English speaking zone, Schemes and Mind Maps of Law

English speaking zone,wikang Filipino tangkilikin

Typology: Schemes and Mind Maps

2023/2024

Uploaded on 04/25/2024

lizmar-1
lizmar-1 🇵🇭

5

(1)

1 / 67

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
PANIMULA
Ang edukasyon ang isa sa malaking bahagi sa buhay ng tao. Sa pagdaan ng
panahon, marami na ang pagbabago sa mundong ginagalawan. Isa na rito ang pag-uugali
at gawi ng tao pagdating sa pag-aaral. Ang henerasyon na kinabibilangan ng mag-aaral sa
kolehiyo ngayon, ang Millennials at Generation Z ay may kaakibat na pagbabago at hindi
ito matatago maging positibo man o negatibong pagbabago.
Ayon kay Dimock (2019), “Anyone born between 1981 and 1996 (ages 23 to 38
in 2019) is considered a Millennial." At ang Generation Z ayon sa Pew Research Center
(2019), tumutukoy bilang ang mga taong ipinanganak mula 1997 pataas, na pinipili ang
petsang ito para sa "iba't ibang mga formative na karanasan", tulad ng mga bagong
pagpapaunlad ng teknolohikal at mga trend sa socio-economic. Hindi sila nagtakda ng
isang kahulugan para sa endpoint ng Generation Z, ngunit ginamit nila ang 1997
hanggang 2012.
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay sinabayan ng edukasyon sa paglago at ginamit
ito upang maging kabahagi ng pagkatuto ng tao. Nakatutulong nga ba ang teknolohiya sa
pagkatuto ng bawat henerasyon lalo na sa kanilang pag-uugali at nagiging gawi sa pag-
aaral na may kaugnayan sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino.
Ayon kay Nievera (2021), ang Gen Z ay isinilang sa isang mundo ng
pinakamataas na makabagong teknolohikal kung saan agad na na-a-access ang
impormasyon at ang social media na lalong lumaganap. Ang mga pagsulong na
pangteknolohikal na ito ay parehong may positibo at negatibong epekto sa Gen Z. Sa
karagdagang panig: isang kasaganaan ng impormasyon ay nasa kanilang mga kamay,
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36
pf37
pf38
pf39
pf3a
pf3b
pf3c
pf3d
pf3e
pf3f
pf40
pf41
pf42
pf43

Partial preview of the text

Download English speaking zone and more Schemes and Mind Maps Law in PDF only on Docsity!

PANIMULA

Ang edukasyon ang isa sa malaking bahagi sa buhay ng tao. Sa pagdaan ng panahon, marami na ang pagbabago sa mundong ginagalawan. Isa na rito ang pag-uugali at gawi ng tao pagdating sa pag-aaral. Ang henerasyon na kinabibilangan ng mag-aaral sa kolehiyo ngayon, ang Millennials at Generation Z ay may kaakibat na pagbabago at hindi ito matatago maging positibo man o negatibong pagbabago. Ayon kay Dimock (2019), “Anyone born between 1981 and 1996 (ages 23 to 38 in 2019) is considered a Millennial." At ang Generation Z ayon sa Pew Research Center (2019), tumutukoy bilang ang mga taong ipinanganak mula 1997 pataas, na pinipili ang petsang ito para sa "iba't ibang mga formative na karanasan", tulad ng mga bagong pagpapaunlad ng teknolohikal at mga trend sa socio-economic. Hindi sila nagtakda ng isang kahulugan para sa endpoint ng Generation Z, ngunit ginamit nila ang 1997 hanggang 2012. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay sinabayan ng edukasyon sa paglago at ginamit ito upang maging kabahagi ng pagkatuto ng tao. Nakatutulong nga ba ang teknolohiya sa pagkatuto ng bawat henerasyon lalo na sa kanilang pag-uugali at nagiging gawi sa pag- aaral na may kaugnayan sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino. Ayon kay Nievera (2021), ang Gen Z ay isinilang sa isang mundo ng pinakamataas na makabagong teknolohikal – kung saan agad na na-a-access ang impormasyon at ang social media na lalong lumaganap. Ang mga pagsulong na pangteknolohikal na ito ay parehong may positibo at negatibong epekto sa Gen Z. Sa karagdagang panig: isang kasaganaan ng impormasyon ay nasa kanilang mga kamay,

