




















Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
1 / 28
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!





















Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan - Module 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607- 8137 E-mail Address: [email protected] Mga Manunulat: Ronald P. Alejo Editor: Edgar L. Pescador Monabelle S. Ablog Tagasuri: Gina A. Amoyen Editha T. Giron Tagaguhit: Ariel P. Peralta Tagalapat: Vivian T. Del Castillo Meynard Jerel T. Luczon Melanie Mae N. Moreno Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Arlene A. Niro Gina A. Amoyen Editha T. Giron Edgar L. Pescador Elsie C. Amorin Monabelle S. Ablog
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin Ang kagalingan at pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang mamamayan. Tungkulin ng bawat isa na gampanan nang maayos ang naiatang na tungkulin upang makamtan ang inaasam na pagbabago sa lipunan. Mahalagang pag-aralan at maunawaan mo ito upang sa hinaharap, ikaw ay maging kabahagi sa pagtugon sa mga hamong ito. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral. Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Ang modyul na ito ay tatalakay sa Aralin 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto : Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. ( AP10Q4MELC4 ) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan upang magkaroon ng mabuting pamahalaan; nagagampanan nang maayos ang mga tungkuling ito upang magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan; at napahahalagahan ang papel ng mamamayan bilang susi sa pagkamit ng mabuting pamahalaan.
Balikan Bago ka magpatuloy sa mga inihandang gawain para sa iyo, ating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain. Galingan mo!
Ibigay ang iyong opinyon o interpretasyon sa sumusunod na pahayag. Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong sagot.
Panuto: Sa hiwalay na papel, buoin ang talaan ng mga gawaing pansibiko batay sa iyong sariling karanasan. Nagawa Ko Na ... Balak Kong Gawin ... Hindi Ko Magagawa ... Mga Dahilan Mga Dahilan Mga Dahilan Mga Gawaing Pansibiko
Tuklasin Bago ipagpatuloy ang pag-aaral tungkol sa katangian na dapat taglayin ng aktibong mamamayan at ang kahalagahan nito sa lipunan, subukin mong sagutin ang sumusunod na paunang pagtataya upang iyong masukat kung hanggang saan ang iyong kaalaman sa aralin.
Panuto: Maglista ng mga katangian na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
Panuto: Gamit ang sariling sagutang papel,lagyan ng tsek (✔) ang hanay na naaayon sa iyong sagot. Ikaw ba ang inilalarawan nito? Ako Paminsan
- minsan Bihira Hindi Ako
Kung bawat isa sa atin ay ginagampanan nang maayos ang ating tungkulin bilang isang mapanagutang mamamayan, makakamtan ng lipunan ang pagkakaisa at kaunlaran. Ang sumusunod ay nararapat isabuhay: Naglahad din si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito, maaaring magbunga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan. Ikaw ay kasapi sa lipunan at inaasahan na ikaw ay kaakibat hangaring ito upang makamtan ang inaasam na pagbabago. Ang mga iniatang sa iyong mga tungkulin ay kailangang gampanan nang maayos upang makamtan ang pambasansang kapayapaan at kaunlaran. Labindalawang Maliliit na Gawain Upang Makatulong sa Bansa
