Download Reviewer
Notes and reviewer for everyone and more Schemes and Mind Maps English in PDF only on Docsity! PANUNURING PAMPANITIKAN PANUNURI e ISANG URI NG PAGTALAKAY NA PANUNURI O SURING BASA e Ang suring basa ay isang anyo ng e Ang pagsusuri 0 rebyu ay ang Balangkas o pormat ng Suring Basa |. Pamagat, May-akda, Genre Il. Buod Ill Paksa lV. Bisa (damdamin, isip) V. V. Mensahe Vi. Teorya Panunuring Pampanitikan e Ito ayisang malalim na paghihimay iba'tibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha. e Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan. Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo to ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo,simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan 1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan. 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri. Mga Simulain sa Pampanitikan Panunuring 3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika_ at organisado ang paglalahad. 4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis © argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat. Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay- Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas. 5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito. Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa 6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung papaano ang pagkatula. Ayon kay Pedro .L Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong- tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma' y hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan. 7. Ang susuring akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan. 8. Ang susuring akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat. Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo) Kritisism ● Naghahanap ng mali ● Naghahanap ng kulang ● Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan ● Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig ● Negatibo ● Malabo at malawak ● Seryoso at hindi marunong magpatawa ● Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda Panunuri ● Naghahanap ng estruktura ● Naghahanap ng kung ano ang pwede ● Nagtatanong upang maliwanagan • ● Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig ● Positibo ● Kongkreto at tiyak ● Nagpapatawa rin ● Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina Mga Katangiang Dapat Taglayin ng isang Kritiko ● Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining. ● Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya. magkakaugnay hanggang sa katapusan. ● Dapat makita kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may iba pang elemento sa akda. Kung makikita ang mga elementong ito, masasabing mahusay ang akda. ● Binibigyang a t e n s i o n din ang salita o vokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita. ● Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at paguugnayan ng mga salita, istrukturang wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda. ● Ang tunguhin ng pananaw na ito ay matukoy ang sumusunod - Nilalaman - Kaanyuan o kayarian - Paraan ng pagkakasulat ng akda MORALISTIKO ● Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal ng mga kaisipang batayan ng wastong pamumuhay at pakikipagkapwa. Layunin ng Moralistiko ● Ang mga idea ay tumutulong sa pagkilala sa mga bagay na tinatanggap sa lipunan- kung ano ang tama at mali, ang mabuti at masama. ● Ang akda ay kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa mga maling landasin sa buhay. ● Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isangtao ! ang pamantayan ng tama at mali. Istilo ng Moralistiko ● Inilalarawan sa teksto ang mga paksang pagtatagumpay ng kabutihan sa kasamaan, pagwawaging katarungan laban sa pang-aapi, pangingibabaw ng kalinisan ng pagkatao at katatagan sa harap ng mga pagsubok at kahinaan. ● Ang akda ay nagsisilbing batayan ng mga kaisipang magtuturo sa tamang pagpili at pagbuo ng mga desisyon sa buhay na ayon sa pamantayang itinakda ng moralidad. ● Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas ng katwiran at impluwensya ng mga elementong sumisira sa tao. ● Ang impluwensya ng akda ay ipinakikita sa naging pag- uugali o asal at panuntunan sa buhay na taglay ng mahahalagang tauhan sa akda. Ang akda ay salamin na kapintasan at kagandahang dapat taglayin ng pagkatao. Sa pagsusuring Moralistikong Akda ● Ang mga karakter ay sinusuri bilang pagtutol o pagkilala sa umiral na pilosopiya sa buhay o sistemang moral sa lipunan. ● Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. ● Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. SIKOLOHIKAL / SAYKOLOHIKAL ● May dahilan ang bawat kilos o gawi, may pinagmulan ang bawat bagay o pangyayari. ● Sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangang daigdig. Layunin ng Sikolohikal/Saykolohikal ● Ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa kanyang akda. Istilo ng Sikolohikal/ Saykolohikal ● Makikita ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan sa may akda. Sa Pagsusuri ng Sikolohikal/Saykolohikal na Akda ● Sa pagsusuring sikolohikal, inaalam ang mga nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng kanyang pag-isip at