Salita ng Taon example, Essays (high school) of Mathematics

Halimbawa ng Salita ng Taon (2020) AYUDA

Typology: Essays (high school)

2020/2021

Uploaded on 01/11/2021

maryg_9
maryg_9 🇵🇭

4.8

(5)

1 document

1 / 5

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
SALITA NG TAON, SALITA NG KLASE: MGA SALITANG UMIRAL SA
PILIPINAS, TAONG 2020
Baluarte, Mary Grace A.
HRMT 2A
Lahok na Salita: AYUDA
Ayuda: Unang Hakbang sa Kaunlanran
Introduksyon
Sa napakaraming pinagdaan ngayong taon (sakuna,hidwaan pandemya)
marami ring umusbong na salita na nakilala, nabuhay muli na salita at mga salitang
nabigyan ng bagong kahulugan. Narito ang aking Salita ng Taon, Salita ng Klase 2020
ang “Ayuda”. Matagal ng umiiral na salita ngunit ngayon lamang nabigyan ng
importansya at malalim na pagpapakahulugan. Ang hangarin ng papel na ito ay
pukawin ang mambabasa sa nangyari at nangyayari sa Pilipino at pamahalaan. Alay ito
sa mga maralitang Pilipino na hanggang ngayon ay hirap pa rin sa buhay.
Kahulugan, Etimolohiya at Gamit ng Salita
AYUDA <panggalan>: ginamit upang tukuyin ang tulong ng lokal na
pamahalaan sa anyo ng sakong bigas, de-latang produkto at instant na pagkain; kusang
loob na pagbibigay ng tulong pinansyal sa panahon ng kalamidad at krisis; tulong na
pinagkaloob ng taong may bukal ang puso na magbigay ng pinansyal, kagamitan o
pagkain. Ang salitang “ayuda” ay salitang Espanyol na nangangahulugang "tulong” sa
tagalog. May ilang lugar sa Pilipinas na hindi gumagamit ng salitang ayuda at malimit
na ginagamit ang salitang tulong sa Metro Manila, tolong sa Pangasinan, bulig sa
Ilonggos at tabang sa Cebu. Ginagamit ding pandiwa ang salitang "ayuda" batay sa
nakalap na impormasyon: "ayudahan": bigyan ng ayuda; "inayudahan o naayudahan":
nabigyan na ng ayuda; "aayudahan": mabibigyan pa lamang ng sapat na ayuda; at
"inaayudahan": kasalukuyang nagbibigay ng ayuda sa komunidad.
Ayuda sa Pambansang Diskurso
Sa paglaganap ng virus na kilala sa tawag na COVID-19 na kumitil sa maraming
buhay sa buong daigdig, na kalaunan ay pumasok sa bansa. Nagkaroon ng hawaan sa
komunidad na mas nagpabilis sa pagkalat ng virus na ito. Agaran itong inaksyonan ng
Pangulong Rodrigo Duterte na ipinasa-ilalalim ang Pilipinas sa COVID 19 lockdown.
Marami ang nawalan ng hanapbuhay, nadiskaril ang negosyo at na-stranded sa kani-
kanilang trabaho. May ilang indibidwal ang nakaranas ng takot, pagkabalisa at
pagkabigla sa bilis ng pangyayari. Milyon-milyong pamilya ang nakaranas ng
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download Salita ng Taon example and more Essays (high school) Mathematics in PDF only on Docsity!

