikha sapagkat tanging ang D'wata lamang ang manlilikha. Bilang Snalig (tagapangalaga), sila'y karaniwang tinatawag na M' fun Mahin (owner of the sea), M'fun D'lag (owner of the forest). Ibig sabihin, ang Panginoon ang manlilikha, ang mga L'nilong (fairies) ang tagapangalaga at ang mga tao ang gagamit ng kalikasan upang mapakinabangan. Para sa mga B'laan, hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan tulad ng hangin, lupa, tubig, gubat, at iba pa. Para sa kanila ang lupa ay likha ng Panginoon at hindi maaaring ariin ng sinumang nilalang. Maaari itong gamitin sa tamang paraan upang mapakinabangan. Kung hindi, sisirain ni M'fun Tana ang lupa sa pamamagitan ng lindol o pagguho at pagkawasakiya't sinasaka ng mga B'laan ang lupa sa loob ng isang taon. Ang pagtatanim ng palay na tumatagal ng limang buwan (Mayo-Oktubre), samantalang sa susunod na limang buwan naman ang sa kamote (Nobyembre-Marso). Pagkatapos nito ibabalik ng mga B'laan ang lupa sa komunidad at lilipat ng ibang lokasyon upang isagawa ulit ang pagtatanim. Ang ibang B'laan ay naimpluwensiyahan ng Kristiyanismo. Karamihan sa mga naging Kristiyano ay naging protestante na bahagi ng Christian Missionary Alliance Church of the Philippines (CAMACOP), United Church of Christ of the Philippines (UCCP), United Methodist Church, at iba pa. Ang ilan naman ay Katoliko. Tinatayang 40 % ng mga B'laan ay naging Kristiyano. Ang bahay ng mga B'laan ay may taas na anim hanggang sampung pulgada mula sa lupa at may hagdan na binubuo ng tatlong baytang. Ang haligi ng bahay ay yari sa ipil-ipil o gemilina. Ang dingding ay yari sa kawayan at kogon naman ang ginamit na pang-atip. May isang kuwarto lamang ang bahay ng mga B'laan. lisa ang nagsisilbing kusina at sala nito. Nakasabit sa mga dingding ang mga sandata na gawa sa kahoy tulad ng espada, kutsilyo, itak, at iba pa. Ang silong ng bahay ay nagsisilbing kulungan ng mga alagang hayop tulad ng manok, pato, at kambing. Ayon kay Javier (1998), parehong nagsusuot ng tela na yari sa abaka ang kasuotang pantaas ng mga B'laang babae at lalake. Ang mga blusa ng mga babae ay napapalamutian ng mga makikinang na mga materyales tulad ng mga beads at mga butones. Ang mga dyaket ng mga lalaki ay di-gaanong burdado. 3.2. ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO ORIENTAL -nina Raymund M. Pasion, Marilyn C. Arbes, Julieta C. Cebrero, Fairuz M. Dalandangan Ang pag-aaral na ito ay nakasentro lamang sa isang tribu ng Davao Oriental, ang MANDAYA, partikular ang nasa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga, Brgy. Pichon, Davao Oriental. Hindi rin maipagkakaila, na marami nang pagbabagong nangyayari sa tribung ito sa kasalukuyan. Ngunit, sa Brgy. Pichon, kapansin-pansing nananatili pa rin ang kanilang katutubong pamamaraan. Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang "man" (tao) at "daya" ( itaas na bahagi ng ilog). Kaya ang Mandaya ay tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the Uplands Ang Mandaya ay karaniwang naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Katimugang Mindanao sa Davao del Norte, Compostela Valley province, Agusan del Sur, at Davao Oriental. Sa Davao Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya. Ang Sangab ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng Davao Oriental, sa munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon. Mula sa poblasyon ng Caraga, may apatnapung (40) kilometro ang layo at may isang libo at dalawang daan (1,200) na talampakan ang taas mula sa dagat ang Sangab. Mahirap ang pagpunta sa nasabing lugar dahilsamalayoat lubak-lubakang daan, kaya umaabot ng hanggang isang libong piso ang pamasahe sa motorsiklo na tinatawag na habal-habal. Tanging motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahero para makarating lamang sa tuktok ng Sangab. Minsan, kung may marami na silang produktong abaka, mais, at mga gulay na ibebenta sa bayan ay hinahakot ito ng sadam na isang uri ng sasakyan tulad ng dump truck. Sa Brgy. Pichon at Sityo Sangab, lubos nilang napapanatili ang kasuotan nilang Mandaya, gayundin ang paghahabi nito na tinatawag nilang dagmay, isang hinabing telang mula sa abaka. Ang Sityo Sangab ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga sasakyan, malayo sa polusyon, at walang gulo. Ang mga taong naninirahan dito tulad ng matatanda-babae man o lalake, ay nasa kanilang sakahan upang magtrabaho. Lunes hanggang Sabado ng umaga ang iniuukol nila sa kanilang pagtatrabaho sa bukirin. Tuwing Sabado ng hapon naman, sila ay umuuwi na sa kanilang mga tahanan upang paghandaan ang misang dadaluhan sa araw ng Linggo. Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walang pahintulot ang kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain. Hindi rin masasabing malayo sa kabihasnan ang lugar dahil nakikita na rito ang bunga ng teknolohiya. Mayroon namang nakikisabay sa kung ano ang uso sa kasalukuyan. Hindi naman kasi lahat ay tinatanggap ng tribu. Nariyan ang mga Mangkatadong (council of elders), na nagsusumikap sa pagpapaalala sa mga kabataang produkto ng bagong henerasyon kung ano ang katanggap-tanggap sa kanilang lipunan. Isa na rito ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng maiksing pantot (short) para sa mga babae dahil taboo para sa kanila ang pagsusuot nito. Ayon kay Ernesto I. Corcino, isang manunulat ng Davao History ang mga Mandaya ay walang kaibahan sa ibang grupo sa kanilang sosyal na gawain at sa kanilang pananampalataya. Mahirap tukuyin kung ito ay matatawag na sosyalisasyon o panama o mamamalagi sa kanilang pamayananang Mandaya dahil mahihirapan talagang makapaglikom impormasyon tungkol sa kanilang tribu. Nakasanayan ng mga Mandaya na bago magsimula sa anumang mga gawain ay dapat manawagan o manalangin sa Panginoon. Kahit bago umalis ng bahay, dumaan sa malaking puno o kaya'y malaking bato, dumaan sa tubig, uminom sa nadaanang tubig, magputol ng punong kahoy, mangaso, at iba pang gawain ay kailangan talagang magpaalam at manawagtawag (prayer offering) sa may-ari. Naniniwala ang mga Mandaya, na ang tao at lahat ng bagay dito sa lupa at sa langit pati na ang mga bagay na hindi nakikita ng tao ay may nagmamay-aari. Ang lahat ay ginawa at pag-aari ni Magbabaya (God). Ang salitang Magbabaya ay galing sa salitang ugat na baya na ang ibig sabihin ay walang pinagmulan at walang katapusan. Bago nakapagsagawa ng pananaliksik, kinailangan munang magsagawa ng panawagtawag ang balyan, ang priestess at lokal na manggagamot at isa sa mga naging importante. Ayon din sa kanila, ang pagbibigay ng kaalaman o transfer of knowledge sa katutubong pamaraan, kaisipan, at mga praktis sa ibang tao, lalong-lalo na kung ito ay may kinalaman sa panggagamot ay