pinapayagan ang Gen Z-ers na palawakin ang kanilang kaalaman at maging maagap sa kanilang pag-aaral. Ang millennials na kung saan ay babad din sa social media. Sila rin ang henerasyon na buong namulat sa tinatawag na “ online world ”. Dito sa Pilipinas, ang paggugol ng kanilang oras sa “online world” ay karaniwang makikita gaya ng Facebook, Youtube, Instagram, Twitter at iba pang online application. Sa panahon ngayon, lalo na sa pinagdadaanang suliranin ng buong mundo dulot ng pandemyang Covid-19, isang malaking pagsubok na ating hinaharap na limitado ang bawat galaw dahil sa kalabang hindi nakikita kaya mas malaki ang tiyansa na gumamit ng “social media” ang tao lalo na ang mga kabataan sa loob ng bahay. Isa rin na dahilan kung bakit nagkaroon ng online class upang hindi maging balakid ang pandemya sa pagpapatuloy ng edukasyon ng bawat mag-aaral. Kaya’t minsan ay di napapansin ng mag-aaral na mas marami ang nailalaan nilang oras sa “ social media” kaysa sa dapat gawin. Dahil dito sa kinagawian ng mga Millennials at Gen Z ay malaki ang naging epekto sa kanilang pag-aaral. Batay kay Nievera (2021), ang isang natatanging katangian ng Generation Z ay ang kanilang katutubong paggamit ng teknolohiya. Samantalang ang mga Milenyal ay itinuturing na “ digital pioneer ” na nagpapatotoo sa pagsabog ng teknolohiya at social media, si Gen Z ay isinilang sa isang mundo ng pinakamataas na makabagong teknolohikal – kung saan agad na na-a-access ang impormasyon at ang social media na lalong lumaganap. Ang mga pagsulong na pangteknolohikal na ito ay parehong may positibo at negatibong epekto sa Gen Z. Sa karagdagang panig: isang kasaganaan ng impormasyon ay nasa kanilang mga kamay, pinapayagan ang Gen Z-ers na palawakin ang kanilang kaalaman at maging maagap sa kanilang pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin Mula kay Rangnekar (2013), ang paraan ng pag-aaral na para sa kanila ay epektibo at makapagbibigay ng magandang resulta. Kung paano nakaaapekto ang ugali at gawi sa pag-aaral o tinatawag ding study habits ng Millennials at Gen Z sa akademikong pagganap sa Filipino. Sa kanilang henerasyon ba ay maraming balakid o nakatutulong ang pagbabago ng panahon sa tao pagdating sa pag-aaral. Nagiging sagabal ba ang pagkakaiba ng henerasyon sa pagkatuto ng Millennials at Generation Z sa asignaturang Filipino. Nakita ng mananaliksik na mas nagiging produktibo at mas aktibo ang mga Millennials na mag-aaral kaysa sa Generation Z. Mas nakapagpapasa sa tamang oras at hindi nagkakaproblema sa akademikong pagganap ang Millennials kaya ninais ng mananaliksik na pag-aralan pa ang pag-uugali at nagiging gawi sa pag-aaral kung may pagkakaiba ba ang dalawang henerasyon na may kaugnayan sa akademikong pagganap sa Filipino. Dahil sa mga nabanggit na dahilan, ang mananaliksik ay tumukoy ng mga suliraning nais na mabigyan ng kasagutan sa pag-aaral na ito. Sa tulong ng ilang mga pananaliksik at ilang tala na may kaugnayan sa ginawang pag-aaral, may pito na mahahalagang suliranin na pinagtuunan sa pag-aaral na ito; Ano-ano ang sosyo- demograpikong katangian ng mga respondente sa pamamagitan ng edad, kasarian, antas ng pag-aaral ng magulang at buwanang kita ng magulang? Ano-ano ang pag-uugali ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino? Ano-ano ang akademikong pagganap ng mga respondente sa asignaturang Filipino? Ano-ano ang kaugnayan ng sosyo-demograpikong katangian ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino? Ano-ano ang kaugnayan ng pag-uugali sa pag-aaral

ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino? Ano-ano ang kaugnayan ng gawi sa pag-aaral ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino; Ano-ano ang pagkakaiba ng Millennials at Generation Z sa akademikong pagganap sa asiganturang Filipino. Mga Layunin ng Pag-aaral Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang ugnayan ng ugali at gawi sa pag-aaral ng Millennials at Generation Z sa akademikong pagganap sa Filipino. Naglalayon ang pag-aaral na ito na sagutin ang sumusunod:

