Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Scripts for Filipino Grade 9 For Filipino SUbject ony for grade 9 students Use in impleenting RBI
Typology: Essays (high school)
1 / 14
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE RADIO-BASED INSTRUCTION Petsa:Oktubre 27, 2021 Learning Area: FILIPINO BAITANG 9 Episode: 10 MELC: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito (F9PT-Ig-h-43) Paksang Aralin: Makapaghihintay Ang Amerika (Dulang Pilipino) Ni Dionisio S. Salazar Length: 25 minuto Scripwriter: VERONICA J. RAMOS Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 102- Time Technical Instructions SPIEL BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID 00.00-58.07 On Camera Magandang araw Tarlac, Magandang araw mga Kapantas! Sumasainyo ang Aral Tarlakhenyo mula sa RTV Tarlac Channel 26. At sabayang naririnig sa DZTC 828 Radyo Pilipino Tarlac at napapanood sa Converge Channel 100 at sa livestream ng RTV Tarlac Channel 26. Ako si VERONICA RAMOS ang inyong Titser Brodkaster para sa Filipino 9. Ako ay inyong naririnig at napapanood mula rito sa Balayang, Victoria sa pamamagitan ng Remote-Live. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Kumusta kayo kabataang TarlakHenyo sa ikasiyam na baitang! Isa na namang makabuluhang talakayan ang magaganap sa oras na ito. Ating ipagpapatuloy ang ating paglalakbay sa mga aralin sa unang markahan ng ating asignatura sa Fiilpino 9. 58.07-1:00 BIZ: MSC UP AND OUT 1:00-1: On Camera Inaasahan ko na kayo ay nasa isang komportableng lugar at maayos na naririnig ang ating broadcast. Kaya ano pang hinihintay nyo, ihanda ang Learning Activity Sheets, Kompendiyum, lapis o ballpen, papel o kwaderno at samahan kaming itulay ang pagkatuto para sa batang TarlakHenyo. Sama-sama tayong magtutulungan para malampasan ang mga hamon sa panahong ito sa ating pagtuturo at pagkatuto. Halina’t matuto kasama ako ang inyong Filipino gurong broadcaster sa oras na ito. 1:46-1:49 BIZ: MSC UP AND OUT 1:49-2:02 Show Power Point Slide# 2 Umpisahan natin araw na ito sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga layunin para sa ating aralin ngayong araw. Una: Natatalakay ang buod ng nobelang Makapaghihintay ang Amerika. Ikalawa: Nasusuri ang mensahe ng nobelang tinalakay. Ikatlo: Naipaliliwanag ang bahagi ng nobela na nagpapakita ng mensahe nito na dapat isabuhay. 2:02-2:05 BIZ: MSC UP AND OUT 2:05-2:41 Show Power Point Bago tayo dumako sa ating panibagong paksa tayo muna ay magkakaroon ng isang gawain. Alam kong pamilyar na kayo sa gawaing ito. Ito ay ang “Four Pics One Word” Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Slide# 3 o ang paggamit ng apat na larawan na naglalarawan sa isang salita. Simple lamang ang inyong gagawin ibigay ang mga susing salita para sa ating aralin ngayong araw gamit ang apat na larawang tumutukoy dito. Maaari ninyong ibahagi ang inyong sagot sa ating chatbox para sa mga nakatutok sa ating livestream o isulat ito sa papel para sa mga tagapakinig sa ating himpilan at nasa iba pang platform. Handa na ba kayo? (PAUSE) Kung gayon ay simulan na natin. 2:41-2:44 BIZ: MSC UP AND OUT 2:44-2:57 Show Power Point Slide# 4 Mula sa apat na larawang nakikita ninyo, anong susing salita ang tinutukoy ng apat na larawan? 2:57-3:09 Show Power Point Slide# 5 Tama! Ito ay Dula. Batid kong lahat kayo ay pamilyar sa akdang pampanitikan na ito. Isa ito sa mga susing salita para sa ating talakayan ngayong araw. 3:09-3:12 BIZ: MSC UP AND OUT 3:12-3:20 Show Power Point Slide# 6 Ngayon ano naman ang susing salita na tinutukoy ng apat na larawan na inyong nakikita? 3:20-3:32 Show Power Point Slide# 7 Mahusay! Ito ay Amerika. Kung saan ang lugar na ito ay may malaking papel sa ating talakayan ngayong araw. 3:32-3:35 BIZ: MSC UP AND OUT 3:32-3:40 Show Power Point Slide# 8 Para sa huling set ng mga larawan, anong susing salita ang matutukoy natin dito. 3:40-3:47 Show Power Point Slide# 9 Muli ay tama ang inyong sagot mga kapantas. Ito ay AMA. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE 3:47-4:00 On Camera Ang tatlong susing salita na (dula, America at Ama) na ating natunghayan sa ating panimulang gawain ay may malaking papel sa ating talakayan ngayong araw.. 4:00-4:03 BIZ: MSC UP AND OUT 4:03-4:16 Show Power Point Slide# 10 Ngayong araw ay matutunghayan natin ang isang dula na mula sa Pilipinas na may pamagat na “Makapaghihintay ang Amerika” na isinulat ni Dionisio Salazar kung saan ito ay iikot sa pagdedesisyon ng isang ama para sa kaniyang pamilya. 4:16-4:19 BIZ: MSC UP AND OUT 4:19-6:45 Show Power Point Slide# 11 Bago natin talakayin ang dulang “Makapaghihintay ang Amerika” ay gawin natin ang isang gawain (Paghahawan ng mga Balakid) na makikita rin sa pahina 55 ng inyong kompendiyum. Ito ay makakatulong sa atin upang lubusang maunawaan ang akdang ating tatalakayin ngayon araw.. Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat sa journal/learning activity sheet ang inyong sagot o maaaring ibahagi ito sa ating chat box para sa mga nanunuod ng ating fb live.