1. Sumunod sa batas trapiko Ang pagsunod sa batas trapiko ang pinakasimpleng batas na dapat matutuhan ng bawat Pilipino. Napakasimple subalit ito ay nagpapakita nang mataas na antas ng disiplina sa sarili. Disiplina ang kailangan sa ikauunlad ng bayan. Ang problema sa trapik ang dahilan kung bakit nasasayang ang oras ng mga mamamayan, hindi nagiging episyente ang mga manggagawa dahil naaantala ang kanilang mga gawain, maraming pera, at proyekto ang nasasayang at higit sa lahat may mga buhay na naisasakripisyo. Lumalala ang problema sa trapik dahil sa kawalan ng disipina ng mga motorista. Pansariling interes lamang ang kanilang tinitingnan na parang ang oras lang nila ang mahalaga. Nalilimutan nilang mahalaga ang bawat minuto sa tao. Sa kanilang pagmadali, nagiging sistema sa lansangan ang singit dito, singit doon, na nagdudulot ng lalong pagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan. 2. Humingi ng resibo kapag bumibili Ugaliin ang paghingi ng opisyal na resibo tuwing bumibili ng produkto o gumagamamit ng serbisyo. Ang paghingi ng opisyal na resibo ay isa sa paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo. Sa paghingi ng opisyal na resibo, natitiyak natin na ang EVAT, isang uri ng buwis ay napupunta sa gobyerno. Napakahalaga ang papel ng buwis sa lipunan. Ito ang isa sa pinanggagalingan ng pondo ng pamahalaan. Ang nalikom na buwis mula sa mamamayan ang ginagamit ng gobyerno upang pondohan ang mga programa o proyekto para sa panlipunang kapakanan. 3. Tangkilikin ang sariling produkto Walang mas hihigit na pagpapakita ng pagmamahal sa bansa kundi ang ipagmalaki ang kanyang sariling tatak o pagkakakilanlan at ang pagtangkilik nito sa sariling produkto. Kung bawat Pilipino ay prayoridad niya sa pagbili ang sariling produkto, hindi malayo na uunlad ang bansa natin. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nagbubunga ng: pagtaas sa demand ng lokal na produkto, pagtaas ang kita ng mga lokal na prodyuser, pagtaas ng buwis na malilikom ng gobyerno at higit
sa lahat, magbubukas ito ng oportunidad sa mga walang trabaho. Sa madaling salita, lalago ang ekonomiya ng ating bansa. Nararapat alalahanin ng bawat Pilipino na sa bawat pagtangkilik sa sariling produkto, ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa bayan; tinutulungan niyang umangat ang naghihingalong ekonomiya ng bansa.
4. Maging positibo sa pagpapahayag sa sariling bansa Maging mabuting tagapagsalita sa sariling bansa. Sino pa nga ba ang magmamalasakit at maghayag nang positibo sa bansang Pilipinas kundi tayong mga Pilipino? Kung mabuting tagapagsalita ang bawat isa, magiging buhay na buhay ang turismo. Maaring makukumbinsi ang mga dayuhan na pasyalan at tuklasin ang nakatagong ganda ng ating bansa o maaring mahikayat silang magtayo ng negosyo rito. 5. Igalang ang mga lingkod bayan Ang pagpapakita ng paggalang sa mga lingkod bayan ay pagpapakita ng pagsuporta sa lipunan. Tumataas ang kompiyansa nila sa kanilang sarili at nabibigyan ng dignidad ang kanilang propesyon kaya’t pinagbubuti nila ang kanilang paglilingkod sa bayan. 6. Itapon nang wasto ang basura Napakahalaga ang kalikasan sa buhay ng tao at sa pagkamit ng kaunlaran. Sa kalikasan nagmumula ang pantustos sa pang-araw araw na pangangailangan. Ang mga hilaw na sangkap na isinasaproseso upang gawing kapaki-pakinabang na produkto ay nagmumula sa kalikasan. Wala kang maiiisip na anomang bagay na hindi produkto ng kalikasan. 7. Suportahan ang simbahan Ang pagsuporta sa simbahan ay pagsuporta sa kapus-palad. Ang donasyon na ibinibigay natin sa simbahan ay ginagamit para sa mga kawanggawa kung saan nakikinabang ang sambayanang Pilipino na nasa laylayan ng lipunan. 8. Gampanan ang tungkulin tuwing eleksiyon Ang pagboto ay proseso ng pagpili sa magiging lider o pinuno ng isang pamayanan o isang bansa. Ito ay karapatang ipinagkaloob ng estado sa bawat mamamayan upang mailuklok sa puwesto ang pinipili ng nakararami. Sa pagboto, nararapat na isaalang-alang ang kapakanan ng bansa; iboto ang kandidatong karapat dapat sa posisyon. Tandaan, ang kaunlaran ng ating bansa ay nakasalalay sa ating kamay. Gamitin ang kapangyarihan na baguhin ang lipunan at bumoto nang naayon sa dikta ng konsensiya. 9. Maayos na maglingkod sa pinaglilingkuran Ibigay kay Juan ang dapat para kay Juan. Wala nang mas hihigit pang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa kundi ang pagbibigay nang tamang pasahod sa manggagawa. Ang tagumpay ng bawat kompanya ay nakasalalay sa episyenteng kamay ng bawat manggagawa. Kung tama ang ibinibigay na pasahod at
