MASUSING BANGHAY ARALIN, High school final essays of English

IBONG ADARNA MULA SA ORIHINAL NA LIBRO

Typology: High school final essays

2020/2021

Uploaded on 03/17/2022

angel-awa
angel-awa 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 50

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
Filipino Baitang 7
Ikaapat na Markahan
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32

Partial preview of the text

Download MASUSING BANGHAY ARALIN and more High school final essays English in PDF only on Docsity!

Filipino Baitang 7

Ikaapat na Markahan

Tulang Romansa

Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.

Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa impremta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.

Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ng diwang Kristiyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.

Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.

Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal sa magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.

Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.

Ikalawang Pagbasa

Ipabasa nang tahimik sa klase.

Dalawang Anyo ng Tulang Romansa Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito ayon sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.

Korido

(1) May walong pantig sa bawat taludtod. (2) Sadyang para basahin, hindi awitin. (3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang. (4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa. (5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay. (6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.

Awit

(1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod. (2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon. (3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante. (4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida. (5) Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit. (6) Halimbawa nito ang Florante at Laura.

May iisang layunin ang awit at korido sa paglikha ng mga tauhang may kahanga- hangang kakayahan:

Lumikha ng larawan ng isang bayaning maaaring hangaan at pamarisan.

1. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga gawain. A. Magbigay ng mga susing salita na maaaring mailarawan ang salitang nasa ibaba. Isulat ito sa bawat patlang na nasa semantic web.

TULA

ROMANSA

B. Mula sa mga susing salita na naisulat sa mga patlang, bumuo ng sariling kahulugan ng Tulang Romansa. Ang Tulang Romansa ay __________________________________________________










2. Pagpapalawig

A. Sabihin sa klase na paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng awit at korido batay sa nabasang teksto. Gamitin ang Venn diagram para dito.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad B. Mula sa mga nabanggit na kuwentong-bayan na hawig ng Ibong Adarna sa ikalawang teksto, saliksikin ang buod o ang kabuuang kuwento nito. Isalaysay sa klase ang mahalagang bahagi ng kuwento at isadula ito sa pamamagitan ng isang karilyo. Pagkatapos ng pagsasadula, tukuyin ng klase ang mahalagang detalye at mensahe ng akdang ibinahagi sa klase.

AWIT KORIDO

Takdang Aralin

Sabihan ang mga mag-aaral na magsaliksik sa silid-aklatan o Internet tungkol sa iba pang ideya tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Ipasulat ang buong talata at ipasulat sa ibabang bahagi ang pinagkunan o ang sanggunian batay sa pormat ng pagsusulat ng bibliograpiya.

Rubric sa Pagmamarka (Maaaring baguhin.)

  1. Bagong Konsepto na Nakalap – 40%
  2. Pagkilala sa Sanggunian – 10%
  3. Kalinawan ng Paglalahad – 30%
  4. Orihinalidad (Walang Hawig Sa Kaklase) – 5%
  5. Kaugnay sa Paksa – 15%

Kabuuan = 100%

Ikaapat na Markahan Baitang 7

Supplemental Lesson Plan

Ibong Adarna – Isang Obra Maestra

Aralin 2: Panawagan ng May-akda

(Saknong 1–6)

A. Panimula

Ipasagot ang tanong na:

Pamilyar ka ba sa problemang kinahaharap ng kabataang Pilipino? Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na manawagan sa mga kabataang sangkot dito, ano ang iyong magiging panawagan?

Bumuo ng isang panawagang pa-plakard para dito at ipaskil sa blackboard.

B. Katawan

Sabihin sa klase na bumuo ng limang pangkat para basahin ang bahagi ng Ibong Adarna na ang Panawagan ng May-akda.

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pagsusuri ng mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat bigyan ng solusyon. Pamantayang Pagganap: Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan Mga Kasanayang Pampagkatuto:

  1. Nakapagmumung- kahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda
  2. Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napa- kinggang bahagi ng awitin na may pag- kakatulad sa akdang tinalakay
  3. Nakasusulat ng isang panalangin na maka- pagmumungkahi ng solusyon sa isang su- liraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan

c. Ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa d. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa e. Nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay

2. Pagpapalawig Ipasagot ang mga tanong: a. Sino ang nagdarasal sa unang bahagi ng akda? b. Ano ang nilalaman ng kanyang panalangin? c. Bakit sa Mahal na Birhen siya nagdarasal? Magpatala ng balita na nagpapakita ng suliraning panlipunan na ipinahayag sa saknong. Ako’y isang hamak lamang Taong lupa ang katawan, Mahina ang kaisipan At maulap ang pananaw.

(Ulo ng Balita): ______________________________________________

(Buong Balita) (Itala/Idikit.)

Malimit na makagawa Ng hakbang na pasaliwa Ang tumpak kong ninanasa Kung mayari ay pahidwa

(Ulo ng Balita): ______________________________________________

(Buong Balita) (Itala/Idikit.)

3. Pagpapayaman Iparinig ang awiting “Patawad” sa klase at ipahambing ang awiting ito sa unang anim na saknong ng Ibong Adarna. Isa-isahin ang bahagi ng awitin at akda na magkahawig at ilahad ang saloobin o damdamin habang ito ay binabasa/ inaawit.

C. Kongklusyon

Magsagawa ng pangkatang gawain sa klase (limang pangkat/klase) at magbabahaginan ng sariling karanasan tungkol sa pagpapanuto ng sarili upang masolusyonan ang mga suliraning pangkabataan. Iuugnay ang huling saknong sa akda upang mabigyan ito ng pansariling interpretasyon.

