Download Issue sa kalikasan esp and more Lecture notes English in PDF only on Docsity!
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul: 10
Pangangalaga sa Kalikasan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Modyul 10 Natutukoy at Nasusuri ang mga Isyu Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga sa Kalikasan. Alamin Naranasan mo na ba ang magbakasyon sa beach o sa mga lugar na may mga magagandang tanawin kasama ng iyong pamilya? Siguro ay hindi mawari ayong pagkasabik di ba? Kasi gusto mong maranasan ang maligo sa beach o pumunta sa mga di mo pa napupuntahang lugar. Ano kaya ang meron sa mga lugar na gusto mong puntahan? Siguro ay dahil sa sariwa ang hangin at maraming mga magagandang tanawin? Di ba ang gandang isipin kung ang lahat nang mga nasa paligid natin ay may ganitong katangian? Ang mga kagandahan na ating nasisilayan ngayon ay handog sa atin ng Kalikasan. Nais mo bang mapanatili ang kagandahang handog ng kalikasan? Kung Oo ang sagot mo ay halina at samahan mo akong alamin ang mga kahalagahan sa pangangalaga ng kalikasan at ang mga suliranin na kinakaharap nito sa ating lipunan. Ang modyul na ito ay ginawa upang malilok ang isip at puso mo sa kahalagahan ng kalikasan sa ating buhay at ang mga magiging epekto nito sa buhay ng tao kung ito ay pababayaan at hindi proprotektahan. Inaasahan na maipamamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod: 12.1 Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan 12.2 Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan. Panuto: Para malaman ang mga konsepto at kaalaman sa modyul na ito ay basahin, unawain at sagutin ang mga tanong. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.
- Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan? Subukin
6 a. Lahat na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay. b. Lahat nang may buhay. c. Lahat ng bagay na magagamit ng tao. d. Lahat ng nakapaligid na may buhay o wala.
- Bilang isang mag-aaral, ano ang isang bagay na pwede mong gawin para sa kalikasan? Alin sa sumusunod ang iyong gagawin? a. Pulutin ang mga basurang nakakalat sa loob ng paaralan. b. Gagawa ng mga programang susundin ng mga mag-aaral upang makatulong ng malaki. c. Magkukusa sa mga gawain sa paaralan. d. Magtiwala at magdasal.
- Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang______. a. Paggamit ng kalikasan ayon sa kagustohan. b. Responsableng pagamit ng kalikasan. c. Walang pakundangang pagamit ng kalikasan. d. Hindi isinasaalang-alang ang iba.
- Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa. a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura. b. Pagsusunog ng basura. c. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig. d. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
- Ang sumusunod ay hindi nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan, maliban sa isa. a. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi. b. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito. c. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani. d. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.
- Saan nagsisimula ang pagtuturo ng disiplina sa pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan? a. Sa mga barangay na nagpapatupad ng mga ordinansa. b. Sa loob ng paaralan, dahil ang guro ngpapatupad nito. c. Sa loob ng bahay, dahil ang mga magulang ang unang dapat magturo ng disiplina. d. Sa ibang tao na may mas mataas na awtoridad dahil mas epektibo kung sila ang nagpapatupad ng disiplina.
- Sa anong paraan maipapakita mo ang pagiging responsabling mag-aaral? a. Sumusunod sa mga panuntunan ng paaralan. b. Gawin lahat ng mga pinag-uutos ng guro. c. Pagkukusa at disiplina na gawin ang nararapat na gawain sa loob at labas ng paaralan
7 d. Makinig lamang sa lahat ng ipag-uutos ng Punong guro.
- Ano ang maaring unang mangyari sa mundo kung ang lahat ng tao ay walang disiplina at walang pakialam sa kalikasa? a. Magkakaroon ng kakulangan sa supply ng mga pangunahing kagamitan. b. Magkakaroon ng Global warming at mababago ang klima ng mundo at magdudulot ng mga hindi inaasahang mga kalamidad at trahedya. c. Paunti-unting pagbaba ng ekonomiya ng mundo. d. Magkakaroon ng malawakang kaguluhan sa mundo.