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE 7:11-7:14 BIZ: MSC UP AND OUT 7:14:8:01 Show Power Point Slide# 13 Narito ang mga kasagutan sa ating gawain upang lubusan ninyong maunawaan ang kahulugan ng mga nakaitalisadong salita.
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Sa pagkakataong ito naman ay talakayin natin kung ano nga ba ang dula? Ang Pilipinas ay may mayamang panitikan. Isa sa patunay nito ang mayamang dulaan ng bansa. Ayon kay Aristotle ang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe. 9:16-9:19 BIZ: MSC UP AND OUT 9:19-10:57 Show Power Point Slide# 16 Sa araling ito’y isang dula mula sa Pilipinas ang ating tatalakayin. Ito ay mula sa panulat ni Dionisio S. Salazar na nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca noong 1968. Si Salazar ay isa sa mga manunulat na Pilipinong naghandog ng kanyang buhay at talento sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagtampok ng panitikan sa bansa. 10:57-11:00 BIZ: MSC UP AND OUT 11:00-11:18 Show Power Point Slide# 17 Ngayon ay simulan nating talakayin ang Dulang “Makapaghihintay ang Amerika”. Simulan natin sa pag-iisa-isa sa mga tauhan. Ligaya Abad Cortez, ang dalubguro Dr. Fidel Cortez, ang kanyang bana o asawa Nora marta, ina ni Fidel, naging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na Rosa at Boy, mga anak nina Fidel at Ligaya Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE 11:18-11:28 Show Power Point Slide# 18 Kasunod… Panahon: Kasalukuyan Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila 11:28-11:31 BIZ: MSC UP AND OUT 11:31-12:58 Show Power Point slide # 19 Ngayon ay sabay-sabay nating tunghayan ang buod ng dula. Si Fidel kasama ang kaniyang asawa na si Ligaya, mga anak na sina Rosa at Boy at ang kaniyang ina na si Lola Marta ay masayang naninirahan sa kanilang tahanan. Talaga namang makikita ang pagmamahalan nila sa bawat isa. 12:58-13:01 BIZ: MSC UP AND OUT 13:01-13:21 Show slide # 20 Gusto ni Fidel na makapagtrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng mas malaking ipon para makapagpatayo ng mas malaking bahay. Isa rin sa mga dahilan kaya gustong lumayo ni Fidel ay upang maiwasan ang mga tiwaling opisyal sa bansa. Sinabi rin niya na kung sa Pilipinas siya magtatrabaho ay hindi siya makapag-iipon. 13:21-13:24 BIZ: MSC UP AND OUT 13:24-14:12 Show slide # 21 Hindi sang-ayon ang kaniyang asawang si Ligaya sa plano niyang ito. Ayaw niyang malayo sa kaniya si Fidel dahil natatakot siya na baka makahanap ng iba ang kaniyang asawa. Ang buong pamilya ni Fidel maging ang kaniyang ina ay tutol sa kanyang plano na magtungo sa ibang bansa. 14:12-14:15 BIZ: MSC UP AND OUT 14:15-15:21 Show slide # 22 Habang kinukumbinsi siya na kanyang kabiyak na huwag ituloy ang kaniyang balak na pag-alis ay isang malakas na ingay ang pumukaw sa kanilang pag-uusap dahil Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE hinahabol sa labas ang isang magnanakaw saka ito nasundan ng putok ng baril. Mula rito binanggit ni Fidel na pasasaan ang buhay nila sa Pilipinas kung kabi-kabila ang krimen. 15:21-15:24 BIZ: MSC UP AND OUT 15:24-16:07 Show slide # 23 Bilang isang mabuting ama, ang iniisip lamang ni Fidel ay kung ano mas makabubuti para sa kanyang pamilya. Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Gusto niyang umalis sa bansa dahil alam niya na kung nasa Pilipinas siya ay hindi sapat ang kaniyang suweldo para sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya. 16:07-16:10 BIZ: MSC UP AND OUT 16:10-17:21 Show Power Point Slide# 24 Ganun pa man, mas nangibabaw pa rin ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya, lalo na nang ibalita sa kaniya ng asawang si Ligaya na nagdadalang tao siya. Dahil dito ay napagtanto ni Fidel na makapaghihintay na lamang ang Amerika sa kanya. 