Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Filipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 ScriptsFilipino Grade 9 Scripts
Typology: Essays (high school)
1 / 14
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE RADIO-BASED INSTRUCTION Petsa: Setyembre 29, 2021 Learning Area: FILIPINO BAITANG 9 Episode: 3 MELC: F9PS-Ia-b-41 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa, Mga tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, Estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa Paksang Aralin: Ang Kuwentong Makabanghay at Pagsusuri sa Maikling Kuwento Length: 25 minuto Scripwriter: JOSEPH ARGEL G. GALANG Sanggunian: Ikalawang Edisyon – Pinagyamang Pluma Baitang 9 Ailene G. Baisa-Julian et.al. Time Technical Instructions SPIEL BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID On Camera Magandang araw Tarlac, Magandang araw mga Kapantas! Sumasainyo ang Aral Tarlakhenyo mula sa RTV Tarlac Channel 26. At sabayang naririnig sa DZTC 828 Radyo Pilipino Tarlac at napapanood sa Converge Channel 100. Ako si MA’AM ZENNIA ang inyong Titser Brodkaster para sa Filipino 9. Ako ay inyong naririnig at napapanood mula sa Gerona, Tarlac sa pamamagitan ng Remote-Live Broadcast. Show Power Point Slide# 2 Kumusta! Sa panibagong araw na ito tandaan ang tatlo S “Saglit Subalit Sulit” Saglit lamang ang dalawampu’t limang minutong talakayan subalit sulit naman ang inyong Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE matututuhan na may tatlong “T”, tumpak, tiyak at tatatak”. 5secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera Handa ka na ba sa mga pagsasanay ngayong araw? Kung gayon ay pumwesto ka na sa isang komportableng lugar upang makinig at matuto. Sa nakaraang episode, isa sa mga tinalakay natin ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salita. Balikan natin ito. Show Power Point Slide# 4 Ang denotatibo ng isang salita ay ang literal na kahulugan nito na makikita sa diksiyonaryo. Samantala, ang konotatibo ng isang salita ay ang pansaloobing pahiwatig nito na inugnay pa sa iba pang kahulugan. Halimbawa. Kalapati. May scientific name ito na columba livia domestica, isang uri ng maamong ibon. Ito ang denotatibong kahulugan ng salitang kalapati. Ang kadalasan namang konotatibong pagpapakahulugan sa kalapati, partikular na sa puting kalapati, ay kapayapaan at pagkadalisay. Show Power Point Slide# 5 ( Suhestyon, maaaring palitan : Larawan ng 1. Puso 2. Salamin 3. Isda 4. Bulaklak) Subukin natin ang inyong natutuhan; subukang tukuyin sa mga larawan ang binibigyan ko ng denotatibong kahulugan: “Ito ay isang bahagi ng halaman para sa reproduksyon. Nagtataglay din ng Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE matitingkad na kulay.” Kung ang sagot ninyo ay bulaklak, tumpak ang inyong kasagutan. Sa parehong pagpipilian, tukuyin naman ang binibigyan ko ng konotatibong pagpapakahulugan: “Ito ay kadalasang sumisimbulo sa damdamin, partikular na ang pag-ibig.” Kung ang sagot ninyo ay puso, tama muli ang inyong kasagutan! Sumubok pa tayo ng isa. Show Power Point Slide# 6 ( Suhestyon, maaaring palitan : Larawan ng 1. Langgam 2. Krus 3. Lapis 4. Papel) Tukuyin gamit ang denotatibong kahulugan. “Ito ay isang kagamitan ginagamit sa pagmamarka at pagsusulat. Kadalasan itong gawa sa grapito at kahoy.” Tama ang inyong sagot kung ito ay lapis! Panghuli, isa pang konotatibo, “Nagpapahiwatig ito ng pananampalataya at ispiritwalidad. Mahalaga itong simbulo ng Kristiyanismo.” Ano ito? Kung ang sagot ninyo ay krus, napakahusay ninyong talaga! On Camera Bigyan naman ninyo ang iyong mga sarili ng masigabong palakpakan! Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Naging bahagi rin ng nakaraang talakayan ang mga paborito nating teleserye. Mahilig naman nga talaga tayong mga Pilipino at mga Asyano sa magagandang mga kuwento. Paborito nating manood ng Telenobela at Asyanobela… subalit, ano nga ba ang mga sangkap ng isang magandang kuwento? Iyan ang ating aalamin ngayong hapon. Magsusuri tayo ng banghay ng kuwento. 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera Bago tayo magsuri ng isang maikling kuwento, alamin muna natin ang mga bahagi nito. Ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari ay tinatawag na kuwentong makabanghay. Ano nga ba ang banghay? Show Power Point Slide# 8 Ang banghay ay ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela. Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis na galaw ng mga pangyayari. Tingnan ang representasyon ng karaniwang balangkas ng mga akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento: Show Power Point Slide# 9 Simulan natin sa Panimulang Pangyayari: Ito ay ilang talata ng pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at suliraning kahaharapin. Show Power Point Slide# 10 Papataas na Pangyayari : Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan. Show Power Point Slide# 11 Kasukdulan : Ito na ang pinakanakapananabik. Sa kasukdulan makikita ang inakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Show Power Point Slide# 12 Samantala sa Pababang Pangyayari : Matatamo ng pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin. Show Power Point Slide# 13 Huli, ang Resolusyon o Wakas : Kailangan ng isang kuwento ng isang makabuluhang wakas. 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera (^) Nakinig ba kayong mabuti? Mabuti nga at masubukan kayo. Makibahagi kayo sa comment section! Show Power Point Slide# 15 (Mga 20s paghihintay) Ayusin ang sumusunod ayon sa tamang pagkakasunod-sunod: Pababang Pangyayari Kasukdulan Panimulang Pangyayari Resolusyon Papataas na Pangyayari Tingnan nga natin kung nakuha ninyo ang tamang pagkakasunod-sunod ng isang banghay ng maikling kuwento. Ito ang tamang ayos: Panimulang Pangyayari Papataas na Pangyayari Kasukdulan Pababang Pangyayari Resolusyon Tama ba kayo? Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong kahusayan! Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera Dahil alam na natin ang banghay ng maikling kuwento, masusuri na natin ang banghay ng ating natalakay nang kuwento, ang “Tahanan ng Isang Sugarol”. Bago iyan, talakayin na natin ang tatlo pang dapat suriin sa isang kuwento. Show Power Point Slide# 17 Una at napakahalaga, ang mga tauhan. Upang masuri ang mga tauhan, kailangan natin silang isa-isahin. Mamaya ay magbabasa ako ng maikling kuwento para sa inyo, kaya makinig kayo nang mabuti, upang matukoy ninyo ang mga tauhan. Epektibo ang kuwento kung gagamit ng iba’t ibang klase ng tauhan. May dalawang kilalang pagsasauri ng mga tauhan: protagonista at antagonista. Kapag sinabing protagonista , sila ang tinatawag nating “bida” o “bayani” o kadalasang pinag-iikutan ng kuwento. Kadalasan ding nagpapakita ng kabutihan, o siyang nagkakaroon ng suliranin. Samantala, meron ding antagonista, mga tauhang kontra sa layunin ng protagonista. Show Power Point Slide# 18 Meron ding tinatawag na tauhang lapad at bilog. Ang tauhang lapad ay hindi nakatatanggap ng aral o walang pagbabagong naganap sa sarili. Samantala, ang tauhang bilog ay may pagbabagong naganap sa sarili, tulad ng pagkatuto ng isang aral, o pagbabago ng ugali at pagkatao. Show Power Point Ikalawang dapat masuri sa isang kuwento ay paksa. Tumutukoy ito sa kung saan patungkol ang kuwento. Maaari itong ukol sa pagkukuwento ng karanasan ng tao, Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Slide# 19 hiraya o imahinasyon ng manunulat, o dahil may layunin o aral na nais ipahiwatig ang may-akda. Ang ikatlo ay