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin ‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Ticket lamang ang tinatanggap kong binibigay At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno. ‘Di ako nagkakalat nang basura sa lansangan. ‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagan ko ang aking kapaligiran ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan Di ko binubulsa ang pera ng Bayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Ginagalang ko ang aking kapwa tao Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko. ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin. Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Sanggunian: Cabangon, N. (Composer). (2009). Ako'y Isang Mabuting Pilipino. [N. Cabangon, Performer] Manila, Philippines Mga Gabay na Tanong:
Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag sa kahon. Suriin kung ito ay Karapatan o Pananagutan ng isang Mamamayang Pilipino. Kung Karapatan ng Mamamayan, isulat sa patlang bago ang bilang ang akronim na NIA (Nararapat Ibigay sa Akin) kung Pananagutan, isulat ang NKG (Nararapat Kong Gawin). Gawin ito sa hiwalay na papel. Pagyamanin
Panuto: Pumili ng gawaing iyong naiibigan sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel. Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Lumikha ng isang tula na nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan. Gumawa ng islogan tungkol nararapat gawin ng isang mamamayan sa lipunan. Sumulat ng sanaysay na tumatalakay sa papel ng mamamayan sa lipunan. _____1. Tangkilikin ang sariling produkto. _____ 2. Pangalagaan ang kalikasan. _____ 3. Panatilihing ligtas at maayos ang kapaligiran. _____ 4. Magbayad ng tamang buwis sa gobyerno. _____ 5. Maihayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa mga isyu. _____ 6. Humingi ng opisyal na resibo sa binibiling produkto. _____ 7. Palaging sumunod sa batas at panukala. _____ 8. Positibong pagpapahayag sa sariling bansa _____ 9. Makisali sa pagboto, referendum , at plebisito. _____ 10. Tulungan ang kapus-palad at magkawanggawa. _____ 11. Mapakinggan at matugunan ang mga hinaing. _____ 12. Dumaan sa tamang proseso ng paglilitis. _____ 13. Masiguro ang proteksiyon at pantay na pagtingin ng batas. _____ 14. Mabigyan ng tamang impormasyon sa mga nangyayari sa lipunan. _____ 15. I-ulat sa kinauukulan ang anumang nakikitang paglabag sa batas.
Panuto: Unawaing mabuti ang mga isyu sa Kolum A. Isulat sa Kolum B ang iyong gagawing solusyon sa mga nailahad na isyu sa Kolum A. Gawin ito sa iyong sariling sagutang papel. Isaisip Binabati kita! Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na naunawaan mo na ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa iyong isipan batay sa layunin ng modyul na ito. Upang ipakita ang pagkaunawa sa paksa, tapusin ang gawain sa ibaba. Kolum A: Isyu Kolum B: Mungkahing Solusyon Itinatakwil si ArBen ng inyong kaklase dahil siya lang ang may ibang relihiyon sa inyong lahat. Halos araw-araw sinasaktan ang kapitbahay ninyong bata ng kanyang amain nang walang sapat na dahilan. Malawakan na ang illegal na pagputol ng mga punong kahoy sa kabundukan malapit sa tahanan ninyo. Niyayaya ka ng iyong kaklase na sumama sa isasagawang marahas na welga laban sa gobyerno. Malapit na ang eleksiyon at laganap ang vote-buying sa inyong barangay.
Panuto: Punan ng tamang sagot ang summary chart: Ako ay Isang Mabuting Pilipino Katangian ng Isang Mabuting Mamamayang Pilipino
Mga Hamon ng Pagkamamamayan