













Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
It tackles the meaning of geothermal, geothermal power plant, types, application, and some examples
Typology: Assignments
1 / 21
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!














GEOTHERMAL NA ENERHIYA
Ang salitang “geothermal” ay nagmula sa salitang
greek na “ geo”, na ang ibig sabihin ay lupa, at “
therme”, na ang ibig sabihin ay init. Ang geothermal
na enerhiya ay tumutukoy sa produksyon ng
enerhiya gamit ang init na nasa ilalim ng crust ng
lupa. Ang init na ito ay nagmumula sa radioactive
decay minerals at and tuloy-tuloy na pagpakawala
ng init na nanggagaling sa orihinal na pormasyon
ng lupa.
TIMELINE NA KASAYSAYAN NG
GEOTHERMAL
1904
1860
1830
1550 B.C.
1892
Maraming mga negosyo ang nakita ang mga hot springs bilang isang oportunidad para gawin itong resorts at mainit na paliguan upang kumita sila ng pera.
Naging interesado ang mga Amerikano sa pag imbestiga at pagsaliksik sa pang malakihang geothermal heating systems.
Sa tulong ng teknolohiya, ang mainit na tubig na galling sa malapit na hot springs ay nagawang maipadaloy sa mga bayan upang mapainit ang mga bahay, dito unang naitatag ang sistema ng pagpapainit ng distrito. Si Prinsipe Piero Ginori Conti, isang Italyanong siyentipiko, ang nakadiskubre na ang geothermal na enerhiya ay maaaring magamit upang makalikha ng kuryente sa pamamagitan ng singaw para mapagana ang ilang bumbilya.
Si Prinsipe Piero Ginori Conti ang nakapagtatag ng kauna-unahang geothermal electric power plant sa buong mundo na matatagpuan sa Larderello, Italy.
TIMELINE NA KASAYSAYAN NG
GEOTHERMAL
Hinaharap
2005
1973
1960
2013
Iba’t- ibang kumpanya ng langis at kuryente ang nagsimulang gumamit ng geothermal na enerhiya upang makagawa ng kuryente.
Noong magsimula magsimula ang krisis sa langis, ang mga gobyerno ay nagsimulang maghanap ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya, ang geothermal na enerhiya ang pangunahing nasa listahan nila.
Dahil sa mahusay na pananaliksik at pagpopondo, higit sa 72 bansa ang nagsimulang gumamit ng geothermal na enerhiya.
May tantyang 3,400MW sa buong mundo ang nalikha gamit ang geothermal power plant
Inaasahan nating makita na marami pang mga bansa ang gagamit ng geothermal na enerhiya at mas marami pang paggawa ng enerhiya
MGA URI NG GEOTHERMAL POWER PLANT
-Ang Dry Steam Power Plant ang pinaka
karaniwang uri ng geothermal power plant.
Tinatayang halos kalahati ng lahat ng mga naka-
install na geothermal power plants sa buong
mundo ay ganitong uri.
-Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapadaloy
ng mainit na singaw na galing sa mga reservoirs
sa ilalim ng lupa direkta patungo sa mga turbina
ng mga geothermal reservoirs, na magpapagana
sa mga generators upang makalikha ng kuryente.
Pagkatapos mapagana ng turbina, ang singaw ay
magiging tubig at padadaluyin pabalik sa lupa
gamit ang injection well.
MGA URI NG GEOTHERMAL POWER PLANT
-Ang Flash Steam Plant ay iba sa Dry Steam
dahil humihithit ito ng mainit na tubig sa halip
na singaw. Ang mga Flash Steam Plants na ito
ay humihithit ng mainit na tubig sa mataas na
pressure mula sa ilalim ng lupa papunta sa
flash tank na nasa ibabaw.
-Ang flash tank ay may mas mababang
temperature, na nagiging sanhi upang ang
likido ay mabilis na mag ‘flash’ at maging
singaw. Ang singaw na nalikha ang
magpapagana sa mga turbina. And singaw ay
lalamig at babalik sa pagiging tubig, kung saan
hihithitin ito pabalik sa ilalim gamit ang
injection well.
MGA GAMIT NG GEOTHERMAL NA ENERHIYA:
B. Sa mga Bukid - Ang
geothermal na enerhiya ay
kadalasang ginagamit ng mga
magsasaka upang mapainit ang
kanilang mga punlaan.
A. Sa mga Bahay – Pinapalamig nito ang temperatura sa inyong
bahay tuwing mainit na panahon.
ang magaganap tuwing buwan ng tag lamig.
MGA GAMIT NG GEOTHERMAL NA ENERHIYA:
C. Sa mga Industriya – Ginagamit ito para magpatuyo ng
iba’t-ibang klase ng pagkain – kadalasan mga prutas at mga
gulay.
ng mga mahahalagang metal mula sa mineral.