pagkilos. ● Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri ayon sa mga panloob na sanhi. ● Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa tauhan na ipinakita sa kanyang paraan ng pagsasalita, daloy ng pag-iisip at kilos na may sinasagisag. ● Sinusuri nito ang mga proseso at pangyayari na nagsasaad ng personalidad ng mga taong sangkot. Tinatawag ito na "di", "ego," at "super ego." ● Ang "id" ay yaong mga natural o instinctive na reaksyon ng tao batay sa kung ano ang masarap o masakit sa pakiramdam (pleasure-pain principle). ● Ang "superego" (morality principle) naman ang tumatayong konsensya ng tao. ● Ang "ego" (reality principle) ang siyang nag-uugnay at naninimbang sa 'id' at 'superego.' SOSYOLOHIKAL ● Ang akda ay hindi nagmula sa kawalan. Ang mga pananaw at saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari. ● Ang panitikan ay may mabuti at kapakinabangang dulot sa lipunan at ang lipunan ay kailangang tumugon sa mga sitwasyon o kalagayang inihihingi ng pagbabago upang maiangat ang tao. ● Salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura, tradisyon, kaugalian, at paraan ng pamumuhay. Dito naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi humihiwalay sa lipunan. Layunin ng Sosyolohikal ● Ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. ● Ipakita ang mga kaganapan sa isang lipunan at ang dulot nito sa mga tao. Istilo ng Sosyolohikal ● Ipinapahayag ng akda ang mga saloobin, mithin at pangarap na hango sa galaw ng panahon. ● Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Sa pagsusuri ng Sosyolohikal na Akda ● Ang akda ay sinusuri sa konteksto ng iba't ibang institusyon sa lipunan at ang kaugnayan nito sa indibidwal. ● Sinusuri rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilling gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. BAYOGRAPIKAL ● Tumutukoy sa karanasan ng may-akda sa kanyang sinulat na akda. ● Ang teoryang ito ay tumutukoy sa background ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. ● Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat g m g a akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon Layunin ng Bayograpikal ● Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda. Istilo ng Bayograpikal ● Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. ● Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. ● Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito' namayagpag sa kasalukuyan. ● Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay na may-akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat at akda. ● Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasahan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. ● Sinabi nina Almario et al, sa kanilang Patnubay sa Pagsasalin, na “ang mga idyoma ay parang patibong; nakatago ang panganib, hindi lantad,” at maaaring nabitag ka na ng patibong bago mo pa man mamalayan ang panganib na napasukan mo. ● Ang eye ng nose – walang ganitong pahayag: naked nose. Mayroon ding small hours pero wala namang big hours o small minutes. Sa Filipino, may sinasabi tayong “walang masamang tinapay,” pero wala namang “walang masamang kanin” o “walang masamang ulam.” Samakatwid, hindi maaaring palitan ng singkahulugan ang isang salita sa idyomatikong pahayag dahil iba nang pahayag ang mabubuo na di nagtataglay ng bisa ng orihinal. ● Masasalamin ang kultura at ang pananaw sa daigdig ng mga taong gumagamit ng mga idyomatikong pahayag. Halimbawa, para sa isang nagsasalita ng Ingles, kahawig siguro ng tenga ang mais, kaya ear of corn ang tawag nila sa bagay na mais para sa mga Pilipino. Para rin sa kanila, parang mata ang butas ng karayom kaya eye of the needle ang tawag nila pero simpleng butas ng karayom lamang ito para sa mga Filipino. ● Gayon din, may mga bagay naman na para sa ating mga Pilipino ay maiuugnay sa bahagi ng katawan, tulad ng pisngi ng langit at pusod ng karagatan na hindi naman cheek of the skies o navel of the sea ang katapat sa Ingles kundi skies at bottom of the sea. 2 URI NG IDYOMA ● Idyomang Parirala ● Ekspresong Idyomatiko Dalawa ang paraan ng pagtutumbas nito: a. Ihanap ng katapat na idyoma Halimbawa: cold feet - urong ang buntot the next world - kabilang buhay fishwives’ tales - balitang kutsero b. Ibigay ang kahulugan Halimbawa: light-fingered person - mangungumit laconic speech - matipid na pananalita Paano isinasalin ang mga ekspresyong idyomatiko? ● Tandaan na maaaring mayroon itong kahulugang literal kaya suriing mabuti ang konteksto bago tumbasan. ● Kung minsan, ang ekspresyong idyomatiko sa Ingles ay may literal na katapat sa Filipino: snake in the grass - ahas sa damo/damuhan over my dead body - sa ibabaw ng aking bangkay Tatlong paraan ng pagtutumbas: 1. Ihanap ng katapat na idyoma ● dressed to kill - nakapamburol ● still wet behind the ears - may gatas pa sa mga labi ● till hell freezes over - pagputi ng uwak 2. Ibigay ang kahulugan ● left-handed compliment - pambobola ● jailbird - madalas makulong/labas-masok sa kulungan 3. Tumbasan ang kahulugan sa paraang idyomatiko ● starve to death - mamatay ng gutom (hindi: nagutom hanggang mamatay) ● hacked to death - napatay sa taga (hindi: tinaga hanggang mamatay) ● lying in a pool of blood - naliligo sa sariling dugo (hindi: nakahiga sa lawa ng dugo)