Feasibility Study Example, Study Guides, Projects, Research of Agricultural economics

This is a feasibility study that we were required to make in our Senior High School years. I hope this helps

Typology: Study Guides, Projects, Research

2020/2021

Uploaded on 04/04/2021

johanna-corral-1
johanna-corral-1 🇵🇭

4.5

(10)

2 documents

1 / 9

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
Mercedes B. Peralta Senior High School
Guinlajon, Sorsogon City
Filipino sa Piling Larang
Feasibility Study
THE MUSHROOM FARM
Johanna Corral
Royet Lasala
Melvin Laceda
Anelyn Jarabejo
Melven Sicad
Jomerson Jerrera
Mary Ann Torren
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9

Partial preview of the text

Download Feasibility Study Example and more Study Guides, Projects, Research Agricultural economics in PDF only on Docsity!

Mercedes B. Peralta Senior High School

Guinlajon, Sorsogon City

Filipino sa Piling Larang

Feasibility Study

THE MUSHROOM FARM

Johanna Corral

Royet Lasala

Melvin Laceda

Anelyn Jarabejo

Melven Sicad

Jomerson Jerrera

Mary Ann Torren

TALAAN NG NILALAMAN:

1. PANGKALAHATANG LAGOM (EXECUTIVE SUMMARY)........................................................... 3

2. PAGLALARAWAN SA NEGOSYO.............................................................................................. 4

3. KAKAILANGANING TEKNIKAL NA KAGAMITAN...................................................................... 5

4. MARKETPLACE

5. ESTRATIHIYA SA PAGBEBENTA

6. MGA TAONG MAY GAMPANIN

7. ISKEDYUL................................................................................................................................. 7

8. PROJECTION SA PANANALAPI AT KITA................................................................................... 8

9. REKOMENDASYON................................................................................................................ 10

2. PAGLALARAWAN SA NEGOSYO

Ang negosyong iminumungkahing itayo ay papangalanang Garden Arteria: The

Mushroom Farm. Ang negosyong ito ay isang lugar pasyalan na kung saan maaaring

pumunta ang sinumang nagnanais na makita ang proseso ng pagtatanim ng kabute mula sa

pinaka unang hakbang (paggawa ng spawn ) hanggang sa pag-ani nito. Bukod pa rito ay

maaaring subukan ng mga kustomer ang iba’t-ibang bahagi ng proseso bilang isang

karanasan sa pagpunta rito. Hindi lamang ang mismong kabute ang atraksiyon kundi ang

buong farm sapagkat ito ay may disenyo na magpapakita ng kagandahan ng agrikultura at

ng kalikasan. Isa rin sa ninanais na maging panghikayat sa mga tao ay ang kainan sa loob ng

Garden Arteria. Dito ay ihahain ang sari-saring putahe na tampok ang kabute bilang

pangunahing sahog sa mga lutuin.

Ang lugar na nais pagtayuan ng nasabing negosyo ay malapit sa isang maunlad na

lungsod at malapit din sa malagong kagubatan sa paanan ng bundok na siyang lubos na

magbibigay ng benepisyo rito. Hindi magiging mahirap ang paghahanap ng mga posibleng

tagatangkilik dahil sa ang lugar ay malapit sa sentro ng lungsod ng Sorsogon at mayroong

maayos na kalsada para sa transportasyon papunta rito. Naging benepisyo din ang

topograpiya ng lugar sapagkat ito’y nasa paanan ng bundok kung saan ay hindi magiging

mahirap ang paggawa at pag-aayos sa lugar upang ito ay magmukhang agrikultural.

Kabilang dito ang nasasakupang ilog ng lupang nais pagtayuan ng Garden Arteria na siyang

lubos na magbibigay ideya sa mga tao na ito ay isang lugar na magpapakita ng ganda ng

likas na yaman.

Napagdesisyunan din na ang mushroom o kabute ang gawing pokus ng farm na ito sa

kadahilanang ito ay nagiging popular palang sa mga simpleng mamamayan ng lungsod

bilang pagkain. Sa kabila ng hindi pagiging masyadong popular nito sa karamihan ay tila

nakakaagaw ito ng pansin at interes sa kung ano nga ba ang itsura nito sa pagtanim

gayundin sa pag-ani at kung ano ang lasa nito sa mga pagkain.