mahigpit na ipinagbabawal. Para sa kanila, baka ito ay dida magtugo (mawalan ng bisa o kaya'y saysay) dahil kanilang pinaniniwalaan na ipinagkaloob ito sa kanila ng kanilang abyan (espiritu). Sa pagsasagawa ng panawagtawag, ang balyan ay gumagamit ng inuming mallorca, sa halip na byais ( local fermented wine). Ito ay isang patulam-tulam o panulak sa kanilang lalamunan upang hindi sila mahiyang sumagot sa mga nagtatanong sa kanila. May iba pang nagsasabi na ang pag-inom ay para pampabaag ng talinga o pampainit ng tainga. Sa isinagawang panawagtawag, lahat ng mga mananaliksik ay pinapainom din bilang tanda ng isang mabuting pangtanggap sa kanila o bilang pakikisundo at pagbati. Pagpapakasal at Pag-aasawa Ayon sa mga naging impormante, ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng mga Mandaya upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang. Kaya ang mga magulang ang nag-uusap para sa kanilang mga anak, at kahit sa panliligaw din ay kasama rin sila, lalong-lalo na kung ang ama ay isang pinuno sa pamayanan at ang anak ay mayroon ding mabuting pag-uugali at pananaw sa kanilang lipunang ginagalawan. Sa mga babae naman, pinapaburan nila ito kung siya ay gimbubayan-ibig sabihin ay babaeng marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki, gaya ng pangangaso. Walang pagkilala o pagtiyak sa taon kung kailan mag-aasawa ang isang babae o lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede na. Ang gustong mag-asawa ay madedetermina lamang kung ang mga lalaki ay marunong na ng mangaso, magtayo ng bahay, magsaka, at iba pa; samantalang ang mga babae naman ay kung marunong nang magluto, magtanim, at gumawa ng iba pang gawain sa bahay. Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay hindi biro at kailangan itong sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod: 1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa bahay ng babae. 2. Pagatud-atod. isang bahagi ito ng pamamanhikan na ang lalaki ay magdadala ng mga pagkain sa bahay ng babae. 3. Pagkagon. Dito dadalhin na ng lalaki ang kanyang mga magulang upang ipakilala sa pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang pag-usapan ang sukat (dowry) ng babae. 4. Pagtawas. Tumutulong na sa mga gawain ang lalaki sa pamilya ng babae. Halimbawa nito ay ang pagsasaka, pag-iigib ng tubig, at pagsisibak ng kahoy. 5. Pagbutang ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng babae. Sa pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng kanilang mga kahilingan (sukat). Ito ay isang pagsubok na kapag matugunan ng lalaki ang kahilingan ng mga magulang, nangangahulugan itong kaya nang buhayin o suportahan ng lalaki ang babae. 6. Pag-ol'lonan. Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo (remembrance) na sasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng dalawang panig. 7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasalan. Isa itong seremonya na lahat ng tao sa pamayanan ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae. Aanyayahan din ang mga mangkatadong (council ofleaders) at balyan. Ang babae ay papayuhan ng kanyang ina at ang lalaki naman ay papayuhan ng mga mangkatadong at balyan at iba pang respetado sa pamilya. Pagkatapos ng mga payo ay susunod ang pagdarasal ng balyan at idedeklara na ang kanilang pagsasama. Susunod na rito ang salo-salo. Unang-unang pagsisilbihan ang bagong kasal. Bibigyan ng kanin at byais. Sumunod ang mga mangkatadong, balyan, mga magulang, at ibang mga panauhing dumalo. Magkakaroon din ng sayawan, inuman, at kantahan. 8. Pagdudul'logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kanilang bahay at iiwan ang babae sa mga magulang. Makalipas ang tatlong (3) araw, pwede na silang magsiping sa bahay ng babae sa isang gabi lamang. Mayroon na namang kainan na ihahanda para sa mga kaibigan na hindi nakadalo sa pagtutuonan (kasal). 9. Pagdadal'laan. Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan ang babae ay dadalhin na sa bahay ng lalaki. Panganganak Sa pagbubuntis, ang Mandayang babae ay palaging hinahaplasan o pinapahiran ng mga halamang gamot. Pagdating ng ikalimang buwan ay hinihilot ng manghihilot. Ang mananabang din ay gumagamit ng mga tagal'lumo (mga bagay- bagay o halaman na pinagsama-sama/pinaghalo-halo para panggamot). Kadalasan ay galing ito sa panaginip o kaya'y itinuro ng kanilang abyan (espiritu). Ang iba naman ay pamana ng pamilya, magulang, o kaya'y angkan. Hinihilot (minamasahe) ng mananabang (hilot/komadrona) ang tiyan ng isang buntis para mapabuti ang lagay ng bata sa loob ng tiyan at para pagdating ng Bawat taon, tuwing buwan ng Marso, ang Bukidnon, bilang sentro ng pinyahan sa Pilipinas, ay nagdiriwang ng Kaamulan Festival. Ito ay Pistang etnikongkultural. Ang katawagang Kaamulan ay mula sa wikang Binukid na amul na nangangahulugang "lipunang pagtitipon." Ito rin ay nangangahulugang ritwal ng mga datu tulad ng seremonya sa kasal, piyesta ng pasasalamat gaya ng pag-aani, kasunduang pangkapayapaan, at iba pa. Ginaganap ito sa Siyudad ng Malaybalay na at ipinagdiriwang ng pitong etnikong tribu: Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon. Ilang katutubong tribu ang nagpepresenta sa pitong kabundukan upang maipakita ang kanilang naggagandahang kasuotan at palamuti gaya ng kuwintas, pulseras, hikaw, magagandang dekorasyon sa ulo at mga anting-anting. Sabay-sabay na sumasayaw, kumakanta, at nagpapakita ng kanilang ritwal ang mga grupong ito. May paligsahan din sa iba't ibang isports. Ang kanilang mga wika ay napag-aralan na ng mga linggwista. Ito ay anak ng wikang kilala sa tawag na Proto-Manobo at pinaniniwalaang lumipat sa katimugang bahagi ng Mindanao mga ilang siglo na ang nakaraan. Ang Kaamulan Festival ay kaisa-isang etnikong piyesta ng Pilipinas na kasabay rin sa araw ng pagkakatatag ng Bukidnon noong 1917 at inaabangan ng lahat. Mga etnikong pantribung awitin, mga sayaw, laro, gawaing pangkamay o handicraft, at mga ritwal ang pumapaloob sa piyesta na naging masayang okasyon para sa lahat bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang nakaaagaw-pansin at nakaeengganyo sa puso ng karamihan ay ang awtensitidad o tunay na tatak ng mga katutubo o mga nitibong nagpapakita ng kanilang mga gawain. May Pangampo o pangkalahatang pagsamba; Tagulambong hu Datu o ritwal ng bagong datu sa isang lipunan; Panumanod o seremonyas ng mga ispiritu; Pansilig o pagpapalayo ng mga masasamang ispiritu; at Pamalas o ritwal ng pagbabayad ng kasalanan. Bawat seremonya ay napakaimportante sa kanila dahil sumasalamin ang mga ito sa mayaman at kakaibang kultura ng Bukidnon. Tampok sa piyesta ang iba't ibang exhibit tulad ng mga halamang doon lang makikita, trade fair, iba't ibang putahe, mga bazaar, live