
Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
this is about the garbage and how to segregate
Typology: Summaries
1 / 1
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!

Bundok ng BASURA Mahal mo ba ang kapaligiran? Nakatulong ka naba dito? O baka naman isa karin sa nag wawasak nito. Ang kapaligiran ay isang napakahalagang biyaya at regalo sa atin ng Diyos. Kinakailangan natin itong pangalagaan dahil ito ay nag iisa lamang, kung ito’y masira mahirap na itong maiayos. Tayo ring mga tao ang nag wawasak sa kapaligiran. Kadalasan tayong mga tao, iniisip lamang ang pagpapadali ng buhay. Kadalasan, iniisip lamang ang mamuhay nang hindi iniisip ang kapaligiran. Habang lumilipas ang panahon, hindi natin napapansing unti-unti nang naiipon ang mga bagay na minsan nating ginamit ngunit hindi na natin kailangan pa. Aking tinutukoy rito ay ang mga basura. Ang mga basura, hindi na natin kailangan at hindi na natin iniisip. Wala na itong pakinabang at ang mahalaga sa atin, wala na ito sa buhay natin. Ngunit, sa kasalukuyang panahon, ito ay bumabalik sa atin. Ang dating magandang tanawin at sariwang hangin ay halos kumukupas na dahil sa mga basurang kabundok na ating iniiwan at pinababayaan lamang sa kalsada. Ang epekto nito sa pamumuhay ay ating nararamdaman na. Ang tubig ay dumudumi na dahil sa ating mga basura. Naaapektuhan nito ang mga isdang ating kinakain. Nakasisira ito sa ating magandang kalikasan. Nagdudulot ito ng mas mataas na posibilidad ng pagbaha. Mahirap nang bawiin ang pagkasirang naidulot nating mga tao. Ang pinakamadaling ating magagawa ukol dito ay itapon ang basura sa tamang lalagyan at kung maaari, sanayin ang sarili sa paggawa ng reuse, reduce, at recycle.