Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

18 Police Officers Caught Napping and Drinking on Duty: Charges Filed by NCRPO Chief, Cheat Sheet of Technology

In a surprise inspection, 18 police officers were caught napping and drinking while on duty at their respective precincts in maricaban, pasay and sucat, muntinlupa. Ncrpo chief oscar albayalde discovered this during a routine check to ensure the alertness of his officers. The officers, including inspectors ferdinand duren and mark oyad, and po2 michael del monte, po1 jocelyn monterp, and po1 george guay, were suspended and could face administrative charges. If found guilty, they may be suspended for up to 15 days and could lose their bonuses and wages. Albayalde also recommended that these officers be transferred to mindanao for their safety.

Typology: Cheat Sheet

2019/2020

Uploaded on 11/20/2021

princess-gomez-2
princess-gomez-2 🇵🇭

5 documents

Partial preview of the text

Download 18 Police Officers Caught Napping and Drinking on Duty: Charges Filed by NCRPO Chief and more Cheat Sheet Technology in PDF only on Docsity!

18 pulis na nahuling tulog, nag-iinuman

kakasuhan; baka ideploy sa Mindanao –

NCRPO chief Albayalde

Posted By: Analy Soberanoon: February 08, 2018 | 3:31 AMNo Comments Sasampahan ng kasong administratibo ang 18 pulis na nahuling natutulog at nag iinuman habang naka duty. Mismong si National Capital Region Police Office chief P/Dir. Oscar Albayalde ang nakahuli na tulog sa presinto ang mga on-duty na pulis nang magsagawa ito ng surprise inspection kaninang madaling araw. Labing-apat na mga pulis sa Police Community Precint (PCP)- 8 sa Maricaban, Pasay, kabilang si S/Insp. Ferdinand Duren ang nahuling tulog na tulog ng heneral. Apat naman sa PCP-4 sa Sucat, Muntinlupa, kabilang si S/Insp. Mark Oyad na kainuman si PO2 Michael Del Monte, habang naka-half uniform sina PO1 Jocelyn Monterp at PO George Guay. Ginawa ni Albayalde ang surprise inspection para i-check ang alertness ng mga pulis habang naka-duty ang mga ito. READ: 'Panis na pagkain, dahilan ng pagkalason ng halos 40 atleta sa Davao'

Aminado ang opisyal na may natanggap siyang mga reklamo na hindi nagtatrabaho ang ilang mga pulis. Giit ni Albayalde na mapi-precharge ang 18 pulis at magsasampa sila ng administrative charges laban sa mga ito. Kapag nakitaan ng probable cause ang mga nasabing pulis maaaring masuspinde ng pito hanggang 15 araw ang mga ito at kapag suspindido ang mga ito ay otomatikong matatanggal ang kanilang bonus at mababawasan ang kanilang sahod. Dagdag pa ni Albayalde na kaniyang irerekomenda kay PNP chief Ronald Dela Rosa na ipadala sa Mindanao ang mga ito nang sa gayon maranasan din ng mga ito ang buhay sa mga lugar na mataas ang antas ng seguridad. READ: Epekto ng 'Boracay crisis' sa turismo 'very minimal'

- DoT Aniya, napakadelikado ang ginawa ng mga pulis sa Maricaban PNP na lahat tulog sa alanganing oras dahil sakaling pasukin ng mga kriminal ang istasyon, tiyak tangay lahat ang kanilang mga baril o kaya ay napatay ang mga ito. At ang pag-iinom habang naka-duty at lalo na sa loob ng police station ay mahigpit na ipinagbabawal. Habang ang kaso ni S/Insp. John Glenn Siguan ng Malibay PCP ay under deliberation pa kung may katwiran ang dahilan na nagpahinga lang ito dahil bilang PCP Commander ay maghapon magdamag ang kaniyang duty.