stock show, agri fair, Motorcross, paligsahan ng off-road, mga isports, karerahan ng mga kabayo o horse radeo, amatyur na boksing, invitational basketball tournament, adventure races, mga konsyerto, at pagsasayaw sa daan o street dancing at mga magagarang float ng bawat tribung inirerepresenta nito. Nakamamanghang tingnan ang pagsusuot ng mga kakaibang disenyo ng mga katutubong gamit at damit at mga sariwang bulaklak, gulay at prutas sa paradang ito. May mga banderitas at bandera na makikita sa buong lugar at ang tugtugin o ang musikang maririnig ay purong etniko. Sa bandang hapon, may dance clinic na pinangangasiwaan ng mga Indigenous People (IP) gamit ang kanilang mga katutubong tambol at iba pang instrumentong musikal. May mga awitin mula sa kanilang mga epiko- pagsasalaysay ng limbay, pag-awit ng idangdang, bayok-bayok o mga berso, mga bugtong na tinatawag na antoka, nanangon o folktales. Tuwing gabi, nagkakaroon ng pagdedebate sa pag-alam ng pinagmulan ng lahi. Sa kasalukuyan, ang Kaamulan ay umuunlad habang dumaraan ang panahonhindi lamang ang etnikong tribu ng Bukidnon, kundi pati na rin ang kanilang mga produktong iniluluwas at lokal na establisamento ng buong probinsya. Sa bagong henerasyon, ang matatandang katutubo at ang mga bumibisitang banyaga ay naging daan upang makilala at mapahalagahan ang kultura ng Bukidnon. Ang lahat ng ito ay karapat- dapat lamang na maipamana sa susunod na salin-lahi. Pinagmulan ng Kaamulan Festival Ang selebrasyon ng piyesta sa Munisipalidad ng Malaybalay ang kauna- unahang Kaamulan Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. Sa pagnanais na mapanatili ang piyestang ito, ang bise-alkalde ay nag-isip na imbitahin ang mga taal na katutubo o indigenous people na makisalo sa kanilang selebrasyon, at magtanghal ng ilang etnikong sayaw sa kinikilala ngayong Rizal plaza. Hindi nila lubos maisip na ang kauna-unahang okasyon ay naging popular dahil sa isang reporter ng Manila Times na naging bisita ng bise-alkalde. Sinulat niya ang lahat ng nangyayarisaisang nasyunal na magasin at dito nagsimula ang pagkilala sa Kaamulan. Ang festival ay pinagtibay bilang rehiyunal na festival ng Hilagang bahaging Mindanao ng Regional Development Council noong Setyembre 16, 1977. Sa pagitan ng taong 1960 hanggang 1970, bawat indibidwal ay nagpunyaging buuin ang selebrasyon bilang paggalang sa mga naging kontribusyon ng mga katutubo ng Bukidnon lalo na sa kanilang kultura. Sa buwan ng Nobyembre 1977, pinangunahan ng gobyernong probinsyal ng Bukidnon ang kauna-unahang Kaamulan Festival. Sa taong 1978 hanggang 1998, ang Kaamulan ay napagkasunduang idaos tuwing unang Biyernes ng Setyembre. Subalit noong 1999, ito ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero hanggang Marso, kasabay na rin sa selebrasyon ng pagkatatag o Foundation Day ng Bukidnon. Ang kauna-unahang Kaamulan Off-Road Challenge at Kaamulan Invitational Shootfest ay naidagdag na rin bilang isa sa pangunahing kaganapan ng festival noong 2002. Mayroon ding pagpapakita ng mga kontemporaryong sining ng Bukidnon na tinatawag na bansagen. Noong 2006, nagkaroon ng kaunaunahang National Folklore Conference at pagsusulat ng katutubong awit para sa mga estudyante. Ang mga Kultural na Grupong Kasapi sa Kaamulan Festival Ang mga Manobo. Nabibilang sa orihinal na proto-Philippines stock ang mga taong Bukidnon. Kahit na ang grupo ng Bukidnon ay watak-watak, nangingibabaw pa rin ang iisang tradisyon ng bawat grupo. Ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ay paggawa ng mga hinahabing damit at mga palamuti tulad ng hikaw, mga malalapad na kuwintas, pulseras at iba pa. Ang iba't ibang kultural na komunidad na makikita sa Probinsya ng Bukidnon ay ang mga grupo ng Manobo, Bukidnon, Higaonon, Matigsalug, Talaandig, Tigwahanon, at Umayamnon. Ang Arumanen naman ay isang sub-grupo. Narito ang mga pahapyaw na pagpapaliwanag at pagpapakilala sa mga tribo: Ang Arumanen-Manobo ay makikita sa probinsya ng Hilagang Cotabato. Sila ay napabilang sa orihinal na proto-Philippines stock. Ang pangunahing pangangailangan ng grupo ay paghahanap ng pagkain at pagsasaka. Parehong hirap sa bigat ng mga trabaho ang kalalakihan at kababaihan. Kinikilalang pinuno ng Arumanen-Manobo ang Timuay o datu na siyang tumatawag ng mga pagpupulong. Ang tradisyunal na sosyal na estruktura ng Arumanen ay binubuo ng limang klase. Ito ay ang timuay na siyang namamahalang grupo; ang walian o shaman na nangunguna naman sa espiritwal na aspekto; mandirigma; taong karaniwan o hindi maharlika; at alipin. Sa kasalukuyan, ang mga Arumanen ay nanatili pa rin sa pagsasagawa ng ilang mga ritwal gaya ng "Samaya-an Festival" na taunang ginaganap sa huling linggo ng Disyembre bilang pasasalamat sa kanilang kinikilalang makapangyarihang diyos/ diyosa, at paghahanap ng mga senyales tulad ng mga grasya o swerte para maiwasan ang mga kamalasan sa darating na taon, lalo na sa kanilang komunidad. Ang diyalekto ng Bukidnon ay Binukid. Sila ay kayumangging kaligatan at may maitim na buhok. Katamtaman lamang ang taas (limang talampakan) nila at hindi pango ang ilong. Ang panliligaw at pag-aasawa ng mga Bukidnon ay inaayos ng kanilang mga magulang sa edad pa lamang na pito. Nagpapraktis ang kalalakihanng pagkakaroon ng maraming asawa ngunit ang kababaihan ay iisa lamang. Nangyayari ang kasalan sa pamamagitan ng mamin o betel na hinulmahan ng kanin. Ang sining ng Bukidnon ay ipinahihiwatig sa kanilang mga sayaw, tulaatawit, paghahabing banig at buslo. Ang instrumentong musika nila ay mga plawta na yari sa kawayan, alpang kawayan, isang hiblang biyolin, at hugis bangkang gitara. Gumagawa rin sila ng mga banig, sombrero, pambitag ng isda, at hinabing tela para sa handicrafts na produkto ng mga Bukidnon. Ang mga magsasakang Bukidnon ay nagpapraktis pa rin ng tradisyunal na pamamaraan sa pagtatanim ng palay. Bigas, mais, abaka at mga gulay ang mga produktong kanilang iniluluwas. Ang kapangyarihan ng isang datu ay nabubuo sa pamamagitan ng tiwala at kakayahang pamunuan ang kanyang grupo. Tinitingnan ang kanyang pakikihalubilo at mga tagumpay sa buhay, at hindi nakabatay sa katandaan ang kanyang pagkadatu. Ang terminong Higaunon ay nangangahulagang people of the wilderness. Hindi lamang sa probinsya ng Bukidnon ang kanilang tirahan kundi pati na rin sa Agusan del Sur at hangganan ng Misamis Oriental. Ang etno-ligal na aspekto lalo na sa kultura ng mga Higaunon ay nagbabago dahil sa pamamalakad ng kanilang datu. Dito sa Bukidnon, ang prinsipal na pinuno na may maraming angkan ang namamahala sa buong komunidad. Sa ilalim ng pinuno ay ang mga menor na datu na nagsisilbing tagabantay ng buong komunidad. Responsibility pinuno ang tagapamalakad lamang. Ang