17:21-17:24 BIZ: MSC UP AND OUT 17:24-18:03 On Camera At ayon nga maikling buod ng ating dula ngayong araw. Nawa’y naging malinaw ito sa inyo. 18:03-18:06 BIZ: MSC UP AND OUT 18:08-18:23 Show slide # 25 Sa pagkakataong ito naman ay isa-isahin natin ang mga mahahalagang kaisipan na makikita sa akda. Una, matuto tayong magserbisyo sa ating bansa at ipagmalaki ang ating kultura bago tayo magsilbi sa ibang lupaing banyaga. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Ikalawa, Makinig sa mga miyembro ng ating pamilya. Sapagkat walang hangad ang ating pamilya kundi ang mapabuti ang ating kalagayan. Ikatlo, isipin ang mabuti at di mabuti na magiging epekto ng iyong desiyon kung ikaw ay malalayo sa iyong pamilya. 18:23-18:46 Show slide # 26 Ikaapat, Huwag magpadalos-dalos sa iyong desisyon. Mula sa akda ay ipinakita na kung ang ating desisyon ay hindi sinang-ayunan ng ating pamilya ay marapat lamang na pakaisiping mabuti dahil maaaring ito ay maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan. Panghuli, maraming Pilipino ang pumupunta sa ibang bansa hindi dahil sa mababang sahod kundi dahil sa maling pamamalakad ng ibang nasa katungkulan sa ating bansa na masasalamin sa kumpadre system o palakasan system na kung saan natatamo ng isang tao ang isang mataas na posisyon dahil sa pagiging malapit sa mga taong nasa itaas. 18:46-18:49 BIZ: MSC UP AND OUT 18:49-19:12 On Camera Kayo pa rin ay nakatutok sa ARAL TARLAKHENYO mula sa RTV Tarlac Channel 26 at sabayang naririnig sa DZTC 828 Radyo Pilipino Tarlac at tayo ay napapanood din sa fb live ng RTV Tarlac Channel 26 at Converge TV Channel 100. 19:12-19:15 BIZ: MSC UP AND OUT 19:15-19:56 Show slide # 27 Sa bahaging ito ay tunghayan natin ang ilang linya mula sa dulang tinalakay. Kinuha ko ang ilang linya ng ating mga tauhan sa dula na sina Ligaya, Boy at Rosa upang ihayag ang kabuuang mensahe ng dulang Makapaghihintay ang Amerika. Ligaya: “Tuwing mangingibang bansa ka aynagiging hungkag at tuyot ang buhay Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE naming mag-iina… kailangan nating subaybayan ang mga bata sa kanilang paglaki. Rosa: “Pa sa tingin ko, mas mahal mo pa ang trabaho kaysa sa amin.” Boy: “Kahit isang milyon ate, ayoko pa rin, kasi sabi ng lola at mommy masama raw yong masyadong matakaw sa pera diba? Sa mga linyang ito ng ating mga tauhan ay makikita natin kung ano ang nais iparating ng akda sa atin. Marami sa atin ang higit na pinahahalagahan ang salapi at ibang materyal na bagay kaysa sa kanyang sariling pamilya, marami ang subsob sa trabaho subalit wala ng oras para sa kaniyang mga anak at pamilya. Ito ang dapat nating baguhin batay sa akdang tinalakay natin ngayong araw mas higit dapat nating pahalagahan n gating pamilya kaysa ano pa mang bagay. 19:56-19:59 BIZ: MSC UP AND OUT 19:59-20:43 Show Power Point Slide# 28 Bilang pagpapatuloy ay nais kong subukin ang inyong pang-unawa sa ating tinalakay na dula. Magbibigay ako ng ilang katanungan ukol dito at maaari ninyong ibahagi ang inyong kasagutan sa ating chatbox habang nanonood sa ating livestream at para naman sa mga nakikinig sa ating istasyon sa radio at nanonood sa iba pang platform mangyaring isulat na lamang ang inyong kasagutan sa isang malinis na papel. Handa na ba kayo? (PAUSE) Kung gayon ay simulan na natin. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Narito ang mga katanungan. Babasahin ko ang bawat tanong ng dalawang beses.