- Ang kalikasan ay handog ng Diyos sa tao at dapat itong alagaan at mahalin. Alin sa sumusunod ang hindi pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan? a. Pagtatanim ng puno para sa susunod na henerasyon b.Gamitin ang lahat ng yaman ng kalikasan para sa kaunlaran ng walang pakundangan. c.Pangingisada sa dagat gamit ang tradisyunal panghuhuli upang may ipapakain sa pamilya. d. Gagamitin ang mga pwede pang magamit na mga bagay na patapon na para mapakinabangan pa.
- Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan? Ano ang gagawin mo kung nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa ilog? a. Ipag-alam agad sa barangay o sa may awtoridad ang pangyayari para mabigyan ng kaukulang aksyon. b. Pagsabihan na wag nang ulitin dahil magiging madumi ang tubig. c. Pabayaan nalang para walang away. d. Mag kunwari na wala kang nakita. Sa Modyul 10 ay iyong natunghayan at natutunan kung paano dapat maipakita ang pagmamahal sa ating bayan at ang mga kaakibat na reposibilidad na dapat mong gampanan upang maitaguyod ang katiwasayan at pagsulong ng kaunlaran. At isa rin sa dapat mong isaalang-alang na ang katiwasayan at pagsulong ng kaunlaran ay hindi epektibo kung babaliwalin ang pundasyon nang kaunlaran na kung saan ito ay ang kalikasan. Ang kalikasan ay biyayang galing sa Diyos na kung saan ito ay yamang hindi kailan man mapapantayan. Balikan
Suriin
Kalikasan
Ang kalikasan ay ang lahat na makikita na maaring may buhay o wala, tulad ng halaman, puno at mga iba’t-ibang uri ng hayop, malaki man o maliit. Bahagi rin ng kalikasan ang mga pinagkukunan nila ng pagkain na siyang tumutugon upang sila ay mabuhay. Maging ang tao ay parti rin ng kalikasan, sa kadahilanang iisa lang ang mundo na ating ginagalawan. Ngunit kahit na ang tao ay parti nito, di maikakaila na ang tao rin ang sumusira nito. Ang Pilipinas ay sagana sa mga iba’t- ibang yamang handog ng Kalikasan. Sa pagyabong ng modernong panahon nitong kasalukuyan ay may malaking bahagi ang nasisira at nalalagay sa alanganin. Kung ihahambing natin ang panahon noong nakalipas na sampung taon ay may pagkakaiba ba ito sa kasalukuyan? Marahil ang sagot mo at ng karamihan ay “Oo” dahil ang tindi ng init ngayon ay ibang-iba na talaga. At ang tag-ulan o taglamig naman natin ay tunay ngang nagdudulot ng napakalaking trahedya na sumisira ng buhay ng tao at ng kagandahan ng kalikasan. Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit nangyayari ang ito. Sino ang may pananagutan? Maipabaling mob a ito sa Diyos? O sa tao? Malinaw na may malaking paglabag ang tao at ambag sa mga pangyayaring ito. Narito ang mga halimbawa ng mga suliranin sa kalikasan na marahil isa ka sa lumalabag dito:
Suliranin sa Kalikasan
1. Maling Pagtatapon ng basura.
- Ang maling pagtatapon ng basura ay nakapagdudulot ng pagbaha. Kapag uumuulan ng malakas ang mga basura na itinapon sa daanan ng tubig ay maaring makabara sa daluyan ng tubig at nakapagdudulot ng pagbaha.
- Maaring pagmulan ng mga iba’t-ibang sakit.
2. Ilegal na pagputol ng mga puno.
- Ang walang habas na pagputol ng puno ay nakakaapekto sa supply ng tubig dahil ang mga ugat ng mga puno ang siyang nadadala at nag iipon ng tubig o tinatawag na underground water.