estado ng isang pinuno ay namamana at nakukuha sa pamamagitan ng mga karanasan at tagumpay niya sa buhay. Ipinapasa ng malapit nang mamatay na datu sa isa sa kanyang mga anak na lalaki ang kanyang katungkulan. Kadalasan, ibinibigay ito sa isang may kakayahang mamahala sa kanilang lipunan pagdating sa tamang panahon. Ang Matigsalug ay grupo ng Bukidnon na makikita sa lambak ng Tigwa- Salug, San Fernando. Nangangahulugang "mga Tao sa Ilog ng Salug" ang Matigsalug. Ang mga kalalakihan ay nakasuot ng maikling- masikip na pantalon hanggang sa tuhod lamang at tinuping turbante o telang pamugong sa ulo na may maraming palamuti tulad ng butyl o beads na may mga buhok ng kambing o kabayo. Tinatayang mahigit sa 146,500 ang populasyon ng Matigsalug. Isa sa nagpapatuloy at nagpepreserba ng kanilang katutubong kaugalian, paniniwala at praktis ay ang tribong Talaandig kahit na sa malakas na pagpasok ng modernisasyon at pagbabago. Ang tinatanyang populasyon ng Talaandig ay mahigit na isandaang libo. Ang mga miyembro ng grupo ay makikita sa barangay at munisipalidad ng Bundok Kitanglad. Ang pinaniniwalaang Diyos ng mga Talaandig ay tinatawag nilang Magbabaya. Pinaniniwalaan nila itong pumuprotekta ng kanilang kalikasan na makikita sa sosyal, pulitikal, at pangkabuhayan na aspeto ng kanilang buhay. We gather soil of different colors and use white glue as paint binder, paliwanag ni Datu Vic Migketay "Wayway" Saway, isang datu ng lipunan na nagpakilala ng ganitong materyal na pagpipinta. Nagsasanay na rin siya ng ilang mga kabataang magpinta at nananalo ang mga ito sa paligsahang rehiyunal at nasyunal na naging daan ng pagangat ng kanilang kabuhayan. Tinatawag nila itong soil painting. Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao del Norte ang Tigwa o Tigwahanon. Ang ibig salitang Tigwahanon ay mula sa salitang guwa o scattered sa Ingles at mula sa ilog ng Tigwa na kung saan sila nakatira. Sa kasalukuyan, ang mga Tigwahanon ng Agusan Del Norte, Bukidnon, Agusan del Sur at Misamis Oriental ay umaabot na sa bilang na 36,128 ang populasyon. Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa Probinsya ng Bukidnon. Kilala ang tribong ito sa kanilang pagkamahinhin, matatag kung magdesisyon at eksperto sa gubat. Makikilala sila dahil sa kanilang katamtamang kulay ng balat, katamtamang tangkad, at sa kanilang prominenteng panga at buto sa dakong itaas ng pisngi o cheekbone. Gumagawa sila ng mga butyl o beadworks bilang palamuti sa katawan tulad ng ginakit at inaboy o kwintas, suning o handbag ng lalaki, at binuklad o pulseras. Ang populasyon nila ay aabot sa 101,906. Ilang mga Kasanayang Kultural Sa mga nabanggit sa itaas, makikita ang mayamang kultura ng Bukidnon. Narito ang mga kahulugan o deskripsyon ng mga praktis ng mga Manobo- ang pitong tribu ng Bukidnon - sa isang buong taon. Una, ang pangampo, isang taunang ritwal na nangyayari tuwing buwan ng Enero na pumapaloob sa pagdarasal para sa kanilang Diyos na si Magbabaya. Pinepreserba at pinoprotektahan ang pitong (7) pinakaimportanteng bagay sa mundo: lupa, tubig, punong kahoy, apoy, hangin, tunog at paniniwala at tradisyon sa pamamagitan ng tamang paggamit dito. Pangalawa, ang panagulilay, isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwan ng Marso at humihingi kay Magbabaya ng ulan para sa kanilang lupang sakahan. Dahil dito, nagiging masagana raw ang ani ng kanilang mga pananim. Ang Salangsang ay isang seremonya rin sa paghingi ng pahintulot kay Magbabaya na magtanim ng iba't ibang halamang pagkain. Ang pang-ibabasok naman, ay pagsamba bago at pagkatapos magtanim. Nangangailangan ng tatlong manok na kulay puti, pula at dilaw. Mayroon din silang seremonyas ng panangga o proteksyon ng kanilang tanim na tinatawag na layag-layag. Ang ritwal na talabugta ay taunan ginagawa. Nagpapasalamat din sa lupang puno ng kasaganaan. Lahat ng ito ay ginagawa nila kung sila ay nagtatanim. Pangatlo, ang lagong, isang pasasalamat sa mga biyayang dumating mula kay Magbabaya. Ang pagdating ng mga bisita at kaibigan ay isang biyaya rin ayon sa kanila. Gumagawa sila ng tula o musikang tunog bilang mainit na pagtanggap sa mga kagalang-galang na bisita. Ang mga pahayag ay sinasabi sa malalim na pananalita ng Higaunon at tanging mga eksperto lamang ang nakauunawa nito. Tinatawag din nila ang gawaing ito na limbay. Pang-apat, ang samayaan na isang ritwal ng buong lugar bilang pasasalamat sa isang buong taong kapayapaan at matiwasay na lipunan. Hinihingi rin nila ang mabuting kalusugan. Kadalasang nangyayari ito sa buwan ng Oktubre o katapusan ng taon. Isa itong masayang festival na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasaya. Panlima, ang pangapar, isang pagtitipon ng lahat ng mga manggagamot upang maitaboy ang mga pinagmulan ng sakit at karamdaman. Nangyayari ito kung may epidemya o mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit. Sa ritwal na ito ay nagbibigay sila ng mga pagkain, hayop, prutas, tabako at mama sa kanilang pinaniniwalaang bathala. Kung nalaman ang pinagmulan ng sakit ng isang miyembro ng pamilya, naghahandog sila ng pagkain. Tinatawag naman na kandulian ang ritwal na ito na ginagawa kung may sakit ang isang katribu. Ang kaliga ay isang siyam-na- araw ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw ng tinatawag na dugso. Isang banal na baboy o limang banal na manok ang inihahandog sa ikasiyam na araw ng pagsasamba. Mga Katutubong Instrumento Ang musika ay nakaugat na sa kultura ng mga Bukidnon. May tatak na tunog at awitin na nagpapakilala sa kanilang kultura ang kanilang musika. Ang agong ay ginagamit bilang pantawag sa lahat ng mga miyembro upang magpulong. Maliban dito, kung may sayawan o palabas ay ginagamit rin ito. Binubuo ito ng tanso at kadalasa'y hugis sombrero. Tinutugtog sa pamamagitan ng paghampas sa tuktok nito gamit ang isang patpat. Ito ay medyo kapareho ng agong ngunit may kaliitan nang kaunti- sa kulintang at ginagamit din ng mga Muslim tulad ng mga Maranao, Maguindanao o Tausug. Ang tambol ay gawa sa hungkag na kahoy. Ito ay hugis bilog at silindro na may balat ng hayop tulad ng kambing o baka na binanat at nilalagyan ng sacra sa itaas upang hindi matanggal ang pagkakakapit nito. Ginagamit ito tuwing may festival at tinutugtug sa pamamagitan ng paghampas sa dulo ng patpat na pantambol. Ang bantola naman ay gawa sa kawayan na may nakahilerang linyang butas sa gitna na may isang istring. Habang sumasayaw ang mga mananayaw ay pinaghahampas ito upang makabuo ng kakaibang tunog. Ang saluray ay isang instrumetong katulad ng bantola ngunit may walong kwerdas na siyang nakalilikha ng tunog. Ginagamit din ito sa pagsasayaw tuwing may festival. Ang kutyapi o kudyapi ay parang gitara na may