SALITA NG TAON, SALITA NG KLASE: MGA SALITANG UMIRAL SA

PILIPINAS, TAONG 2020

Baluarte, Mary Grace A. HRMT – 2A Lahok na Salita: AYUDA Ayuda: Unang Hakbang sa Kaunlanran Introduksyon Sa napakaraming pinagdaan ngayong taon (sakuna,hidwaan pandemya) marami ring umusbong na salita na nakilala, nabuhay muli na salita at mga salitang nabigyan ng bagong kahulugan. Narito ang aking “Salita ng Taon, Salita ng Klase 2020” ang “Ayuda”. Matagal ng umiiral na salita ngunit ngayon lamang nabigyan ng importansya at malalim na pagpapakahulugan. Ang hangarin ng papel na ito ay pukawin ang mambabasa sa nangyari at nangyayari sa Pilipino at pamahalaan. Alay ito sa mga maralitang Pilipino na hanggang ngayon ay hirap pa rin sa buhay. Kahulugan, Etimolohiya at Gamit ng Salita AYUDA : ginamit upang tukuyin ang tulong ng lokal na pamahalaan sa anyo ng sakong bigas, de-latang produkto at instant na pagkain; kusang loob na pagbibigay ng tulong pinansyal sa panahon ng kalamidad at krisis; tulong na pinagkaloob ng taong may bukal ang puso na magbigay ng pinansyal, kagamitan o pagkain. Ang salitang “ayuda” ay salitang Espanyol na nangangahulugang "tulong” sa tagalog. May ilang lugar sa Pilipinas na hindi gumagamit ng salitang ayuda at malimit na ginagamit ang salitang tulong sa Metro Manila, tolong sa Pangasinan, bulig sa Ilonggos at tabang sa Cebu. Ginagamit ding pandiwa ang salitang "ayuda" batay sa nakalap na impormasyon: "ayudahan": bigyan ng ayuda; "inayudahan o naayudahan": nabigyan na ng ayuda; "aayudahan": mabibigyan pa lamang ng sapat na ayuda; at "inaayudahan": kasalukuyang nagbibigay ng ayuda sa komunidad. Ayuda sa Pambansang Diskurso Sa paglaganap ng virus na kilala sa tawag na COVID- 19 na kumitil sa maraming buhay sa buong daigdig, na kalaunan ay pumasok sa bansa. Nagkaroon ng hawaan sa komunidad na mas nagpabilis sa pagkalat ng virus na ito. Agaran itong inaksyonan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipinasa-ilalalim ang Pilipinas sa COVID – 19 lockdown. Marami ang nawalan ng hanapbuhay, nadiskaril ang negosyo at na-stranded sa kani- kanilang trabaho. May ilang indibidwal ang nakaranas ng takot, pagkabalisa at pagkabigla sa bilis ng pangyayari. Milyon-milyong pamilya ang nakaranas ng

kagutuman. Halos mamalimos na lamang upang mairaos ang pang araw-araw na pagkain na hindi alintana ang panganib ng pandemya. Sa kinakaharap na suliranin ng bansa naging mandato ang Batas Republika Blg. 11469 o The Bayanihan to Heal as One Act, ang layon na nagbigay ng karagdagang awtoridad kay Pangulong Duterte upang matigil ang krisis pangkalusugang umiiral sa Pilipinas. Ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay naglaan ng 275 bilyon na inaasahang 18 milyong pamilya ang makatatanggap sa loob ng 2 buwan bilang ayuda sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng krisis epekto ng COVID - 19. Naipamahagi ng gobyerno sa mga Local Government Unit (LGU) ang pondo na nilaan nila para sa ayudang pagkain. Mauunang mamigay ng pagkain o relief goods ang pamahalaan bago ang pinansyal na tulong, ani Cabinet Secretary Karlo Nograles. Nai Isang uri ng ayudang pinansyal ang pinagkaloob ng pamahalaan sa lokal na komunidad ito ay ang Social Amelioration Program (SAP) upang maibsan ang gutom at matulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng pagsasara ng ekonomiya ng bansa. Itinalaga ni Pangulong Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tagapangasiwa sa nasabing programa. Ang hangarin ay makapagbigay ng buwanang ayuda na nagkakahalaga ng Php 5,000 – Php 8,000 sa 18 milyong kwalipikadong pamilya sa loob ng 2 buwan. Ayon pa kay DILG Sec. Eduardo Año “Ang SAP ay galing sa bayan na ibinalik sa taumbayan” dagdag pa niya “para sa akin, ang ibig sabihin ng SAP ay Sapat na Ayuda para sa mga maralitang Pilipino.” Matapos ang pagbahagi ng unang ayudang pinansyal. Nagkaroon ng kalituhan at kaguluhan sa pagbibigay. Sinimulan din ang pamamahagi ng pangalawang ayuda matapos maisumite ng mga LGU's ang kanilang listahan ng lahat ng nabigyan ng unang SAP at listahan ng mga umapelang mapasama sa listahan ng benepisyaryo ng ayuda. Kung una ay mano- mano ang pagbibigay ng ayuda ngayon at gumamit ng ibang pamamaraan upang maiwasan ang pagtitipon-tipon ng tao, ito ay sa pamamagitan ng ‘ digital transaction' ng payout. Gayunpaman, sa kabila ng dagliang aksyon sa problema hindi maiiwasan ang mga anomalya sa pagbahagi ng ayuda. Inilahad ng IBON Foundation, na nagtataguyod ng kamalayan sa socioeconomics na nagsisilbi sa interes at mithiin ng sambayanang Pilipino, ayon sa huling ulat ng Pangulo hinggil sa aksyon na tanging Php 26.3 bilyon lamang ang naayudahan sa Php 275 bilyong pondo ng SAP. Hindi pa nangangalahati sa bilang ng mga benepisyaryo ang aktuwal na nabigyan ng ayuda. Karagdagan pa rito, noong Hulyo 28, 2020 inamin ng DSWD na mahigit 239,000 pamilyang benepisyaryo ng SAP ang hindi talaga kuwalipikado. Nagkaroon din ng pagdodoble sa 676,000 na indibidwal at 5 milyong pamilya na maituturing na waitlisted sa SAP. May nakatanggap din umano ng SAP na hindi naman talaga kwalipikado. May mga kaya sa buhay o ang middle wage earners na naayudahan. May 89 na opisyales ng barangay ang pinatawan ng

