self module language in filipino, Assignments of Sign Language

self module in filipino language wwith activity

Typology: Assignments

2019/2020

Uploaded on 08/30/2020

maryanncadag
maryanncadag 🇵🇭

1 document

1 / 12

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Aralin 13
MGA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON
I. MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakapagpapaliwanag kung paano nakatutulong ang forum, pulong,
simposyum at small group discussion sa paglutas ng mga suliraning
panlipunan;
2. Nakapagtatalakay ng isang napapanahong paksa sa pamamagitan ng
internet forum.
3. Nasusuri ang nilalaman ng video ayon sa mga dapat isaalang-alang sa
pakikipagkomunikasyon ni Dell Hymes.
II. ALAMIN MO
Nakatuon ang aralin na ito sa mga sitwasyong pangkomunikasyon na ginagamit
ng mga Pilipino. Mga sitwasyong ginagamit ang wika upang maipabatid o maihatid
ang mga mahahalagang impormasyon sa iba. Mahalaga ang wika sa pagkatuto ng
bawat isa kung kaya ay marapat lamang na magamit ito nang maayos sa
pagpapalaganap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang sitwasyong
pangkomunikasyon. Ang Wikang Filipino sa mga sitwasyong pangkomunikasyon ang
magpapaunawa sa kahalagahan ng kritikal na pag-iisip tungo sa mas mataas na lebel
na pagkatuto.
Bago mo babasahin ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ay sagutin mo
muna ang panimulang pagsasanay.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong?
1. Alin sa sumusunod ang iyong nadaluhan, na tumatak sa iyong isipan?
Pumili ng dalawa.
a. Forum
b. Simposyum
c. Pulong /Miting
d. Seminar
e. Small Group Discussion
f. Kumperensiya
g. Worksyap o Palihan
2. Sa dalawang iyong napili, ilarawan kung paano ito isinagawa batay sa iyong
obserbasyon.
3. Ano ang iyong naging puna sa daloy ng pagsasagawa nito?
4. Ano sa tingin mo ang benepisyong iyong nakuha sa pakikisangkot dito?
III. TUKLASIN MO
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download self module language in filipino and more Assignments Sign Language in PDF only on Docsity!

Aralin 13 MGA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON I. MGA LAYUNIN Sa katapusan ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

  1. Nakapagpapaliwanag kung paano nakatutulong ang forum, pulong, simposyum at small group discussion sa paglutas ng mga suliraning panlipunan;
  2. Nakapagtatalakay ng isang napapanahong paksa sa pamamagitan ng internet forum.
  3. Nasusuri ang nilalaman ng video ayon sa mga dapat isaalang-alang sa pakikipagkomunikasyon ni Dell Hymes. II. ALAMIN MO Nakatuon ang aralin na ito sa mga sitwasyong pangkomunikasyon na ginagamit ng mga Pilipino. Mga sitwasyong ginagamit ang wika upang maipabatid o maihatid ang mga mahahalagang impormasyon sa iba. Mahalaga ang wika sa pagkatuto ng bawat isa kung kaya ay marapat lamang na magamit ito nang maayos sa pagpapalaganap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon. Ang Wikang Filipino sa mga sitwasyong pangkomunikasyon ang magpapaunawa sa kahalagahan ng kritikal na pag-iisip tungo sa mas mataas na lebel na pagkatuto. Bago mo babasahin ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ay sagutin mo muna ang panimulang pagsasanay. Panimulang Pagtataya Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong?
  4. Alin sa sumusunod ang iyong nadaluhan, na tumatak sa iyong isipan? Pumili ng dalawa. a. Forum b. Simposyum c. Pulong /Miting d. Seminar e. Small Group Discussion f. Kumperensiya g. Worksyap o Palihan
  5. Sa dalawang iyong napili, ilarawan kung paano ito isinagawa batay sa iyong obserbasyon.
  6. Ano ang iyong naging puna sa daloy ng pagsasagawa nito?
  7. Ano sa tingin mo ang benepisyong iyong nakuha sa pakikisangkot dito? III. TUKLASIN MO