mahabang leeg at may isa o dalawang kwerdas. Kinakaskas ito upang tumaginting ang tunog na nililikha nito. Isinasabay rin ito sa pag-awit at pagsayaw ng mga mananayaw. Ang kodlong ay tulad ng kutyapi ngunit mas malaki ang katawan nito at mahaba rin ang leeg na katulad din ng gitara. Ang instrumentong kuratong ay pinatutugtog kung may bisitang parating sa kanilang lipunan. Isa rin itong transmisyon ng mensahe o koda mula sa isang tao o grupo na patungo sa iba pang miyembro ng tribu. Ito ay gawa sa buko ng kawayan na may hugis rektanggulo sa dulo. Ang haba nito ang nagpapalakas ng tunog na nabubuo sa pamamagitan ng patpat. Ang tawag naman sa plawta sa Bukidnon ay palala. Ito ay may walong butas na tinatakpan kung pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip sa dulo ng kawayan. Ang palandag naman ay parang plawta ngunit walang butas sa tagiliran nito. Lumilikha ito ng matinis na tunog. Ang mahaba't makitid at manipis na piraso ng kawayan ay tinatawag na kubing. Ito ay may maliit na butas sa gitna na may iba't ibang tono ng tunog. Ang taginting ng tunog ay nagmumula sa pag-ihip ng instrumentong ito. Ang talapak ay isang kalahating hiwa ng kawayan at isa pang pirasong manipis na kawayan na pinagkalatog upang makalikha ng tunog na halos magkahawig sa tunog ng palakpak ng kamay. Kung gagamit ka ng dalawang talapak ay parang tunog ito ng palakpakan ng mga tao. Ginagamit ito tuwing nagtatanim ang mga magsasaka. Ang lantoy ay gawa rin sa kawayan na may tatlong butas at tinutugtog sa pamamagitan ng bibig. Tinatawag din itong badtek. Kinopya rin ito sa instrumentong pulendag na mas malaki sa lantoy ngunit may tig-aapat na butas sa itaas at ibabang bahagi. Ang lebpad ay isang uri rin ng tambol ngunit gawa ito sa manipis na kahoy. Tinatakpan ito ng katad o balat ng hayop tulad ng usa. Lahat ng mga instrumentong ito ay makikita sa Kaamulan Festival. Ito ang nagpapaiba sa tunog ng ibang ritwal o selebrasyon ng Bukidnon dahil sa mga materyal na ginamit sa paggawa ng mga instrumentong ito. Etnikong Awitin Pinakasikat na epiko sa Bukidnon ang Olaging. Isa itong katutubong epiko na may iba't ibang berso. Nilalaman ng epikong ito ang tungkol sa agrikultura ng Bukidnon. Limbay ang tawag sa isang patulang awitin na pagpapahayag ng mang- aawitng kanyang hinaing at damdamin. Ang awitin naman na nagpapahiwatig ng panliligaw ay tinatawag na sala. Ang awiting puro lamang sa aliwan ay tinatawag na nanangaon. Ito ay nag- iiwan ng magandang asal at inaawit tuwing gabi o 'di kaya'y tuwing nagbabalat ng mais, naghahabi ng banig at naglilinis ng ratan. Nagreresulta ito sa maingay na katuwaan at kasayahan. Mayroon ding pagbigkas sa mga salawikain o kasabihan ang Bukidnon. Tinatawag itong basahan na ginaganap tuwing may paligsahan upang malaman kung sinoang magaling. Idangdang naman ang tawag sa kanilang awiting nagbabalik-tanaw sa mahahalagang pangyayari sa kanilang kasaysayan. Ang kaligaon ay awiting tumatawag ng mga diwata, lalo na ang diwata ng mabuting ani. Dapat may malumanay at malagintong boses ang umaawit nito upang maging epektibo ang awiting ito. Inaawit tuwing kaligaan at mga kababaihan ang kadalasang umaawit nito sabay ang pagsasayaw ng dugso. Ang antoka ay isang pagtutunggaling berso lalo na kung nag-uusap tungkol sa halaga o presyo ng dowry ng anak na babae. Ilan sa Mga Etnikong Sayaw Kilala ang kakaibang estilo sa pagsasayaw ng Bukidnon sa tadyak, indayog at paggalaw ng kanilang katawan. Ang sayaw ay may mga kahulugan, mensahe na nauugnay sa lipunang ginagalawan ng isang tribu. Ginagawa ang pagsayaw nito sa pamamagitan ng ekspresyon ng mukha, kumpas ng mga kamay at galaw ng buong katawan, at tamang padyak ng paa. Narito ang mga uri ng sayaw at kahulugan ng ito sa Bukidnon: Ang binanog ay tipikal na sayaw ng tribung Talaandig na ginagaya ang galaw ng isang ibong kilala sa tawag na banog. May sayaw rin ang kalalakihan at kababaihan ng Talaandig bilang pag-aaliw at pag-aalay sa kanilang Diyos na si Magbabaya. Tinatawag itong tinambol. Ang saut naman na sinasayaw ng mga lalaki lamang ay nagpapakita ng pagiging eksperto nila sa iba't ibang estilo at sining ng pakikipaglaban. Tinatawag nila itong pamadje. Ang mga magulang ng babae ay humihingi ng bogay o bride's price sa pamamagitan ng kawali, kaldero, gong, bolo, pera, at iba pa. Ang seremonya sa pag-aasawa ay ganito: Ang dalawang ikakasal ay uupo sa sahig namalapitsaisa'tisanamay kaharap na isang pinggan na puno ng bigas. Kukuha sila ng bigas, hahawakan iyon at ang kabilang kamay ng lalaki ay hahawak sa kabilang kamay ng babae at sasabihin ng baranggay kapitan na sila ay mag-asawa na. Ang pagkatapos ay ang tinatawag na kombite. Ang pag-aasawa sa mga Mamanwa ay monogamous o isa lamang ang asawa dahil sa hindi nila kayang buhayin ang maraming asawa. Tungkol sa Ilang Paniniwala sa Kamatayan Ang mga Mamanwa ay takot mamatay. Kung may namatay sa kanila, ipinalilibing kaagad. Hindi sila mag-iingay o iiyak dahil baka magalit daw sa kanila ang mga engkanto. Habang inililibing ang kamag-anak nilang namatay, ang iba naman ay naghahanda para sa paglisan sa lugar na iyon. Ang mga sumusunod ay ilang paniniwala nila hinggil sa kamatayan: 1. Pagbasag ng pinggan sa kabaong upang mapahinto ang susunod na kamatayan o walang susunod sa kanilang mamamatay 2. Hindi kailangang magpaalam ang mga bisita kung aalis na para sa katahimikan ng namatay. 3. Hindi magwawalis ng sahig kung may patay pa sa bahay para maiiwasan ang sunod-sunod na pagkamatay. 4. Ang mga nagbabantay ay hindi matutulog dahil maaaring dumating ang masamang kaluluwa at palitan ang patay. Tinatawag itong Pagtangon. KABANATA 9: ARALIN 4: WIKA AT KULTURA NG ILANG MGA MUSLIM SA MINDANAO 4.1. ANG MGA MERANAW - ni Victoria Juarez-Adeva Ang mga Meranaw ay iyong mga Muslim na ninirahan sa Lanao na nasa kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalakinglawasaPilipinas.Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito'y "Ranao" na nangangahulugang "lawa o lanaw" at ang mga naninirahan ay tinatawag na "Maranao" (naninirahan sa may lawa). Ayon kay Casan Alonto (1974) sa kanyang "Perspective on Maranao Society," may mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Meranaw. Ang isang teorya'y batay sa epiko ng mga Meranaw na Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga naninirahan dito sa kapaligiran ng Lanao ay pinangunahan ng isang nagngangalang "Butuanun Kalinan" na buhat sa dakong Silangan na siyang tinatawag na Bombaran (kung saan sumisilang ang araw). Ang isa pang teorya'y ang migrasyon ay patungo sa dakong pasigan ng Katimugang Mindanao, sa dakong Iranon. Ang mga Iranon o Ilanon na natagpuan nang naninirahan sa kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng mga bagong dating. Noong nabubuhay pa ang Pangulong Manuel Luis Quezon, pinangalanan niyang "maliit na Baguio ng timog" ang lalawigan ng Lanao. Noong Mayo 2, 1959 sa paglabas ng Batas ng Republika 2228 ay nahati sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ang Lanao. Ang mga punung-lalawigan ay Lunsod ng Marawi at Lunsod ng Iligan. Ang Lanao del pook ng pamayanan ng mga Meranaw. Batay sa sensus noong 1970, ang nito'y 455,507. Malamig sa pook na ito at malayo sa tinatawag na belt ng bagyo. Bagama't pangingisda ang ikinabubuhay ng iba, masasabing ang pangunahing pinagbubuhatan ng kabuhayan nila'y pagsasaka. Malawak ang lupain at mataba pa. Pangunahing pagkain ang bigas. Sa prutas naman maipagmamalaki nila ang kanilang marang at durian, na hindi matatagpuan sa Luzon. Sa kasalukuyan ay marami nang mangangalakal na Meranaw. Ang hinahabing banig at malong ng mga Meranaw ay labis na nakakatawag ng pansin ng mga mamimili hindi lamang sa lokal na pamilihan kundi sa pandaigdig man. Ang isang magandang malong ay mas mahal kumpara sa ordinaryong malong. Magagandang disenyo ang makikita. Maraming kagamitan ang malong: damit, pangulan, kumot, duyan ng bata, sako, lubid, duyang lululanan ng maysakit, panakip, at minsan glab na pamboksing. Ang isa pang kalakal ay ang bras na ginagawa sa Tugaya. Ang mga ito y binubuo ng mga gong, sarimanok, kulintang, lalagyan ng buyo, lalagyan ng alahas, malalaking hugis na paso na may adornong tinatawag na okil na disensyo. (Ang mga kalakal na nabanggit ay makikita sa mga malalaking tindahang panturista sa malalaking Lungsod ng Luzon, Visayas, at Mindanao). Sa puntong sosyal naman, nahahati sa tatlong uri ang mga Meranaw: ang namanang artistokrasya, ang tinatawag na malalaya (freeman) at ang mga alipin. Ang namanang artistokrasya ay kilala sa katawagang Malaibangsa na binubuo ng mga sultan, mayayamang datu at ang kanilang pamilya, sa madaling sabi iyong may mga dugong bughaw. Iyong mga magsasaka't manggagawa ang tinatawag na Pegawid. Ang pangatlong uri ang tinatawag nilang Bisaya'y nawawala sa kasalukuyan bagama't nasa kamalayan pa rin ang tungkol sa mga istatus. Hindi maaaring mapangasawa ng nasa isang uri ang nasa kabilang uri lalo na iyong nasa unang uri na sila lamang ang maaaring maging magkapalad Ang masasabing nakapag-uugnay sa lahat ng Meranaw ay ang tinatawag nilang adat at taritib (kaugalian at tradisyon) tulad ng mahigpit na pagsunod sa magulang. Higit na mapapatunayan ito sa kaugalian tungkol sa pag-aasawa at paglilibing. Sa larangan ng pag-aasawa, naniniwala silang maaaring mag-asawa ng higit sa isa ang lalaki basta't kaya niya. Istatus symbol sa mga lalaki ito sapagkat kapag marami siyang asawa nangangahulugang maykaya siya at bukod pa rito ay may marami siyang magiging kapanalig dahil sa mga kaanak ng kanyang asawa. Hindi maaaring magasawa ng iba ang lalaki kung walang pahintulot ang unang asawa sapagkat siya (ang unang asawa) ang itinuturing na tagapangul? ng mga asawang iba. Naniniwala rin sila sa diborsyo. Maaaring deborsyuhin ng lalaki ang babae pero hindi maaaring deborsyuhin ng babae ang lalaki kung walang matibay na batayan. Kailangang mapatunayan talaga na mabagsik sa kanya ang lalaki o kaya'y iniwan silang mag-ina. Kapag ang babae ang makikipagdiborsyo ang bigay-kaya'y kailangang isauli, ngunit kapag ang lalaki ang nakipagdiborsyo hindi kailangang isauli. Hindi magiging buo ang tungkol sa Meranaw kung hindi babanggitin ang maratabat o amor propio. Kailangang pangalagaan nila ang dangal ng kanilang lipi o angkan sa mata ng lipunan. Handa silang ipaghiganti sukdang ikamatay ang karangalang nadungisan upang itindig na muli ang magandang pangalan ng kanilang angkan. Ang antas ng maratabat ay batay sa istatus sa lipunan kaya higit na inaaasahang ang nasa itaas na uri ang magtatanggol nito nang husto kaysa sa mga sumusunod na antas. Mga Pamahiing Meranaw Tungkol sa Panaginip 1. Kung mananaginip kang ikaw ay kinagat ng isang asong pula iyon ay nangangahulugang malapit ka nang makapag-asawa at ang magiging kapalad mo'y mayaman ngunit kung itim ang aso, ang magiging kapalad mo ay alipin. 2. Kung mananaginip ka na ikaw ay lumalangoy sa malamig na dagat na maitim ang tubig, nangangahulugan na magkakasakit ka nang malubha. 3. Kung mapanaginip mong tumatai ka ay nangangahulugangmawawalankang isang napakahalagang gamit. 4. Kung nanaginip ka na ang isa sa mga ngipin mo ay naalis, nangangahulugan na mamamatay ang isa sa mga magulang mo. 5. Kung nanaginip ka nang walang damit ang isang tao na kilala o kaibigan mo, nangangahulugan na siya ay magkakasakit nang malubha at mahirap gamutin. 6. Kung nanaginip ka na ang kaibigan mo ay mamamatay at pagkatapos ay sinabi mo agad ito sa kanya, magiging totoo na mamamatay siya o isang kamag-anak mo ang mamamatay. 7.Kung nanaginip ka na lumilipad ka, isang mahalagang pangarap mo ay malapit mo nang makamtan. 8. Kung nanaginip ka na ikaw ay nasa magandang ayos o kalagayan, hindi magtatagal at magkakasakit ka. 9. Ang isang buntis na nanaginip na nasa palad niya ang isang bituin, ang magiging anak niya ay tatanghaling reyna. 10. Kung nanaginip ka na ikaw ay kinagat ng linta, ito'y nangangahulugan na may isang taong magsasamantala sa iyo. Tungkol sa Ginagawa 1. Ang dalagang kumakanta habang nagluluto ay makapag-asawa ng isang matandang lalaki. 2. Pag ang isang lalaki ay dumalaw sa kanyang kasintahan at hindi dinatnan sa bahay ang babae, nangangahulugan na hindi sila magkakatuluyan. 3. Ngunit kung sa muling pagdalaw ng lalaki sa kanyang kasintahan ay maabutan niya itong nagluluto, magkakatuluyan sila at magiging mayaman pa. 4. Pag kinagat ng daga ang bago pang labang damit ay nangangahulugang may mamamatay na kamag-anak ng may-ari ng damit. 5. Ang pagpapayong sa loob ng bahay ay masama dahil may mamamatay sa bahay na iyon. 6. Hindi pwedeng paliguan ang mga maliliit na bata dahil magkakasakit sila. 7. Ang taong naglalakad ay hindi pwedeng kumain sa daan. 8. Hindi dapat tuktukin ang palayok habang nagluluto. 9. Kapag dinaanan ng ahas ang bagong tayong bahay, ang ibig sabihin ay mamamatay ang titira. 10. Kapag may pumasok na paruparo sa iyong kwarto, nangangahulugang makakatanggap ng pera ang nagmamay-ari ng kwarto. 11. Ang nakabiting kasuotan na kinagat ng daga ay nangangahulugan ng pagkamatay ng isa sa bahay na iyon; kapag nahulog naman ang damit mula sa pagkakasabit, ang ibig sabihin ay may darating na panauhin. 12. Kapag habang tinitignan mo ang mukha mo sa salamin pagkatapos ay hindi mo na ito makita ang ibig sabihin nito ay malapit ka nang mamatay. 13. Masamang ugali ang dumura sa nilulutuan dahil sa paniniwala ng mga Maranao na may tao sa nilulutuan. 