plot plans for novel, Summaries of English

plot plannnnn English year 2017

Typology: Summaries

2018/2019

Uploaded on 03/02/2026

keziah-lhyne-mariano
keziah-lhyne-mariano 🇵🇭

2 documents

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Mga Tauhan
Father: Arsenio Federico
Mother: Flor Maison
Son: Ybarra Federico
Father: Don Nicodemo Hernandez
Mother: Doña Carina Alvio
Daughter: Carolina Hernandez
—Owner of an hacienda, then Arsenio is uhm a hardinero there, tas
namatay siya,oo then sabing inatake sa puso daw, pero di naniniwala si
Ybarra, na depressed si 'Flor' so naisipan nito na mag-apply din sa La Union
to investigate his father's death, then nalaman niyang may anak nga sila,
which is si Carolina, so naisip niya ang mag-higanti gamit ang dalaga,
ngunit sa pag-sama sama niya sa dalaga ay nahulog ang kanyang loob rito,
di nagtagal ay nagkaroon sila ng lihim na relasyon ngunit nalaman ito ni
Nicodemo,at pinaghiwalay sila, pero nabuntis si aner Carolina, malandi eh?
chariz! then ayun naisipan nila mag tanan, but naharang sila ni Nicodemo,
then at that time pinatay niya si Ybarra, tas inutos na ipalaglag nito ang
bata, kaso ayaw ni Carolina,oo, so ang ginawa ng ama ay binigyan at pilit
na pinainom nang pang-pa-laglag ang dalaga,at gusto pang ipakasal si
Carolina sa isang matandang ka negosyo ng ama, mugto na ang mga mata
ng dalaga sa kaka-iyak dahil sa sakit na nararamdaman, nawalan siya ng
kasintahan, nang anak, at nalaman niyang anak lang siya sa labas ng
yumao na niyang ina, nawalan ng bait ang dalaga at piniling tapusin nalang
ang kanyang buhay, sa pagtalon mula sa balkonahe ng kanyang silid, at sa
araw na yun, ang mga bulaklak sa mumunting hardin ng dalaga ay
nadiligan ng kanyang sariwang dugo,nagpakamatay si Carolina habang
hinihiling na sana sa susunod na buhay ay hindi na ipagbabawal nang
tadhana na magkasama silang muli nang kanyang Ybarra.
Setting: La Union
Fourthy Chapters? pag kaya?
Three(k) each chapt..kwento lng ng kwento, d man maabot ang 3k sa isang
araw, sulat padin okay?
Synopsis
Nang mabalitaan ang kahina-hinalang pagkamatay ng kanyang amang si
Arsenio ay agad na nagkahinala ang binatang si Ybarra, na maaring may
kinalaman ang pamilyang Hernandez, kung saan nang t-trabaho ang
kanyang ama, sa kadahilanang pag umuuwi ito ng probinsya ay makikitaan
niya ang ama ng mga sugat at pasa...at sa dahilang yaon ay naisip niyang
pumasok bilang hardinero ng pamilyang Hernandez upang mag-imbestiga
kung saan ay nasagot ang kanyang mga hinala...ngunit papaano pa kaya
siya mag h-higanti, kung ang tadhana ay may ibang plano, ipagpapatuloy
niya kayang mahalin ang anak ng pamilyang pumatay sa kanyang ama, o
itutuloy niya parin ang paghihiganti?
Unang Kabanata
Mag b-bukang liwayway pa lamang ay gising na ang binatang si Ybarra at
nag-aayos na para sa kanyang pag-alis.....mayamaya pa ay nilapitan siya ng
kanyang ina.
pf3

Partial preview of the text

Download plot plans for novel and more Summaries English in PDF only on Docsity!