D. Sa Imprastraktura – Ito ay
magandang mapagkukunan
upang mapigilan ang
pagyeyelo ng mga bangketa
at mga kalsada tuwing
taglamig.
TIWI GEOTHERMALTIWI GEOTHERMAL
POWER PLANTPOWER PLANT
Ang Tiwi Geothermal
Complex ay matatagpuan sa
Tiwi sa Probinsya ng Albay,
halos 300 kilometro mula sa
timog-silangan ng Maynila sa
Pilipinas. Ang 289 MW na (net)
complex ay pagmamay-ari ng
Aboitiz Power’s Subsidiary AP
Renewables.
Ang complex ay binubuo ng tatlong generating units na tinatawag na Plant
A, na may dalawang 60MW units, Plant B na may dalawang 55MW units, at
Plant C na may dalawang 57MW units. Ang unit 4 ng Plant B ay tyumigil na o
na-decommissioned na noong 2003. Ang complex ay unang na-komisyon
noong 1979.
2019
07
KASAYSAYAN NG PAG UNLAD
PAGLALARAWAN NG RESERVOIR
Ang Tiwi Geothermal ay pangunahing liquid-dominated reservoir.
Ang produksyon ay mula sa lubos na sirang andesite. Ang buong
rehiyon ay aktibo batay sa heolohiko.
Maraming seismic na pangyayari ang naitatala kada buwan. Ang
nangingibabaw na katangian sa kanlurang bahagi ng field ay ang
bulkang Malinao. Ang sobrang baku-bako na topograpiya sa lugar na
ito ay nagging hadlang sa kaunlaran. Ang silangang bahagi naman ng
field ay napaka patag at sakop ng mga palayan. Dito sa lugar na ito
karaniwang naganap ang kaunlaran.
SISTEMA NG PRODUKSYON
Ang sistema ng produksyon ng Tiwi ay naiiba sa
karamihan ng mga hot water geothermal production
systems sa paggamit nito ng mga satellite stations, regional
community separators na kinokolekta ang produksyon mula
sa tatlo hanggang anim na balon at paghiwalayin ang
singaw mula sa brine sa presyon na 140 psia.
Naiiwasan ng ganitong uri ng sistema ng produksyon
ang pangangailangan ng mahabang distansya ng two-
phase pipelines (tulad ng ipinapakita sa larawan).
Ang mataas na presyon ng singaw at mataas na presyon ng daloy ng brine mula sa iba’t-ibang bahagi ng
satellite stations ay papunta sa plant station na matatagpuan katabi ng bawat power plant. Sa plant station,
ang mataas na presyon ng singaw ay dadaan sa isang scrubber at pagkatapos ay sa power plant. Ang
mataas na presyon ng tubig ay dadaloy sa mababang presyon na separator na tumatakbo ng 40 psia. Ang
mababang presyon ng singaw ay dadaloy mula sa separator patungo sa steam scrubber papunta sa power
plant. Ang brine na galing sa mababang presyon na separator ay dadaloy sa malaking concrete diffuser kung
saan ito ay ilalabas sa kapaligiran. Ang natitirang brine ay dadaloy sa pamamagitan ng kanal patungo sa
dagat.
SISTEMA NG PRODUKSYON
Ang lugar ng produksyon ng Tiwi Geothermal field ay halos 13km
2 na nahahati sa apat na mga
lugar na heograpiya: Naglagbong(N-Nag), Kapipihan(K-Kap), Matalibong(M-Mat), at Bariis(B-Bar).
Ang Naglagbong ay isang mababang lugar sa silangang bahagi ng field. Ang lugar ng Kapipihan ay
nasa lubak-lubak na lambak sa kanluran. Ang mga lugar ng Matalibong at Bariis ay sumasakop sa
mga matataas na mga tagaytay pa-hilaga at sa malayong kanluran ng field. Ang iba pang mga
lugar (Joroan, Sadurong, at Tagoytoy) sa loob ng lugar na kinontrata ay natuklas na ngunit ang
resulta ay hindi ito pang komersyal.
Noong 2003, 156 na balon na ang na-drill sa buong field. Sa mga ito, ang 48 na balon ay
nagbibigay ng kasalukuyang kinakailangang singaw at 16 balon ay ginagamit para sa brine at
condensate re-injection. Ang pinakamalalim na balon ay may sukat na lalim na 2,784m (9,130’)
samantalang ang pinakamababaw naman ay nasa 938m (3,078’) ang lalim. Ang kabuuang naka-
install na piping sa field ay katumbas ng 81km. Ang brine injection sa Tiwi ay umusad mula sa zero
brine reinjection noong 1979, nang magsimula ang komersyal na produksyon, ay nagging 100%
brine at plant condensate injection noong 1993.