Cavite Mutiny Debate Script, Essays (high school) of English

Cavite Mutiny Debate :an important event in the history

Typology: Essays (high school)

2019/2020

Uploaded on 03/06/2020

Jsmn
Jsmn 🇵🇭

4

(4)

1 document

1 / 10

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
(Nasa unahan na ang 6 na magdedebate pati na rin ang mga adjudicators)
Master Panelist (Ella):
Magandang hapon sa ating lahat! Ako po si Ivy Rose Siscar at ako po ang inyong magiging master
panelist sa araw na ito.
Ngayon ay masasaksihan natin ang isang debate na patungkol sa pag-aaklas na ginanap sa
Cavite, o ang tinatawag na Cavite Mutiny. Ang debate ring ito ay magtatalakay sa paghatol ng
kamatayan sa tatlong paring martyr ng Pilipinas o mas kilala bilang GOMBURZA na may matinding
koneksyon sa nasabing pag-aaklas. Ang pormat na gagamitin natin sa debateng ito ay ang Asian
Parliamentary Debate Format.
(Ivy explains the rules of the Asian Parliamentary Debate briefly)
In the Asian Parliamentary format there are 2 teams of 3 speakers each. The team that
supports the topic is called the Government and the team that opposes the topic is called the
Opposition. Each speaker speaks for 7 minutes, in alternating order. First speaker from
Governement, then first speaker from Opposition, then second speaker from Government, then
second speaker from Opposition and so on. At the end of these 6 speeches, each team can
make a shorter Reply speech, for minutes. Either the first or second speaker of each team will
have the chance to make this speech. This time the Opposition will start, followed by the
Government.
Halina’t makinig at matuto sa mga ideya at impormasyong kanilang ibabahagi ukol dito.
Tawagin na natin ang magpapasimula ng debate, ang Prime Minister mula ng panig ng
gobyerno.
(Tatayo si Jayson sa unahan na nakaharap muna sa audience at adjudicators)
Adjudicator/ Timer (Kayser): Mr. Speaker, your time starts now.
(Kayser kapag nag-1 minute na, palakpak ka lang ng isang beses)
Prime Minister (Jayson):
Magandang hapon sa ating mga adjudicators at sa iba pang naririto sa loob ng silid-aralang ito.
Isa sa nagpasimula ng pangkalahatang pag-aalsa ng buong bansa laban sa mga Kastila ay ang
pagpapapatay sa tatlong Paring sila Padre Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora, o mas
kilalang GomBurZa. Dahil dito, nagkaroon ng inspirasyon ang ating pambansang bayani na si Gat Jose
Rizal upang tapusin ang kanyang pangalawang nobela na pinamagatang El Filibusterismo.
Sinasabi na inialay niya ito para sa tatlong paring martir. Dahil rin dito, napukaw ang damdaming
makabayan ni Andres Bonifacio at itinayo niya ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katiputan na mga
Anak ng Bayan o KKK. Sa mga kilusang ito, nagkaroon ng lakas ng loob si Emilio Aguinaldo na talikuran
ang prestirhiyosong pamumuhay para lang sa kapakanan ng bayan. Kinalaunan ay idineklara niya ang
kalayaan ng Pilipinas sa Cavite sa pamamagitan ng pagwagayway ng watawat ng bansa.
Naging posible lahat ng ito dahil naging isang ehemplo ng kalupitan at abuso sa kapangyarihan
ang Espanyol sa pagpapapatay sa tatlong paring nasabi. Maaaring masasabi natin na isa ito sa pumukaw
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download Cavite Mutiny Debate Script and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity!

(Nasa unahan na ang 6 na magdedebate pati na rin ang mga adjudicators) Master Panelist (Ella): Magandang hapon sa ating lahat! Ako po si Ivy Rose Siscar at ako po ang inyong magiging master panelist sa araw na ito. Ngayon ay masasaksihan natin ang isang debate na patungkol sa pag-aaklas na ginanap sa Cavite, o ang tinatawag na Cavite Mutiny. Ang debate ring ito ay magtatalakay sa paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martyr ng Pilipinas o mas kilala bilang GOMBURZA na may matinding koneksyon sa nasabing pag-aaklas. Ang pormat na gagamitin natin sa debateng ito ay ang Asian Parliamentary Debate Format. (Ivy explains the rules of the Asian Parliamentary Debate briefly)

In the Asian Parliamentary format there are 2 teams of 3 speakers each. The team that

supports the topic is called the Government and the team that opposes the topic is called the

Opposition. Each speaker speaks for 7 minutes, in alternating order. First speaker from

Governement, then first speaker from Opposition, then second speaker from Government, then

second speaker from Opposition and so on. At the end of these 6 speeches, each team can

make a shorter Reply speech, for minutes. Either the first or second speaker of each team will

have the chance to make this speech. This time the Opposition will start, followed by the

Government.

