Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

SIM in ARALING PANLIPUNAN 10, Exercises of History

STEPS IN COMMUNITY BASED DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT

Typology: Exercises

2021/2022

Uploaded on 02/10/2023

benjang
benjang 🇵🇭

5

(1)

1 document

Partial preview of the text

Download SIM in ARALING PANLIPUNAN 10 and more Exercises History in PDF only on Docsity!

BENJIE C. GAGAHINA Teacher I IMELDA H. VALDEZ Master Teacher II ERIC JOHN C. ISIDRO School Learning Resource Coordinator HECTOR A. BATALLANG Head Teacher III, Araling Panlipunan ALICIA F. APRECIO, EdD Principal IV

Layunin

Panimula

Paunang Pagsusulit

Pagpapakilala ng Aralin

Gawain

Tayahin

Sanggunian

MELC/ Kasanayan

  • Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong

pangkapaligiran (AP 10 MHP-Ih- 12 , AP 10 MHP-Ii- 14 )

Ang pagdating ng kalamidad ay hindi natin alam kaya nararapat

lamang na ito ay paghandaan. Masasabi mo bang handa ka sa anomang

sakuna, kalamidad at pandemiya. Napatunayan natin na ang pagiging

handa ay susi upang mabawasan ang kapahamakan na dulot ng anumang

trahedya na darating. kaya ang modyul na ito ay ginawa upang malaman

ang mga hakbang kung paano isinasagawa ang pagpaplano sa pagharap sa

mga suliraning pangkapaligiran.

Pagkatapos basahin ang modyul na ito ay inaasahang:

❑ Natatalakay ang ibat-ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan

❑ Naunawaan ang ibat-ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan

❑ Naisasagawa ang mga hakbang sa pagbuo ng plano sa pamamagitan ng

pagsagot sa mga gawain.

Sa kasalukuyan isinusulong ang Community Based Disaster Risk Reduction

Management CBDRRM) Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa

pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.

Ang CBDRRM ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may

banta ng panganib at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy pagsuri

pagtugon pagsubaybay at pagtataya ng mga peligro na maaari nilang

maranasan

Ang Strategtic Intervention Materials (SIM) na ito ay inihanda upang

matulungan kang magkaroon ng malawak na kaalaman sa iba’t ibang hakbang

sa pagbuo ng CBDRRM Plan. Ang mga paksa at mga gawain sa SIM na ito ay

inihanda upang magabayan ka at magkaroon ka ng kakayahan na bumuo ng

epektibong CBDRRM Plan ng iyong komunidad na kinabibilangan

Panuto: Tukuyin ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. _____ 1. Yugto ng CBDRRM Plan na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura a. Preparedness b. Response c. Prevention &Mitigation d. Rehabilitation & Recovery _____ 2. Temporal na katangian na tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad a. speed b. force c. forewarning d. frequency _____ 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa yugto ng Disaster Prevention and Mitigation. a. Needs Assessment c. Hazard Assessment b. Vulnerabilty Assessment d. Capacity Assessment _____ 4. Layunin nito na magkaroon ng mga hakbang o gawain bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. a. Response b. Recovery c. Prevention d. Preparedness

_____ 5. Sinusuri nito ang kakayahan ng komunidad na harapin ang anumang hazard a. Risk Assessment c. Vulnerability Assessment b. Capacity Assessment d. Damage Assessment _____6. Nakatuon ang yugtong ito sa pagtaya kung gaano kalawak ang pinsala dulot ng kalamidad a. Preparedness c. Response b. Prevention &Mitigation d. Rehabilitation & Recovery _____7. Tumutukoy ito sa pagsisikap upang mabawasan ang malubhang epekto ng kalamidad. a. Needs Assessment c. Hazard Assessment b. Vulnerabilty Assessment d. Disaster Mitigation _____8. Ito ay tumutukoy sa pag-alam ng tagal kung kailan naranasan ang hazard. a. speed b. force c. duration d. frequency _____ 9. Tumutukoy sa sakop at tagal ng epekto ng hazard a. Saklaw b. Lawak c. Intensity d. Katangian _____ 10. Ito ay ang pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala. a. Predictability b. Intensity c. Katangian d. Manageability

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

  • tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t

ibang suliraning pangkapaligiran. Kailangang mauna ang yugtong ito upang

maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung anu-ano ang mga hazard,

mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng

kalamidad.

  • Ang bumubuo sa Unang Yugto ay: Disaster Risk Assessment (binubuo ng

Hazard, Vulnerability at Risk Assessment) at Capacity Assessment

Hazard Assessment Tumutukoy ito sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring maranasan ng isang lugar kung ito ay tamaan ng isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung anu-ano ang mga panganib na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar.