  1. mailarawan ang sosyo-demograpikong katangian ng mga respondente sa pamamagitan ng edad, kasarian, kurso, antas ng pag-aaral ng magulang buwanang kita ng magulang at kurso;
  2. matukoy ang pag-uugali ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino;
  3. matukoy ang gawi sa pag-aaral ng mga respondente sa pamamagitan ng marka sa asignaturang Filipino;
  4. malaman ang akademikong pagganap ng mga respondente sa asignaturang Filipino.
  5. mailahad ang kaugnayan ng sosyo-demograpikong katangian ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino;
  6. matukoy ang kaugnayan ng pag-uugali sa pag-aaral ng mga respondente sa akademikong pagganap sa asignaturang Filipino; at

Tagapamuno ng Paaralan. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mas malawakan ang kaalaman ng tagapamuno ng paaralan ang naging ugali at gawi sa pag- aaral ng Millennials at Gen Z na kanilang nasasakupan na may kaugnayan sa Akademikong Pagganap sa Filipino Guro. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay mahalaga sa aspektong makakatulong at maaaring maging gabay ng mga guro sa mag-aaral sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa akademikong pagganap sa Filipino. Magulang. Mahalagang malaman ng mga magulang ang resulta ng pananaliksik na ito dahil magulang ang nagiging pundasyon ng pag-uugali at maging sa pag-aaral. Mag-aaral. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mag-aaral na may suliranin sa akademikong pagganap sa Filipino na may kaugnayan sa kanilang ugali at gawi sa pag-aaral. Susunod na Mananaliksik. Maging sa mga mananaliksik sa hinaharap mahalaga ang pag-aaral na ito dahil makatutulong ito sa kanilang pag-aaral, lalo na kung tungkol sa pag-uugali at gawi sa pag-aaral, maaaring gamitin bilang batayan o sanggunian ng kanilang pag-aaral. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral ay isinagawa sa mga piling mag-aaral sa kolehiyo, ang Millennials at Gen Z na nag-aaral sa Core Gateway College Inc. Ang Millennials ay tumutukoy sa mga mag-aaral o kabataan na ipinanganak ng 1981-1995 samantalang ang Generation Z ay ipinanganak ng 1996 hanggang taong 2012.

Saklaw ng pananaliksik na ito ang sosyo-demograpikong katangian ng mga respondente batay sa edad, kasarian, antas ng pinag-aralan, kita ng magulang. Kaugnay nito, nais ng mananaliksik na malaman mula sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Core Gateway College Inc. ang pag-uugali at gawi sa pag-aaral na may kaugnayan sa akademikong pagganap sa Filipino. Ang mga kursong kabilang dito ay Bachelor of Arts in Political Science na may kabuoang bilang na 557, Bachelor of Science in Business Administration na mayroong kabuoang bilang na 537, Bachelor of Science in Computer Science na may kabuoang bilang na 196, Bachelor of Secondary Education na may kabuoang bilang na 457 at Bachelor of Elementary Education na may kabuoang bilang na

bayolohikal na ibinibigay sa pagkakaiba ng kanilang nakuha. Kung kaya’t malaki ang epekto ng kasarian sa kanilang akademikong pagganap. Samantala, sa isinagawang pag-aaral Johnson (2006), sinasabi niyang ang kasarian ay may kaugnayan sa pang-akademikong ganap ng mag-aaral. Ayon sa isinagawa niyang pananaliksik, ang kababaihan ay higit na mas mataas ang marka kumpara sa mga kalalakihan. Higit na mas mababa ang kakayahang pang-akademiko ng lalaki kumapara sa mga babae. Edad Ayon kina Diehl at Wahl (2010), ang lahat ng karanasan na nagdudulot ng kamalayan sa isang tao tungkol sa kanyang pag-uugali, antas ng pagganap o pagpili kung paano niya dadanasin ang isang karanasan ay bunga ng kaniyang unti-unting pagtanda. Dagdag pa ni Matchinger (2007), ang edad ay aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad ng mga mag-aaral ay maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Antas ng Pag-aaral ng Magulang Sinabi ni David (2010) na ang mga mag-aaral na hindi marunong magbasa ang magulang ay kulang sa gabay sa kanilang akademikong pagganap dahil sa kamangmangan na nagiging dahilan sa pagkabigong mag-udyok, magpalakas, magbigay ng gantimpala o parusahan ang kanilang anak kung sakaling hindi magseseryoso sa pag- aaral. Ayon sa pag-aaral na ito ay may salik na nakaapekto sa isang mag-aaral kung

anong antas ng edukasyon ang natapos ng kanilang mga magulang. Makikita kung paano nga ba nila nagagabayan ang kanilang mga anak upang mas matuto. Buwanang Kita ng Magulang Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang, pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng mga mag-aaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral na kapag ang kita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at pangunahing pangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng edukasyon ay naisasantabi. Sa pagpapakahulugan ng mananaliksik ayon sa pag-aaral na ito ay malaking bagay ang pagkakaroon ng kita ng magulang kung ito ay nagpapaaral upang mas maisakatuparan at maibigay ang pangangailangan ng kanilang anak na nag-aaral. Kurso Ayon sa Blogger (2013) Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay sa hinaharap. Dagdag pa ni Baustista (2014), tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit siya nasa paaralan. Karaniwan ng naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Pag-uugali ng Millennials at Generation Z