Halina’t makinig at matuto sa mga ideya at impormasyong kanilang ibabahagi ukol dito. Tawagin na natin ang magpapasimula ng debate, ang Prime Minister mula ng panig ng gobyerno. (Tatayo si Jayson sa unahan na nakaharap muna sa audience at adjudicators) Adjudicator/ Timer (Kayser): Mr. Speaker, your time starts now. (Kayser kapag nag-1 minute na, palakpak ka lang ng isang beses) Prime Minister (Jayson): Magandang hapon sa ating mga adjudicators at sa iba pang naririto sa loob ng silid-aralang ito. Isa sa nagpasimula ng pangkalahatang pag-aalsa ng buong bansa laban sa mga Kastila ay ang pagpapapatay sa tatlong Paring sila Padre Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora, o mas kilalang GomBurZa. Dahil dito, nagkaroon ng inspirasyon ang ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal upang tapusin ang kanyang pangalawang nobela na pinamagatang El Filibusterismo. Sinasabi na inialay niya ito para sa tatlong paring martir. Dahil rin dito, napukaw ang damdaming makabayan ni Andres Bonifacio at itinayo niya ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katiputan na mga Anak ng Bayan o KKK. Sa mga kilusang ito, nagkaroon ng lakas ng loob si Emilio Aguinaldo na talikuran ang prestirhiyosong pamumuhay para lang sa kapakanan ng bayan. Kinalaunan ay idineklara niya ang kalayaan ng Pilipinas sa Cavite sa pamamagitan ng pagwagayway ng watawat ng bansa. Naging posible lahat ng ito dahil naging isang ehemplo ng kalupitan at abuso sa kapangyarihan ang Espanyol sa pagpapapatay sa tatlong paring nasabi. Maaaring masasabi natin na isa ito sa pumukaw

sa damdamin ng bayan ngunit ang pagdeklara ng mga Filipino na ang pagpapapatay sa tatlong pari ay immoral at walang dahilan ay hindi lubusang katanggap-tanggap. KAYA NAMAN NANINIWALA ANG PANIG NA ITO NA ANG PAGHATOL NG MGA KASTILA NG PARUSANG KAMATAYAN SA TATLONG PARI AY TAMA AT NARARAPAT LAMANG. (Premise 1) Ito ay dahilang ito ay ipapalabas ko sa pamamagitan ng aming unang argumento. NOONG NANGYAYARI ANG PAG-AAKLAS NG MGA PINOY LABAN SA MGA KASTILA SA CAVITE, NAGMISTULANG WALANG PAKIALAM ANG MGA NASABING PARI SA PAG-AAKLAS KAHIT DALAWA SA KANILA ANG MAY DUGONG ESPANSYOL. (Argument 1) Dahil dito, nagmistulang kakampi ng mga pari ang mga nag-alsa sa Cavite. Bukod pa dito, ang mga nasabing pari ay malapit sa pinagmulan ng pag-aalsa kaya imposibleng hindi nila malaman ang mga ito. Mas nauna pang malaman ng gobernadora-heneral ang pag-aalsa noong nagkaroon ng giyera sa Forte na pinamunuan ni Sgt. Fernando La Madrid. Dito pinagpapatay nila ang mga sundalong Kastila ngunit mabilis nawala ang Fort noong ipinadala ni Gobernador-heneral Rafael de Izquierdo si Heneral Felipe Ginoves upang sugpuin at mapasailalim muli ang Forte sa mga Kastila. Napatay sila Sgt. La Madrid pati na rin ang kanyang mga kasamahan. Ang iba ay hinatulan ng kamatayan at pwersahang pagta-trabaho. Sa puntong ito, alam na ng mga Kastila na may nangyayari nang kilusan laban sa kanila. Kung ang mga paring ito ay kakampi ng mga Kastila, sila na mismo ang magsusumbong sa mga nasa taas na may nangyayaring kilusan bago pa man mangyari ang giyera sa Forte. (Lahat ng mga nasa oposisyon ay tataas ang kamay at magsasabi ng “Punto!”) (Hindi papansinin ni Jayson dedma lang) Malinaw na masasabi dito na may kinalaman ang mga pari sa kadahilanang sila lang ang may katangi-tanging adbokasiya na palakasin ang kapangyarihan ng mga paring Filipino sa pagkontrol sa mga simbahan. (Magpupunto uli si Bradley at ito ay tatanggapin naman ni Jayson) Deputy Leader of the Opposition (Bradley): Paano mo nasabing ang hindi pakikialam ng mga pari ay kataksilan na sa gobyerno? Hindi ba pwedeng ayaw lang nilang mangialam kasi hindi naman dapat nila ito kasangkutan? (Rebut 1) Prime Minister (Jayson):