Basahin mo nang mabuti ang mga sitwasyong pangkomunikasyon at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan o gawain hinggil sa inyong binasa. MGA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON Ang forum ay isang masusing pag-uusap tungkol sa isang paksa na humihingi ng opinyon sa miyembro o kasapi ng kapulungan. Ang ganitong pag-uusap ay naglilinaw sa paksa, sa suliranin o sa iba pang bagay na inilatag ng kapulungan o tagapagsalita sa mga kasapi o tagapakinig. Ang paksa, usapin o bagay na pinag- uusapan ay nahihimay at matalinong napag-uusapan sa pamamagitan ng kuro-kuro. Madalas, sa isang formal na pagpupulong ay nagaganap ang “open-forum” o malayang talakayan (austero, et al., 2002). Ang forum ay talakayan ng grupo tungkol sa isang paksa. Madalas itong nahahawig sa debate sapagkat ang paksang tinatalakay ay maaaring pagtalunan. Sang-ayon pa rin kina Austero, et al. (2002), may mga pamamaraan para makilahok sa forum o talakayan. Para sa nakikilahok sa ganitong pag-uusap kailangang gawin ang sumusunod: (1) maghanda para sa talakayan, (2) magbigay ng opinyon para sa paraang may pagsasaalang-alang, (3) magkaroon ng positibong kontribusyon, (4) maging magalang, (5) magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon, at (6) magtala. Bilang lider naman ng ganitong pag-uusap, ang kailangang gawin ay ang sumusunod: (1) maghanda nang mabuti, (2) ihanda ang pasilidad, (3) dumating nang maaga, (4) kailangang maistablis ang isang atmosperang “business-like”, (5) gabayan ang diskusyon, (6) hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo, (7) kailangang nakapokos sa agenda o usapin, (8) kailangang matutong magbigay ng konklusyon, (9) batiin ang mga nagsipagdalo, at (10) humingi ng paumanhin sa mga bagay o insidenteng hindi inaasahan. Ang simposyum ay pangkatang talakayan tungkol sa isang tiyak at napapanahong isyu. Kadalasan, pormal ang anyo nito lalo na sa paaralan o unibersidad. Sa simposyum, maraming inaasahang tagapagsalita ang magbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa o napapanahong usapin sa mga inimbitahang tagapakinig o kalahok. Ayon sa presentasyon ni Corpus (2016), ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng simposyum ay ang sumusunod: (1) Paghahanda sa bulwagan, (2) Pagpapaalam sa madla ng mga detalye ng simposyum, (3) Pagbuo ng programa para sa simposyum, (4) Pakikipag-usap sa caterer o tagapangasiwa ng pagkain (5) Kagamitan. Sa pangkalahatan, bago magsagawa ng simposyum, nangangailangan ito ng mainam na pagpaplano sa mga gawain. Kasama sa pagpaplano ang mga dapat talakayin gaya ng petsa, oras, lugar ng simposyum, mga komite, pagmumulan ng pondo, pagkakagastusan at higit sa lahat ang paksang tatalakayin at mga tagapagsalita.

inanyayahan ang isang nagsasalita ng seminar na magbigay ng isang lektura sa isang paksa sa madla batay sa kadalubhasaan o karanasan. Ang mga nilalaman ng seminar ay hindi karaniwang nasuri sa anumang paraan bago maipakita ang seminar. Ang mga seminar ay isang interactive na paraan ng pagtuturo ng pangkat, na karaniwang nagbibigay-daan sa isang madla upang makakuha ng pinakamataas na kaalaman. Ang pakikipag-ugnayan ng madla sa tagapagturo ng seminar ay nagbibigay-daan para sa debate at diskusyon batay sa mga bagong ideya na nabuo mula sa mga tagapakinig. Ito naman ay humahantong sa isang mas proactive, kagiliw- giliw na sesyon kung saan ang parehong madla at ang sariling tagapagturo ay may karanasan sa pag-aaral. Ang mga seminar ay maaaring may dalawang uri - binayaran o libre - at ang layunin ay maaaring mag-promote ng isang tatak o pag-usapan lamang ang isang paksa. Ang isang Seminar ay isang anyo ng pang-akademikong pagtuturo, alinman sa isang unibersidad o inaalok ng isang komersyal o propesyonal na samahan. Ang worksyap o palihan ay isang pagpupulong na kung saan ang grupo ng mga tao ay nakisali sa masinsinang talakayan at aktibidad sa partikular na paksa o proyekto. Karamihan sa mga workshop ay nangangailangan ng mga kagamitan na gagamitin upang mabuo ang anumang ipapagawa sa mga kalahok. Kasama sa isang Workshop ang lahat ng mga elemento ng seminar, ngunit sa pinakamalaking bahagi ay binibigyang diin ang "hand-on-practice" o paggawa. Ang kumperensya sa pangkalahatan kung saan ang isang tao ay nagbibigay ng isang pahayag na naaprubahan sa isang paraan ng komite sa kumperensya. Ang kumperensya ay isang pormal na pagpupulong ng mga tao na may isang shared interest, karaniwang sa loob ng maraming araw. Ang ilan sa kanila ay gumawa ng mga pagtatanghal, habang ang iba ay madla. Ang kumperensya ay isang talakayan tungkol sa isang tiyak na paksa at binubuo ng mga eksperto mula sa iba't ibang aspekto ng paksang iyon. Ito rin ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong kung saan ipinapalit ng mga kalahok ang kanilang mga pananaw sa iba't ibang mga paksa. Maaari itong maganap sa iba't ibang larangan, at hindi kinakailangan na maging pang-akademikong sa kalikasan sa lahat ng oras. Ang kumperensya ay isang pagpupulong na naihanda at nagsasangkot ng konsultasyon at talakayan sa maraming mga paksa ng mga delegado. Malaki ang maitutulong ng mga sitwasyong pangkomunikasyon upang maipabatid ang mahalagang impormasyon sa iba. Subalit, ayon kay Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung maisaalang-alang ang mga bagay na dapat isaalang-alang. Kaya gumamit siya ng akronim na SPEAKING na siyang dapat bigyang komsiderasyon upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Ang S-settings – Lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. P- participant – ang mga taong nag-uusap o nakikipagtalastasan. E-ends – kailangang malinaw ang layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. A- act sequence – bigyang pansin ang takbo ng usapan. Paano ang takbo ng usapan? Ang mahusay na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan. K- keys

