APELYIDO PANGALAN M.I.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 1
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG DAGUPAN
Tapuac, Lungsod ng Dagupan
UNANG MARKAHAN
SULATING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 BLG. 1
P.T. 2021-2022
Baitang at Pangkat: _________________ Petsa: _________ Iskor: ______ Lagda ng Magulang: ________
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Itiman ang bilog sa ilalim ng tamang sagot.
(50 points)
1. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at
pagpapasiya.
B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaannito ang kaniyang
nauunawaan.
C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikularna mga bagay.
D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
2. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin
3. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralinang mga anak.
C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa
Diyos at mabuhay sa lipunan.
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa
pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
4. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng
kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao
ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
5. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay_____________________.
A. bukod tangi at hindi nauulit. B. binubuo ng material at ispiritwal na kalikasan
C. may kakayahang pangkaalaman at pagkagusto D. obra maestro ng Diyos.
6. Ang tao at hayop ay pareho sa pandama, pagkagusto at pagkilos ayon kay Manuel Dy.
Nangangahulugan na ang tao at hayop ay:
A. pareho ang nararamdaman B. magkasing-taas ng lebel o antas
C. may mga aspekto na pare-pareho D. lahat ng nabanggit
7. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang
tama ang kaniyang kalayaan.
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at
masama sa kaniyang isip.
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
D. Lahat ng nabanggit
8. Ito ang pinagbabatayan sa mga batas sa mundo.
A. Batas ng Diyos B. Batas ng tao C. Batas ng kalikasan D. Lahat ng nabanggit
9. Kapag binigyan tayo ng pagsubok ng Panginoon, dapat tayong:
A. Lumapit sa kaniya sa panalangin B. Maging tatag at haraping mag-isa ito
C. Malibang upang makalimot D. Maging malungkot upang kaawaan tayo
DCNHSJHS-004-ESP-022
SY 2021-2022