Upang patunayan ang aming paniniwala, narito ang una naming argumento: WALANG EBIDENSYA NA ANG MGA PARING ITO AY MAY KINALAMAN SA PAG-AAKLAS SA CAVITE AT NAPAKALAKING HATOL NAMAN NG KAMATAYAN ANG IBINIGAY SA KANILA KAHIT WALANG KONKRETONG EBIDENSIYA ANG MGA KASTILA. (Argument 1) Ayon nga sa mga pag-aaral, ang mga Kastila ay walang binigay na ebidensya laban sa mga pari. Nagkaroon lamang ng paunti-unting ebidensya na sa katunayan ay minadali lang ng batas at wala talagang basehan. Dagdag pa rito, kalaban na ang tingin ng mga Kastila sa mga paring ito hindi dahil sa malapit ang mga paring ito sa mga Pilipino, kundi ang mga paring ito ay mga natatanging mga adbokasiya na itaas ang mga Pilipinong paring sekular sa larangan ng relihiyon at sa kapangyarihan. Alam naman natin na mas may kapangyarihan ang mga Kastila kaysa sa mga Pilipino noon kaya madali nilang nagagawa ang mga bagay-bagay na ito kagaya na lang ng mabilis na paghatol ng kamatayan sa mga pari. (Magpupunto si Elmar at tatanggapin naman ni Shai) Deputy Prime Minister (Elmar): Paano mo masasabi na walang pinagbasehan ang mga Kastila noon? Alam naman nating lahat na ang mga paring iyon, lalong-lalo na Padre Jose Burgos, ang pasimuno ng reporma para sa mga sekular na paring Pilipino na salungat sa utos mula sa Espanya. Hindi mo ba maisasama bilang ebidensya ang isang katotohanang iyon? Leader of the Opposition (Shainna): Hindi sapagkat ang pinag-uusapan natin ay ang pag-aalsa sa Cavite at pagbibintang sa kanila, hindi ang mga repormang ipinaglalaban nila. (Habang sinasabi niya ito, magsasalita ang opp side ng ‘hear hear hear’ ) (Siyempre durog na ako dito sa statement na to.) Babalik tayo sa ipinaglalaban natin. Katulad ng sinabi ko kanina, kayang gawin lahat ng mga Kastila dahil mas makapangyarihan sila. Kaya nila pinapatay agad ang mga paring ito dahil iba ang rason ng mga Kastila. Ito ay upang lubusang humina ang pwersa ng mga paring Pilipinong sekular. Bilang isang gobernador-heneral, Sinigurado ni Izquierdo na ang kapangyarihan ay mananatili sa mga Kastila sa kadahilanang natakot ang mga ito na mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Mexico na kung saan lumaya ang mga ito dahil sa mga pari roon. Walang kasalanan ang mga paring ito sapagkat pinayagan ang mga reporma nila ng naunang gobernador-heneral na si Dela Torre kaya legal pa ang mga aksyong ito noon. Dahil sila lang ang may adbokasiya na gawin ito, pinagmabuti ni Izquierdo na patayin ang mga pari upang mabawasan ang kanilang pag-asa na magkakaroon pa ng reporma at pagbabago. Isa na rin ang pagbibigay ng ehemplo sa mga Filipino na ganito ang kahihinatnan nila kapag kinalaban ang gobyerno. Dito nagtatapos ang aking argumento, ang dalawang susunod na argumento ay ibibigay sa inyo ng isa pang magsasalita galing sa aming panig.