Gawi sa pag-aaral Millennials at Generation Z Batay sa pananaliksik na The Influence of Study Attitudes and Study Habits on the Academic Performance of the Student (2020), “ Students' academic performance embodies an essential part of the constellation of factors determinant of student success. Also, it plays a very significant role in education, primarily as a concrete tool to assess the student's learning process.” Malaking bahagi ng pagkatuto ng isang mag-aaral ang nagiging gawi sa pag-aaral upang mas makamtam ang mataas na marka o pumasa sa kanilang pag-aaral. Ang kanilang nagiging gawi sa pag-aaral ay malaki ang naitutulong sa kanilang pagkatuto. Dagdag pa nina Mahwish, Naima, Hira, and Wajiha, (2017), Study habits contribute significantly in the development of knowledge and perceptual capacities. Study habits tell a person that how much he will learn and how far he wants to go, and how much he wants to earn. These all could be decided with the help of one’s study habits, throughout the life.” Sa pag-aaral na ito ay may malaking kaugnayan ang pagkatuto ng isang mag-aaral kung sila ay gawi sa pag-aaral upang mas lumawak pa ang kaalaman. Makikita sa isang mag-aaral kung ito ay may gawi sa pag-aaral, ito ay may layunin na gustong matuto at may kaalaman na may malaking ambag sa mag-aaral ang gawi sa pag-aaral. Binigyang-diin nina Tuan, Chin at Shieh (2005), ang mga mag-aaral ay naniniwala sa kanilang sariling kakayahan na mahusay silang gumaganap sa mga gawain sa pag-aaral. Ayon sa pag-aaral na ito ay may kaniya-kaniyang kaalaman at kakayahan upang magkaroon ng mabuting akademikong pagganap.

Binigyang diin nina Tuan et al., (2005), na nakadarama ng kasiyahan ang mga mag-aaral habang nadedebelop ang kanilang kakayahan sa isang bagay kung Intrinsically motivated ang mga mag-aaral nilalayon nilang magawa ang isang bagay upang matugunan ang kanilang mga likas na pangangailangan para sa pagpapabuti ng kanilang sariling kakayahan. Ipinahahayag sa pag-aaral na ito na mas mahihiyakayat ang mag- aaral na magkaroon ng mabuting gawi sa pag-aaral kung sila ay nakadaraman ng kasiyahan o gusto nila ang kanilang ginagawa sa pag-aaral. Ayon kina Barberos et al., (2018), kapag ang mga mag-aaral ay nagaganyak, ang pagkatuto ay madaling nagaganap. Nakasasalalay ang pagkatuto ng mag-aaral kung sila ay may nakasanayang gawi sa pag-aaral upang mas maging motibado sa pagkatuto. Akademikong Pagganap Ayon sa pag-aaral ni Nazareno (2020), ang grado o marka ang matibay na patunay kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral at kung ano ang pagkukulang na nagawa nito. Ang grado o marka ang repleksyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ang grado ay isa sa nagsisilbing motibasyon ng bawat mag-aaral upang mahikayat pang pagbutihin ang pag-aaral. Dagdag pa ni Berceno (2012), ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng tatlong bagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan; magkaroon ng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung paanong ang mga katotohanan ay sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng mas malawak na huwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga katotohanang ito; at pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa pagsasalita man o sa

kanilang edad, kasarian, antas ng natapos at kita ng kanilang mga magulang upang mas magampanan ang kanilang mga tungkulin higit sa lahat ay maibigay ang mga pangunahing pangangailangan. Sinabi ni David (2010), na ang mga mag-aaral na hindi marunong magbasa ang magulang, ay kulang sa gabay sa kanilang akademikong pagganap dahil sa kamangmangan na nagiging dahilan sa pagkabigong mag-udyok, magpalakas, magbigay ng gantimpala o parusahan ang kanilang anak kung sakaling hindi magseseryoso sa pag- aaral. Ang kurso ng respondente sa bahagi ng sosyo-demograpikong katangian ay nakita rin na may makabuluhang ugnayan sa akademikong pagganap ng mag-aaral 0 .130 Ito ay nangangahulugan na habang tumataas ang kurso, tumataas din pagiging aktibo at kahusayan ng mag-aaral upang mas mabigyang halaga ang kademikong pagganap sa Filipino. Ayon sa Blogger (2013), ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay sa hinaharap. Sa artikulong ito ay sinasabing hindi basta-basta ang pagpili ng kursong pipiliin sa pagkat ito ay dapat isaalang-alang bilang mahalagang desisyon bilang mag-aaral sa kolehiyo. Dagdag pa ni Baustista (2014), tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nasa paaralan. Karaniwan ng naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Pag-isipan ng mabuti ang papili