14. Kung may pupuntahan ka, kailangang tingnan mo muna ang mukha mo sa ginto at kapag hindi mo nakita ay nangangahulugang huwag kang tumuloy sa lakad mo dahil may masamang mangyayari sa iyo. 15. Sa oras ng kasal at namatay ang ilaw ng lampara ay nangangahulugan na isa sa ikakasal ay mamamatay. Iba Pang Pamahiin ng mga Meranaw - Gani B. Yusoph at Lawandatu Pangandapun a. Inikadowa Ang mga Meranaw ay naniniwala na nauuri sa dalawa ang tao. Ito ay ang hindi nakikitang tao at ang ikalawa ay ang mga nakikitang tao. Ang tinatawag nilang inikadowa ay yaong mga taong hindi nakikita. Sila ay may sariling kapangyarihan na pumapaloob sa katawan ng ordinayong tao; ginagamit nila ang pagsasalita ng ordinaryong tao; at gayon din ang kilos at galaw ng katawan ng ordinaryong tao. Hindi lahat ng tao ay kanilang pinapasukan. Sila'y pumapaloob sa taong tinatawag na pundarpaan. Ang pundarpaan ay itinuturing nilang kaibigan na sa anumang oras ay pwedeng tawagin ng pundarpaan ang kaibigang inikadowa. Ganito ang ginagawa ng pundarpaan kapag tinatawag niya ang inikadowa at kung paano niya ginagamot ang isang maysakit. Unang-una, hihikayatin niya muna ang inikadowa na lumapit at pumasok sa kanya. Ito'y ginagawa niya sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit ng barong na kulay dilaw at ng tubao (Meranaw neckerchief). Siya'y nagpapabango ng katutubong pabango na tinatawag na lana manot at nagsisimulang ikawaykaway ang panyong hawak niya malapit sa bintana. Mapamaya-maya pa'y manginginig na ang pundarpaan at mag-iiba ang hitsura ng kanyang katawan. Kapag nawala ang panginginig niya ang ibig sabihin ay nasa katawan na niya ang inikadowa at dito na siya magsisimulang magsasalita at magpapakilala. Maiiba ang kanyang kilos at pagsasalita sa dati niyang kilos at pagsasalita, sapagkat ang inikadowa ang siyang umiiral sa katawan ng pundarpaan at ito na ang siyang nagsasalita. Pagkatapos nitong magpakilala, halimbawa siya raw ay si Tomitai sa garansang (bamboo climber) o kaya'y ibang pangalan ang kanyang ibibigay, ang mga taong nasa kanyang paligid ay magpapasalamat sa kanyang pagdating at buong puso nila itong tatanggapin sa kanilang pamamahay. Minsan, ang inikadowa ay hihingi ng paumanhin na siya raw ay hindi dumating nang maaga dahil sa sila'y may dinadalaw na kaibigan sa kalawakan. Ang inikadowa sa katawan ng pundarpaan ay kukuha ng buyong na inihanda ng mga tao at ito'y kanyang nangangain. Habang ginagawa ito ng pundarpaan, ang mga magulang ng may sakit ay magmamakaawa sa kanya na gamutin ang may sakit. Kung sa akala ng pundarpaan ay kaya siyang gamutin ito ay gagawin niya. Kung ito y hindi kaya ng pundarpaan ito ay kanyang tatanggihan. Matapos suriin ng pundarpaan ang may sakit ay sasabihin niya ang dahilan ng sakit at kung ano ang dapat gawin sa maysakit. Kung minsan ay humihingi ang pundarpaan na sila'y magdaos ng malaking kapistahan, maghandog ng pagkain, gumawa ng lamin (kwadradong bahay-bahayan) o kaya'y gagamutin na lang niya ang maysakit sa oras na iyon. Halimbawang sinabi ng pundarpaan na sira ang ulo ng may sakit ay magpapagawa ito ng lamin sa paniniwalang dito titira ang ispiritu na siyang gumagalaw sa may sakit. Kung minsan ay pinaliliguan niya ang may sakit at bubulungan niya ng mahiwagang salita upang umalis ang ispiritu. Sa mga ordinaryong mga sakit na tulad ng lagnat, sakit ng tiyan, masamang panaginip, at rayuma ay hinahaplos lamang niya ang bahagi ng katawan na masakit at binubulungan niya ng kanyang mahiwagang pananalita. b. Kapamangangai sa Tonong Ito'y pag-anyaya sa mga ispiritung tinatawag na tonong. Kailangan ng isang magsasaka halimbawa na ganapin ito. Kung hindi niya ito gaganapin siya y magkakaroon ng kapinsalaan sa katawan at ang kanyang mga pananim ay masisira. Ganito ginagawa iyon: inihahanda niya ang isang malaking manok at kaning dilaw. Sa tulong ng mga matatandang tao na marunong tumawag sa mga espiritu ay kanyang tatawagin ang mga ispiritu ng lawa, bundok, at palay. Kung naramdaman ng tagatawag na narinig ng mga espiritu ang kanyang pananawagan ay sisimulan na ang paglalagay ng mga inihandang pagkain sa palayan. Dito sasali ang magsasaka sa tumawag ng espiritu sa pagkain na kanilang inihanda. Ginagamit ng katutubong magsasaka ang kapangyarihang tonong sa pagsugpo ng mga masasamang daga, peste at iba pang pumipinsala sa kanilang mga tanim sa halip na gumamit sila ng modernong gamot. Ginagamit din nila ito sa mga magnanakaw ng kanilang tanim. Sino mang tao ang magnakaw ng kanilang tanim ay nagdaranas ng pagdumi ng dugo, tutubuan ng maraming pigsa at mga sakit sa balat na hindi maaaring magamot kung hindi hihingi ng kapatawaran ang magnanakaw sa may-ari ng tanim. Ang tonong ay ginagamit din ng mga Meranaw sa pagpatay ng kanilang kaaway. Ang pinakapopular na pamamaraan ay ang tinatawag nilang pananggalan. Ang pananggalan ay binubuo ng maraming buhok at isang malaking bunga ng kalamansi. Ang kalamansi ay magiging ulo nito at ang buhok ay maaaring ilong kung ito'y lilipad sa gabi na nasa kapangyarihan na ng tonong. Ito'y parang bulalakaw na mahuhulog. Kailangang walang makakita ng sinuman sa kanyang paglipad kundi ay mawawalan ng bisa at hindi tatamaan ang pakay niyang tao. c. Pamahiin Tungkol sa Kalikasan Ang mga Meranaw ay naniniwala na ang araw ay isang taong nakasakay sa isang karo na sinusubaybayan ng mga anghel upang ang tao'y bigyan ng ilaw sa daigdig sa araw-araw niyang paglalakbay. Ang buwan naman ay isang babaing sumasakay din sa karo sa pagsubaybay din ng mga anghel. Minsan daw sa kanyang paglalakbay ay bigla siyang susugurin ng leyon at gustong lunukin ito kaya tayo nagkakaroon ng eklipse. Ang daigdig daw ay hindi malapad at hindi rin bilog. Ang mga Meranaw ay naniniwalang ito ay binubuo ng pitong palapag na sa ikapitong palapag ay doon nakatira ang iba't ibang uri ng tao samantalang sa ikaanim na palapag nakatira ang mga duwende. Tulad din ng langit na binubuo ng pitong palapag na kinaroroonan ng mga anghel na nagbabantay sa atin, ang mundo ay dinadala ng isang higanteng tinatawag na lumbong. Kung minsan daw, ang lumbong ay sinisipit ng kasama niyang hipon kaya pag medyo gumalaw ay nagkakaroon tayo ng tinatawag na lindol. Ang mga bituin naman sa langit ay mga alahas ng isang magandang babae. Noong una raw ay may isang magandang babae na nagbabayo at ang kanyang mga alahas ay tinangay ng malakas na unos sa kalangitan at hanggang ngayo'y naroroon pa rin ito at kumikislap. Ang ulan naman ay tubig na ibinubuhos ng prinsesa ng kalangitan sa lupa. d. Kahulugan ng mga Pangyayari na Gawa ng Kalikasan Ipinapalagay ng mga Meranaw ang anumang kaguluhan sa Lanao ay dulot ng pagpapabaya ng mga Maranao sa kanilang mga katutubong ugali, asal, at pagkawala ng tiwala sa mga pamahiin ng kanilang mga ninuno. Narito ang