  • Pagkatapos makakuha ng impormasyon, maaari ng gawin ang: ✓ Hazzard Mapping – pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard, sakuna o kalamidad. Mahalaga na ang mapang gagamitin ay na-update upang ang bawat detalye ng lugar ay kabilang. ✓ Historical Profiling/Timeline of Events – ginagawa ito upang makita kung anu-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat ikonsidera ang Pisikal at Temporal na katangian nito

Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar Katangian Pag-alam sa uri ng hazard Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard Predictability Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala Sanggunian: Ondiz at Redito ( 2009 ) Temporal na Katangian ng Hazard

Sanggunian: Ondiz at Redito ( 2009 ) Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang. Duration Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil. Speed of Onset Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha. Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil, rebelyon, at pag-aaklas, industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog, pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.

Sa pagsusuring ito masusukat ang kahinaan at kakayahan ng

isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring

maranasan sa kanilang lugar. Ang Vulnerability Assessment ay ang

pagtaya ng kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o pamayanan

na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Sa

pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang matukoy ang

mga RISK.

Elements at risk

  • Tumutukoy ang elements at risk sa mga tao, hayop, mga pananim, bahay, imprastruktura, kagamitan, gusali para sa transportasyon at komunikasyon. Hal. vulnerable dahil sa lokasyon, malapit sa anyong tubig, kabundukan People at risk
  • Ito ay ang mga grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng hazard, sakuna at kalamidad. Hal. ang mga buntis , may kapansanan at may iniindang sakit ay maituturing na vulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang kondisyon.

Location of People at risk.

  • Ito ay ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable. Hal. vulnerable sa landslide, ang mga lugar na malapit sa paanan o gilid ng bundok.

Kailangang maging mulat ang mga mamamayan sa kung anong

klaseng hazard mayroon sa kanilang lugar. Dapat nilang malaman

ang panganib at banta sa kanilang lugar upang sa ganon ay

makapagplano sila. Ang pamahalaan naman ay kailangang

magkaroon ng maayos at konkretong plano sa paghahanda at

pagtugon sa kalamidad o sakuna.

Risk Assessment

  • Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan Dalawang uri ng Mitigation Structural Mitigation Non Structural Mitigation Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro na may fire exit ang mga ipinatatayong gusali. Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan, Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at hazard assessment.

Capacity Assessment

  • Ito ay ang pagtataya sa kakayahan ng komunidad na harapin at bumangon mula sa iba’t ibang uri ng hazard o kalamidad. Mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability ayon kina Anderson at Woodrow ( 1990 ) ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag - uugali tungkol sa hazard. Kategorya Deskripsyon Pisikal o Materyal Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard. Dito, tinataya ang kakayahan ng mga mamayan na maisaayos muli ang mga nasirang ari- arian , bagay o istruktura. Panlipunan Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa isang lipunan. Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan, maysakit, at iba pang pangkat na maaaring maging biktima ng hazard. Kasama rin dito ang pagiging vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan. Sa kategoryang ito ay napakahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan upang magkaroon ng kapasidad na maibangon muli ang kanilang pamayanan matapos tamaan ng hazard, sakuna o kalamidad. Pag-uugali tungkol sa Hazard May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad. sAng bawat mamamayan ay dapat maging bukas sa mga paghahanda, plano at gawain sa pagharap ng hazard, sakuna o kalamidad.

Sa Disaster prevention iniiwas ang isang pamayanan sa banta ng mga hazard at kalamidad, samantalang sa disaster mitigation sinisikap naman mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009 ). Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment Ayon kina Ondiz at Redito ( 2009 ), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:

  1. Nagikakaroon ng sistema sa pagkuha ng datos, sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
  2. Nagiging maalam ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Dahil dito nagkakaroon sila ng matibay na batayan sa kanilang mga dapat gawin para sa kanilang komunidad.
  3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
  4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
  5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

Sa yugtong ito nakapaloob ang mga hakbang o dapat gawin bago

at sa panahon ng pag tama ng kalamidad, sakuna o hazard. Layunin

ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang

ng mga maaapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang

pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at

mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na

kalamidad. Ito ay may tatlong pangunahing layunin:

1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad. 2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard. 3. To instruct – magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.