Mga Tauhan Father: Arsenio Federico Mother: Flor Maison Son: Ybarra Federico Father: Don Nicodemo Hernandez Mother: Doña Carina Alvio Daughter: Carolina Hernandez —Owner of an hacienda, then Arsenio is uhm a hardinero there, tas namatay siya,oo then sabing inatake sa puso daw, pero di naniniwala si Ybarra, na depressed si 'Flor' so naisipan nito na mag-apply din sa La Union to investigate his father's death, then nalaman niyang may anak nga sila, which is si Carolina, so naisip niya ang mag-higanti gamit ang dalaga, ngunit sa pag-sama sama niya sa dalaga ay nahulog ang kanyang loob rito, di nagtagal ay nagkaroon sila ng lihim na relasyon ngunit nalaman ito ni Nicodemo,at pinaghiwalay sila, pero nabuntis si aner Carolina, malandi eh? chariz! then ayun naisipan nila mag tanan, but naharang sila ni Nicodemo, then at that time pinatay niya si Ybarra, tas inutos na ipalaglag nito ang bata, kaso ayaw ni Carolina,oo, so ang ginawa ng ama ay binigyan at pilit na pinainom nang pang-pa-laglag ang dalaga,at gusto pang ipakasal si Carolina sa isang matandang ka negosyo ng ama, mugto na ang mga mata ng dalaga sa kaka-iyak dahil sa sakit na nararamdaman, nawalan siya ng kasintahan, nang anak, at nalaman niyang anak lang siya sa labas ng yumao na niyang ina, nawalan ng bait ang dalaga at piniling tapusin nalang ang kanyang buhay, sa pagtalon mula sa balkonahe ng kanyang silid, at sa araw na yun, ang mga bulaklak sa mumunting hardin ng dalaga ay nadiligan ng kanyang sariwang dugo,nagpakamatay si Carolina habang hinihiling na sana sa susunod na buhay ay hindi na ipagbabawal nang tadhana na magkasama silang muli nang kanyang Ybarra. Setting: La Union Fourthy Chapters? pag kaya? Three(k) each chapt..kwento lng ng kwento, d man maabot ang 3k sa isang araw, sulat padin okay? Synopsis Nang mabalitaan ang kahina-hinalang pagkamatay ng kanyang amang si Arsenio ay agad na nagkahinala ang binatang si Ybarra, na maaring may kinalaman ang pamilyang Hernandez, kung saan nang t-trabaho ang kanyang ama, sa kadahilanang pag umuuwi ito ng probinsya ay makikitaan niya ang ama ng mga sugat at pasa...at sa dahilang yaon ay naisip niyang pumasok bilang hardinero ng pamilyang Hernandez upang mag-imbestiga kung saan ay nasagot ang kanyang mga hinala...ngunit papaano pa kaya siya mag h-higanti, kung ang tadhana ay may ibang plano, ipagpapatuloy niya kayang mahalin ang anak ng pamilyang pumatay sa kanyang ama, o itutuloy niya parin ang paghihiganti? Unang Kabanata Mag b-bukang liwayway pa lamang ay gising na ang binatang si Ybarra at nag-aayos na para sa kanyang pag-alis.....mayamaya pa ay nilapitan siya ng kanyang ina.

"Anak,Ybarra, hindi ko na ba mababago ang desisyon mo? masyadong mapanganib ang binabalak mo, ayuko'ng pati ikaw ay mawala sa akin anak ko" humagulgol ang ina nito, pero nakapag-pasya na si Ybarra. "Nay, wag kang mag isip nang negatibo, ipaghihiganti ko si Amang,ilalabas ko ang baho nang pamilyang yon, magbabayad sila sa ginawa nila kay Amang" naikuyom ng binata ang kanyanv mga kamay habang binabalot ng matinding poot ang kanyang puso't isipan, nais niyang maghiganti sa pamilyang Hernandez—isang mayamang pamilya sa lugar ng La Union, kung saan nag t-trabaho ang ama nito dati bago siya yumao Plano nang binata na alamin ang dahilan ng pagkamatay ng ama upang kanya itong maipaghiganti, at kailangan niyang pumunta doon upang mag- imbestiga kung tama nga ang kanyang hinala—ang hinalang pinatay ang kanyang Amang at hindi ito namatay sa atake sa puso. Pinatahan niya ang ina at ipinaliwanag muli ang kanyang plano, nangako 'rin itong babalik siya nang buhay..walang magawa ang matandang ginang kundi ay pakawalan ang nag-iisang binatang anak. Mag a-alas sais na ng lumabas ang binata sa kanilang mu-munting kubo,bago tinahak ang daan papuntang highway, kung saan ay nang-antay siya ng bus papuntang La Union...nang hindi iniisip ang mga masamang maari niyang kahantungan sa kanyang plano. Dalawang oras pa ang lumipas bago narating ni Ybarra ang kanyang destinasyon, bumunot ng malalim na buntong hininga si Ybarra bago napag-pasyahang pindutin ang doorbell ilang segundo pa siyang tumayo sa labas bago nakita ang papalapit na ginang, hula niya ay ito ang mabait na mayordoma ng bahay, base sa kwento ng kanyang ama noong buhay pa ito. "Anong kailangan mo iho?" "Ahm nay, nakita ko po kasi yung "poster in tagalog" dyaan sa labas, sakto po na naghahanap po ako nang trabaho, bakante parin po ba yun? nag hahanap parin po ba sila ng hardinero nay?" " Aba'y, oo iho, kaya lang kailangan ka munang kausapin ng Don upang malaman kung maasahan ka nga daw ba sa trabahong pinapasukan mo" nginitian ito ni Ybarra. “Ayos lang po, mapagkakatiwalaan naman po ako, pero kung yon po ang kagustuhan ng Don, eh tara na po at kausapin siya nay" " Ay hala sige sige,halika pasok ka, asa likuran ng bahay ang Don, mabuti't hindi siya abala ngayon ay sigurong makakapasok ka iho" tumango ang binata habang may ngiti parin sa labi, ngunit ang isip nito'y naglalakbay na kung paano isasagawa ang binabalak. Nabalik nalang siya sa reyalidad ng tumikhim ang mayordoma upang kunin ang atensyon ng Don bago magsalita, pinakilala siya ng ginang kung saan ay tinanong tanong naman siya ng Don kung may kasanayan na ba siya sa pag t-trabaho sa bukid at sa pagtatanim, na sinagot naman ng binata, ilang minuto pa silang nag-usap bago siya sinabihang tanggap na siya, at maari nang mag-simula bukas.