Kaya, Inang matangkakal ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay.

Sabihin sa mga mag-aaral na pagnilayan din ang gampanin ng isang ina/babae upang mapanuto ang isang kabataan. Ipasulat ang repleksiyon sa isang stick on at ibigay ito sa kanilang ina.

Takdang Aralin

Magpasulat ng isang bukas na liham na kakikitaan ng mga solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng mga kabataan. Papiliin lamang ng isang suliraning pangkabataan.

Rubric sa Pagmamarka (Maaaring baguhin.)

  1. Nilalaman ng Liham – 40%
  2. Organisasyon – 10%
  3. Kalinawan ng Paglalahad – 30%
  4. Orihinalidad (Walang Hawig sa Kaklase) – 5%
  5. Esensiya ng Solusyon sa Lipunan – 15%

Kabuuan = 100%

  1. Nakasusulat ng tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan

Ano sa mga panaginip mo ang hindi mo malilimutan? Nagkatotoo ba ang panaginip mong ito? Naniniwala ka ba na ang mga panaginip ay may kahulugan? Bakit? May katuwiran ba ang paniniwala sa kahulugan ng panaginip? Ipaliwanag ang panig.

B. Katawan

1. Presentasyon Pagbasa ng mga Saknong ng Ibong Adarna Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng saknong na kanilang babasahin at ibabahagi nila ito sa klase sa pamamagitan ng pagbuo ng isang maikling pagtatanghal. Pangkat 1: Saknong 7–29 (Ang Mag-anak sa Kaharian ng Berbanya) Pangkat 2: Saknong 30–45 (Ang Panaginip ng Hari) Pangkat 3: Saknong 46–80 (Paglalakbay ni Don Pedro) Pangkat 4: Saknong 81–109 (Paglalakbay ni Don Diego) Pangkat 5: Saknong 110–128 (Paglalakbay ni Don Juan) 2. Pagpapalawak ng Talasalitaan Talasalitaan Ipabigay sa mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng advance organizer. 1. matangkakal 2. maulap 3. lumayag

m a w n

m g o

a a k

d m t g

i l k

  1. nililo
  2. dumangal

Berbanya Bundok Tabor/Piedras Platas

3. Pagpapayaman

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksa na ibabahagi sa klase. Pangkat 1: Pagguhit at Paglalarawan ng Tagpuan Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tagpuan. Iguhit ang tagpuan batay sa ibinigay na paglalarawan sa akda.

Haring Fernando

Ilarawan si Haring Fernando bilang hari o pinuno. Ihambing siya sa mga pinuno ng bayan sa kasalukuyan.

Ilarawan si Reyna Valeriana bilang reyna at asawa. Ihambing siya sa asawa ng mga pinuno ng bayan sa kasalukuyan.

Ilarawan ang tatlong prinsipe. Ihambing sila sa mga anak ng pinuno ng bayan sa kasalukuyan.

Reyna Valeriana

Don Pedro, Don Diego, at Don Juan

Pangkat 2: Pagpapakilala sa mga Tauhan Pumili ng saknong mula sa akda na naglalarawan sa tauhan.

c. Sino ang naging paborito ng hari? Paano mo ito ihahambing sa iyong sariling pamilya? d. Paano mo kahaharapin ang mga pagkakataong hindi ikaw ang pinagtutuunan ng pansin ng iyong magulang? e. Ano ang pangarap ng mga magkakapatid? Paano nila ito pinaghandaan? f. Ano ang naging panaginip ng hari? Ano ang naging epekto nito sa kanyang kalusugan? Paano hinarap ang suliraning ito ng mag-anak sa akda? g. Ano-ano ang iyong ginagawa sa oras ng pangangailangan sa pamilya? Sino ang iyong tinatakbuhan?

4. Pagpapalawig Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa at mga suliraning panlipunan na nakapaloob dito. Maglahad din ng mga sanhi, bunga, at maaaring solusyon na mailalapat dito. Gamitin ang PECS Chart.

Problem (Problema)

Cause (Sanhi)

Effect (Bunga)

Solution (Solusyon)

C. Kongklusyon

1. Sintesis Punan ang hinihinging impormasyon sa character values profile. Ibigay ang mga tauhan at mga katangian o pagpapahalagang ipinamalas nila sa aralin.

2. Pagtataya Sumulat ng isang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kabataan na matatagpuan sa akdang binasa. Batayan ng Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay! 4–5 puntos

Mahusay! 3–2 puntos

Paghusayin pa! 1 puntos

Marka

Nilalaman Malinaw at ma- kabuluhan ang pagpapaliwa- nag sa salitang kumakatawan sa paksang tinata- lakay.

May kabuluhan ang ginawang pagpapaliwa- nag subalit may ilang mga diwang malabo.

Hindi malinaw ang kaugnayan ng piniling salita sa paksang tina- talakay.

Organisasyon Kapuna-puna ang natata- nging pag- sasaayos at kaisahan ng mga ideya.

Kapansin-pansin ang kamalayan sa pagsasaayos at kaisahan ng mga ideya.

May kaguluhan ang pagsasa- ayos at kaisahan ng mga ideya.

Wika Wasto’t angkop ang paggamit ng mga bantas, baybay, at gamit ng mga salita.

May iilang mga pagkakamali sa paggamit ng bantas, baybay, at gamit ng salita.

Hindi-gaanong naisaalang- alang ang wasto’t angkop na paggamit ng mga bantas, baybay, at gamit ng mga salita.