Ikatlong Yugto: Disaster Response

Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang hagupit ng pinsalang naidulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang yugtong ito sapagkat ito ang magsisilbing batayan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong mamamayan at pamayanan. Mayroon itong tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss Assessment. Batay kina Abarquez, at Murshed ( 2004 ), ang needs ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot, ang damage ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad, at ang loss naman ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon. Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng mga produkto, serbisyo, at imprastraktura na nasira o apektado. Halimbawa, ang pagkasira ng poste ng mga telecommunication company dahil sa malakas na bagyo ay damage, ang kawalan ng maayos ng komunikasyon ay loss. Ang pagtama ng Covid 19 sa mundo ay damage, ang paghinto ng mga serbisyo at produksyon ay loss.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Ang yugtong ito ay sumasalamin sa mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik ang kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya. Upang mas lalong maging malawak ang pagtutulungan at ang pagpaplano, binuo ang Inter-Agencty Standing Committee (IASC) at pinakilala ang Cluster Approach.

Gawain A. MAPAKALYE Gumawa ng mapa na nakapokus sa inyong kalye o kapitbahayan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  1. Anong mga hamon ang iyong kinaharap sa paggawa ng hazard assessement map?
  2. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng hazard assessment map?
  3. Gamit ang iyong mapang ginawa. Tukuyin ang mga lugar o bahay na kinakitaan mong malaki ang posibilidad na tamaan ng hazard. Kulayaan ang mga lugar na may posibilidad na tamaan ng: a. Pagbaha (kulayan ng “orange”) b. Lindol (kulayan ng “pula”) c. Bagyo (kulayan ng “dilaw” ) d. Sunog (kulayan ng “asul”)

Gawain B. MY HOME, MY CARE Suriin mo ang loob at labas ng inyong tahanan. Ikaw ay lumibot, magmasid at magtala ng ilang nakita mong kondisyon sa inyong: Pader/Dingding; Alulod/Bubong; Poste/hamba; Sahig; Bintana; Pintuan; Wirings/Kuryente; PunoHalaman; Katabing Tahanan/Gusali Sa pangkalahatan, masasabi mo bang handa, matibay o ligtas ang inyong sa tahanan sa: Bagyo? Lindol? Sunog? Baha? Paano mo nasabi? Ano ang nakikita mong kahalagahan ng iyong ginawa? Binabati ka namin at natapos mo ang araling ito. Bilang pagwawakas maaari mo bang isulat ang iyong mga nalaman sa araling ito? Nalaman ko sa Araling ito na _______________________________________________ at sisikapin kong matutugunan ang lahat ng ating natutunan sa pamamagitan ng ________________________________________.

Isulat ang salitang TAMA kung totoo ang pahayag ng bawat pangungusap at isulat naman ang tamang salita kung MALI ang nakasalungguhit na salita upang maging tama ang pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Speed ang temporal na katangian na tumutukoy sa tagal ng

pananalasa ng isang hazard.

_____ 2. Ang tinatayang kakayahan ng isang komunidad na harapin

ang ibat-ibang hazard ay tinatawag na Capacity Assessment.

_____ 3. Bahagi ng Hazard Profiling ay ang pagtukoy kung anu-

anong mga hazard ang naranasan ng isang lugar o komunidad.

_____ 4. Ang Mitigation ay ang mga kilos o hakbang na naglalayong

bawasan ang mga elementong nakapagpapalala sa negatibong

epekto ng sakuna.

_____ 5. Ang Disaster Response ay ang pagtatala ng mga pinsalang

naging dulot ng nagdaang hazard.

Isulat ang salitang TAMA kung totoo ang pahayag ng bawat pangungusap at isulat naman ang tamang salita kung MALI ang nakasalungguhit na salita upang maging tama ang pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 6. Sinisikap sa Disaster Recovery na magbigay impormasyon,

paalala at babala sa mga mamamayan.

_____ 7 .Ang kategoryang Pisikal ng VCA ay tumutukoy sa paniniwala

at gawi ng mga mamamayan sa paghahanda sa pagiging ligats sa

kalamidad.

_____ 8. Nakapaloob sa Disaster Rehabilitation ang Loss Assessment.

_____ 9 .Sa Hazard Assessment ang pagtukoy sa panahon kung

kailan maaaring maranasan ang isang hazard ay tinatawag na

Predictability.

____10. Ang paggawa ng dike, paglalagay ng sandbags at pagsisiguro

sa mga fire exits ay kabilang sa mga halimbawa ng Non-Structural

Mitigation.

MAHUSAY! Binabati kita at natapos mo pag-aralan at sagutan

ang mga Gawain dito sa STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS!

IKAW ay dadako na sa susunod na PAKSA!

  • Araling Panlipunan Draft LM Page. 103 138
  • Department of Education. Araling Panlipunan 10 Kagamitang Pansanay , Learners Modyul.
  • April Eve A. Salvacion , Araling Panlipunan : Unang Markahan Modyul 5: Mga Hakbang sa Pagbuo Community Based Risk Reduction Management Plan (CBDRRMP) ( Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education SOCCSKSARGEN Region) 13 18