MODULES FOR HIGHSCHOOL, Study Guides, Projects, Research of English

It contains of a lot of impormation

Typology: Study Guides, Projects, Research

2020/2021

Uploaded on 06/11/2021

lance-borja
lance-borja 🇵🇭

1 document

1 / 286

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng
mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36
pf37
pf38
pf39
pf3a
pf3b
pf3c
pf3d
pf3e
pf3f
pf40
pf41
pf42
pf43
pf44
pf45
pf46
pf47
pf48
pf49
pf4a
pf4b
pf4c
pf4d
pf4e
pf4f
pf50
pf51
pf52
pf53
pf54
pf55
pf56
pf57
pf58
pf59
pf5a
pf5b
pf5c
pf5d
pf5e
pf5f
pf60
pf61
pf62
pf63
pf64

Partial preview of the text

Download MODULES FOR HIGHSCHOOL and more Study Guides, Projects, Research English in PDF only on Docsity!

Filipino

sa Piling Larang

Akademik

Kagamitan ng Mag-aaral

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

ii

Filipino sa Piling Larang - Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Unang Limbag 2016

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang sinumang lalabag dito.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR) Office Address : Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985 Email Address : [email protected] * [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Corazon L. Santos Santos, PhD Gerard P. Concepcion PhD Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: Salvador Biglaen Tagasuri ng Wika: Wilma B. Bitamor, MA Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos

Tagapamahala ng Pagbuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Bureau of Curriculum Development Bureau of Learning Resources

iv

 Posisyong Papel

  1. Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad................................................ 64
  2. Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano................................................................... 69

 Talumpati

  1. Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal ...................................... 73
  2. Talumpati sa Pagtatapos 2015 .................................................. 77
  3. Dangal at Parangal .................................................................... 80

 Buod

  1. Buod ng SONA 2015 ................................................................. 84

 Abstrak

  1. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari.............................................................. 87
  2. Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran........................................................ 88
  3. Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano....................................... 89

v

 Bionote

  1. Bienvenido Lumbera ................................................................ 90
  2. Virgilio Almario .......................................................................... 91

Kabanata 3. Ilang Akademikong Sulatin

na Nagsasalaysay at Naglalarawan................... 93

 Lakbay-Sanaysay

  1. Solo sa Oslo .............................................................................. 94
  2. Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad .............................. 98

 Replektibong Sanaysay

  1. Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa Dekada ’70.............................. 105
  2. Bakit ako Naging Manunulat ..................................................... 134
  3. Hindi Ngayon ang Panahon ..................................................... 140

 Piktoryal na Sanaysay

  1. Pagbakwit ng Lumad sa Lianga – Noon at Ngayon .................. 148
  2. Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila ......... 151

Kabanata 4. Akademikong Sulatin sa Humanidades ........ 153

  1. Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano.................................... 154
  2. Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan....................................................................... 188

vii

Akademik

viii

2

Sa Ikalawang Bahagi, ilan sa mga anyo ng pagsulat na masasabing propesyonal at/o teknikal ang isinama sa mga babasahin. Ang ilan sa mga ito’y katitikan ng pulong, panukalang proyekto, posisyong papel, bionote, abstrak, at buod. May dalawang pangunahing mga layunin ang mga babasahin sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na makilala at maunawaan ang ilang prominenteng mga indibidwal at ang kanilang mga milyu, adbokasi, at ambag sa lipunang Pilipino. Pagkilala ito sa nagawa at ginagawa ng mga iskolar na ito, habang napayayaman ng mag-aaral ang kaniyang kaalaman hinggil sa mga ito, na ugnay sa kaniyang binabasa at pinag-aaralan. Ikalawa, upang tumugon sa pangangailangan ng mag-aaral na makasulat ng mga mahahalagang ulat at impormasyon mula sa mga lumitaw na diskusyon, at gayundin naman sa gagawing pagdiskurso. Walang mag-aaral ang hindi lulubog sa isang pulong halimbawa, ito man ay sa pagitan ng kaniyang mga kamag-aral, o kaya ay sa mga magiging katrabaho; at ang pagbuo ng isang makabuluhang talumpati o presentasyon na ihaharap sa isang panel hinggil sa isang ulat, bubuuing proyekto o pananaliksik.

