communication languanges, Cheat Sheet of Computer science

all about communications skills

Typology: Cheat Sheet

2023/2024

Uploaded on 09/23/2024

albert-fajardo-2
albert-fajardo-2 🇭🇰

3 documents

1 / 1

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
- Ito ay ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao
- Ang interpersonal na komunikasyon ay ang pagpapalitan ng
impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao.
- Ito ay uri ng interaksiyonal na wika na ang tungkulin ay
tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na
relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala.
Bunga nito, umuunlad ang ating kakayahan at nadaragdagan
ang ating kaalaman at kahusayan sa pakikipagkomunikasyon.
1. Pasalita - Pangungumusta, at pagpapalitan ng biro, maging
sa mga pulong sa paaralan hanggang sa mga pormal na
pulong sa mga tanggapan o kumperensiya
2. Pasulat - liham-pangkaibigan, pakikipag-chat o post sa
social media
INTERAKSIYON SA CYBERSPACE
Nagsimula nang tumakbo ang kabanata ng Web 2.0, ang
kasalukuyang bersiyon ng Internet na higit na pinalawig,
pinalawak, at makapangyarihan. Sa pagkakataong ito, higit at
patuloy na nadaragdagan ang madla na nakikisangkot at
nagiging bahagi ng mundong ito. Nabubuksan ang
komunikasyon at nakikilala ang iba-ibang kultura. Nalilikha
ang tensiyon, ugnayan, di-pagkakaunawaan (conflict),
maging ang bagong kultura sa espasyong ito.
HALIMBAWA NG INTERAKSIYON SA INTERNET
Dalawahan
Grupo
Maramihan
1. E-mail
2. Personal na mensahe
1. Group chat
2. Forum
1. Sociocite
2. Online store
Interaksiyonal na gamit ng wika
- “Ito ay isa sa pitong gamit ng wika na kanyang itinalaga sa
kanyang Functional Theory of Language. Ito ay tumutukoy
sa paggamit ng wika upang mapanatili at mapalago ang mga
relasyong panlipunan at personal. Ginagamit ito upang
makipagugnayan, magpahayag ng damdamin, at makabuo ng
pakikipagkaibigan o ugnayan sa iba.- Ayon kay Michael
Halliday
HALIMBAWA NG INTERAKSIYONAL NA GAMIT
NG WIKA:
- Pagbati ng "Kumusta ka?" upang magpakita ng malasakit o interes
sa kausap.
- Pagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa kaibigan.
- Pagdaraos ng kaswal na usapan sa pagitan ng magkakaibigan.
- Mga ekspresyon ng pagpapahalaga tulad ng "Salamat" o "Mahal
kita".
Sa teoryang ito ni Halliday, ang wika ay higit pa sa isang
simpleng sistema ng mga tunog o simbolo; ito ay isang
kasangkapan na ginagamit ng mga tao sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay at pakikipag-ugnayan.
PERSONAL BILANG PAGKATAO
Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay pagsasama-sama ng
tunog at impit upang makabuo ng titik, kasunod ay salita.
Ayon sa mga nag-aaral ng antropolohiya at sosyolohiya, ang
wika ay bahagi ng isang kultura. Ito ay kaluluwa-buhay,
nagbabago, at humihinga.
Ang konseptong pangwika ay isang napakalawak at
masalimuot na paksa. Ngunit maaari nating ituon ang ating
paksa sa wika bilang bahagi ng ating kultura at kabuluhan at
gamit nito sa ating pangaraw-araw na buhay.
Personal na gamit/Personal Function
- “Nangangahulugan na ang wika ay ginagamit ng isang tao
upang maipahayag ang kanyang sariling pagkakakilanlan,
damdamin, opinyon, at personalidad. Ginagamit ang wika
upang maipahayag ang sarili at pansariling layunin.”
- Ayon kay Michael Halliday
SA KONTEKSTONG ITO,
GINAGAMIT NG TAO ANG WIKA PARA SA:
1. Pagpapahayag ng Damdamin - Ginagamit ang wika upang
maipahayag ang nararamdaman, tulad ng tuwa, galit, lungkot, etc.
2. Pagpapahayag ng Sariling Opinyon - Ginagamit ito upang
ipahayag ang sariling pananaw, ideya, o kuro-kuro sa isang
partikular na paksa o isyu.
3. Pagpapakilala ng Sarili - Sa pakikipag-usap, ginagamit ang
wika upang ipakilala ang sarili, tulad ng pagpapakilala ng pangalan,
propesyon, o interes.
MGA HALIMBAWA NG PERSONAL NA PAHAYAG:
Pagpapahayag ng Damdamin:
- "Masaya ako ngayon dahil nakapasa ako sa pagsusulit."
- "Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa mundo ngayon."
- "Nakakainis naman ang traffic kanina!"
Pagpapahayag ng Opinyon:
- "Para sa akin,mabuti na magtulungan tayo kaysa mag-away.
- "Sa tingin ko, mahalaga ang pagaaral sa kinabukasan ng mga bata.
- "Naniniwala akong kailangan nating protektahan ang kalikasan."
Pagpapakilala ng Sarili o Pagpapahayag ng Identidad:
- "Ako si Ana, mahilig akong magbasa ng mga nobela."
- "Ako ay guro, nais kong magbigay inspirasyon sa mga estudyante.
- "Ako'y isang artist at gustung-gusto kong gumuhit at magpinta."
Personal na gamit ng wika sa lipunan (ayon kay Halliday)
- Ito ay tumutukoy sa paggamit ng wika upang maipahayag ng isang
indibidwal ang kanyang damdamin, saloobin, at sariling pagkakakilanlan.
- Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng sarili, kung saan nagiging daan
ang wika upang ilabas ang personal na damdamin at pananaw ng isang tao,
at upang makilala ang kanyang sarili sa loob ng lipunan.