Adjudicator/ Timer (Kayser): Time! Maraming salamat Ms. Speaker. Ang iyong oras ng pagsasalita ay ____ minute. Master Panelist (Ella): Ngayon naman tawagin na natin ang susunod na magsasalita mula naman sa panig ng gobyerno. Adjudicator/ Timer (Kayser): Mr. Speaker, your time starts now. (Kayser kapag nag-1 minute na, palakpak ka lang ng isang beses) Deputy Prime Minister (Elmar): Magandang araw. Sinabi kanina sa oposisyon na ang maunti sa wala ang ebidensyang ibinigay ng mga Kastila upang ipapatay ang mga pari. Maaari ko lang sabihin sa inyo na may tinatawag tayong mga konpidensyal na mga dokumento na hindi lahat ipinapalabas sa mga tao sa panahong iyon. Ang mga nakakalap lang natin na impormasyon ay hindi kumpleto sapagkat ang iba pang mga dokumento na may kinalaman sa paglilitis ng mga pari ay hindi pa nakukuha ng mga iskolar at researcher ng bayan. Kung susumahin natin, wala pang ipinapalabas na pormal na mga pangyayari sa kapanahunan ng paglilitis sa tatlong pari. Sa katunayan, ang mga dokumentong ito ay nasa loob pa ng Archivo General Militar sa Segovia at hindi pa ipinapalabas sa publiko. Ngayon para sa aming dalawang huling argumento upang mapagtibay ang aming paninindigan an gang sumusunod: UNA, IPINAGPATULOY PA RIN NI PADRE BURGOS ANG PAGPAPAPASA NG MGA REPORMA PARA SA MGA SEKULAR NA PARING PILIPINO KAHIT HINDI NAMAN KAILANGAN. (Argument 2) AT PANGHULI, HINDI NAGSALITA ANG MGA PARI LABAN SA MGA KASTILA SA LOOB NG DALAWANG ARAW AT ANG IMPLIKASYON NITO SA GOBYERNO AY ANG PAGKA-AMINADO NILA SA KANILANG MGA KASALANAN. (Argument 3) Para sa una kong inilahad na argumento, si Padre Burgos ay isang estudyante ni Padre Pelaez na may katularan din sa kanyang adbokasyon ngayon. Sa katunayan kay Padre Pelaez niya nakuha ang magsumite ng mga reporma na nagpapa-angat sa kalagayan ng mga paring Pilipino sa bansa. Hindi naman siya anak si Padre Burgos at estudyante lamang siya. Maaaring nakuha niya ang kanyang mga adhikain ngayon bilang isang inspirasyon sa namatay niyang guro ngunit sa kabilang dako, hindi niya pa rin kailangang ipagpatuloy ang repormang ito kahit hirap na hirap na si Padre Pelaez na makipaglaban sa mga paring Kastila. Ang tanong, bakit kailangan pa niyang lumaban sa isang repormang malabo nang mangyari noon pa lang? At bakit kahit sa pagdating ng bagong gobernadora-heneral na si Izquierdo, ipinagpatuloy niya ang pagpapapasa ng mga reporma?

