Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Reviewer Notes and reviewer for everyone, Schemes and Mind Maps of English

Notes and reviewer for everyone

Typology: Schemes and Mind Maps

2021/2022

Uploaded on 03/09/2024

min-ho-leee
min-ho-leee 🇵🇭

5

(1)

5 documents

Partial preview of the text

Download Reviewer Notes and reviewer for everyone and more Schemes and Mind Maps English in PDF only on Docsity!

FIL107-INDIBIDWAL NA PAGSASANAY SA TAHANAN

I-estruktura ang mga pahayag sa ibaba batay sa mga bahagi ng panalita bilang inyong pagsasanay sa tahanan.

  1. Malungkot na ibinalita ang pagpanaw ng artista.
  2. Ang nagbibigay ay pinagpapala.
  3. Natalo ang tumatakbong alkalde.
  4. Buksan mo ang pinto nang makasagap tayo ng hangin.
  5. Bumilis nang bahagya ang pagtaas ng tubig.
  6. Ang panayam ay ibibigay sa madla.
  7. Sinuman sa inyo ay bibigyan ng papel na dapat gampanan.
  8. Sinasabi ko ngayon na ikaw ang nagwagi.
  9. Dumating na ba ang liham?
  10. Ano ang pangalan mo?
  11. Nagbukas kami ng komunikasyon para sa iyo.
  12. Batay sa mga tala, napakarami ang nangibang bayan.
  13. Paano ka ngayon?
  14. Anuman ang pasya mo, masunurin naman kami.
  15. Bakit tayo narito?
  16. Iyon ba ang bahay ninyo?
  17. Mag-usap nga tayo nang masinsinan.
  18. Talikuran mo ang masamang bisyo.
  19. Kailan ka babalik?
  20. Saan kami lulugar kung naroon na sila?
  21. Kung magbubukas ang klase, papasok na rin kami.
  22. Nang lumakas ang ulan, saka sinuspinde ang klase.
  23. Nawala nang tuluyan ang ulan.
  24. Pinulong niya kami kahapon.
  25. Ang pagpupulong ay kahapon.
  26. Tanungin mo nga ako.
  27. Bukas na bukas ay aakyat kami sa bundok.
  28. Bukas na ang pag-akyat namin ng bundok.
  29. Ikaw ang nagsabi na bukas tayo aakyat ng bundok.
  30. Bukas na aklat ang buhay niya.
  31. Ang pagbukas ng pinto ay gawin mo na.
  32. Totoo na ikaw ang nanalo.
  33. Totoo na nga.
  34. Totoong maganda ang bayan natin.
  35. Sino ang nagsabi sa iyo?
  36. Kailangan mo ang totoong magsasabi.