alam na dapat ninyo kung nakikinig kayong mabuti kanina. Ang ikatlong dapat masuri ay ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mahalaga ang banghay ng kuwento sa pag-unawa rito. Nakatutulong din ito upang magkaroon ng papataas at pababa na takbo ng emosyon. Subalit, kung hindi ito nasundan ng manunulat, maaari siyang may dahilan at nagamit ito sa kuwento. Dito na papasok ang panghuling dapat masuri, estilo sa pagsulat ng awtor. Ito ang paraan kung paano inaayos ng manunulat ang kaniyang mga salita upang magpahiwatig ng ideya. Ito ang pangunahing istrumento ng manunulat para magkaroon ng kapanabikan at kagandahan ang akda. 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT Show Power Point Slide# 20 Ngayon naman, kailangan ninyong makinig nang mabuti sa akdang aking babasahin. Ito ay pinamagatang NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN ni Dr. Romulo N. Peralta. Isa itong kuwento ukol sa isang bunsong anak na napilitang tanggapin ang responsibilidad para sa kaniyang matandang ama. Hindi niya alam, may napakahalagang aral na ituturo sa kaniya ang matandang ama. Tunghayan na natin. Show Power Point Slide# 21
Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Show Power Point Slide# 22 Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Show Power Point Slide# 23 Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Show Power Point Slide# 24 Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” Show Power Point Slide# 25 Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama. Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Show Power Point Slide# 26 “Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian. “Wala po, Dad.” Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. Show Power Point Slide# 27 “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.” Show Power Point Slide# 28 Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na. ### 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE On Camera Nakinig ba kayong mabuti? Kung tama ako na nakinig kayo nang mabuti sa aking kuwento, SUBUKIN NA NATING suriin ang ating kuwento. Maaari kayong makibahagi sa comment section. Show Power Point Slide# 30 Sino-sino ang mga tauhan ng kuwentong ‘Nang Minsang Naligaw si Adrian’? Sino ang pangunahing protagonista? Mayroon bang antagonista? Ang pangunahing protagonista ba ay bilog o lapad? (Magbigay ng 10s paghihintay bago ipakita ang sagot). Tama kayo, dalawa lamang ang mga tauhan nagkaroon ng interaksyon sa kuwento. Si Adrian at ang kaniyang ama. Ang pangunahing protagonista ay si Adrian. Walang makikitang antagonista sa kuwento. Maituturing na bilog na tauhan si Adrian dahil nakatanggap siya ng aral mula sa karanasan at sa kaniyang ama. Show Power Point Slide# 31 Ano ang paksa ng kuwento? Ano ang layunin nito? (Magbigay ng 5s paghihintay bago ipakita ang sagot). Kung ang sagot ninyo ay pagmamahal ng o sa magulang, tama muli kayo! Ang layunin ng manunulat para sa paksang ito ay makapagbigay ng aral. May maayos bang banghay ang kuwento?(Magbigay ng 5s paghihintay bago Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE ipakita ang sagot). Tama, sinunod ng may-akda ang pangunahing banghay ng isang kuwento. Naging mabisa ito dahil madali natin naunawaan ang takbo ng kuwento sa pamamagitan nito. Show Power Point Slide# 32 Narito ang buod ng kuwento batay sa banghay nito: Panimulang Pangyayari – Si Adrian ay bunsong anak na nakapagtapos ng medisina at may hangaring makapag-ibang bansa gaya ng kaniyang mga kapatid. Papataas na Pangyayari – Subalit nang namatay ang kanilang ina, napunta sa kaniya ang responsibilidad na alagaan ang kanilang amang may-sakit. Show Power Point Slide# 33 Kasukdulan – Naisip ni Adrian na pabayaan sa isang kagubatan. Maluha-luha