ilang mga pangyayari na binibigyang kahulugan ng mga paririmar at mga olamang Meranaw. Lindol - bago sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nagkaroon ng mga lindol na hinulaang nagbabadya ng darating na kapinsalaan. Ang dumating nga ay ang digmaan. Kulog at Kidlat - ito ay ginagawang sandata ng Diyos para patayin ang mga demonyo at mga masasamang espiritu. Kaya kung may kulog raw ay ipinapagulong nila ang mga katagang ito, "Haedo billahi mina saitan ir rajim, bismillah ir rahman ir Masasabing sa Zamboanga matatagpuan ang iba't ibang pangkat ng mga tao na may iba't ibang paniniwala, kulay, at pananampalataya, ngunit nasa pagkakaiba- ibang ito ang pagkakasundu-sundo, ang kapayapaan, at pagkakaunawaan. Wika ng mga Zamboangueno Chavacano ang tawag sa wika ng mga Zamboangueno ngunit sa dahilang ang Zamboanga ay tinatahanan ng iba't ibang tribo, Filipino ang gamit sa pagkakaunawaan. Ang mga Muslim ay may kani-kanilang wikang gamit depende sa grupo. Karamihan ay mga Tausog na nagasasalita ng Tausog at mga Badjao na nagsasalita ng Badjao. Ang mga negosyanteng Meranaw naman ay nagsasalita ng Meranaw. 4.4. ILANG BAGAY TUNGKOL SA DAPITAN -ni Teresita Merencillo-Acas Ang Polo ay isa sa mga maliliit na nayong nasasakop ng Lungsod ng Dapitan na may lawak na 434 na hektarya at may 1,347 mamamayan sa kasalukuyan. Ang mamamayang ito ay pawang mga Kristiyano na nagsipanggalingan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, ngunit karamihan ay galing sa Negros, Cebu, Bohol, at Samar. Karamihan sa mamamayang ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda, bagamat mayroon namang mabibilang sa daliring naglilingkod sa pamahalaan, nagsasaka, namamasukan sa ilang pribadong tao bilang drayber, at iba pang uri ng hanapbuhay na bagama't mahirap ay marangal naman. Hindi nga sila mayayaman, ngunit hindi rin naman sila matatawag na mahihirap dahil wala namang isa roon ang namatay dahil sa gutom. Sa madaling sabi, ang kalagayan nila sa buhay ay matatawag nating nasa kalagitnaang uri at nabubuhay silang mapayapa, maligaya, at laging may pagkakaunawaan sa bawat isa. Ayon sa kasaysayan, ang nayong ito ay pinangalanang Polo dahil sa kung wala pa ang tatlong tulay na nag-uugnay nito sa ibang kalapit na lugar ay talagang isang maliit na pulo o isla ito dahil napapalibutan ng tubig - dagat at ilog. Ang dapat na baybay sana nito ay Pulo at hindi Polo, ngunit dahil sa nakaugalian na ng mga tao ang ganitong baybay, pinapanatili na lamang ito, bagama't sa pagbigkas ng mga tao, maririnig nating /u/ at hindi /o/ ang ginagamit nila. Walang mahalagang kasaysayan ang maliit na nayong ito, ngunit ang isang lungsod na sumasakop dito ay isang makasaysayang pook sa ating bansa, kaya't minabutikong isali ang maikling kasaysayan ng lungsod naming ito, ang Lungsod ng Dapitan. Ang Lungsod ng Dapitan Marahil, hindi na bago sa pandinig ng lahat ang pangalan ng aming lungsod, ang Dapitan, dahil naging palasak na ang lugar na ito sa halos lahat ng aklat ukol sa kasaysayan ng Pilipinas. Tuwing maririnig ang pangalan ng aming lungsod, ang unang maaalala o maiisip marahil ng taong 'yon ay ang pagkataponngpangunahing bayaning Pilipinong si Dr. Jose P. Rizal sa loob ng apat na taon, mula 1892-1896. Kung iisipin ngang mabuti'y parang napakahaba ng panahon ng pagkakatapon niya, ngunit para sa mga mamamayang nakatamasa ng di-mabibilang at di makakalimutang kabutihang mula sa kanyang mga kamay, ang panahong ipinamalagi niya rito'y napakaikli lamang. Nais pa nilang dagdagan ang panahong ipamalagi niya ngunit ang kapangyarihan ng mga nanakop ay siyang nasunod na di nahadlangan ng karaniwang mamamayan noon. Ang naturang bayani ay di-tumira sa puso ng lungsod, na noo'y bayan pa, kundi sa isang maliit at mapayapang pook na pinangalanan niyang Talisay dahil sa ito'y napagkakitaan ng maraming puno ng talisay na hanggang ngayon naroon pa. Ang talisay ay bahagyang nahihiwalay sa bayan dahil sa isang maliit ngunit malalim na ilog kung kaya'y nangangailangan pa ang mga mamamayan ng bangka bago marating ang lugar na tinitirhan ng bayani. Ngunit sa kasalukuyan'y pinagdudugtong ang dalawang ito ng isang kongkretong tulay at ang Talisay sa ngayo'y bantog na sa pangalang Rizal Park. Maraming tungkuling ginampanan si Dr. Jose P. Rizal sa pamamalagi niya rito. Isa sa mga tungkuling nag-iwan ng kanyang bakas sa lugar na ito ay ang pagiging guro niya, dahil sa kasalukuyan may natira pang kaisa-isang buhay sa kanyang mga tinuruan na siyang nagpalaganap ng karungungan at katalinuhang naging utang niya sa kanyang matalinong guro na walang iba kundi ang ating pambansang bayani. Ang estudyante niyang ito'y si G. Florentino Cad, na laging pinararangalan tuwing sasapit ang Araw ni Rizal. Ang pagiging makasaysayang lugar ng Dapitan dahil sa pagkakatapon ni Dr. Jose P. Rizal ay siyang naging dahilan sa pagiging lungsod nito kahit maliit lang ang sinasakop nito. Mamamayan Pawang mga Kristiyano ang mga nakatira rito, na karamiha'y mga Romano Katoliko at sumasampalataya sa Panginoon. Wikang Cebuano ang ginagamit nila bagamat ang intonasyon nila ay may kaibahan kung ihahambing sa mga ibang gumagamit ng wikang ito. Ilang mga Katangi-tanging Kaugalian at Pamahiin Isang katangi-tanging kaugalian ng mga taga-Dapitan na naging bantog sa mga karatig pook nito ay ang pagbakas o pagtuklas ng kung kaninong angkan nagmula o nabibilang ang isang manliligaw na binata sa kanilang dalaga, nang sa gayon ay di magkaasawahan ang mga magkamag-anak kahit malayo na ang relasyon ng bawat isa. Masyadong napakalapit ng ugnayan ng magkamag-anakan at napakalaki ng paggalang ng mga kabataan sa matatanda. Maraming mga pamahiin ang mamamayan sa Dapitan, tulad ng mga sumusunod: a. Kasal 1. Huwag isukat ang damit pangkasal ng ikakasal upang matuloy ang kasal at walang sakunang mangyayari. 2. Dapat iwasan ng ikakasal ang pagpunta sa kung saan-saan dahil malapit sila sa mga aksidente sa panahong iyon. 3. Kung maunang ikasal ang nakababatang kapatid, kailangan siyang magbigay ng pera sa nakatatandang kapatid upang maging lubos ang kaligayahan nila sa kanilang buhay mag-asawa. Binyag Kung ibig mong maging mabait, matalino o magkaroon ng magandang katangian ang iyong anak, piliin mong maging ninang o ninong ng anak mo ang mga taong may angking ganoong katangian para mamana ito ng bata. Pagdadalaga ng Isang Batang Babae 1. Paluksuhin ng tatlong baitang ang batang nireregla sa unang pagkakataon upangtumagal lamang ng tatlong araw ang regla niya. 2. Magsuksok sa garter ng panti ng bulak upang maging magaan ang katawan na gaya ng sa bulak. 3. Umupo sa dahon ng gabi upang hindi matagusan kung rereglahin nang hindi namamalayan. Wika Cebuano ang wikang gamit ng mga taga-Dapitan.