B____ NATIONAL HIGH SCHOOL
1st Summative Test, 3rd Quarter- AP 9
February 13, 2024
Name: __________________________ Score: ______________
_______________________________________________________________________________________________________________
I. Multiple Choice: Piliin at bilugan ang
1. Angdemand ay ang dami ng produkto o serbisyo na gusto at
kayang bilhin ng mgamamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang
takdang panahon. Kung ikaw ay may baong₱100 isang araw,
alin sa mga sumusunod nasitwasyon ang maaaring
magpakita ng iyong demand?
A. Ang pagnanais mong bumili ng Milktea na
nagkakahalagang ₱85.
B. Ang pagnanais mong magpaload ng ₱350
paramakapag-internet.
C. Ang pagnanais mong sumama sa iyong mga kaibigan
saTime Zone na nangangailangan ng badyet na ₱200.
D. Ang pagnanais mong kumain sa Mang Inasal
nanagkakahalagang ₱120.
2. Kapansin-pansin na tumataas ang demand sa bigas kapag
may napapabalitang paparating na bagyo. Ito ay bunga ng
pagiging handa ng mga mamamayan sa maaaring pagbaha
at maaaring pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na araw.
Sa ganitong sitwasyon, alin sa mga sumusunod na salik ang
nakaaapekto sa demand ng mga mamamayan?
A. Dami ng mamimili
B. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
C. Okasyon
D. Panlasa
3.Nagsimula si Simeona bilang isang clerk sa isang pabrika.
Subalit, dala ng kanyang kasipagan,na-promote siya bilang
manager sa lamang ng isang taon. Alin sa mga
sumusunodang mangyayari sa demand ni Althea para sa
damit?
A. Bababa, dahil marami ang magreregalo sa kanya nito.
B. Bababa, dahil bibili siya ng kotse.
C. Tataas, dahil kailangan niyangmagmukhang mas may
pera kaysa sa mga tauhan niya.
D. Tataas, dahil tataas na ang kanyang sweldo.
4.Kamakailan ay nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa bigas sa
pamilihan. Nag-iisang tindahan sa loob ng isang subdibisyon
na malayo sa palengke ang tindahan ni Mang Lucio. Isa sa
pangunahing pangangailangan ng mga mamimili ang bigas
kaya bibilhin pa rin ito kahit mataas ang halaga. Sa ganitong
sitwasyon, ano ang maaaring gawin ni Mang Lucio gayong
siya lamang ang may tinda ng bigas sa kanilang lugar?
A. Itataas ang supply para higit na tumaas ang kanyang
kita.
B. Hindi babaguhin ang supply parabumaba ang presyo.
C. Itataasang supply para mas kaunti ang makabibili.
D. Ibababa ang supply para mas maramiang makabibili.
5. Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay kinuhang
endorser ng Nescafe dahil sakanilang kasikatan. Alin sa
mga sumusunod ang maaaring mangyari sa
mgaproduktong kanilang inendorso?
A. Tataas ang presyo upang mabawi ngnegosyante ang
mataas na talent fee.
B. Bababa ang presyo dahil magkakaroonng kompetisyon
sa ibang artista na nag-eendorso ng produkto.
C. Tataas ang presyo dahil sa marami silang mga
tagahanga na tumatangkilik sa kanilang mga
produkto.
D. Bababa ang presyo upang mas lalo pang tangkilikin ng
maraming mamamayan.
6.Hindi lingid sa kaalaman nga mga mamimili na ayaw
magbenta ng produkto ang mga negosyantesa mababang
halaga. Ito ay nagiging bunga ng hoarding upang hintayin
angpagtaas ng presyo nito bago nila ilabas sa pamilihan.
Alin sa mga sumusunod nasalik ng supply ang tinutukoy sa
nabanggit na sitwasyon?
A. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda.
B. Pagbabago sa presyo ng kaugnay naprodukto.
C. Ekspektasyon ng presyo
D. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon.
7.Ano ang ipinapahiwatig sa presyo kapag ang halaga ng isang
produkto ay nagkakapareho sa dami ng pangangailangan at
panustos?
A. Sa sitwasyong ito umiiral angkatatagan ng presyo.
B. Nagkakaroon ng interaksyon ng demand at suplay.
C. Nangangahulugan na ang presyo ng isang produkto ay
handang magsuplay ang mga prodyuser sa gustong
dami ng mamimili.
D. Ekwilibriyo o balanse ang Pamilihan
8.Dalawang tangke ng gasul ang binili ng tatay mp sapagkat
ayon sa balita, tataas angpresyo nito sa mga darating na
araw dahil na rin sa mataas na presyo ng langissa
Pandaigdigang pamilihan. Sa paanong paraan nakaapekto
ang sitwasyong ito sa pagbili ng tatay mo ng dalawang
tangke ng gasul?
A. Mas okay na magpanic buying parahindi maranasan
ang nakaambang kakulangan sa gasul.
B. Maaaring ibenta ng tatay mo sa mataas na presyo ang
isang gasul kapag naranasan na ang kakulangan nito
sa merkado.
C. Naging ugali na ng tatay mo na maging maagap kapag
may inaasahang krisis.
D. Nakikita na ng tatay mo na liliit ang kakayahan ng
kanyang pera na makabili ng dalawang tangke ng
gasul kapag tumaas ang presyo nito.
9. Suriin ang sitwasyon at alamin ang epekto nito sa
kalagayan ng pamilihan. Sa panahon ngayon na may
COVID19 pandemic maraming mga manggagawang nasa
sektor ng paglilingkod tulad ng mga tsuper, waiter,hotelier
ang nawalan ng kabuhayan, ano ang magiging epekto nito
sa kalagayan ng pamilihan.
A. pagbaba ng demand