Katangian ng propesyonal na pagsulat ang pagpapasimple ng mga komplikadong pahayag. Kinakailangan ang mainam na pagsasala at paggamit ng mga salita, nang sa gayon ay hindi magkaroon ng maling pag- unawa sa babasa ng teksto. Ang estilo ng manunulat ay kinakailangang objektiv, direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga nais niyang sabihin. Kaiba halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na kung saan may mga pagkakataong kailangang palalimin at pabulaklakin pa ang mga pahayag, ang propesyonal na pagsulat ay nangangailangan ng malinaw na direksiyon at pagpapaliwanag, sa isang hindi emosyonal na paraan.

Hindi nakukuha nang agaran ang mga kasanayang kinakailangan sa propesyonal na pagsulat subalit, mahalaga ang masteri sa iba’t ibang mga katangian na maaaring paglubugan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang pagpapalawig ng mga katotohanan, pagsisintesis ng mga impormasyong kinakailangan, at pagbuo ng mga objektiv na pagpapahayag. Kadalasan, ang propesyonal na pagsulat ay ginagawa sa ekspositoring pamamaraan, na nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa trabaho o pagtatrabaho.

Dalawa sa mga pinakagamiting mga anyo ng propesyonal na pagsulat na masasabing generic sa anumang propesyon ay ang katitikan ng pulong at panukalang proyekto. Sa sinumang bahagi ng isang organisasyon o

3

kompanya, ang pag-upo sa pulong sa pulong ay bahagi ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa pakikisangkot sa iba’t ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng misong organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano sasalaain ang lahat ng mga pinag- usapan sa isang maikli at malinaw na paraan. Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad ng gumagawa ng katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat ang muling pag-uulat ng esensya ng anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng isang mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong dokumento sa mga hindi nakadalo.

Sa isang banda, mahalaga naman ang panukalang proyekto sa paglatatag at pagpaplano ng gagawing proyekto. Hindi lamang ito simpleng paglalahad upang ipaunawa ang gagawing proyekto; bagkus, kinakailangan nitong maging mapanghikayat, nang sa gayon ay pahintulutan ang pagsasagawa ng partikular na proyekto. May tatlong pangunahing layunin ito: angpagtitiyak sa kung anong proyekto ang kinakailangang gawin, pagpapaliwanag kung bakit ito kailangang gawin, at panghihikayat sa mambabasa (o panel) na mayroong sapat na plano, metodo, pinansya, at panahon upang isagawa ang proyekto.

Bagaman may kani-kaniyang format ang bawat organisasyon at kompanya sa pagsulat ng katitikan ng pulong at panukalang proyekto, generic naman ang kinakailangang lamanin ng mga ito. Mahalaga ang mga kasanayang ito sa isang mag-aaral, sapagkat pagsasanay ito sa karanasang susuungin nila paglabas ng paaralan.

Ipakikita rin ng mga piniling babasahin na maaari pa rin namang gamitin ang mga kinagisnan nang anyo ng pagsulat sa mas mataas na pagtalakay at diskurso. Sa pagsulat ng buod halimbawa, kinakailangang makalabas na sa kahon ng maikling kwento, nobela, at pelikula ang binubuod ng mga mag-aaral. Habang sa pagsulat naman ng posisyong papel, kinakailangang masanay ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling mga argumento hinggil sa isang napapanahong isyu, habang isinasalang-alang ang iba’t ibang mga katotohanang ugnay dito. Lampas sa minimum competencies na inihanda ng DepEd ang pagsulat ng papel pananaliksik, subalit iminumungkahing ito ang maging panghuling gawain ng mga mag-

5

salita sa paningin ng iba, higit pa dito, ito’y dapat tingnan sa pagka-akda at pagka-likhang sining nito.

Matutunghayan sa mga talumpating isinama sa mga babasahin, ang pagbanggit at paggigiit sa mga personal na karanasan bilang panghabambuhay na aral. Mababasa ang mga pinagdaanang karanasan sa buhay na tinitingnan bilang resipi sa tagumpay. Pinatutunayan ng mga talumpating ito na kaya ng bawat isang maging matagumpay, anuman ang kalagayan sa buhay.

