What You Need to Know About COVID-19: Symptoms, Prevention, and Testing - Filipino, Summaries of English Language

Essential information for Filipinos about COVID-19, including symptoms, prevention methods, and testing procedures. It covers topics such as how the virus spreads, protective measures, and the importance of contact tracing. The document also includes information on accessing healthcare services and telehealth consultations.

Typology: Summaries

2020/2021

Uploaded on 10/03/2021

rashed-dagmil
rashed-dagmil 🇺🇸

1 document

1 / 8

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
What you need to know about COVID-19 - 15062020 - Filipino
Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa mga
sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng hininga. Ang virus
ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao, ngunit ang tamang kalinisan ay
makakatulong upang maiwasan ang impeksiyon. Alamin kung sino ang nasa panganib at kung
ano ang dapat mong gawin kung sa tingin mo ay may COVID-19 ka.
Ano ang COVID-19?
Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagiging sanhi ng mga
impeksyon sa paghinga. Ang mga ito ay maaaring karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit.
Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong uri ng coronavirus. Ito ay unang iniulat
noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.
Mga sintomas ng COVID-19
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring isang bahagyang sakit hanggang sa malubhang
pulmonya.
Ang ilang mga tao ay mabilis at madaling gagaling, at ang iba ay maaaring mabilis masyadong
magkakasakit.
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:
lagnat
ubo
namamagang lalamunan
pangangapos ng hininga
Kung ikaw ay nababahala, maaaring mayroon ka ng COVID-19:
i-access ang symptom checker sa website ng healthdirect
humingi ng medikal na payo sa pamamagitan ng pagkontak sa National Coronavirus Helpline
sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon na ito ay bukas ng 24 oras sa isang araw, pitong
araw sa isang linggo. Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang
Translating and Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450
tumawag muna para magpa-book ng appointment sa iyong doktor o ospital
alamin ang tungkol sa testing (pagpapasuri) sa pamamagitan ng pagkontak sa kagawaran ng
kalusugan sa inyong lokal na estado o teritoryo
PAPEL-PANGKAALAMAN
ANG KAILANGAN MONG MALAMAN TUNGKOL SA
CORONAVIRUS (COVID-19)
pf3
pf4
pf5
pf8

Partial preview of the text

Download What You Need to Know About COVID-19: Symptoms, Prevention, and Testing - Filipino and more Summaries English Language in PDF only on Docsity!

Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng hininga. Ang virus ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao, ngunit ang tamang kalinisan ay makakatulong upang maiwasan ang impeksiyon. Alamin kung sino ang nasa panganib at kung ano ang dapat mong gawin kung sa tingin mo ay may COVID-19 ka.

Ano ang COVID-19?

Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagiging sanhi ng mga impeksyon sa paghinga. Ang mga ito ay maaaring karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit. Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong uri ng coronavirus. Ito ay unang iniulat noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.

Mga sintomas ng COVID- 19

Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring isang bahagyang sakit hanggang sa malubhang pulmonya. Ang ilang mga tao ay mabilis at madaling gagaling, at ang iba ay maaaring mabilis masyadong magkakasakit. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:

  • lagnat
  • ubo
  • namamagang lalamunan
  • pangangapos ng hininga Kung ikaw ay nababahala, maaaring mayroon ka ng COVID-19:
  • i-access ang symptom checker sa website ng healthdirect
  • humingi ng medikal na payo sa pamamagitan ng pagkontak sa National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon na ito ay bukas ng 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang Translating and Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450
  • tumawag muna para magpa-book ng appointment sa iyong doktor o ospital
  • alamin ang tungkol sa testing (pagpapasuri) sa pamamagitan ng pagkontak sa kagawaran ng kalusugan sa inyong lokal na estado o teritoryo

PAPEL-PANGKAALAMAN

ANG KAILANGAN MONG MALAMAN TUNGKOL SA

CORONAVIRUS (COVID-19)

Paano ito kumakalat?

Ang COVID-19 na kumakalat mula sa isang tao papunta sa ibang tao sa pamamagitan ng:

  • malapit na pakikisalamuha sa isang nahawahang tao (kasama ang 48 oras bago siya magkaroon ng mga sintomas)
  • pagdampi ng mga droplet mula sa pag-ubo o pagbahin ng isang nahawahang tao
  • paghawak sa mga bagay o ibabaw (tulad ng mga doorknob o mga mesa) na may mga droplet mula sa isang nahawahang tao, at pagkatapos ay hihipuin ang iyong bibig o mukha Dahil ang COVID-19 ay isang bagong sakit, walang imyunidad dito sa ating komunidad. Ibig sabihin nito ay maaari itong kumalat nang malawak at mabilis.

Para saan ang COVIDSafe app?