3. KAKAILANGANING TEKNIKAL NA KAGAMITAN

Isang malaking negosyo ang pagtatayo ng isang farm at napakaraming teknikal na

kagamitan ang kakailanganin mula sa pagtatayo nito hanggang sa ito ay maging bukas na sa

mga customer. Kakailanganin namin ang mga sumusunod:

Mushroom Bed Area

 Metal frame ng mushroom bed

Substrate o taniman ng kabute

Kainan at Multi-purpose Hall

 Kagamitan sa pagluto ( gas stove , mga paglulutuan katulad ng kaserola, kaldero, kawali

atbp)

 Kagamitan sa hapagkainan (plato, kutsara, tinidor, baso atbp)

Furniture katulad ng mesa, upuan at mga kabinet

 Gagamitin para sa pagdidisenyo

Ilog paliguan at fish pond

Furniture katulad ng upuan at mesa

 Mga halaman at kagamitan sa pagdidisenyo sa lugar

Shower

 Mga kagamitan sa pag-aalaga ng mga isda

 Mga kagamitan sa pangingisda

Mush-Room Trivia and Art Gallery Area

 Mga larawan at babasahing may kinalaman sa mga kabute

 Mga bagay na may kinalaman sa sining at kalikasan

 Mga kagamitan sa pagdisenyo

Mushroom Shop

Planting spawn na ibebenta

 Mga kagamitan sa loob ng tindahan

6. MGA TAONG MAY GAMPANIN

Sa negosyong ito ay mayroong mga taong magkakasosyo na tulong-tulong sa pagpapalago

ng Garden Arteria: The Mushroom Farm na siyang may kanya-kanyang gawain:

 Royet Lasala- Punong tagapangasiwa sa pangkalahatan ng negosyo. Responsibilidad

niya ang pagrebyu at pag-apruba sa anumang aktibidad sa loob ng negosyo bago

ito maaaring maisagawa o maipatupad.

 Melvin Laceda- Tagapangasiwa sa sektor ng marketing and advertising. Sakop niya ang

paggawa ng estratehiya upang maipakilala ang negosyo.

 Johanna Corral- Tagapangasiwa sa pagdidisenyo sa lahat ng sakop ng negosyo. Kabilang

sa kanyang gawain ang pagpapaganda ng farm gamit ang masining na pagdidisenyo

na may kinalaman sa agrikultura.

 Melven Sicad- Tagapangasiwa sa lahat ng aktibidad sa loob ng negosyo na may

kinalaman sa mushroom production. Kanya ring gawain ang pagturo at paggabay sa

mga kustomer na nais sumubok sa aktibidad sa proseso ng pagproduce ng

kabute.

 Anelyn Jarabejo- Tagapangasiwa sa pagbubudget ng pera ng negosyo. Kabilang din sa

kanyang gawain ang pamimili ng mga kailangan sa negosyo at pagsisiguro na

walang nasasayang na pera.

 Jomerson Jerrera- Tagapangasiwa ng kaligtasan at kaayusan sa loob ng farm. Tungkulin

niyang panatilihin ang kaayusan gayundin ang kaligtasan ng lahat ng tao maging

empleyado man o kustomer sa lahat ng sakop ng lugar ng negosyo.

 Mary Ann Torren- Tagapangasiwa sa loob ng kainan. Kanyang sakop ang kalinisan at

kalidad ng pagkain sa loob ng farm.

7. ISKEDYUL

Nais namin na buksan sa mga mamamayan ang aming negosyo sa ika-15 ng Abril taong

  1. Bago pa man ang araw na iyon ay magkakaroon kami ng soft-opening o tila pasilip sa

mga kustomer at pagsubok na rin namin sa operasyon ng negosyo.

8. PROJECTION SA PANANALAPI AT KITA

*Php

Initial na taon 2021 2022 2023 Total

Lupa at

establisyemento

-5 hectares lot

-kainan, stock room,

gallery room, hiwalay na

palikuran, shower room,

mushroom shop

3,000 000.

1,500 000.

35,000.

( maintenance)

35,000.

( maintenance)

35,000.

( maintenance)

  • 4,605,000.

Spawn ng kabute

5,000.00 5,000.00 5,000.00 5,000.00 20,000.

Mga gamit na materyal

  • furnitures, art

designs,appliances ,gamit

pangkusina

500,000.00 35,000.

( maintenance)

35,000.

( maintenance)

35,000.

( maintenance)

570,000.

Legal requirements

100,000.00 - - - 100,000.

Utilities o mga

konsumo

(tubig, kuryente)

20,000.

( estimated -

kada buwan)

240,000.00 240,000.00 240,000.00 720,000.

Sahod sa mga

empleyado

120,

(estimated-

kada buwan)

1,440,000.00 1,440,000.00 1,440,000.00 5,760,000.

Marketing at

advertisement

5,000.00 5,000.00 5,000.00 5,000.00 20,000.

Restawran/kainan

75,000,

(bawat buwan sa

pagluto)

900,000.00 900,000.00 900,000.00 3,600,000.

Mushroom Shop

1,000.

(bawat buwan)

12,000.00 12,000.00 12,000.00 48,000.

(Kabuuang kapital

sa initial na taon)

7,272,000.

95,918,000.