ng kurso upang mas maging makabuluhan ang pag-aaral at maisakatuparan ang pangarap bilang mag-aaral at anak. Kaugnayan ng Pag-uugali sa Pag-aaral ng mga Respondente sa Akademikong Pagganap sa Asignaturang Filipino. Sinabi ni Bennis (2013), natututo ang bawat isa sa iba’t ibang paraan, ang demokratikong edukasyon ay nagsisimula sa saligan na ang lahat ay natatangi. Tinutulungan ng demokratikong edukasyon ang mga kabataan na matuto tungkol sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsuporta sa indibidwal na pagpapaunlad ng bawat kabataan sa loob ng isang mapagkalingang komunidad, nakibabahagi sa mundo sa kanilang paligid, at maging positibo at nag-aambag sila bilang miyembro ng lipunan. Ang pag-uugali ng bawat mag-aaral ay magkakaiba, naayon ito sa mga taong laging nasa tabi o nakaalalay upang mas mapaunlad pa ang kaalamanan. Kaugnayan ng Gawi sa Pag-aaral ng mga Respondente sa Akademikong Pagganap sa Asignaturang Filipino. Hinggil kay Shazia (2014), ay naglalarawan ng mga gawi sa pag-aaral bilang isang mahalagang aspeto sa larangan ng pang-edukasyon sikolohiya at sa huli ay may kaugnayan sa pag-aaral ng estilo at akademikong nakamit na ito. Mahalaga ang magkaroon ng gawi sa pag-aaral sapagkat isa ito sa mga paraan at proseso upang mas lumawak ang kaalaman at magkaroon ng mabuting akademikong pagganap. Binigyang-diin nina Tuan et al., (2005), ang mga mag-aaral ay naniniwala sa kanilang sariling kakayahan na mahusay silang gumaganap sa mga gawain sa pag-aaral. Ayon sa pag-aaral na ito ay may kaniya-kaniyang kaalaman at kakayahan upang magkaroon ng mabuting akademikong pagganap.

respondente ay maaaring may malaking epekto sa kanilang akademikong pagganap sa Asignaturang Filipino. Ang kasarian ay bumabase rin sa pagpapakita ng kawilihan ng respondente sa pag-aaral. Ang kurso at antas ng magulang ng mga mag-aaral ay may malaking epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa pag-uugali ng mga mag-aaral ay napauunlad ng mga taong sumusuporta sa kanila na siyang naibabahagi o naipakikita sa kanilang paraan ng pag-aaral. Gayundin ang gawi sa pag-aaral ng mga respondente na may malaking parte sa pag-unlad o pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kahusayan. Ang akademikong pagganap mula sa kaugnay na pag-aaral ay kung paano bumuo ang mga mag-aaral ng malawak na kaalaman. Kakayahang maipahayag ang mga natutuhan at mailapat. Dahil sa mabuting akademikong pagganap ay malalaman ang kagalingan at sariling kakayahang natuklasan at dapat na ito ay isaalang-alang.

METODOLOHIYA

Nakapaloob sa bahaging ito ang mga pamamaraang ginamit at paglalarawan sa mga hakbang na isasakatuparan sa pag-aaral hinggil sa mga instrumento at disenyong ginamit sa pagkuha ng mahahalagang datos na kinailangan upang masagot ang mga katanungan na may kaugnayan sa pag-aaral na ito. Teoretikal na Balangkas Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang pag-uugali at gawi sa pag-aaral ng Millennials at Generation Z at kaugnayan nito sa akademikong pagganap sa Filipino. Nakaangkla sa pag-aaral na ito ang teorya ni George Siemens na Connectivism: A Learning Theory for the Digital Age, ayon kay Siemens (2004), “connectivism is a theoretical framework driven by the understanding that information is a network continually being acquired and update.” Malaki ang kaugnayan ng teoryang ito sa henerasyon ngayon kung saan ang teknolohiya ang pinakagagamitin sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa teoryang ito nagpapakita na malaki ang bahagi ng paggamit ng teknolohiya o ibang “networks” sa madaliang pagkatuto ng henerasyon ngayon.