Ang COVIDSafe app ay bahagi ng gawain ng Pamahalaang Australya upang pabagalin ang pagkalat ng COVID- 19. Sa pagkakaroon ng kumpiyansya na mahahanap at makokontrol natin ang mga pagsulpot (outbreak) nang mabilis ay nangangahulugan na maaari nang paluwagan ng mga pamahalaan ang mga paghihigpit habang pinapanatili pa ring ligtas ang mga Australyano. Ang COVIDSafe app ang tanging contact tracing app na inaprobahan ng Pamahalaang Australya. Ang bagong COVIDSafe app ay ganap na boluntaryo. Ang pag-download ng app ay isang bagay na magagawa mo para protektahan ang iyong sarili, ang iyong pamilya at mga kaibigan at iligtas ang buhay ng iba pang mga Australyano. Kung mas maraming mga Australyano ang kokonekta sa COVIDSafe app, mas mabilis na mahahanap ang virus ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo at makokontak ang mga tao na maaaring nalantad sa COVID-19. Pinabibilis ng COVIDSafe app ang kasalukuyang manwal na proseso ng paghahanap sa mga tao na nakisalamuha sa isang taong may COVID-19. Nangangahulugan ito na ikaw ay mas mabilis na makokontak kung ikaw ay nasa panganib. Binabawasan nito ang mga tyansa na ikaw ay maglipat ng virus sa iyong pamilya, mga kaibigan at iba pang mga tao sa komunidad. Maaari lamang ma-access ng mga opisyal ng kalusugan sa estado at teritoryo ang impormasyon ng app kung ang isang tao ay nag-positibo sa test at sumang-ayon na ang impormasyon sa kanilang telepono ay ma-upload. Maaari lamang gamitin ng mga opisyal ng kalusugan ang impormasyon ng app upang maalertuhan ang mga taong maaaring kailangang ikuwarentena o ipa-test.

Paano gumagana ang COVIDSafe app?

May limitadong ebidensiya sa ngayon tungkol sa panganib nito sa mga nagbubuntis. Sumangguni sa website ng Kagawaran ng Kalusugan para sa payo para sa mga taong nasa panganib.

Paano protektahan ang iyong sarili at ang iba

laban sa COVID- 19

Bawat isa ay may bahaging gagampanan sa pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19. Mahalagang gawin ang mga sumusunod na bagay upang pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 at protektahan ang mga taong pinakananganganib. Isagawa ang pisikal na pagdistansya (na tinatawag ding social distancing) at tamang kalinisan. Ang ibig sabihin nito ay:

  • pagpapanatili ng 1.5 metro na layo sa pagitan mo at ng ibang tao
  • pananatili sa bahay kung ikaw ay may sipon o mga sintomas ng trangkaso
  • pag-iwas sa pisikal na pagbati tulad ng pakikipagkamay, pagyakap at paghalik
  • paggamit ng ‘tap and go’ sa halip na cash hangga’t maaari
  • takpan ang iyong mga pag-ubo at pagbahing ng iyong braso o tisyu
  • itapon kaagad ang ginamit na mga tisyu sa basurahan at hugasan ang iyong mga kamay
  • madalas maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, bago at pagkatapos kumain at pagkatapos gumamit ng kubeta
  • gumamit ng mga hand sanitiser na batay sa alkohol
  • iwasan ang paghipo sa iyong mga mata, ilong at bibig
  • linisin at disimpektahin ang madalas gamiting mga ibabaw tulad ng mga benchtop, desk at doorknob
  • linisin at disimpektahin ang madalas gamiting mga bagay tulad ng mga mobile phone, susi, pitaka at mga pass sa trabaho
  • dagdagan ang dumadaloy na sariwang hangin sa pamamagitan ng pagbukas ng mga bintana o pag-adjust sa air conditioning Sundin ang payo sa mga pampublikong pagtitipon mula sa mga awtoridad ng inyong estado o teritoryo sa lahat ng oras.

Patungo sa isang COVIDSafe na Australya

Matagumpay na nabawasan ang dami ng impeksyon (flattened the curve) at sa sandaling ito, ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID- 19 sa buong bansa ay masyadong mababa. Maaari na natin ngayong simulan ang maingat na pagluluwag ng mga paghihigpit na nakatulong sa atin upang pigilan ang pagkalat ng virus na ito. Ang mga Pamahalaan ng Australya ay naglabas ng isang 3-hakbang na plano na nagbibigay ng landas na tatahakin (pathway) ng mga estado at teritoryo upang tumungo sa isang COVIDSafe na komunidad. Ang mga estado at teritoryo ay lilipat

sa pagitan ng mga hakbang sa pathway sa iba't ibang panahon, na nakaayon sa kanilang pampublikong kalagayan sa kalusugan at mga lokal na kondisyon. Maaari kang manatiling up to date sa nagbabagong mga paghihigpit sa inyong estado at teritoryo sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang COVID-19 na website. Gayunman, sa lahat ng mga hakbang, mahalaga para sa mga tao na panatilihin ang pisikal na pagdistanya at tamang kalinisan, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit at magpa-test kung mayroon kang anumang sintomas ng COVID-19.