Partial preview of the text

Download communication languanges and more Cheat Sheet Computer science in PDF only on Docsity!

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

  • Ito ay ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao
  • Ang interpersonal na komunikasyon ay ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao.
  • Ito ay uri ng interaksiyonal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala. Bunga nito, umuunlad ang ating kakayahan at nadaragdagan ang ating kaalaman at kahusayan sa pakikipagkomunikasyon.
  1. Pasalita - Pangungumusta, at pagpapalitan ng biro, maging sa mga pulong sa paaralan hanggang sa mga pormal na pulong sa mga tanggapan o kumperensiya
  2. Pasulat - liham-pangkaibigan, pakikipag-chat o post sa social media INTERAKSIYON SA CYBERSPACE Nagsimula nang tumakbo ang kabanata ng Web 2.0, ang kasalukuyang bersiyon ng Internet na higit na pinalawig, pinalawak, at makapangyarihan. Sa pagkakataong ito, higit at patuloy na nadaragdagan ang madla na nakikisangkot at nagiging bahagi ng mundong ito. Nabubuksan ang komunikasyon at nakikilala ang iba-ibang kultura. Nalilikha ang tensiyon, ugnayan, di-pagkakaunawaan (conflict), maging ang bagong kultura sa espasyong ito. HALIMBAWA NG INTERAKSIYON SA INTERNET Dalawahan Grupo Maramihan
    1. E-mail
    2. Personal na mensahe
      1. Group chat
      2. Forum
        1. Sociocite
        2. Online store Interaksiyonal na gamit ng wika
  • “Ito ay isa sa pitong gamit ng wika na kanyang itinalaga sa kanyang Functional Theory of Language. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng wika upang mapanatili at mapalago ang mga relasyong panlipunan at personal. Ginagamit ito upang makipagugnayan, magpahayag ng damdamin, at makabuo ng pakikipagkaibigan o ugnayan sa iba.” - Ayon kay Michael Halliday HALIMBAWA NG INTERAKSIYONAL NA GAMIT NG WIKA:
  • Pagbati ng "Kumusta ka?" upang magpakita ng malasakit o interes sa kausap.
  • Pagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa kaibigan.
  • Pagdaraos ng kaswal na usapan sa pagitan ng magkakaibigan.
  • Mga ekspresyon ng pagpapahalaga tulad ng "Salamat" o "Mahal kita". Sa teoryang ito ni Halliday, ang wika ay higit pa sa isang simpleng sistema ng mga tunog o simbolo; ito ay isang kasangkapan na ginagamit ng mga tao sa kanilang pang-araw- araw na pamumuhay at pakikipag-ugnayan. PERSONAL BILANG PAGKATAO Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay pagsasama-sama ng tunog at impit upang makabuo ng titik, kasunod ay salita. Ayon sa mga nag-aaral ng antropolohiya at sosyolohiya, ang wika ay bahagi ng isang kultura. Ito ay kaluluwa-buhay, nagbabago, at humihinga. Ang konseptong pangwika ay isang napakalawak at masalimuot na paksa. Ngunit maaari nating ituon ang ating paksa sa wika bilang bahagi ng ating kultura at kabuluhan at gamit nito sa ating pangaraw-araw na buhay. Personal na gamit/Personal Function
    • “Nangangahulugan na ang wika ay ginagamit ng isang tao upang maipahayag ang kanyang sariling pagkakakilanlan, damdamin, opinyon, at personalidad. Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at pansariling layunin.”
    • Ayon kay Michael Halliday SA KONTEKSTONG ITO, GINAGAMIT NG TAO ANG WIKA PARA SA:
    1. Pagpapahayag ng Damdamin - Ginagamit ang wika upang maipahayag ang nararamdaman, tulad ng tuwa, galit, lungkot, etc.
    2. Pagpapahayag ng Sariling Opinyon - Ginagamit ito upang ipahayag ang sariling pananaw, ideya, o kuro-kuro sa isang partikular na paksa o isyu. 3. Pagpapakilala ng Sarili - Sa pakikipag-usap, ginagamit ang wika upang ipakilala ang sarili, tulad ng pagpapakilala ng pangalan, propesyon, o interes. MGA HALIMBAWA NG PERSONAL NA PAHAYAG: Pagpapahayag ng Damdamin:
    • "Masaya ako ngayon dahil nakapasa ako sa pagsusulit."
    • "Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa mundo ngayon."
    • "Nakakainis naman ang traffic kanina!" Pagpapahayag ng Opinyon:
    • "Para sa akin,mabuti na magtulungan tayo kaysa mag-away.
    • "Sa tingin ko, mahalaga ang pagaaral sa kinabukasan ng mga bata.
    • "Naniniwala akong kailangan nating protektahan ang kalikasan." Pagpapakilala ng Sarili o Pagpapahayag ng Identidad:
    • "Ako si Ana, mahilig akong magbasa ng mga nobela."
    • "Ako ay guro, nais kong magbigay inspirasyon sa mga estudyante.
    • "Ako'y isang artist at gustung-gusto kong gumuhit at magpinta." Personal na gamit ng wika sa lipunan (ayon kay Halliday)
    • Ito ay tumutukoy sa paggamit ng wika upang maipahayag ng isang indibidwal ang kanyang damdamin, saloobin, at sariling pagkakakilanlan.
    • Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng sarili, kung saan nagiging daan ang wika upang ilabas ang personal na damdamin at pananaw ng isang tao, at upang makilala ang kanyang sarili sa loob ng lipunan.