10
- Nagiging sanhi din ito ng pagbaha at paguho ng lupa, dahil wala nang kumakapit sa lupa lalo na pag malakas ang ulan.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
- Ang hangin, tubig at lupa ay unti-unting dumurumi dahil narin sa mga maling gawain ng mga tao na nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig at lupa.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa
kagubatan.
- Maraming mga uri ng halaman at hayup ang unti-ynting nawawala, threatened, endangered dahil na rin sa pagkasira ng kanilang tirahan at walang habas na pangangaso ng mga tao dahilan ito sa pagkawala nila o magiging extinct.
5. Malabis at mapanirang pangingisda.
- Dahil sa Dynamite fishing at cyanide fishing nasisira ang kanilang tirahan at nalalason ang mga isda.
6. Ang konbersiyon ng mga lupang sakahan, ilegal na pagmimina, at
quarrying.
- Ang mga lupang sakahan na sana ay upang makapagtanim ng produkto bilang pagkain ay napalitan sa pagpapatayo ng mga subdivision gulf course at iba pa.
- Ang mga paguho ng lupa ay kadalasan sanhi ng pagmimina ng mga kompanyang patagong kumukuha at humuhukay ng mga yamang lupa sa mga bundok.
7. Global warming at climate change.
- Ang patuloy nag pag-init ng daigdig (Global warming) ay nakakaapekto sa (climate change) o pagbabago ng klima at pagtaas ng temperature sa mundo.
8. Komersiyalismo at Urbanisasyon.
- Komersiyalismo ay tumutukoy sa ugali at kilos ng tao na labis ang pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na bagay.
- Urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan, hal. Pagpapatayo ng mga gusali, Mall at iba pa. Dahil dito hindi natutuunan ng pansin ang pagpapahalaga sa kapaligiran. Pagyamanin
siyang bumubuhay sa atin, dahil sa yamang handog nito tulad ng yamang tubig, yamang lupa at iba pang mga pinagkukunan ng mga pangangailangan ng tao, pag mawawala ang kalikasan siguradong mawawala rin tayo dito sa mundo. Isagawa Panuto : Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa iyong mabubuong ideya tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong pangkalikasan sa pamumuhay ng tao.
Tayahin Panuto : Tama o Mali. Basahin at unawain ang mga pangungusap at isulat kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. _______ 1. Ang Kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng may buhay. _______ 2. Climate change ay ang pag-init ng daigdig. _______ 3. Ang Tao ang may mas malaking ambag sa pagkasira ng kalikasan. _______ 4. Pagkawala ng mga underground water ay sanhi pagmimina. _______ 5. Ang paguho ng lupa ay malimit na sanhi ng kawalan ng puno na siyang kumakapit sa lupa. _______ 6. Ang Gobyerno ang dapat may malaking responsibilidad sa pangangalaga sa kalikasan. _______ 7. Pabayaan nalang ang pag-unlad kung ikasisira naman ito ng kalikasan.
_______ 8. Ang Global warming ay ang pagbabago ng klima mula sa normal na temperature. _______ 9. Ang deforestration ay ang pagakasira ng kagubatan dahil sa iba’t-ibang gawain ng tao. _______ 10. Ang kaligtasan ng ating kalikasan ay nakasalalay sa ating kamay. _______ 11. Ang Urbanisasyon ay mayroon ding epekto sa Kalikasan. _______ 12. Dapat mgkaroon ng disiplina sa sa sarili sa pagtapon ng basura. _______ 13. Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa tao kaya nararapat lamang na gamitin itong lahat para sa pag-unlad. _______ 14. Ang pagtaas ng antas ng Co2 o Carbon di Oxide sa hangin ay nakakaapekto sa kalusugan. _______ 15. Ang lahat ng mga trahedya at kalamidad na nagyayari sa mundo ay kagagawan tao. Karagdagang Gawain Panuto: Ano-anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at babasahin? Gamit ang konseptong iyong natutuhan, ipaliwanag ang mensahe ng larawang nakikita mo sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.