


Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
It was a essay about the dekada 70
Typology: Essays (high school)
1 / 4
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!



By Mary Vanessa D. Castillo I. BUOD Ipinakita ng pelikulang pinamagatang, "Dekada '70" kung ano ang itinamo ng sambayanang Pilipino sa panahong binalot ng kasakiman at kahirapan ang ating bansa. Isinalaysay dito kung paano nakibaka ang isang pamilya sa panahon ng Batas Militar. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus at ang walanganu-anong pagdakip at pagpatay sa mga kaaway ng gobyerno. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Lahat ito ay nasaksihan ng pamilya Bartolome. Bilang parte ng gitnang antas ng lipunan, si Julian Bartolome at ang kanyang maybahay na si Amanda, ay itinaguyod ang kanilang limang anak na sina Jules, Gani, Eman, Jason at Bingo. Ang buhay ng kanilang mga anak ay nagtungo sa iba't ibang direksyon. Si Jules, ang panganay sa magkakapatid, ay maagang namulat sa katotohanan na nangyayari sa kanyang lipunan. Inilaan niya ang kanyang kabataan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga organisasyong pang-nasyonalismo. Itinago niya ito sa kanyang pamilya ngunit kalaunan ay nadiskubre rin ito ng kanyang ina. Pinili ni Jules ang pakikibaka at sumama sa New People's Army. At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sa kabilang banda, si Eman, ay naging katulong ni Jules sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng pagsiwalat ng mga maling gawain ng gobyerno. Si Isagani naman ay nagpasyang maglingkod sa US navy, dahilan kung bakit sila nagtalo ng kanyang nakakatandag kapatid. Ang pang-apat sa magkakapatid ay si Jason. Isa siyang simpleng binata na walang ginawa kung hindi ay magbigay ng lambing at saya sa kanyang pamilya, lalo na sa mga panahong baon sila sa kalungkutan. Ngunit sa di- inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng prisinto dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Nasaksihan ito lahat ng pinakabatang parte ng pamilya Bartolome na si Benjamin. Sa murang edad pa lamang ay natunghayan niya na ang trahedya na dulot ng maling pamamahala noong panahon ng Martial Law. Umikot ang istorya sa paghahanap ni Amanda ng kanyang sariling pagkakakilanlan bilang isang babae sa lipunan.
"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo, sila'y walang pananagutan sa inyo!" Sa Dekada '70, mababakas ang paglaganap ng kawalan ng katarungan at karahasan sa ating bansa noong panahon ng Batas Militar. Natunghayan ang kalupitan ng ideya ng rehimeng Marcos, na nagbigay daan upang mas magkaroon ng malinaw, kritikal at radikal na pag-iisip ang mga mamamayan. Naging maganda ang daloy ng istorya dahil nakasentro ito sa pagpapakita ng kalagayan ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino. Sa unang parte pa lamang ng pelikula ay natunghayan na ang mababang pagtingin sa mga kababaihan. Hindi nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho si Amanda dahil tutol dito ang kanyang asawa. Hindi nakita ni Julian na gusto niya lamang magkaroon ng sariling papel sa lipunan. Ipinakita rito na kahit noon pa man ay hindi na pantay ang tingin sa babae at lalaki. Sabi nga ni Julian, " Sa mundong ito, ang mga babae ay parang mga dahong natutuyo sa sanga sa kakahintay sa ngiti at pansin naming mga lalaki. Hanggang sa maawa kaming isali kayo sa ligaya at luwalhati ng mundong ibabaw. Wala kayong magagawa, iyan ang batas. It's a men's world !" Masakit isipin na hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga taong naniniwala sa kaisipang ito. Dapat ay baguhin natin ang maling pananaw sa kababaihan at magkaroon ng pantay na pagtingin sa bawat tao, kahit ano pa man ang kanilang kasarian, edad, lahi at prinsipyo sa buhay. Nagustuhan ko ang istorya ng pelikula dahil tungkol ito sa isa sa pinakaimportanteng parte ng ating historya- ang panahon ng Martial Law. Pagpatay ang naging pangunahing bisyo ng mga opisyal ng militar noong panahong ito. Si Willy, kaibigan ni Jules sa kapatiran, ang isa sa naging biktima ng kadungisan ng kapulisan. Siya ay pinahirapan at tinorture hanggang sa siya ay namatay. Nabasa ko sa aking pagsasaliksik na madalas ginagamit ang salitang “salvage” sa panahon ng Bagong Lipunan ni Marcos. Ito ay nangangahulugang "to save” o “to rescue”. Ngunit iba ang naging kalabasan kung paano ipinataw ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. “They saved the regime’s critics and opponents – by killing them.” Sa ilalim ng batas militar, ipinatupad ang curfew mula hatinggabi hanggang alas-kwatro ng umaga. Ipinagbawal ang mga demonstrasyon, ipinasara ang ilang diyaryo at mga himpilan ng telebisyon at radyo, isa-isang
Ang katangian na ipinakita ni Jules ay isang magandang halimbawa upang tayo ay mas maging kritikal sa pag-iisip at mas mangeelam sa mga isyu sa ating lipunan. Bawat mamamayan ay mahalaga at may parte sa bansa. Ang pagbabago ay dapat magsimula sa atin. Tingnan natin ang ating sarili bilang isang " stakeholder " ng bansang ito. Natutunan ko rin na hindi dapat tayo nagiging parte ng baluktot na sistema ng Pilipinas. Kung alam natin na mayroong mali, huwag tayong matakot na tumayo at ipaglaban ang ating karapatan. Naipamalas ni Jules at Eman ang tapang at paninindigan na kahit sa murang edad pa lamang ay mayroon na tayong magagawa para sa ating bansa. Hindi natatapos sa Dekada '70 ang laban ng mga Pilipino. Patuloy tayong tumayo at manindigan para sa ikauunlad ng bayan. Mabuhay ang bansang Pilipinas! III. REFERENCES Almario, M. (2018). Lessons from martial law. [online] Opinion.inquirer.net. Available at: https://opinion.inquirer.net/37112/lessons-from-martial- law [Accessed 12 Dec. 2018]. Answers.com. (2018). Buod ng nobelang Dekada 70 ni Lualhati Bautista. [online] Available at: http://www.answers.com/Q/Buod_ng_nobelang_Dekada_70_ni_Lualhati _Bautista [Accessed 12 Dec. 2018]. Reymarktabornalbsit4a.blogspot.com. (2018). DEKADA 70 MOVIE REVIEW