Wala rin namang pinag-iba ito sa mga lakbay-sanaysay na nagpapakita ng mga pampersonal na karanasan bilang lunsaran sa pagkatuto. Ang paksa ng “ako,” “siya/sila,” “Pilipinas/Pilipino” at “ibang bansa,” ay mailalantad na masasabing normal na diskurso lamang ng higit pa sa pampersonal na motibo. Lagpas pa sa mga larawan ng lugar at pagkain ang pag-unawa sa sarili, bagkus ito ay produkto ng pagbasa at pag-alam matapos ang mga hindi malilimutang karanasan ng paglalakbay.

Samantala, ang mga replektibong sanaysay ay nakabalangkas sa talabang sarili-pagkabansa. Paglulugar ang mga sanaysay na ito ng mga manunulat hinggil sa problematisasyon ng uri, identidad, at pagkabansa. Sentral sa mga ito ang kani-kanilang mga karanasan bilang tao, at bilang iskolar na bahagi at nakikibahagi sa mas malawak na mundo ng tunggalian.

Habang ang mga piktoryal na sanaysay ay nakatuon sa ilang mga isyung panlipunan, at sa paglulugar ng sarili sa usapin ng pagkabansa. Aktwal ang mga larawang ginamit nang sa gayon ay makaugnay ito sa mismong mga karanasan ng sangkot na mga indibidwal. Ito ang pinakamalapit sa sinasabing “paglubog” ng sarili, sa karanasan ng iba.

Bilang mga Pilipino, mahalaga sa mga mag-aaral ang makisangkot sa ba’t ibang isyung pumapaloob sa pagiging Pilipino, at pagbubuo ng bansa. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga babasahing ito, mas mapalalawak at mapalalalim pa ang paraan at antas ng repleksyong ginagawa ng bawat isa. Lagpas pa sa awit, tula, nobela, o pelikula ang kailangang bigyan ng repleksyon at pag-unawa.

6

Bagaman magkakaibang kabanata, iisa lamang ang tunguhin ng kabanata 4, 5, at 6. Maipakita at maipaunawa sa mag-aaral ang paggamit sa wikang Filipino partikular sa pagsulat ng mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Tinipon ang ilang mga akademikong journal na gumagamit ng wikang Filipino sa mga paksang may kinalaman sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham. Patunay at hamon ang mga babasahin sa mga kabanatang ito sa lalong pag-iintelektwalisa ng wikang Filipino. Hamon din naman ito sa mga mag-aaral na kung ano man ang disiplina na kanilang kukunin sa unibersidad, kinakailangang magamit nang sa gayon ay mapagyaman pang lalo ang pambansang wika.

May ilang mga anyo ng pagsulat ang nangangailangan pa talaga ng masidhing pagpapaunlad. Sa katunayan, sa panahon ng pangangalap ng mga exemplar na babasahin para sa seryeng ito, sinubukang kumalap sa mga akademikong institusyon sa labas ng Maynila, dahil sa ang karamihan ng mga limbag na sanggunian ay pinatatakbo ng malalaking unibersidad sa Metro. Napatunayan din naman na may kakulangan pa sa paggamit at pagsulat sa wikang Filipino, partikular sa mga propesyonal na pagsulat.

Samakatuwid, inspirasyon at hamon ang seryeng ito para sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino, upang lalo pang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at wika sa produksyon ng kaalaman.

8

1.

Kalikasan ng Pananaliksik

Pamela Constantino at Galileo Zafra

Introduksyon

Mahalagang matutunan mo ang pananaliksik. Isa itong pangangailangan sa mga iba’t iba asignatura sa kolehiyo. Isa rin itong paraan para mapagsanayan at mapatunayan ang iyong tiyaga, sipag at disiplina bilang mag-aaral.Sa asignaturang ito ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik ang iyong matututuhan. Pagdating sa mga kursong pandisiplina, mas magiging ekstensibo ito at mas ispesipiko kaugnay ng paksa, datos, at metodolohiya.

Pananaliksik: Kahulugan, Katangian at Layunin

Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.

Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng mga konklusyon.

Paagssisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o haka-haka ay hinahanapan ng katibayan para patunayan.

Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay tinitimbang, tinataya at sinusuri.

Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng marami pero mangangailangan ng dagdag na impormasyon at paliwanag.

9

Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at paniniwala.

Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinanialaan pero inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat paniwalaan.

Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay:

Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis. Ang gma interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito.

Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos. Lahat ng posibleng pagkunan, maging ito’y nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos na magagamit sa pananaliksik. Ang anumang problema kaugnay ng pinansya, distansya, at lenggwahe ay limitasyong dapat harapin ng mananaliksik.

May pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay ng pananaliksik.  Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga ideya.  Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha.

Layunin ng Pananaliksik

Sinumang seryosong estudyante sa kolehiyo ay may kakayahan at kahandaan sa pananaliksik. Isa ka dito, di ba? Kailangan lang naman ang determinasyon at motibasyon para isagawa ito.

11

4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.

Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng mga usapan, diskusyunan, hamunan, balitaktakan sa mga klasrum, simposyum, radio, TV, magasin at mga dyaryo. Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik ay nanghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes nayon ng mga mananaliksik. Pwede mong hamunin ang katotohanan ng palagay na ang Pilipinas ay isa ngang “ third largest English-speaking country .”Gawan mo ito ng pananaliksik.

5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag.

Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o mapapasubalian ng mga makatotohanang datos. Puwede mong patunayang balido o totoo sa pamamagitan ng pananaliksik ang paniniwala mong hindi nabibigyan ng sapat na atenasyon at suporta ang isports sa Pilipinas. Patunayan mo ring balido na mababa ang kalidad ng edukasyon sa ngayon kumpara noong 20-30 taon ang nakakaraan.

6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.

May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang hinaharap o kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito. Hlimbawa, sa pagtalakay sa kahihinatnan ng kapaliguiran bunga ng modernisasyon, kailangang saliksikin ang mga datos ng mga pagsasayang, pang-aabuso, at pagsasambahala ng tao sa kalikasan mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino

Akala mo siguro, gaya ng pag-aakala ng marami, na pang-eskwela lang ang pananaliksik. Siyempre, sa asignaturang ito, gagawa ka ng sulating pananaliksik o panahunang papel (research paper/term paper) bilang

12

pagsasanay sa pananaliksik.Pero mahalagang malaman mo ang iba’t ibang gamit ng pananaliksik.Narito ang ilan.

Sa Pang-Araw-Araw na Gawain

May mga pansariling gamit at kabuluhan ang pananaliksik sa isang indibidwal.Halimbawa, sa paghahalaman, magtataka ka siguro kung sa tinagal-tagal ng panahon na tinataniman mo ang halamanan mo ay mapansin mong hindi na lumalaki ang mga nakatanim dito o kaya’y unti-unting namamatay ang mga ito.Siyempre, iisa-isahin mo sa isip ang mga puwedeng dahilan ng ipinagkakaganoon ng mga halaman.May mga anay kaya sa ilalim?May mga sala-salabid kayang mga ugat kaya hindi makahinga ang mga ito?Kulang kaya sa pataba ang lupa?

Marami pang mga pagpapatunay, paglilinaw, pagpapatibay, pagpapasubali at pagdaragdag ng mga kaalaman at ideya ang nagagawa ng tao sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.Ang mga ito’y mga kasagutan o katugunan sa mga tanong ng tao sa sarili at sa komunidad sa araw-araw niyang gawain.

Sa Akademikong Gawain

Kadalasan, akala ng marami ay sa akademya lang ginagawa ang pananaliksik. Siguro, kaya ganito ang akala ay dito ito pinag-aaralan gaya ng ginagawa mo ngayon. Tinatawag na sulating pananaliksik or panahunang papel ang bunga ng gawaing ito na ginagawa ng paris mong estudyante. Sa mga nagtatapos naman, tinatawag itong tesis o kaya’s disertasyon.

May iba’t ibang pormat at metodolohiya ang pananaliksik, depende sa larangan. Mapag-aaralan mo ang mga ito kapag nasa larangan ka na. Para sa layunin ng kursong ito, ang mga pangkalahatang kaalaman lang ukol sa pananaliksik ang pag-aaralan mo.

Malaki ang nagagawa ng pananaliksik sa kolehiyo para magkaroon ng disiplina sa pag-aaral, motibasyon sa mas malalim pang pag-aaral, at kahandaan sa iba pang mga gawaing pang-akademiko. Tumutulong din ito para magkaroon ka ng sapat na kaalaman ukol sa kinabibilangan mong larangan.