Paano ako magpapatingin sa doktor?

Mahalaga na patuloy mong tuparin ang iyong regular na mga tipanan sa doktor – lalo na kung ikaw ay may malala o kasalukuyang karamdaman na nangangailangan ng medikal na pangangalaga. Kung ikaw ay may sakit at sa tingin mo ay may mga sintomas ka ng COVID-19, mahalagang humingi ng medikal na payo. Kung nais mong makipag-usap sa isang tao tungkol sa iyong mga sintomas, tawagan ang National Coronavirus Helpline para sa payo sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon ay bukas ng 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Kung ikaw ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang Translating and Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450. Upang humingi ng medikal na tulong mula sa isang doktor o ospital, tumawag muna para ipaalam sa kanila na ikaw ay darating. Ikaw ay hihilingan na magsagawa ng mga pag-iingat kapag ikaw ay pupunta para magpagamot. Sundin ang mga tagubiling ibinigay sa iyo. Kung ikaw ay may mga sintomas ng isang sakit sa paghinga, magsuot ng mask upang protektahan ang iba kapag ikaw ay nagpapatingin sa doktor. Kung wala kang mask, ipaalam ito sa iyong healthcare provider dahil maaari ka niyang bigyan nito. Manatili nang hindi bababa sa 1.5 metro ang layo sa pagitan mo at ng ibang tao sa lahat ng oras. Takpan ang iyong mga pag-ubo at pagbahing ng iyong braso. Sabihin sa doktor ang tungkol sa:

  • iyong mga sintomas
  • anumang kamakailang paglalakbay
  • anumang kamakailang pakiki-ugnay mo sa isang tao na may COVID- 19

Mga klinika ng respiratoryo na pinamumunuan ng GP

Maaari ka ring pumunta sa isang klinika ng respiratoryo na pinamumunuan ng GP. Mayroong mga klinika ng respiratoryo sa bawat estado at teritoryo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga klinika sa inyong lugar, bisitahin ang:

Paano ako magpapa-test para sa COVID-19?

Sinuman na may mga sintomas ng COVID-19 ay dapat sumailalim ng testing. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay lagnat, ubo at namamagang lalamunan. Mahalagang magpa-test kahit na bahagya lamang ang mga sintomas. Ang magpa-test para sa COVID-19 ay tumutulong sa pagtukoy ng maraming kaso hangga't maaari upang sila ay maihiwalay at ang kanilang mga nakasalamuha (contact) ay matutunton upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa komunidad. Ito ay makakatulong sa pagsisikap ng pampublikong kalusugan upang bawasan ang pagkalat ng COVID-19 at kung ano ang uunahin at saan ididirekta ang mga mapagkukunan ng pangangalagang pangkalusugan. Ang mga estado at teritoryo ay maaaring may sariling mga pamantayan sa testing, kaya mangyaring alamin ito sa inyong lokal na mga kagawaran ng kalusugan.

Naghihintay para sa resulta ng test

Maaaring tumagal ng ilang araw bago malaman ang mga resulta ng test. Kung ikaw ay may malalang mga sintomas, maaari kang ipasok sa ospital at ihiwalay sa iba pang mga pasyente upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Kung sinasabi ng iyong doktor na ang lagay mo ay maayos naman para makauwi habang ikaw ay naghihintay ng iyong mga resulta sa test, dapat mong:

  • ihiwalay ang iyong sarili sa bahay
  • protektahan ang iyong sarili at ang iba sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tamang kalinisan at pisikal na pagdistansya

Paano ginagamot ang COVID-19?

Sa kasalukuyan ay walang paggamot o bakuna para sa COVID-19. Maaaring gamutin ng pangangalagang medikal ang karamihan ng mga sintomas. Ang mga antibiyotiko ay mabisa lamang laban sa mga impeksiyon ng bakterya at hindi epektibo sa mga virus. Iminumungkahi ng ilang mga ulat na ang ilang mga gamot, kabilang ang hydroxychloroquine, ay maaaring gamitin sa paggamot ng COVID-19. Wala pang mga gamot ang inaprubahan ng Therapeutic Goods Administration (TGA) sa paggamot ng COVID- 19. Alamin ang higit pa tungkol sa hydroxychloroquine sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng TGA na: https://www.tga.gov.au/alert/new-restrictions-prescribing-hydroxychloroquine-covid- 19

Karagdagang impormasyon

Bisitahin ang www.health.gov.au Hanapin ang mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa COVID- 19. Bisitahin ang aming COVID- 19 Ingles na mga COVID-19 resources at isinalin na COVID- 19 resources Para sa kaalaman kung ano ang ginagawa ng Pamahalaang Australya upang protektahan ang mga Australyano laban sa COVID-19, pumunta sa www.australia.gov.au 000084