  • tono ng pakikipagusap. Kung ito ba ay pormal o di pormal. I- instrumentalities – tsanel o midyum na ginamit. Ito ay maaaring pasalita o pasulat depende sa sitwasyon at kung ano ang sasabihin o paano ito sasabihin. N- Norms – paksa ng usapan. May mga sensitibong bagay na kung minsan limitado lamang ang ating kaalaman. G- Genre- diskursong ginagamit. Nararapat na matukoy kung nagsasalaysay o nakikipagtalo o nangangatwiran ba ang nagsasalita. S- settings – Lugar o pook kung saan nag uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. Lugar ng pinangyarihan  P- participant – ang mga taong nakikipagtalastasan. Kailangan isaalang alang ang pagpili ng paraan ng taong kausap.  E-ends – kailangang may layunin o pakay ang pakikipagtalastasan.  A- act sequence – Bigyang pansin ang takbo ng usapan. A ng mahusay na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.  K- keys – tono ng pakikipagusap. Kung ito ba ay pormal o di pormal.  I- instrumentalities – tsanel o midyum na ginamit. Pasalita man o pasulat. Kung ano ang sasabihin o paano ito sasabihin.  N- Norms – paksa ng usapan. May mga sensitibong bagay na kung minsan limitado lamang an gating kaalaman.  G- Genre- diskursong ginagamit. Kung nagsasalaysay o nakikipagtalo o nangangatwiran. S- settings – Lugar o pook kung saan nag uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. Lugar ng pinangyarihan  P- participant – ang mga taong nakikipagtalastasan. Kailangan isaalang alang ang pagpili ng paraan ng taong kausap.  E-ends – kailangang may layunin o pakay ang pakikipagtalastasan.  A- act sequence – Bigyang pansin ang takbo ng usapan. A ng mahusay na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.  K- keys – tono ng pakikipagusap. Kung ito ba ay pormal o di pormal.  I- instrumentalities – tsanel o midyum na ginamit. Pasalita man o pasulat. Kung ano ang sasabihin o paano ito sasabihin.  N- Norms – paksa ng usapan. May mga sensitibong bagay na kung minsan limitado

o nakikipagtalastasan ang mga tao. Lugar ng pinangyarihan  P- participant – ang mga taong nakikipagtalastasan. Kailangan isaalang alang ang pagpili ng paraan ng taong kausap.  E-ends – kailangang may layunin o pakay ang pakikipagtalastasan.  A- act sequence – Bigyang pansin ang takbo ng usapan. A ng mahusay na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.  K- keys – tono ng pakikipagusap. Kung ito ba ay pormal o di pormal.  I- instrumentalities – tsanel o midyum na ginamit. Pasalita man o pasulat. Kung ano ang sasabihin o paano ito sasabihin.  N- Norms – paksa ng usapan. May mga sensitibong bagay na kung minsan limitado lamang an gating kaalaman.  G- Genre- diskursong ginagamit. Kung nagsasalaysay o nakikipagtalo o nangangatwiran. Sanggunian: Zapico, Marvin M., Manahan, Lilia C., Santino-Javarez, Sylvia A., Dupale, Helen F., Suguran, Tessie S. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Sanayang Aklat sa Antas Tersaryo. Jimczyville Publications. Malabon City. https://prezi.com/jzp519qc4w1y/lektyur/ https://tl.businessemt.com/75-info-8118191-seminarsl- https://presmarymethuen.org/tl/dictionary/in-the-academic-world-what-is-the- difference-between-a-seminar-and-a-conference/ https://presmarymethuen.org/tl/dictionary/what-s-the-difference-between-a- conference-congress-seminar-symposium-and-workshop/ https://mimirbook.com/tl/2aff2e1f5f IV. SAGUTAN MO Pagsasanay I: Panuto: Kilalanin kung ano ang tinutukoy sa sumusunod.