Sa gitna ng pandemya nakita ng mga salat na Pilipino ang realidad ng lipunan. Ang kanilang buhay ay tila hangin sa mundo, hindi nakikita. Sa sitwasyong ito sabi ng ilan ay “we’re on the same page” lahat nahihirapan, walang makain at walang pera ngunit tila mas mababagay ang “we’re all in the same ocean but not the same boat”. May ilang may trabaho pa rin at sagana sa pagkain, may trabaho ngunit kapos sa pagkain, natigil ang trabaho ngunit naayudahan at walang trabaho hindi rin naayudahan sa madaling salita mas mahirap pa sa isang kahig, isang tuka. Mga taong nalunod na dahil walang sumalba sa kanila. Hindi man kilala ng ilan ang salitang ayuda at mas kilala sa tawag na tulong, tabang, tolong at help hindi maitatangi na ang mga ito ay nagbigay ng salapi, kagamitan at pagkain sa maralitang Pilipino. Kahit papaano ay naibsan ang gutom at kahit papaano naitawid saglit ang pang araw-araw na pamumuhay.

Mga Sanggunian: ABS-CBN Online News. “DSWD: Mga nakatanggap na ng SAP, muling makakakuha ng ayuda sa 2 nd^ tranche.” 13 May 2020. https://news.abs- cbn.com/amp/news/05/13/20/dswd-mga-nakatanggap-na-ng-sap-muling- makakakuha-ng-ayuda-sa-2nd-tranche Antonio, Josiah. “Umano’y pagdodoble ng natatangap na ayuda mula sa SAP, tinitignan na: DSWD.” ABS-CBN News. 20 June 2020. https://news.abs- cbn.com/amp/news/06/20/20/umanoy-pagdodoble-ng-natatanggap-na-ayuda-mula- sa-sap-tinitignan-na-dswd DILG News. “89 Barangay Chairperson sinuspinde ng DILG dahil sa mga anomalya sa SAP.” 14 September 2020. https://dilg.gov.ph/news/89-Barangay-Chairperson- sinuspinde-ng-DILG-dahil-sa-mga-anomalya-sa-SAP/NC- 2020 - 1309 IBON Foundation. 15 May 2020. https://www.ibon.org/about/ Merez, Arianne. “Paano makakuha ng ayuda mula sa gobyerno sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19?” ABS-CBN News. 31 March 2020. https://www.google.com/amp/s/news.abs-cbn.com/amp/news/03/31/20/paano- makakuha-ng-ayuda-mula-sa-gobyerno-sa-gitna-ng-krisis-dulot-ng-covid- 19 Philstar. “EDITORYAL - Ayudahan ang jeepney drivers.” 13 August 2020. https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/08/13/2034916/editoryal- ayudahan-ang-jeepney-drivers Philstar. “EDITORYAL – Ayudahan pa ang mahihirap.” 8 August 2020. https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/opinyon/2020/08/08/2033723/editoryal-ayudahan-pa-ang-mahihirap Ronda, Rainer Allan, “No more third SAP tranche – DSWD.” Philstar Global. 9 October,

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/headlines/2020/10/09/ /no-more-third-sap-tranche-dswd/amp/ The Manila Collegian. “Mga Anomalya sa Ayuda ng Gobyerno.” 07 August 2020. https://medium.com/mkule/balita-mga-anomalya-sa-ayuda-ng-gobyerno- 296331a3a