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE namumuno sa bansa. Panghuli, dahil sa magandang balita na pagdadalantao ni Ligaya at dahil sa pagtuttol ng buong mag-anak nabago ang desisyon ni Fidel. 21:12-21:15 BIZ: MSC UP AND OUT 21:15-21:22 On Camera Napakahusay ninyong lahat mga kapantas! Nawa’y nagging malinaw sainyo ang ating dulang tinalakay ngayong araw. 21:22-21:25 BIZ: MSC UP AND OUT 21:25-21:43 Show Power Point Slide# 30 Sa pagkakataong ito, habang kayo ay nakatutok pa rin sa ating talakayan halina’t sabay-sabay tayong magmuni. Nais kong malaman ang inyong opinyon ukol sa isang napakahalagang paksa na makikita natin mula sa ating tinalakay na dula. Sa inyong palagay bilang kabataan, bakit mahalagang ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti hindi lamang para sa ating sarili kundi maging sa kalagayan ng ating Inang Bayan? 21:43-21:46 BIZ: MSC UP AND OUT 21:46-22:13 On Camera Tunay ngang marami tayong mga kababayan na piniling manirahan at magtrabaho sa ibang bayan o ibang bansa dahil na rin sa kahirapan subalit lagi sana nating tatandaan na kailangan rin tayo ng ating Inang Bayan. Kayat hinihikayat ko ang bawat isa sainyo na sa darating na panahon tayo ay manilbihan sa ating kapwa at paglingkuran ang ating bayan. Wala pa ring salapi ang hihigit sa pagtulong at pagsisilbi sa iyong kapwa Pilipino. 22:13-22:16 BIZ: MSC UP AND OUT 22:16-22:47 Show Power Point Slide# 31 At para sa aking pabaong gawain sa inyo ngayong araw, mangyaring sagutan ang Gawain G Paglalapat ng aralin sa Pang-araw-araw ng buhay sa pahina 58 ng kompendyum. Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE Kung saan, Maraming magagandang bahagi ang akdang iyong binasa, mula sa umpisa hanggang wakas. Ipakita ang iyong pagpapahalaga sa mga ito sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng ilang bahaging naibigan mo sa dula at saka ipaliwanag kung bakit mo nagustuhan ang nasabing bahagi. Isulat ang inyong kasagutan sa inyong journal or sa learning activity sheet depende sa panuntunan ng inyong guro sa Filipino. 22:47-22:50 BIZ: MSC UP AND OUT 22:50-23:02 On Camera Ang inyong mga kasagutan ay ipapasa sa susunod na pasahan at bigayan ng modyul depende sa iskedyul na itinakda ng inyong paaralan. Lagi nating tatandaan ang ating mga safety protocols kapag tayo ay kumukuha ng modyul katulad ng tamang pagsusuot ng facemask at face shield, physical distancing at paghuhugas ng kamay o sanitation. 23:02-23:21 Show Power Point Slide# 32 Para sa kabuuan ng ating aralin ngayong araw mayroon ba kayong mga katanungan? Ang mga katanungan ay maaari ninyong ipadala sa inyong guro sa Filipino upang mabigyang linaw ang mga ito. 23:21-23:24 BIZ: MSC UP AND OUT 23:21-25.00 On Camera At diyan nagtatapos ang talakayan natin ngayon. Nawa’y ang lahat ng aral na napulot ninyo ay maisagawa at maibahagi sa iba. Maraming salamat sa inyong partisipasyon mga Kapantas. Ikinagagalak kong nakasama kayo sa araw na ito. Naging masaya ang ating talakayan at naging produktibo sa mga pagsasanay na ginawa natin dahil sa inyo. Mabuhay ka, kabataang Tarlakenyo! Hatid sa inyo ng SHINE TARLAKENYO SA Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-
Department of Education REGION III SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE RADYO PILIPINO via DZTC 828 AM Radio at RTV Tarlac Channel 26. Muli, ako si MA’AM VERONICA ang inyong teacher broadcaster sa Filipino 9 na siya ring sumulat ng iskrip na ito na ipinagtibay ni Dr. Rolan D. Galamay, Dalubguro ng Corazon C. Aquino High School. Na nag-iiwan ng katagang mula sa akdang ating tinalakay na: “Ang pamilyang buo at ganap na nagmamahalan ay higit na mahalaga kaysa yamang materyal ng sanlibutan” Isang makabuluhang araw sa inyong lahat at hanggang sa muli, paalam! Address: Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City Telephone No.: (045) 982-