loob ng selda, hindi natin alam. Hindi natin pwedeng gawing argumento ang isang bagay na may maraming ibig sabihin. Ngayon tutungo na ako sa aming huling dalawang argumento. UNA, PINEKE ANG MGA DOKUMENTO NG MGA PARI KAYA NAIPAPATAY ANG MGA ITO. (Argument 2) AT PANGHULI, WALANG IBINIGAY NA EBIDENSYA SI IZQUIERDO KAY ARCHBISHOP GREGORIO MELITON MARTINEZ NOONG HINIHINGAN SIYA NITO UPANG IPATANGGAL SA PAGIGING PAGKAPARI ANG TATLONG NASASAKDAL. (Argument 3) Ayon sa pag-aaral, napag-alaman na hindi lamang minadali ng mga Kastila ang paghatol sa mga pari kundi ang mga dokumento ukol dito ay pineke. Ito ay ayon kay ____________. (Dagdagan mo dito pre ng explanation kasi di ko alam ang istorya na ito.) At panghuli, noong nagpunta si Izquierdo sa Archbishop upang ipatanggal sa pagkapari ang tatlong nahatulan, hindi agad pumayag ang Arsobispo. Ang unang hiningi ng Arsobispo ay ebidensya mula kay Izquierdo kaso tumanggi anng gobernadora-heneral at ito’y walang ibinigay sa Arsobispo. Nanatili namang matatag ang Arsobispo sa kanyang mga salita kaya hindi niya tinanggal ang pagkapari ng tatlo kaya namatay silang martyr ng bayan. (Explain mo pa pre kung meron pa. Iyan lang kasi ang pagkaka-intindi ko) Adjudicator/ Timer (Kayser): Time! Maraming salamat Mr. Speaker. Ang iyong oras ng pagsasalita ay ____ minute. Master Panelist (Ella): Ngayon naman tawagin na natin ang susunod na magsasalita mula naman sa panig ng gobyerno para sa kanilang pagsusuma ng mga ideya. Adjudicator/ Timer (Kayser): Mr. Speaker, your time starts now. (Kayser kapag nag-1 minute na, palakpak ka lang ng isang beses) Government Whip (Timothy): Ang panig ng gobyerno ay naninindigang ang pagkakahatol ng kamatayan sa tatlong pari ay karapat-dapat lamang dahil nga sa mga argumentong inilahad kamakailan lamang. Hayaan niyong sumahin kong muli ang mga argumentong inilahad namin. UNA, NOONG NANGYAYARI ANG PAG-AAKLAS NG MGA PINOY LABAN SA MGA KASTILA SA CAVITE, NAGMISTULANG WALANG PAKIALAM ANG MGA NASABING PARI SA PAG-AAKLAS KAHIT DALAWA SA KANILA ANG MAY DUGONG ESPANSYOL. Dahil… (Ikaw na bahala pre ang mag-explain, kuha ka sa mga nauna. Gawin mong in your own words para mas madalian ka).

PANGALAWA, IPINAGPATULOY PA RIN NI PADRE BURGOS ANG PAGPAPAPASA NG MGA

REPORMA PARA SA MGA SEKULAR NA PARING PILIPINO KAHIT HINDI NAMAN KAILANGAN.

Dahil… (Ikaw na bahala pre ang mag-explain, kuha ka sa mga nauna. Gawin mong in your own words para mas madalian ka). AT PANGHULI, HINDI NAGSALITA ANG MGA PARI LABAN SA MGA KASTILA SA LOOB NG DALAWANG ARAW AT ANG IMPLIKASYON NITO SA GOBYERNO AY ANG PAGKA-AMINADO NILA SA KANILANG MGA KASALANAN. Dahil… (Ikaw na bahala pre ang mag-explain, kuha ka sa mga nauna. Gawin mong in your own words para mas madalian ka). Dito nagtatapos ang aming pagsusuma ng lahat ng argumento ng gobyerno. Maraming salamat po. Adjudicator/ Timer (Kayser): Time! Maraming salamat Mr. Speaker. Ang iyong oras ng pagsasalita ay ____ minute. Master Panelist (Ella): Ngayon naman tawagin na natin ang susunod na magsasalita mula naman sa panig ng oposisyon para sa kanilang pagsusuma ng mga ideya. Adjudicator/ Timer (Kayser): Ms. Speaker, your time starts now. (Kayser kapag nag-1 minute na, palakpak ka lang ng isang beses) Opposition Whip (Wendy): Ang panig ng gobyerno ay naninindigang ang pagkakahatol ng kamatayan sa tatlong pari ay hindi karapat-dapat dahil nga sa mga argumentong inilahad kamakailan lamang. Hayaan niyong sumahin kong muli ang mga argumentong inilahad ng panig ng oposisyon. UNA, WALANG EBIDENSYA NA ANG MGA PARI AY KINALAMAN SA PAG-AAKLAS SA CAVITE AT NAPAKALAKING HATOL NAMAN NG KAMATAYAN ANG IBINIGAY SA KANILA KAHIT WALANG KONKRETONG EBIDENSIYA ANG MGA KASTILA. Dahil… (Ikaw na bahala pre ang mag-explain, kuha ka sa mga nauna. Gawin mong in your own words para mas madalian ka). PANGALAWA, PINEKE ANG MGA DOKUMENTO NG MGA PARI KAYA NAIPAPATAY ANG MGA ITO. Dahil… (Ikaw na bahala pre ang mag-explain, kuha ka sa mga nauna. Gawin mong in your own words para mas madalian ka). AT PANGHULI, WALANG IBINIGAY NA EBIDENSYA SI IZQUIERDO KAY ARCHBISHOP GREGORIO MELITON MARTINEZ NOONG HINIHINGAN SIYA NITO UPANG IPATANGGAL SA PAGIGING PAGKAPARI ANG TATLONG NASASAKDAL.