  1. Ito ay isang masusing pag-uusap tungkol sa isang paksa na humihingi ng opinyon sa miyembro o kasapi ng kapulungan.
  2. Sa anong paraan ng pagpapahayag madalas nahahawig ang forum?
  3. Ang gagabay sa diskusyon ng isang forum.
  4. Ito pangkatang talakayan tungkol sa isang tiyak at napapanahong isyu. Kadalasan, pormal ang anyo nito lalo na sa paaralan o unibersidad.
  5. Ito ay isang pagtitipon na may layuning makapagpahayag ng isang anunsyo, panukala o mga gawain.
  1. Maliban sa petsa, oras, lugar ng simposyum at mga komite, ano-ano pa ang dapat paghandaan sa pagkakaroon ng simposyum?
  2. Sa anong wika nagmula ang salitang lektyur?
  3. Kasama sa sitwasyong pangkomunikasyon na ito ang lahat ng mga elemento ng seminar, ngunit sa pinakamalaking bahagi ay binibigyang diin ang "hand-on- practice" / “execution” o paggawa.
  4. Siya ang maghahanda kung paano patatakbuhin ang pulong?
  5. Ito ay talakayan na binubuo ng hanggang limang kasapi o miyembro.
  6. Ginagamit ito upang makapagpakilala ng paksa, makapagbuod ng isang tinalakay na usapin, mai-ugnay ang mga teorya sa aktwal na gawain.
  7. Ang tawag sa tala ng pulong.
  8. Sa pahayag ni Castro (2013), ano ang unang dapat gagawin upang maging organisado ang small group discussion?
  9. Ito ay ang pormal na pagpupulong para sa pagpapalitan ng mga ideya, na kung saan ang mga kalahok ay dumalo para matuto tungkol sa partikular na paksa.
  10. Ano ang unang elemento na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng pulong? Pagsasanay 2: Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
    1. Paano nakatutulong ang forum, pulong, simposyum at small group discussion sa paglutas ng mga suliraning panlipunan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag. (20 puntos)
    2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng kakayahang pangkomunikatibo sa pagsasagawa ng isang seminar, lektyur, worksyap at kumperensya? (20puntos) V. TANDAAN MO Tanging ang wika ang siyang makinarya o instrumento para sa pakikipag- ugnayan ng tao sa pakikipagkomunikasyon. Sa paggamit ng wika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon katulad ng forum, pulong, seminar, simposyum, lektyur, workshop, kumperensiya at small group discussion ay malayang nakapagpapahayag ng damdamin, opinyon, pananaw, at ideya ang mga tao na maaaring maging batis ng kaalaman na makatulong sa kanyang kapwa o sa lipunan. Maging matagumpay ang alinmang sitwasyong pangkomunikasyon kung magkaroon nang paghahanda, maayos na daloy at masunod ang itinakdang panuntunan. Ang anumang tinalakay sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon ay maaaring maging batayan sa pagsagawa ng pananaliksik o pag-aaral. VI. PAHALAGAHAN MO Gawain 1 Gamit ang internet forum (google meet, messenger or zoom), magsagawa ng 5-7 minutong pagtalakay sa isang napapanahong paksa. I-record (screen recorder) o

Manood ng video sa alinmang sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino, suriin ang nilalaman batay sa mga dapat isaalang-alang sa pakikipagkomunikasyon ni Dell Hymes. Isulat o i-encode sa short coupon bond ang iyong sagot. Narito ang mga mungkahing link o website: https://www.youtube.com/watch?v=Ib_LV9q_kBM (Meeting of the Committee on Good Government and Public Accountability) https://www.youtube.com/watch?v=TbHKb9VMYoU (#PingSays: Kapihan sa Senado Forum) https://www.youtube.com/watch?v=Qpd7RbAsfJw (NTVL:Kauna-unahang pulong ng Duterte cabinet) https://www.youtube.com/user/SenatePhilippines/videos Narito ang pormat sa gagawing pagsusuri. PANGALAN: ________________________________________________ KURSO: _____________ PORMAT SA PAGSUSURI Pamagat ng video: _______________________________________________________________ Website kung saan ito napanood: __________________________________________________ Uri ng Sitwasyong Pangkomunikasyon: ______________________________________________ Paksang Tinalakay: ______________________________________________________________ Paano Nagsimula ang Talakayan: ___________________________________________________ Paano Nagwakas ang Talakayan: ___________________________________________________ Pagsusuri sa Daloy ng Talakayan Suriin at talakayin kung alin sa mga dapat isaalang-alang sa pakikipagkomunikasyon ayon kay Dell Hymes ang hindi naisaalang-alang? Bakit hindi ito naisaalang-alang? (Unang talata) Alin naman ang naisaalang-alang (speaking)? Bakit mo nasabing ito ay naisaalang-alang? (Ikalawang talata) Magbigay ng rekomendasyon upang maging mabisa ang isang talakayan tulad ng iyong napanood. (ikatlong talata)