niyang pinasan ang kaniyang ama. Pababang Pangyayari – Napansin ni Adrian na nagpuputol at naglalaglag ng sanga ang kaniyang ama sa kanilang dinaanan. Resolusyon – Ginawa pala iyon nang ama upang di maligaw si Adrian pabalik. Labis na nakonsensya si Adrian at inuwi ang ama. Napagtanto niyang kahit napakasama ng kaniyang binabalak, hindi nito mapagtatakpan ang pagmamahal sa kaniya ng kaniyang mapagpatawad na ama. Show Power Point Slide# 34 Suriin naman natin ang estilo ng manunulat. Sa bahaging ito, wala tayong masasabing pinakatumpak na sagot, dahil magiging subjective o pansarili ang inyong sagot. Sumagot pa rin tayo nang naaayon sa wastong kritisismo; magbahagi kayo sa comment section! Narito ang mga katanungan: Bakit kaya naisipan ng may-akda na iligaw ni Adrian ang ama sa kagubatan? Pinakita ba sa kuwento na napakasama ni Adrian? Naging Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE epektibo ba ang emosyon ng ama at ni Adrian sa kuwento? (Magbigay ng 10s paghihintay bago ipakita ang hinuha). Show Power Point Slide# 35 Napakahusay ninyo kung kayo ang nakibahagi sa ating talakayan. Narito ang hinuha ko sa mga katanungang nabanggit. Sa aking palagay, kailangan din nating tingnan ang profesyon ni Adrian. Si Adrian ay isang doktor, subalit sa halip na tulungan sa pagpapagamot ang ama, ang naisipan niya ay pabayaan lamang ang ama. Pinapakita sa kuwento ang desperasyon ni Adrian dahil sa binabalak na pagligaw. Hinuha ko naman kung bakit gubat ay dahil napakahalaga ng eksenang naglalaglag ng sanga ang ama para sa kabuuan ng kuwento. Naipakita naman sa kuwento na hindi naman tuluyang walang konsensya si Adrian. Masakit pa rin sa kaniya ang napiling paraan; ipinakita na lumuluha rin si Adrian. Sa katunayan, ang emosyon ni Adrian at ang pagpaparaya ng ama ay nagbigay ng kulay sa kuwento. Epektibo ang paglalarawan ng manunulat ng mga emosyon upang maihatid nang wasto ang damdamin at aral ng kuwento. 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera Napakahusay ninyo sa ating talakayan ngayong hapon. Balikan natin ang mga natutuhan natin. May apat na pangunahing dapat masuri sa isang maikling kuwento: tauhan, paksa, Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE banghay at estilo ng manunulat. Ang tinalakay natin na ‘Tahanan ng Isang Sugarol’ at ‘Nang Minsang Maligaw si Adrian’ ay mga kuwentong makabanghay. Ang banghay ay binubuo ng: panimulang pangyayari, papataas na pangyayari, kasukdulan, pababang pangyayari, resolusyon. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili sa napakahusay na pakikibahagi sa ating talakayan! 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera Bilang pagtatakda, nais kong suriin din ninyo ang kuwentong ‘Tahanan ng Isang Sugarol’. Isa-isahin ang mga tauhan at alamin ang kanilang uri. Tukuyin ninyo ang paksa at layunin nito. Ilapat ang natutuhan sa pag-unawa sa banghay nito. Suriin din kung naging epektibo ang estilo ng manunulat sa pagkakasulat nito. 5 secs BIZ: MSC UP AND OUT On Camera At diyan nagtatapos ang talakayan natin ngayon. Nawa’y ang lahat ng aral na napulot ninyo ay maisagawa at maibahagi sa iba. Magkita-kita muli tayo sa susunod na talakayan. Muli, ako si MA’AM ZENNIA MAE SALVADOR ang inyong teacher broadcaster sa Filipino 9 at kay Ginoong JOSEPH ARGEL GALANG na siyang sumulat ng iskrip na ito na ipinagtibay ni Dr. Rolan D. Galamay, Dalubguro ng Corazon C. Aquino High School. Laging tandaan, “Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.” Ang pag-aaral nang mabuti ang susi sa ating magandang kinabukasan. Hanggang sa muli! -Sa kabuuang pagtatamo ng mga kasanayang pampagkatuto, ang iba pang mga gawain ay ibibigay at ipoproseso sa susunod na episode- Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-